Author Topic: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!  (Read 78929 times)

karlita123

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #220 on: June 27, 2013, 06:49:57 am »
Mga sis hypothetical question lang: Why would an ex-bf who you were with for 2 and a half years and broke up with you still spend time and effort with a you (exgf) and has been going on for a year. When they started talking again after
the breakup kasi, the girl promised na she would change for the better, etc. So the guy gave her a second chance to prove she has changed. Would a guy waste his time, effort and money on a girl if he was not sure about her?
Thanks mga sis!

learivera

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #221 on: June 27, 2013, 10:45:12 am »
Sis bwiset12 mahirap talaga yang situation mo kasi may mga anak na kayong involved. Mas madali sana maka-move on kung mag-bf gf pa lang kayo and wala pang mga batang iniintindi.

Anyway, tama si sis j.adore, hindi na talaga maaayos ang ganyang relationship, what I mean is, di na talaga kayo magkakabalikan pa uli. At kung sakali ngang bumalik siya sa inyo, do not accept him anymore. I do believe in giving second chances pero sa case nyo kasi talagang tinuloy-tuloy na niya panloloko sa inyo. Mahirap na rin makisama sa ganun kasi imposible nang magtiwala ka pa sa kanya.

Focus ka sa mga anak nyo. Isipin mo na hindi sa inyo natatapos ang lahat kasi may mga batang umaasa sayo. Sayo na lang kasi mas pinili na nung guy yung ibang family niya. Masakit pero kailangan tanggapin. Moving on is the hardest part pero I know you can do it. And you MUST do it. For your and your children's sake. Tanggapin mo lang nang tanggapin ang monetary support dahil responsibilidad niya yun as the father of the kids pero find a job na rin. Wag na kayo umasa na continuous ang support dahil nga may iba nang family rin na umaasa sa kanya. Para pag dumating yung time na huminto ang pagbibigay niya, you can still provide for the needs of your family.

Earn on your own. Raise your kids. And be thankful na rin na may mga anak ka na makakasama sa pagtanda mo. And who knows, may iba pa palang lalaking destined for you. Do not lose hope. And always pray. Kaya mo yan girl!

learivera

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #222 on: June 27, 2013, 11:02:23 am »
Sis karlita123 you did not mention what's the reason of break-up. Anyway, if it was the girl's fault, yes perhaps he's giving her a second chance or the feeling's still there for her. The guy might be too hurt to accept her fully as a girlfriend again but can't lose her totally that's why he's still spending time with her.

But it could be for other reasons, like he might be gaining something from her (support or anything beneficial to him) and still can't live without it, or she could be someone the guy could play with until such time he finds a new one. You can't throw these possibilities away. But we hope the guy's not like that and the first chance is the real case.

karlita123

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #223 on: June 28, 2013, 06:50:20 am »
Thanks for the reply sis. Actually, it ws the guy who broke up with her kasi palagi niyang inaaway.
Tama, hopefully the guy isn't like that. But if the guy isn't like that (taking advantage of the ex), parang
mahal pa nga nya talaga si ex kasi one year nang ganyan. Maybe he's just testing if the girl has changed.

Nciel

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #224 on: June 29, 2013, 04:28:24 pm »
Ako i have a lasenggerong live in partner. Well, he's nice and have a stable job naman kaso pagnayaya na sya sa inuman talagang he'll choose alak over me and my son. Kahit anung iyak ko na wag na syang mag inom, direcho pa rin sya. I think masyado na kong naging
dependent sa kanya kaya di ko sya maiwan. Also i don't know where to go if layasan ko sya. 

bwiset12

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #225 on: June 29, 2013, 04:52:42 pm »

 thank you sis learivera..alam ko naman in time makaka move on din ako.di na rin ako umaasang magkakaayos pa kami at wala na rin akong balak na tanggapin pa sya. ayoko na ayang makita. magkakamatayan kami pag di sya nagsustento sa mga anak namin. ano sila sinswerte. nakakatawa lang din sila, dahil di nila maipagsigawan sa buong mundo kung anong meron sila ngayon.. guilty much..God knows kung anong ginawa nila samin, si God na bahala sa kanila. madami namang nagmamahal samin.. I don't wish them well..

littlemisspretty

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #226 on: July 01, 2013, 12:17:08 pm »
Thank God may ganitong thread dito, I can't a new thread kasi.. and i'm dying to seek for your advices and opinion..

I have a boyfriend, long distance relationship kami. but malapit nakami magkalapit..

As a girlfriend, what would you feel if your boyfriend messaged your pretty and sexy close friend in facebook? I actually knew about this through my cousin na ex nung friend ko.. Nandun na ako sa nangamusta siya, ok lang un. Pero [textspeak!] nag message pa si boyfriend dahil hindi nagrereply [textspeak!] girl, saying "bakit ka nagiisnob?" that's hello?! Dun ako kinabahan tlaga.. Should I let him know na alam ko?

And isa pa, ano mafifeel niyo kapag naglalike sya ng mga fan page ng sexy girls sa FB? Ouchy [textspeak!] sa part ko.. :((

Please tell me what to do.

PortiaLux

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #227 on: July 01, 2013, 01:33:45 pm »
Hi sis Nciel, ask ko lang, does your partner do crazy things when he's drunk? Like sinasaktan ka ba niya or yung anak mo? Or nagca-cause ba siya ng gulo sa inyo? You said kasi na he's nice naman and stable pa, so what made you decide to just leave him alone?

Pero sis, since sabi mo nga pinipili niya alak over you and your son, try talking to him kapag nasa katinuan siya. Tell him about your concerns and ask his priorities. If he really loves you, he'll surely listen. Kapag hindi pa rin siya nakinig sayo, at di mo na talaga siya kayang pakisamahan, don't just leave. Look for a job muna. So that kahit wala na kayo sa poder niya, you can still survive with your son.

PortiaLux

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #228 on: July 01, 2013, 01:55:28 pm »
Hi sis littlemisspretty!

First of all, breathe muna tayo. Inhaaaaale, exhaaaale. Inhaaaale, exhaaaale. (repeat until lumuwag nang konti yang nasa dibdib mo.)

Okay. You asked how would we feel if bf's doing something like that. First, we are gonna wonder, next, get worried, and yes, somehow feel betrayed agad. It's okay. It's completely natural for us to feel that way. But do not dwell on your immediate feelings too much.

I said it's natural, but that doesn't mean it holds the truth. The best thing to do is to talk to your bf. Walang ibang makakapag-explain ng totoong nangyayari kung hindi siya lang. Listen to him why he is doing that. Now, ikaw na lang ang bahala if you would believe his story. After all, ikaw ang nakakakilala sa kanya. Observe him. I'm sure alam mo naman if he's telling a lie, diba?

Kapag inamin niya na totoong nakikipag-flirt nga siya, at nangako nang di uulit, it's up to you if you'll give him a chance. Pero kung nalaman mo na ngang ganun pero pinaninindigan pa niya, or di kaya naulit na naman yung ganun, that's a different story na. Makinig ka sakin girl, he's not worth your love. Iwan mo na yan before it's too late.

Sa sexy girls fan pages naman, I think most guys do it talaga. I think iresolve nyo na muna yang issue niya with your pretty and sexy friend bago yang fan pages na yan. Wag patong-patong at baka maloka ka girl. Okay?


elishababy

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #229 on: July 11, 2013, 11:39:02 pm »
Sissss! Badly need your advices! Nababaliw na ako kakaisip. May bf kasi ako, may 4mos baby na kami. Ang isyu, bkit sya ganon, evrytime nagkkwntuhan kami lagi na lang sya may binabanggit na ex nya, kesyo si ex nyang si ganito si ganyan blah blah, eh hindi ko naman tinatanong. Lahat halos ng pag uusapan namin may binabanggit sya na isa sa mga naging ex nya. Tapos ayaw nya pumayag mag delete ng ex nya sa fb nya samantalang yung fb ko panay delete nya kahit di ko.ex, makita lang nya na mag like sa post ko ddlete na nya agad. Pag pinilit ko syang magdelete, pinag aawayan lang namin kaya hinahayaan ko na lang. Badtrip lang kasi like sya ng like ng pics ng mga ex nya at ng kung sinong maganda sa fb nya. Tapos everytime maliligo sya, dinadala pa nya fone nya sa cr, tinanong ko na sya, sabi nya nagbabasa lang daw sya so hinayaan ko lang kahit duda nko pra [textspeak!] wag n kmi mag away. Pag sakin.may nagtetext nauuna pa sya kumuha sa fone ko. Pag nainis ako, maiinis din sya hanggang sa mag aaway na kmi at pag sasalitaan nya ko ng hindi maganda, nagmumura sya at nanankit. :-( So ako, pag nagdududa ako or pag naiinis ako, sinasarili ko na lang kasi ayoko na makarinig ng kahit anong panget na salita sa kanya, kasi pag ganun nangyayari, binabalik ko rin sa kanya mga sinasabi nya tapos napipikon sya siguro kaya nakakapanakit sya. Nkakainis na. Dko na alam ggwin ko kasi kung sarili ko [textspeak!] iniisip ko, matagal ko na syang iniwan. Lahat ng mga binabawal nya sakin, sya nagagawa nya. Pag nasa mall kami.makasalubong lang ng maganda talagang kahit mlayo na lilingunin pa nya, samantalng pag sakin may tumitingin, sakin sya ngagalit. Hindi sa pgmmayabang pero hindi nman kasi ako panget. Naiinis ako kasi bakit ganito nangyayari. Ok nman kami dko lang talaga gusto mga ginagawa nya. Hindi nya nga siguro alam na masama loob ko ngayon. Takot kasi ako mag open dahil kilala ko n sya, ayoko ng masaktan. Nung wala pa kming baby, ok lang nman na gnun pa asta nya kasi ako rin nman kahit papano my nggwa rin ako. Gusto nya sya masunod lagi, bakit ganon! Ano dapat kong gawin kasi parang nawawala na yung love ko sa kanya. Tingin nyo mga sissies?

secretzzz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #230 on: July 12, 2013, 02:38:59 pm »
@elishababy

sa tingin ko kailangan mu siyang kausapin about sa lahat ng nararamdaman mo!! di puwedeng may problema sinasarili mo lang! hindi ka niya maiintindihan kung ganyan at gagawin niya lang lagi yun kasi akala niya ok lang sayo. huwag kang matakot kahit mag away pa kayo sabihin mo lahat ng nararamdaman mo!!! kung mahal ka niya talaga handa yan makinig sayo at magbago para sayo.

paramdam mo na hindi sa lahat ng pagkakataon mapagbibigyan mo siya. Dapat alam niyo pareho ang ayaw ng isa't isa para magkaintindihan kayo.

Pero timing timing din ahh!! kausapin mo siya yung ok kayo para di kayo magaway. mahinahon lang dpat....  :)
« Last Edit: July 12, 2013, 02:46:57 pm by secretzzz »

elishababy

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #231 on: July 12, 2013, 04:41:56 pm »
Thanks sis sa reply. Actually, lahat naman na yun napag usapan at napag awayan narin nmin. Yun nga kinakainis ko kasi bat walang nagbabago sa kanya. Pag kinakausap ko sya ng matino, halimbawa ask ko sya y late sya ng 4hrs sa pag uwi, sasabihin nya trafic daw, sasabihin ko naman, trafic lang 4hrs? Kaya ko nasasabing ganun kasi nkakaranas din naman ako ng trafic pero d abot ng 4hrs. Ayun hanggang sa magkapikunan na. Pag nagtaas na sya ng boses nya, pag sumagot pako, wala na, galit na galit na yun hanggang sa mananakit na. Ewan ko. Ako sa ngayon, parang wala na ko pake sa lahat ng gagawin nya, naaawa lang ako kay baby kaya nagtitiis tiis pako. Pero siguro pag napuno narin ako, baka umalis na lang kami dito ni baby. Nakakawalang gana.

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #232 on: July 12, 2013, 05:30:59 pm »
^I'm sorry sis pero obvious naman na yung solusyon sa problema mo.. Di ka ba naaawa sa sarili mo na sinasaktan ka? Anong kasiguruhan na di niya magagawa yun sa anak niyo?

Shadow Angel

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #233 on: July 14, 2013, 07:59:26 pm »
Eto ang hindi ko kaya itolerate ang may physical attack haller naman lalaki sila kahit ganaano ka slim ang guy mas malakas pa rin sa atin. You deserve better sis iwan mo na.

alessandra90

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #234 on: July 15, 2013, 02:32:03 am »
Hi po. I desperately need an expert advise from anyone here. I feel so alone and lost right now with no friends to share this burden with. :'( I feel so miserable and don't know what to do. As you see, I have a boyfriend and we've been together for 6 years now. He's a very good guy pero problema ko lang talaga sa kanya eh, he lacks the ability of conversation. Ako kasi kapag meron akong gustong pag usapan namen kahit maliit na bagay lang yan sinasabi ko talaga sa kanya. Sya naman, kapag di nya gusto ang issue na ireraise ko, nagagalit at dun na nagsisimula away namen. For me kasi, importantre yun sa isang relationship-ang how you communicate with your partner. Pero sa kabila ng lahat ng yun, super love ko pa rin. And then dumating yung time na nagresign sya sa company na pinagtatrabahuhan nya because of personal reasons. At first wala lang sa akin yun kasi naayos na rin nya finaly papers nya for abroad. He promised na pagkatapos nya ng mga requirements nya he'll look for a new job while waiting for the agency's go signal. and that's not until October of next year! So ngayon, ako lang muna ang nagtatrabaho. That was two months ago and now, tambay ang show ng mama. I'm working as a call center agent kaya medyo nakakaraos naman kami sa kinikita ko. Nalaman ko nalang in our previous conversation na ayaw syang pagtrabahuin ng papa nya kasi daw baka may makakiha pa ng pwesto nya at hindi matuloy ang abroad. Hindi ko maintindihan honestly kung bakit! I was really caught off guard at that. May trip kasi kaming matagal nang pinaplano kahit man lang before sya umalis ng bansa na hindi matuloy-tuloy at talagang hindi yun matutuloybkung ganitong ako lang ang kumikita. What I did was i tried to raise that issue to him calmly this morning. Having known him for too long, I tried to sound casual para hindi nya isiping nag nanag na naman ako. I asked him 'hindi ka na ba talaga maghahanap ng work mahal?' An then next thing I knew he was mad and irately yelling at me na hindi ko ba daw maintindihan papa nya and then narinig ko na lang simabi nya na 'kung nagsasawa ka nang kakagastos sa 'kin, maghanap ka nalang ng iba na mayaman at stable!'. This brought raging tears to my eyes at hindi ko napigilang mag yell back at him. How could he say that! Wala naman akong ibang ibig sabihin gusto ko lang naman makipag usap. Sabay walk nya out at umalis sabi nya uuei daw sya sa kanila. Wala akong nagawa. The nerve! Hinayaan ko na muna sya sa kanila hindi ako tumawag og text. Nang hindi ako makatiis i tried contacting him pero cannot be reached. I'm beginning to worry kasi hindi pa nagpapakita until now. Hindi ako makatulog. Matagal nang ganyan problema ko sa kanya. At first tome ito na hindi ko sya pinigilang umalis. Kasi I've had enough. I dunno kung sya o ako ba ang may problema. Now I'm miserable as hell. What should I do? :'( please enlighten me :'(

secretzzz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #235 on: July 15, 2013, 09:54:37 am »
@alessandra90

parehas kami ng bf mo e! hindi rin ako ma salita. base sa kwento mo mukang nasaktan mo yung bf mo sa sinabi mo. pero wala ka naman ibig sabihin dun sa sinabi mo e. un nga lang iba dating sa kanya. hayaan mo muna siya nagiicip din yun. siguro pag may pagkakataong mkapagusap kayo paliwanag mo nalang yung side mo. tsaka tama ka naman e. di naman puwede na akuin mo lahat, tpos lalake pa siya. hay naku. kailangan mabago ng bf mo yung ugali niya kasi pano maayos ang problema? paano kayo magkakaintindihan? dba? siyempre kailangan niyong pagusapan.  :)

kaya mo yan. Ingat!


@elishababy

Thanks bro dapat!! haha
Wag naman kayo magsakitan kailangan lang pagkakaintindihan. Pagusapan nyo ng maayos. Tsaka hindi puwedeng wala kang pake asawa mo yun e! Tanungin mo siya kung ano ba ang ikinagagalit niya sayo at tpos sabihin mo din kung ano sayo tpos pagusapan niyo kung paano maayos yun. kawawa naman yung baby.  :(

kaya mo yan. Ingat!

« Last Edit: July 15, 2013, 11:59:03 am by secretzzz »

elishababy

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #236 on: July 16, 2013, 01:35:05 am »
J.adore oo nga sis tama ka. Naiisip ko din yan. Ang isyu ko nman nlng now is pano si baby kung iwan ko sya diba, hindi ko nalang nga pinapansin mga gngwa nya, kay baby ang focus ko saka nagpapaganda pako ng matindi. Hehe. Basta ang dating skin ngayon, wala, dedma muna ko sa kanya. Hindi pa naman din kasi kami kasal.


Shadow angel yun nga din yaw ko, yung nanankit ng pisikal at immature. To knw na 26 na sya at 21 plng ako. Actually d ako mkpagdecide talaga kung iiwan ko na ba sya agad pero ang gngwa ko ngayon khit ok kmi, dedma ko sa knya. Yun lang kasi naiisip ko na pinaka mabuti s lahat.


Secretzzz sorry, thanks bro pla! Hehe. Alam mo kasi, iba takbo ng utak nung jowa ko, kahit anong usap namin hindi papatalo yun. Gusto kasi sya masunod lagi, ilang beses na nmin pinag uusapan pero nauuwi lang sa away kasi hindinga nakikinig yun. So ngyayare, iniintindi ko. Pero noon yon. Ngyon, hinahayaan ko lang sya sa mga trip nya, hindi manlang nga makahalata ang mokong. Bukod sa pagdedma ko sa kanya, gusto ko rin makahanap ng bago at totoong kaibigan para maging busy at may makausap ako bukod sa pag alaga kay baby.

secretzzz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #237 on: July 16, 2013, 10:54:29 am »
@elishababy

ou mahirap nga yan ang pagkakaiba naman namin na kahit siya na mali ako nagsosory maayos lang ang lahat. di kasi ako sanay makipagtalo e! haha pero syempre pag iba na [textspeak!] ginawa nya di na puwde un! :))


Ganun ba kaibigan??? sure kung gusto mo puwede mo ako magging kaibigan! gusto mo ba?? haha

elishababy

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #238 on: July 16, 2013, 01:33:48 pm »
Secretzzzz HAHAHA. Natawa ko, [textspeak!] friends na tayo! Yey. May bago ko kaibigan! :)
Pag sobrang dko gsto gngwa ng jowa ko, pinupuna ko prin nman, sinasabi ko, "no yan?" tapos pag d sya tumigil, bahala na sya, dedma nko, si baby na lang kinakausap ko. Iba nga kasi ugali nun, kahit may baby na, ganun parin umasta, feeling binata.

secretzzz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #239 on: July 16, 2013, 02:00:00 pm »
Secretzzzz HAHAHA. Natawa ko, [textspeak!] friends na tayo! Yey. May bago ko kaibigan! :)
Pag sobrang dko gsto gngwa ng jowa ko, pinupuna ko prin nman, sinasabi ko, "no yan?" tapos pag d sya tumigil, bahala na sya, dedma nko, si baby na lang kinakausap ko. Iba nga kasi ugali nun, kahit may baby na, ganun parin umasta, feeling binata.

haha oh kaibigan na tayo!! :)) haha bka mairita naman yun kung lagi mong pinupuna!? sa bagay ang sabi mo pag hindi mo gusto ginagawa. basta alagaan mo sarili mo at baby mo. huwag mo munag masyadong isipin yung bf mo maiistress ka lang! haha

Dapat siya maiistress sayo di ikaw :))

 

Latest Stories

Load More Stories
Close