watch now

Author Topic: dealing with you 2 year old kids  (Read 3220 times)

daisy.battistella

  • Guest
dealing with you 2 year old kids
« on: November 16, 2012, 09:09:16 pm »
sis...how do you deal with your 2 year old kids? they say this is the stage wherein sasakit talaga ulo mo sa kakulitan o kalikutan nila. my daughter's super rowdy and hyperactive...most of the time napapasigaw ako sa kalikutan at kakulitan niya...there's not a week na wala siya pasa sa noo and sugat sugat sa braso at binti...I'm also having problems dealing with her tantrums. she also gets jealous with her brother...lalo pag nagpapa breastfeed ako. hellllllllllp....

twelvth_goddess

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #1 on: November 16, 2012, 10:05:29 pm »
This is really the trying age. Test of patience for the parents talaga lalo na pag first time. My 2-year old naman hinde super likot, she likes to jump and run pero hinde naman over. She's very curious and persistent; when she wants something, she wants something. I am guilty of shouting at her sometimes and I dont like it. Minsan kase ginagaya nya ko or natatakot sya saken :( Pagdating sa patience, kulang na kulang pa ko but I'm working on it. My husband on the other hand is very patient, ewan ko magkaugali yata kame ng anak ko kaya nagkakaimbyernahan kame sa isa't isa  ;D

daisy.battistella

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #2 on: November 17, 2012, 12:31:37 pm »
ahahaha...pareho tayo, sis...and yessssssss...super challenging talaga siya...one time nahampas niya ng sticky light yung ulo ng kapatid niya na 5 months...buuuuuti nalang di tumama sa bumbunan nito...gusto ko siya paluin and sigawan pero di ko ginawa as in nagpigil talaga ako.nagtantrums siya kasi nun. nung umiyak yung brother niya, umiyak din siya...natakot din siguro...nung tumila na sila pareho, saka ko siya nasigawan...perhaps she learned from the incident, pag nagtatantrums siya ngayon, kinakagat nalang niya finger niya to which di ko din pinipigil para malaman niya na siya yung nasaasaktan ...haaaay.

chrisane

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #3 on: November 17, 2012, 11:02:47 pm »
my son is just turning 2 years old march next year but ngayon pa lang sobrang kulit and likot na.. na guiguilty din ako minsan. dahil sa ayoko sya ma spoiled pag may talagang gusto siya and ipipilit niya, tinitignan ko siya ng masama and papaluin ko yung kamay niya, tapos papaluin niya rin sarili niya and sasabihin niya "bad".. kaya imbes mainis nangingiti na lang ako bigla. hahah

sunkissedgirl

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #4 on: December 14, 2012, 12:18:47 pm »
Same here with my two-year-old son, ang kulit. Kaya pag nasisigawan ko sya I talk to him after para malaman nya kung anong mali nya then I kiss and hug him after. Ayun, minsan di na nya inuulit or titignan nya muna ko to check kung sisitahin ko siya o hindi. Hehe.

kalaiyaan

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #5 on: December 14, 2012, 12:54:01 pm »
my girl is also 2 yrs and 3months old.
sya na ata ang perpektong kahulugan ng intrimitida. napaka uzi at pakialamera gusto laging kasama sa usapan at gawain.

at kabaligtaran ang ginagawa, kapag sinabi mong ipikit mata lalong ididilat kapag sinabi mong matulog lalong maglilikot. (pero nasolusyunan na namin ito)

ayaw maglakad gusto laging takbo, paulit ulit nalang ako ng  "walk only"

kahapon nag concert sya sa school under playgroup ok naman happy ako kasi, nakakasunod sa steps.

on a positive side naman.

winner sya sa pagkain ng gulay at prutas. kung paano nangyari yun, simple lang.. highlight lagi ang gulay, kung baga kapag may gulay sa table lagi kaming naka "wow gulay" so ang dating sa kanya bongga ang gulay.

gaya gaya talaga.

hihi

iampennylane

  • Guest
Re: dealing with you 2 year old kids
« Reply #6 on: December 14, 2012, 01:02:19 pm »
^twins ata yung daughters natin sis. ganyan na ganyan din sya tsaka sobrang hilig din sa gulay walang effort as in pumapapak ng sitaw pag yun ang ulam gusto nya yun lang.

When she was 2 years old sobrang liko and kulit din talaga. Yung hubby ko naman ang nawawalan ng patience sa kanya actually halos lahat, kasi saken lang sya nakikinig. So pag nag tantrums na wala talagang nakakapatigil sa kanya kundi ako lang kaya lagi ko sya kasama nun di ko maiwan iwan kahit kanino. Pero when she turned 3 ayun nakakausap na namin and nakikinig na naman sya :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close