thanks mga sis tsup tsup mwah mwah hehe.
Ako naman, okay lang may nagtuturo kay Ryzza, kasi kung yung matatanda na nga sa showbiz, may idi-ot board,
may nag coach din, eh kay Ryzza pa na 8 years old lang.
Yan kasi ang sinasabi ng mga detractors niya, hindi naman daw talaga bibo si Ryzza kasi may nagtuturo, na sa akin,
hello? Kung hindi bibo yan, kahit anong turo mo, hindi niya mapipickup, at hindi ganyan kaganda ang delivery ng line niyan, diba.
Bumili ako ng YES mag, siya ang cover, nabasa ko din story niya, yung mga daily activities niya, and talaga palang malambing
siya backstage, kwento ng mga dabarkads, saka talagang masarap daw siya kausap.
Sa mga regular EB viewers, kung napanood ninyo ang isang batang lalaki, na dapat ipapares kay Ryzza, tinayuan din nila ng "sari sari store:,
sa tabi ni Ryzza, naku, hindi na naulit ang batang yun, kasi nga, hindi siya ganun kagaling pumick up ng sasabihin, unlike Ryzza.
Hehe.
Sana lang nagiipon na ang parents niya, kasi siyempre hindi natin masasabi kung hanggang kelan siya sikat,
pero sana tuloy tuloy lang, sabi nga sa yes mag, gusto daw ng TAPE na maitawid si Ryzza from kid talent, to teenager artista
