watch now

Author Topic: The Dog Food Thread  (Read 243956 times)

guamzintrusion19

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #280 on: January 29, 2014, 01:54:46 am »
Hello mga sis! Maraming maraming salamat sa thread na ito ang dami kong natutuhan. Just finished reading all 14 pages  ;D
I have 5 furkids naman, and dahil sa aking mother eh naging picky eater din. Pero siguro maigi rin kc naintroduce sila sa homemade cooking. Yun nga lang, may mga practices pala kami na hindi tama like yung pagpapakain ng chicken liver na madami. Yun kc paborito nila. Will add squash din and other things na nakita ko dito.
Napansin ko lang sa mga babies ko, favorite nila yung chicken meat and liver, not so much on pork and beef. Pero yung panganay kc parang nagkakaroon ng pimples sa tummy kapag kumakain ng chicken. Ano bang magandang alternative? Or could it be na iba ang source nung pimples nya and not chicken?

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #281 on: January 29, 2014, 07:13:53 am »
Nakaka inis, di ko mahanap complete ingredients list ng cesar. Wala sa asia-pacific website nila.

Has anyone here had success researching? Iba naman kasi yung sa US. And yung US version nila eh di rin gano maganda reviews.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #282 on: January 29, 2014, 09:54:00 am »
^welcome sis!

Speaking of yogurt, matagal na rin pala ako di nagbibigay sa kanila. Bili nga ako next time.

Pag homecooked kasi wala masyado lasa at amoy, syempre alam na alam ko tinitikman ko lagi eh hahaha! check mo na lang ingredients ng cesar, ang alam ko kasi madami syang by-products at artificial sauce ang gamit nila. they even use food coloring, salt and carageenan, these are a big no-no on my list :-\
I found this on their US site, kung ganito ang ingredients, malamang ganyan din gamit nila sa ibang countries :-\
http://www.cesar.com/cuisine-and-treats/original-pate/meat-selections/t-bone-steak.aspx

Ang alam ko nasa 70mg lang ang sodium content ng mga chicken, nacheck ko yan before--bonus, magnolia and bounty fresh same lang sila. Pero check mo ulit sa back label baka mali pala ako hehe. If you really wanna be sure, choose their free-range na lang. Yun talaga 100% safe with matching liver and gizzards pa. At ang amoy nya uhmmmm manok na manok, amoy tinola hahaha! Nababaliw mga junakis ko dyan hehe

Uy mura parin kila Tin, I used to talked to her nung members kami sa isang dog forum. I highly recommend their shop kasi ang daming products at hindi overpriced. Grabe ha 800 sa bow and wow ang canidae? around 600 lang sa pet express, grain-free na yun. I can buy a week supply of meat na with that price. Mas nakakatipid pa rin pala ako sa raw and homecooked kahit papaano.

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #283 on: January 29, 2014, 11:13:26 am »
^ ini-spoil kasi ng barkada ko sa cesar. Ayan tuloy, gusto parating may cesar ang food nya. Konti lang naman - pampa amoy. Pero di pa rin ako sold sa idea... Alam ko nga kasi di maganda ingredients nya sa US. Eh baka mas lalo na sa asia, kasi wala naman nagre regulate dito ng dog food.

Sis, Walang label yung mga chicken sa sm and savemore. I dont buy whole kasi. Breast fillet and thigh fillet lang. Pero sana ok naman magnolia.

My mom cooks tinola for them pero mejo matagal na yung last. Time to ask my mom to cook again. Boil boil lang kasi alam kong gawin. Hehe

[textspeak!] anong bang food ang mabango and safe for them? Di naman pwede lagyan ng flavor enhancers mga ulam nila. Sometimes kasi nagsasawa na rin sila sa food nila. Hirap mag isip lalo na sa di talagang nagluluto like me.


Meron din ata Tin's pet place sa antipolo. Not sure if cheaper sila sa lahat ng items vs pet express, tiende, etc... Pero yung canidae ALS P550 lang. Cheaper talaga vs bow and wow.


rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #284 on: January 29, 2014, 11:20:47 am »
^na-try mo na ba magbigay ng chicken liver? baka magustuhan nila yun.

by the way, usually nagpapa deliver ako ng dog food. meron sa sulit na nago-offer ng delivery na ilang buwan na din ako nagpapadeliver.

whitesheep

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #285 on: January 29, 2014, 11:42:58 am »
^what food yun? :)

chicken liver sounds good. Sobrang enjoy sila to eat liver.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #286 on: January 29, 2014, 12:00:25 pm »
^^^ay oo nga wala palang label yung bonus, baka free-range yung iniisip ko haha! try ko nga tanungin minsan sa butchers, sana lang may isagot sila haha! baka high in sodium pala ito noh. pero 2 years na rin kami sa raw, wala namang grabeng side effect sa kanila.

yun nga ang mahirap pag nasanay sa may lasa, nagiging picky. actually di naman nila kailangan ng malasa kasi kakaunti ang tastebuds nila compared satin, more on pang-amoy sila eh. Yan daw usually ginagawa ng dogfood manufacturers para maadik mga dogs sa food nila. They put salt, grease, sauces to entice the palate. Syempre pag nagoffer tayo ng healthy food, di sila kakain, so mapipilitan tayo ipakain yung gusto nila :P Galing diba!

Yung mga premium canned dogfood okay din sana kaso most of them have carrageenan and gums, eto yung ginagamit na binder sa kanila eh. kaso research have found out that these binders provide no nutritional value for them, binder/glue lang talaga sya. pansinin nyo yung canned dogfood diba para syang meatloaf and may jelly. studies have found out that it is bad for the digestive system and carcinogenic sya
http://www.rodalenews.com/carrageenan-pet-food
http://www.dogsnaturallymagazine.com/carrageenan-just-dont-do-it/

I'm not sure kung ano ang mga okay na brands, dati I used to give go natural and solid gold kaso nung nalaman kong may carrageenan and gums, i stopped buying. Siguro para safe, pili ka na lang ng brand that uses human-grade ingredients at walang carageenan and gums. Isa-isahin mo yung canned dogfood sa Bow and Wow hahaha!

Super dali lang sis magprepare ng food nila, chopping and boiling lang talaga kailangan. Pag nagluluto ako iniiwan ko lang sa pot, nakakanood pako ng tv while waiting hehe. ang mahirap lang is pagbalat ng kalabasa, syemay ang dami kasing curves hahaha! at ang tigas-tigas nya, malaking bulas ako pero nanghihina ako after ko sya hiwain lol!

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #287 on: January 29, 2014, 02:51:52 pm »
rinapie, hinay hinay kami sa chicken liver maski gusto nya kasi may kidney issue yung isa kong alaga. Pero gusto nya rin yun. Nakaka enhance ng appetite nya.

abu, picky eater na ito ever since siguro dahil nga sa kidneys nya. Dati kasi madalas sya mag vomit. Buti nga tapos na kami sa phase na yun.

Yung cesar parang meatloaf din. Thanks sa info and links. Will do research on those wet foods. Sana may ok.

Yan din hate ko sa food prep nila - peeling and slicing. May maid ako dati pero ngayon wala, kaya dusa ako. Huhu... Pag meron sa grocery na peeled veggies, yun na binibili ko minsan.

Off topic ba if we talk about water dito? Wilkins kasi water namin, pati dogs. I will try agua vida naman. Actually  nagpa deliver na ako today ng 2 bottles. Di kasi pala inom ng tubig si pogi. Im hoping mas magustuhan nya lasa ng agua vida.




rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #288 on: January 29, 2014, 03:15:26 pm »
^hindi ba mas delikado pa din i-cesar kasi processed na siya? baka naman okay lang kahit kaunti lang. yung aso ko kasi kahit isang slice lang, dinudurog or chop and mix/mash sa kibbles kasi nga more of naamoy naman sila kaysa lasa ng food. kung ayaw talaga, di ko na pinakakain hanggang bukas na yun. minsan din kasi nagfa-fast ng kusa yung aso, i read somewhere.

^^^meron silang acana, go natural, and iba pang dog food. bow chow yata yun, sa sulit. basta nagde-deliver sila ng dog food.

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #289 on: January 29, 2014, 06:03:25 pm »
^ yan din nga iniisip ko kanina. Back to chicken liver nalang Kesa mag cesar. I think mas safe pa... Mina mash din namin para humalo sa food nya talaga and konti lang Bigay din namin.

Sometimes nagha hunger strike nga sila. Hehe

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #290 on: January 29, 2014, 06:57:09 pm »
twelve, sana maghunger strike din yung bulldog ko. ako pa ang naghuhunger strike for him kasi ang takaw-takaw nya! I'm giving him almost 1kg of meat every day pero PG pa rin! maiintindihan ko kung nageexercise sya ng matagal kaso panay tulog lang ang alam! Minsan pag nalalate ako magpakain, nagwawala sya, di titigil sa pagtahol hanggat di ko pinapakain! Mahirap syang gutumin para syang nababaliw!

Nakita ko tong site about dogs with kidney disease, are you a follower of this page? Dami nilang tips, may mga recipes din baka makatulong: https://www.facebook.com/CRFDogs?ref=br_tf

Regarding tubig, ang alam ko the more na may moisture ang food nila (meat) kahit papano okay lang na di sila palainom since nakukuha nila yung fluids sa food. Baka pwede mo lagyan ng stock yung food nya para ganahan uminom.

hehe, how many dogs do you have? I have 3, full time nanay ako pero parang I want more, parang gusto ko ng large breed para may kasama magexercise!
« Last Edit: January 29, 2014, 06:59:39 pm by abuanddiego »

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #291 on: January 29, 2014, 07:52:37 pm »
^ hahaha! Baliktad naman case namin. Eto Kasi talaga kayang mag hunger strike. Kami yung sumusuko sa kanya. We bribe him with everything.. Otherwise Kasi mag vomit naman sya. Aasim sikmura.

Bookedmarked the link. Thanks a lot, sis!... Will check later. Suuuuper bagal ISP ko ngayon... Sana may mga simple recipes. Engot Kasi ako sa cooking. Hehe... Meantime, back to chicken liver muna ako as pampagana. Hehe

Mala lugaw ang food ni pogi. Kelangan soupy sa kanya Kasi di talaga umiinom. Nag experiment na ako - diff temps ng water, diff bowls. Kakabili ko nga lang ng ceramic bowl sa gourdo's pero failed pa rin ako. Hay.

Currently I have 2 adults and 6 pups. Yikes! Di na Kasi napa spay yung girl. Tsk. Wa-epek din yung pag vacation nya during her heat cycle Kasi nabuntis pa rin pag uwi samin. Kulet Kasi ng friend ko kung saan sya nag bakasyon. Compute compute ako. Sabi ko di pa safe ibalik samin. Eh mas magaling daw sya mag compute sakin, kaya ayun, natesbun!  ;D

Ahehe! Compute compute ka rin ng additional expenses pag mag add ka pa ng alaga. Big breed = big appetite = big poop! Haha!




abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #292 on: January 29, 2014, 10:19:20 pm »
^haha yan mahirap pag may girl! pag nagheat wala ng awat. hirap pa naman maglet go ng pups!

parang ang sarap kasi magkaron ng big dog, mamomotivate ka magwalk. kaso mas magastos sila, sa food pa lang iiyak ka na. pero feeling ko halos same lang ang amount sa bulldog, pandak yung sakin pero mataba umaabot ng 25kg. nagreresearch na nga ako about large breed's weight, di naman pala nalalayo sa bulldog, matingkad lang sila hehe.

naku eh dapat pala maghawaan sila ng appetite, ako sumusuko sa katakawan ni Diego!
Pano ang feeding nya, small frequent meals? May mga simple recipes ako nakita, meron pa nga meatloaf gusto ko gayahin hehe. Pag may kidney prob ba di pwede bigyan ng appetite stimulant?

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #293 on: January 30, 2014, 04:58:56 am »
^ before may 3 kaming GSD. Elementary pa ako nun. Ok naman pero they occupy too much space. Nung college ako nagka japanse spitz ako. Mas ok sakin ang size. Suuuper lang mag shed. Hehe... Now a prefer small - medium size kasi kasya kaming 2 sa sofa. Hehe

I will ask the vet about appetite enhancers. Kasi pag naku-kwento ko about his poor appetite, ang suggestion nila is to give diff types of food para di magsawa. I always forget to ask naman about those supplements. Sige, will call the vet later today para di ko na malimutan.

I saw the meatloaf recipe kahapon pero di tumuloy pag download ng page. Salamat sa super fast pldt mydsl. Nyek.

They had chicken tinola for dinner. Ang galing ng ESP ng mom ko. Haha. Kelangan ko na mag wet market to buy dory, one if his fave. Matagal na rin hindi sya eat nito.

Sometime he eats 4 small meals, minsan naman mejo tamad, 2 bigger meals lang. Moody eh.

Btw, thanks for telling me to rinse the chicken before boiling. Mas ok nga resulta. Mas malinis yung broth nung naluto na.  :)

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #294 on: January 30, 2014, 07:15:19 am »
Adding fresh foods to a kibble or canned dog food diet can greatly improve your dog's health:
http://www.whole-dog-journal.com/issues/14_5/features/Improving-Your-Dogs-Diet_20260-1.html

^uy my oldest dog was a jap spitz, nakuha ko when I was in gr. 2, she died nung 21 ako. One of the feistiest breed but very loyal and sweet sa amo. madami kaming large breeds, nasa parents ko. kaso puro pits, masyadong powerful para sakin hehe. I want a gentle giant, maliit yung iba kong dogs mahirap na baka mag-away. mas madali rin pag smaller dogs kasi madali isama sa travels, pwede kandungin hehe. Though si Diego nakakandong sakin kahit 2hrs ang byahe, feeling lapdog hahaha!

Eh kasi baka naman mangayayat pag hindi palakain. Ang mga dogs ba with kidney issues normal na mahina ang appetite? Hehe masarap ang sabaw ng tinola, lalo na ngayon malamig ang panahon.

Tagal ko na gusto gumawa ng meatloaf kaso nasira yung oven namin haha, try ko rin yan minsan. magiipon muna para sa oven hehe.

Sa groceries meron din frozen dory, pero ayaw yan ng mga junakis ko, kahit yung bulldog di niya type! Pero pag malasang fish like sardines or galunggong okay sa kanila.

Pag di kasi winash daming nagflofloat hehe lalo sa pork or beef hirap kaya alisin nun pabalik-balik

twelve5

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #295 on: January 30, 2014, 08:00:12 am »
^ may i suggest a golden? Hehe. Very gentle mga GR. Parang no mean bone in them talaga.

Thanks the link, sis... Among those listed, yung sardines di ko pa na try... Sa fruits naman eh di sya mahilig.

Fresh dory din ang gusto nya. Iba siguro amoy ng frozen... How do you prep the galunggong? Raw ba? Kasi matinik yun di ba?

Common sa pets with kidney issues yung walang gana. Kaya maski bawal ipakain sa kanila, owners feed them pa rin, kesa magutom at humina lalo katawan.

Si pogi kasi more on moody lang palagay ko. Nagiging picky eater kasi mga tao dito kung ano anong human food pinapatikim.  :P

Pero pansin ko yung yogurt nakaka enhance sa appetite nya.

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #296 on: January 30, 2014, 10:53:02 am »
@abuanddiego, suggest ko yung alaga ko, bullmastiff! pero since kamag-anak niya nag bulldog, asahan mo na na most of the time natutulog at patay gutom sila. lalo ka gaganahan mag exercise with them kasi magiging concern naman na maging obese yung aso. 49-50 kl weight niya pero lastweek na kasagsagan ng sakit niya nasa 40kl na lang. sana makabawi na.

may forum akong nabasa na vco din daw can enhance appetite pero i think depende kung gusto ng dog ang amoy ng coconut. may pambata yata na gamot na appetason? nabasa ko sa ibang pet forum yun, binibigay nila para lang magkagana.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #297 on: January 30, 2014, 03:47:29 pm »
^OMG ang laki nya! gusto ko makita! malaway din ang mastiff diba! alam ko dyan galing ang bulldogs eh. ano naging sakit nya sis? ang laki ng pinayat kawawa naman! sana nga makabawi na sya.

okay din ang vco pero ang langis kasi lalo na pag long hair dogs, mahirap maglinis. kaya mas gusto ko fish oil capsules. sabagay meron ng vco in capsules diba, di nga lang available sa groceries. ang alam ko nga yung iba childrens vitamins binibigay, depende na lang talaga siguro sa preference natin.

^^goldens are very nice dogs gusto ko rin yan kasi easily trainable, pero ang dream ko talaga is alaskan malamute, do you want to build a snowman? hahaha!

boiled lang sis, minsan kumukuha ako sa ulam namin hehe. pwede din sardines in can pero wash nyo mataas kasi sa sodium. or much better yung fresh tamban tapos boil lang. Tinik is fine pag raw malambot pa sya, pag naluto delikado kasi tumitigas na.

Ah i see, ang hirap pa naman pag ayaw nila kumain, nakakastress. Maganda naman ang yogurt sa kanila, probiotic yan baka pwede mo gawin regular treat. hehe, kaya pala sabihan mo na lang sis at baka kung ano pa maibigay.

Sa house namin, walang ibang nagpapakain sa mga junakis ko kundi ako hehe. At alam nila bawal nila pakainin kundi lagot sila sa nanay tee hee!

rinapie

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #298 on: January 30, 2014, 04:20:13 pm »
^yes, sobrang laway niya. yung bigat niya more of sa lapad. minsan mas matangkad pa din mga malamute, gse sa kanya.

nagka distemper siya e. lumalaban naman. two weeks ago lang medyo madugo na yung nilalabas niya, nagka gastro intestinal bleeding na yata. ngayon, payat pero she's generally back to her old self. sana totally hindi na dumating sa neurological stage.

singit lang din sa galunggong prep, yan ang laging sinasama namin sa dog food ng aso ko, malansa din yung gustong gusto niya. usually yung maliliit binibili namin then boil in low fire, dahandahan hanggang malambot na yung mga tinik. well, hinihimay ko pa rin naman kaya makakapa kung medyo matigas pa yung tinik.

abuanddiego

  • Guest
Re: The Dog Food Thread
« Reply #299 on: January 30, 2014, 05:02:10 pm »
^okay lang laway sis sanay nako hehe. mahal kasi ng AMs, baka sakalin ako sa bahay pag nalaman nila ang price haha!

naku distemper pala, buti nakasurvive. under medication pa ba sya? wala pa naman syang muscle twitchings? yung ubo at sipon wala na? ang alam ko once makasurvive sila sa critical stage, medyo safe na, mabubuhay na daw pero yung twitchings pwedeng forever na. bigyan mo ng vitamins para laging ganahan, pagaling ka baby! muwaaah!
yung kay diego naman dati halos sabay-sabay ang symptoms, within days lang pati yung chewing gum fit at leg twitchings lumabas. Pero after 3 days of gamutan, okay na sya except for the twitchings yun ang matagal bago nawala halos 1 year. kala ko nga di na mawawala kasi sabi ng vet forever na. naku ang daming case ng distemper at parvo ngayon, ano ba nangyayare.

next time try mo din tamban, sardines din ito eh. mas mura than galunggong kaso matinik sya. rich sila in omega 3 kaya maganda ibigay sa kanila kahit daily. masarap yan ihawin tapos sawsaw sa patis with luya hehe


 

Latest Stories

Load More Stories
Close