watch now

Author Topic: Coron [Thread 10]  (Read 101740 times)

babe1106

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #380 on: October 07, 2013, 10:50:03 am »
^ We will be in coron on oct 30-nov 2 sis and will also stay in Mommitas, it is nice to know na sobrang okay sila, actually mabait nga kausap si mamita, full board and lodging plus the tour na yung inavail namin para wala na kaming iintindihin pa na iba.
 
Total quotation per pax for 4d3n is P5,545 (9pax).
 
 

aicute12

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #381 on: October 07, 2013, 12:18:56 pm »
yes sis, i also availed the budget tour. sobrang okay kila mommitas. ang kinaganda ng location, malapit sa mga kainin.
walking distance sa lolo nonoys, tapat ng centro coron malapit sa bistro coron, ice valley, saka No name bar!

m_lim

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #382 on: October 07, 2013, 04:53:09 pm »
bakit ganon ako disappointed sa Coron? :(

 yung Kayangan lake malinaw ang tubig talaga kaso aakyat ka pa ng pagkataas taas. kaya hindi rin relaxing.

siguro hindi lang talaga ako adventurous.

pati sa mga beaches, so so lang for me. hindi kasi relaxing na bakasyon.

aicute12

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #383 on: October 07, 2013, 05:05:16 pm »
may inatake palang chinese ng umakyat papunta kayangan lake..

Shiecg

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #384 on: October 10, 2013, 09:11:17 am »
^^, inatake as , hika or inatake ng bad people?

rocky

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #385 on: October 10, 2013, 09:57:53 am »
total expenses ko is 9500 included na diyan yung mga Tshirt na pasalubong and ang napakamahal na Kasuy sa Coron Harvest.
Take note din na i stayed 5nights, so magastos ang dinner. :)
mahal nga yong kasuy sis pero so far sya yong pinakamasarap na natikman ko. mabait din si lola & makwento, katuwa kasi ang dami naming nakuhang free taste ;) nachika nya pa na si kris aquino nagpunta don pero hindi naman daw bumili ;D

aicute12

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #386 on: October 10, 2013, 11:45:03 am »
sis inatake like inatake sa puso. :)

Shiecg

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #387 on: October 10, 2013, 03:56:14 pm »
ay sad naman un, sana naging ok din sya

gemwin21

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #388 on: October 11, 2013, 07:27:46 am »
hi, pa-help naman po..baka may mare-recommend kayo kung saan pwede magpa-book na package na as in with air fare, hotel accommodation, and tour.. My mom's cousin wants to go here in coron on the first week of january 2014..eh foreigner kasi so we need to book her na full package na para di na sya mahirapan at wala na sya problemahin.. Will wait for suggestions po.. Thanks :)

hi sis. you may want to try travelonline.ph. dyan ako nagpabook when went to coron last year. they can provide all-in package...tours, hotel accomodation and ticket. we had a worry free coron getaway.

indigo.tulle

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #389 on: October 11, 2013, 04:54:54 pm »
pwede po pa PM ng numbers nila Ms. Rina of Coron Wonders?  :)  miss ko na sila.


thank you.

meimei

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #390 on: October 13, 2013, 05:33:18 am »
bakit ganon ako disappointed sa Coron? :(

yung Kayangan lake malinaw ang tubig talaga kaso aakyat ka pa ng pagkataas taas. kaya hindi rin relaxing.

siguro hindi lang talaga ako adventurous.

pati sa mga beaches, so so lang for me. hindi kasi relaxing na bakasyon.

sis, if you were looking for a "relaxing" vacation, well Coron would not be it (probably Boracay or Panglao). kaya ka na-disappoint "kasi iba yung trip mo".

ako, i loooove water activities! snorkeling, love love love! kaya nga para sa Coron trip namin, eh sasama yung friends ng mom ko, paulit-ulit ko talagang sinabi sa mom ko na: "mommy, alam nila na puro water activities ang Coron ha? alam nila na parati tayong nasa boat ha?".

i kept reminding my mom to explain to her friends what a Coron trip would entail, para alam nila what to expect. so kung hindi ganun ang "trip" nila, eh di wag sila sumama, hehe.

mischa04

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #391 on: October 16, 2013, 07:29:40 pm »
@gemwin21, sis i checked travelonline.ph pero wala akong nakitang with airfare..meron ba? baka namiss out ko?


Mga sis na may contact number ni Ms. Rina, pa-PM din me..saka yung fb account nya.. Thanks!

aishen1208

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #392 on: October 17, 2013, 05:55:40 pm »
hello.. we will be in Coron on Oct 25 to 28.. any sisses na pupunta rin on that weekend? 

I will be with my officemates (we're group of 5) and we'll be staying at Apartelle De Gabrielle. 

For the tours, DIY lang kami with a budget of P5500 per pax including everything except airfare (accommodation, transfers, food, boat rental and entrance fees for the ff tours):
Day 1 Malcapuya Is tour
Day 2 Coron Island Tour
Day 3 Coron Town Tour

hun_nie08

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #393 on: October 17, 2013, 11:21:36 pm »
ako sis sa sunday na hehe... computation ko is 3800, kasama tours, accommodation, transpo and food. 3 lang kasi kami. Coron town and inland lang sya. Yung airfare naman namin is 1200 lang c/o airphil. sana maganda ang panahon

aishen1208

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #394 on: October 18, 2013, 03:19:18 pm »
^ yeah, sana nga hindi umulan sis  :)... we also got our ticktet from AirPhil.  4 days rin ba kayo sis?

hun_nie08

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #395 on: October 18, 2013, 08:42:55 pm »
3days lang sis.. second time ko na sa coron. may itotour lang ako hehe.. yes sis, airphil din kami.

hun_nie08

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #396 on: October 20, 2013, 10:26:48 pm »
Coron ako ngayon. Buti na lang maganda panahon. Nagawa ko ulit akyatin ang Mt. Tapyas. Sarap pa rin talaga sa maquinit hot springs. Sana nga lang maayos na yung rough road papunta dun.

aishen1208

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #397 on: October 22, 2013, 03:00:36 am »
^ thanks for the update sis... this Friday na kami, everyone's excited :) halos lahat kami 1st time sa Coron  :)

pretty althea

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #398 on: October 25, 2013, 03:21:36 am »
Hello :), May naka try na ba dito ng  tour service ng Nice in Paradise?  Please post feedbacks naman mga sis.  Since dalawa lang kami ng 7-year-old  boy ko, I'm thinking na mag join na lang, but wala pang opening kasi ang Coron Wonders e.  Pwede bang pagdating na lang sa  Coron maghanap ng  Tours para sa susunod na araw?   Also, if may naka try ng Coron Galeri, please post  your  experience na rin.  Thank you in advance. 

hun_nie08

  • Guest
Re: Coron [Thread 10]
« Reply #399 on: October 25, 2013, 04:49:38 am »
Hello maga sis, eto  review ko sa trip namin nung weekend.

Since 2nd time ko na to sa Coron, di naman na ako bago sa lugar.

Sa Sea Coral Lodge kami nagstay - napanood ko kasi sa Byahe ni Drew e. Ok naman sya triple room kinuha namin -  one single and 1 queen bed at 1500/night. Maaga kami dumating pinagstay muna kami sa isang room habng naghihintay. Nag offer din sial ng welcome drinks. Accommodating ang receptionist at crew nila - nakisampay pa kami ng mga damit ay aqua shoes. Halos katabi lang sya ng Bistro Coron. Nilalakad lang namin lahat! :)

Kinuha pa rin naming tours ay sa Coron WOnders - and natuwa pa rin kami sa service nila. Lalo na sa food namin. Ang dami! :)  Masarap din ang timpla ni Manong sa crabs-imagine nyo 6 pcs na malalaking crabs yun.. Sulit talaga...  Di sila nagtitipid sa food.. Malaki din yung boat namin. Bago daw kasi yun sabi ni kuya.

Naakyat pa rin namin ang Mt. Tapyas - ang tagal pa naming naghintay ng sunset kaso pag baba namin ginabi na kami. Blis dumilim e. Panget pa rin ang daan papuntang Maquinit - ayaw daw nung may ari ipagawa e. lahit ssagutin na ng local government sabi ni Manong tricycle number.

Kumain kami sa Sea dive resort - di masyadong luto yung lobster - so nagcomplain pa ako - less 100 sa total bill namin. Masarap sa Santino's best baby back ribs in town. laki pa ng servings. Then nag lunch din kami sa Kapemos tapat ng LBC malapit sa church.

Konti lang islands na pinuntahan namin kasi yung kasama namin ayaw nya mag snorkle -may phobia kasi sya e. kaya siete pecados na lang pinuntahan namin. Syempre Kayangan and Twin lagoon. Sa Banol beach kami nag lunch. :-)

Ang haba na neto!

Sis Pretty althea, nabasa ko din yung nice in paradise - nakita ko sya sa mga leaflets sa airport. Di ko nga lang alam kung ok ang service nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close