watch now

Author Topic: Disappointed Mom  (Read 3181 times)

cutiemom5775

  • Guest
Disappointed Mom
« on: November 06, 2012, 03:25:29 pm »
I dont know what to do in my 6 years old daughter. Nung nursery at kinder sya super active nya sa school. Masaya syang pumapasok araw araw and na pi feel ko na nag eenjoy syang mag aral. Mataas ang mga score nya sa exams and madalas na pe perfect nya pa. First honor din sya nung nursery and kinder and wala akong naging problema. Pero ngayong garde 1 na sya parang ang daming nagbago. Hindi ko alam kung effect ito nang pag kakaroon nya ng kapatid. Nasanay kasi sya noon na sya lang yung binibigyan namin ng pansin. Madalas nya ring pinag seselosan ang new baby namin 6 years kasi bago sya nasundan. Wala namang nagbago sa treatment namin sa kanya. Lahat naman ng gusto nya binibigay parin namin. Toys, clothes, food lahat ng gusto nya binibigay namin ng papa nya tulad parin ng dati. kung meron mang konting pagbabago siguro masasabi kong mas nabibigyan ko ng atensyon si baby. kung dati sya ang katabi kong matulog ngayon hindi na. Pero pagdating sa pag aaral nya hindi naman ako nagkulang tulad parin ng dati. Tinuturuan ko sya sa mga lessons nila, nirereview ko sya kapag may exams sila, kahit na minsan wala akong tulog dahil pinuyat ako ni baby ill make sure parin na marereview ko sya. Kapag may school activities nandun ako to support her.
Nung maging grade 1 sya maraming nagbago sa kanya,parang nag ibang yung mga interest nya. Ngayon mas gusto nyang maglaro at kasama ang mga kalaro nya,unlike before na laging nakadikit sa akin. Pag tinuturuan ko sya parang laging wala sa focus. Pag uwi nya galing sa school kung dati masaya ngayon parang wala lang at ang kina di disappoint ko is alam ko naman na marunong sya, magaling sya lahat ng pag aaral ginawa namin , nag rereview kami araw araw at panatag ang loob ko na sa oras ng exams hindi sya mahihirapan pero nung makita ko ang result ng exams nya ang bababa. Nung binasa ko yung test nila lahat yun ni review namin pero yung mga sagot nya parang di pinag isipan. Nung first quarter sabi ko sa kanya okay lang yan kahit mababa and inisip ko rin na baka nahirapan pa syang mag adjust at nag promise sya na babawi next quarter pero ngayon na second quarter na ganun parin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa knya. :(
 Give me some advice mga sis.

ysa.belle

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #1 on: November 06, 2012, 03:38:35 pm »
Naisip ko lang sis na baka yung pagiging mas close niya sa mga playmates/classmates niya is her way of coping na mas may time ka sa bunso niyo. syempre kahit paano nasanay siya na siya lang sa lahat ng oras. nasanay siya na pag lingon niya or pag tinatawag niya kayo is andyan kayo agad sa tabi niya but ngayon syempre si bunso priority ng konti kase baby pa... mini selos lang siguro.

try making extra time pa sa kanya... i know it will be quite hard kase may bunso pero baka way lang niya na mas mapansin at mabigyan siya ng time.

cutiemom5775

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #2 on: November 06, 2012, 03:49:00 pm »
thanks sis, siguro nga kasi minsan kapag niyayaya nya ako sa mall lagi kung sinasabi na hindi pwede wala kasi kaming yaya dahil nasa bahay lang naman ako. Kapag may meeting at school activities sila dun ko lang sya nasasamahan pero kapag pasyal di ko na sya nabibigyan ng time, two months palang kasi si baby di pa pwede isama. Nanghihinayang lang kasi ako sa nasimulan nya. Alam ko naman na matalino sya pero ngayon pinapabayaan nya na pag aaral nya. :(

bettyboop1322

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #3 on: November 06, 2012, 03:54:29 pm »
Yung son ko 8 years bago nagkaron ng kapatid but he never been jealous of his brother. Buti nga sis everyday narereview mo yung daughter mo. Ako wala na talagang time kasi nagwowork ako, minsan nga di ko nachecheck assignments nya. Minsan naman nakikita ko sya na gumagawa mag-isa, or sa school pa lang ginagawa na nya. Kaya lang since may new baby di na katulad ng dati na konting kibot buy agad ng toys, now we're giving toys as a reward na lang, atleast nageeffort sya if may gusto syang toys. Para mabawasan ang selos ng daughter mo sa kapatid nya, turuan mo syang maging responsible like tutulong sa pag take care kay baby. Sa pag change ng nappy, pag pasyal kay baby ( let her push the stroller) basta yung things na will make her feel na ate na sya and dapat inaalagaan nya kapatid nya. And tell her na dapat nag aaral sya maigi kasi sya ang magtuturo sa kapatid nya pag nag-school na.  :)

stormy

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #4 on: November 06, 2012, 10:00:24 pm »
@cutiemom, hi sis ramdam ko yun pagod mo. Siguro isa sa rason kaya mo nasabi na disappointed ka kasi pagod ka dahil lahat ng effort mo binibigay mo sa pamilya. Pero am sure concerned ka lang hindi disappointed sa panganay mo dahil gusto mo lang ang best para sa kanya.

Sis magkaedad ang anak natin kaya wala ako masyadong experience na maibabahagi sa iyo, pero bago mag grade 1 anak ko alam ko na marami siyang adjustments na maeencounter (mas mahirap na lessons, iba na trato sa kanila sa school d na "babies" ng department etc) kaya prep pa lang ipinasok na namin sya kung saan namin plano na mag grade school sya.

Namention ko ito sis kasi transition pa lang ng preschool to grade school nasa jungle na siguro ang pakiramdam ng mga bata, stressful na. Lalo na iba2x na ang teachers, iba't ibang teaching methodology yan na araw2x maeencounter ng bata. Bukod pa sa adjustment sa personalities ng ilang teachers (sa anak ko 8 ang teachers nila at nahirapan sya mag adjust dahil 2 lang teachers nila nun preschool).

Mahirap ito sis, struggle yan sa bata. Yun isang classmate ng anak ko simula nun prep na namamature-an ako sa ugali e 2nd week after magbukas ang klase e umiiyak nung umuwi kasi nabigla iba na dynamics sa grade 1.

Isipin na lang yun ganyan scenario tapos sumabay na may new baby, siguro hindi basta selos nararamdaman ng anak mo. Baka pakiramdamdam nya bigla sya na lang mag-isa. Baka coping mechanism na dumikit sya sa friends nya kasi pakiramdam nya happy friends nya pag kasama sya.

May fears at insecurities ang mga kids gaya rin natin adults pag may changes na nangyayari sa buhay natin.

Baka kailangan lang ng mafeel ng anak mo yun security na andyan kayo at mahal nyo sya both sa pagpapakita sa kanya at pagsasabi sa kanya.

Mahilig magpapansin ang mga bata, ang iba kahit negatibo basta mapansin ay gagawin. Sana d maging ganito yun sitwasyon.

Kahit sis nalulungkot ka na, be more patient pa rin sa kanya.

Alam ko nakakapagod lalo na ikaw lang mag-isa nag aalaga kay new baby at 2 months old pa lang, dito papasok yun suporta ng husband mo.

Sana sis bumalik na yun dating sigla ng anak mo sa pag-aaral.

helencons

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #5 on: November 06, 2012, 11:07:20 pm »
Continue to encourage/motivate your child to do her best in school even if you don't see results immediately.  Always assure her that you love her regardless of her less-than-ideal grades in school.  It's very important that the child do not see the disappointment (which is the word you described it here) in your eyes, refrain from making comments that you have studied the coverage of the exams 'coz that would only make her feel less confident about herself. Understand that your child might be stressed or pressured too by the changes in her environment:1) having a new sibling; 2) being in a higher grade level (bear in mind that grade school has more activities than preschool); 3.) seeing you tired and stressed also could affect her too.

Her grades in school should be the least of your worries now (I'm sure she can always bounce back--as you said, she used to get high grades and a fast learner)

cutiemom5775

  • Guest
Re: Disappointed Mom
« Reply #6 on: November 06, 2012, 11:11:11 pm »
@ sis, bettyboop1322 thanks ! gagawin ko yung advice mo :)



@ sis stormy, salamat din at naliwanagan ako tamaka di naman ako disappointed concerned lang talaga ako sa kanya. Nahihirapan din kasi akong mag adjust minsan kasi gusto nya basahan ko sya ng kwento pero lagi kong sinasabi na wait lang hanggang sa makalimutan ko na. Yung mga simpleng bagay na ganun diko na naibibigay sa kanya. Kaya from now on bibigyan ko na sya ng pansin para ma feel nya na nandito parin kami ng papa nya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close