Author Topic: Utang  (Read 16009 times)

muy003

  • Guest
Utang
« on: November 06, 2012, 09:07:12 am »
I hate debts. Pinalaki ako ng dad ko with this in mind, kung wala kang cash wag kang gagastos.
I have nothing against credit, pero personal choice ko na wag nalang kasi alam ko magastos ako at di ko mapipigilan ang pag swipe. Hindi ko gustong nangungutang, kung makikigamit ako ng cc, i make sure na i have cash at hand to pay it off immediately. That's me, eh yung mapapangasawa ko, had and has a loan and uses a cc.  Ang problema ko is mabait sya magpautang sa iba, hindi marunong maningil. At some point he's had bad credit ratings din. pero naayos na yun. And i dont want to go back to that place.

Nakakainis. May existing loan sya na malaki talaga dahil sa family home nila, and because he wanted to settle comfortably abroad sa work place nya. Pero di naiisip na hes paying off something tas kung makapamigay ng pera eh wagas, walang singilan. Malaki yung minimum ng bank na nagpaloan sa kanya, malaki din yung interest! So sobrang inis ako. Pero nadefend nya sakin yung loan kasi mag aaral din sya dun and malaki yung gagastusin nya for the licensing. Kaya ayun, natuloy ang loan.

 Ngayon, ang pinaka nakakainis, lalabas ako in a bit to deposit to someone na nangungutang nanaman. Tas ang layo pa ng western union! Talagang western union pa ha! Security bank daw alternative, eh kalayo from me!

Naiinis ako, minsan sinasabi ko na talaga ayoko sya pakasalan kasi kung makapautang sa iba eh wagas, to think na kami nga we dont have enough ipon for our future. We might have our civil wedding next month. Might talaga kasi i could say no.

I just want to know other's pov on this. Oo, kung sa daily needs lang, may extra talaga sya. Kaya kung may mangutang, yung nangungutang pa ang demanding! Itong mga pinoy naman kasi, kala mo nakatungtong lang sa ibang bansa, madami na pera. Pinanindigan naman ng mokong!! Pero may pinupuno kaming budget for the church wedding- kung san he's given his share na, di naman ako nagrereklamo. Pero yung life after the wedding, di pa kami ready for that. OA lang ba ako?

Sinabi ko din kasi na since he's working abroad, even after we're married i prefer to live with my parents muna. We'll get our own house after the church wedding na lang. No plan of babies anytime soon. Now i think mali ito. Ill find the right time, ill demand that we get our own place muna. Para may pinagkakaabalahan syang bayaran. Di nya maisip mamigay sa iba!

Marami na ako nasabi sa kanya pero mukhang di sya natututo. I dont know what to tell him anymore. Any piece of advice will be appreciated. Thanks!

shineadet

  • Guest
Re: Utang
« Reply #1 on: November 06, 2012, 09:18:40 am »
hirap naman nyan sis. di pa kayo kasal may mga financial probs na agad. pero malay mo magbago when you are married na. pero sa umpisa pa lang dapat demand mo na na ikaw na hahawak and magbubudget ng lahat. tapos invest mo sa kung [textspeak!]-ano. kung may mangungutang, pautangin nyo lang yung kailangan talaga hindi yung madami pang options.

yung sa house naman, if you can afford naman to buy a house and lot na as early as this time e bumili na kayo para hindi nagagastos yung pera nyo ng walang katuturan.

quinone

  • Guest
Re: Utang
« Reply #2 on: November 06, 2012, 09:46:46 am »
ako, allergic ako sa utang. sa pagkaka-kwento mo, i don't think he understands your point of view. does he even say 'no' sa mga nangu-ngutang. diba parang mali naman na nag-loan siya para sa house tapos nagpapautang siya sa iba? help himself muna. sana nilagay na lang niya sa principal kung may excess money siya. isipin mo mabuti if kaya mo nga bang i-change itong ugali niya knowing na hindi naman niya ata naiintindihan yung principles mo behind it all.

baka naman obligation niyang magpautang o baka support sa family ito? pwede ka tumulong sa mga taong totoong gipit na gipit pero ibang usapan na yung nagpapa-abuso.

personally, if i were to marry someone na hindi pareho ng philosophy ko sa pag-handle ng money, i won't get married to that guy.

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #3 on: November 06, 2012, 11:02:58 am »
^ sis, iba yung support sa family. Gets ko yun, minimal lang naman yun. Sa house nila, gets ko rin yun. Para masettle na. Pero yung sa ibang tao, di sya marunong humindi. Naiinis na ako.

Yun extra sa sweldo nya, di nya ata alam gagawin kaya kung meh mangutang eh go lang ang mokong. 

Yung dating loans naman nya, educ loan for his sister. Paid na yun. Nakatapos na nga, nagspecialize naman ngayon. Bongga! Sige, okay lang yan. Kapatid nya yan eh. Pag guminhawa yun, edi mababawasan din pag intindi nya sa mom nya. Breadwinner sya cuz his dad died over a decade ago na ata.

Early next year, maglalabas sya ng malaking pera for licensing, may pera na nakatago for this. Still, feeling ko mabigat yung paglabas nito. Di ko pa natatapos iformulate tanong ko, may sagot na ako. Itatanong ko sana kung okay lang ba unahan ko sya. Hayy, ill demand for our own house na. Uunahan ko na yang gastos sa licensing kasi by end of this month, baka mag civil wedding na kami. Aray ko.

**
LDR kami, so ayoko naman magipit sya dun, how do i go sbout this? Kung wala kami bahay, at wala kami baby, feeling ko wala naman ako pwede idemand sa kanyang pera.

Solution: get a house. Wag nyo ko tawanan ladies ha, pero nabobobo ako ngayon eh. Di ko alam kung angiging emotional ako. Pero, okay lang naman yun di ba.

asastillero

  • Guest
Re: Utang
« Reply #4 on: November 06, 2012, 11:05:53 am »
naku mahirap yan. ganyan ang mother ko later in out life nalaman namin may sakit pala siya mentally.
dapat ngayon palang ma control mo siya

maiandra

  • Guest
Re: Utang
« Reply #5 on: November 06, 2012, 11:38:10 am »
ako rin allergic sa utang. so this could be a sticky situation when you're married na and hindi naman pwede na parang kanin na mainit na iluluwa pag napaso.

It would be best to draw a limit now than later on what you can tolerate and what you cannot. Kung ako maghuhulog ng pera sa WU para sa ibang utang, no way! Kung gusto nya magpautang, sya bahala mag bigay. Again, nasa usapan nyo yan.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Utang
« Reply #6 on: November 06, 2012, 11:38:55 am »
hindi mo mababago ugali ng isang tao.. it's either you accept him or dump him..
however, kahit paano, pwede naman makontrol kahit konti.

i think kaya waldas fiance mo because of his lack of goals.. ano lang ba goal niya? church wedding and licensing? after that? bahala na si batman?

so better focus on inspiring him to reach for more.. daming pwedeng gawin. dami pwede pangarapin..
oh, sabi ko INSPIRE ha, hindi NAG..

sa intindi ko sa post mo, although "mapagbigay" siya, hindi naman niya dinadamay yung money na set aside na for something.. so, make him set aside for a lot of things.

- insurance AND retirement plan - pinaka practical sa lahat. maliit initial, tapos kahit hindi pa kayo kasal hindi masyado intruding.. kasi nga hindi pa kayo kasal, make the investments more for HIM rather than the two of you.. wala din masasabi family niya kasi para sa kaniya mismo iyon.
      madali naman magchange ng dependents eh.. so ending sa inyo pa din ni future baby iyon

- house.. tama iyang goal niyo, i mean MO pala ;D   ... its reasonable at malaking chunk mawawala sa excess cash niya
   although there's a chance na hindian ka niya kasi malaking agad money down diyan

- option 3 would be educ plan - madami na variations ngayon kahit wala pa baby at hindi ka pa buntis pwede na kumuha.. kunin niyo yung cash return para kahit hindi sa pinas mag-aral anak niyo makukuha niyo as cash..
 tutal ang goal mo lang naman eh mabawasan excess cash niya saka maliit lang initial ng ganito kakayanin niya iyan


isa pa, maganda niyang introduce ka sa kaniya ng investments.. like lot sa commercial area etc.. TATAKAMIN mo parang ganun.. para it would make him want to save kasi may nafoformukate na goal


but the best thing to do is to be financially independent. para kahit lumubog sa kawalan ang finances niya, makakasurvive ka at baby mo kung sakali.



regarding marriage, i think you will pursue it.. im not saying i'm for it or against it.. buhay mo iyan kaya decision mo iyan.. ramdam ko lang na gusto mo talaga pakasal so goodluck..  ;)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Utang
« Reply #7 on: November 06, 2012, 12:16:46 pm »
Ano ba ang h2b mo sis? People pleaser? Baka he needs to be needed. He feels important when he feels he's contributing to other people.

Medyo mahirap nga yan. There are people, na kahit ayaw nilang gawin ang isang bagay, eh "oo" pa rin sila. Or nag struggle sila how to say no for the fear na kung ano ang maging impression sa kanila ng ibang tao.

Kung ganon nga sya, until he realized that he has a tendency to be like that, that's then he can start addressing his issues. That's then he will learn how to set boundaries. Of course he'll struggle on that one. And it won't be easy.

Pag nagtuluy tuloy syang ganyan, kayo mahihirapan at sya, the pressure will be on him. Kung meron syang messiahnic complex. Tulong ng tulong, kahit pwede namang hindi tumulong.

Smoothen your relationship, lambing lambingin mo. Tapos kapag tingin mong magiging receptive na sya sa sasabihin mo, saka mo ipasok yung concern mo in a loving and caring way. You can tell him, " Sa tingin ko, parang nagiging people-pleaser ka na. Pag nagtuluy tuloy yan, ikaw rin ang mahihirapan. pati yung family naten blah blah..." Lagyan mo ng drama. Basta gandahan mo yung approach mo.

In the end at wala pa rin, nasa sayo na yan if you can live with it and adjust with it. If gusto mo talaga syang makasama habang buhay, you'll accept that part of him and work around that weakness of him.

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #8 on: November 06, 2012, 12:21:06 pm »
^^oo gusto ko naman talaga din magpakasal. Kasi mostly, we're good. This is just one thing na nakakairita talaga at, yun nga, napapaNAG ako kasi he doesnt see what im seeing. Ang hirap sa kanya humindi sa iba. Ang reasoning nya minsan, good karma na lang daw kasi nakakatulong.  ???
You have a very  good point sis RHIANE MALLOWS, i should keep his finances busy with something else.

I have invested some of his money in SDA lang kasi di ata ako ready for stocks. It's under my name din.

I have to keep this in mind, to inspire him and not nag. Takamin sya. Very positive. Ive been looking for lots na dati, pero may gusto kasi kami na medyo pricey nga, at gusto ng owner eh cash purchase. Parang fishy tuloy. We put this on hold kasi di ko priority magkabahay kami dahil di naman sya dito for the next five or so years. Its expensive to maintain a house. Pero with the new developments, ill "inspire" him na kumuha na kami ng bahay namin. Or to invest in something else. :)

With regards sa pakekealam, i think its more of helping him see what is important. Kasi with idle cash, magagastos sa kung san san. like ito, pinapautang ng wala lang. ayoko naman dumating yung time na magkababy kami tas wala syang pang tustos.

Kanina, napa nag nanaman ako, kasi nga makulit pa itong nangungutang na ito. Pang tuition ng anak daw nya, badtrip. Demanding, kaloka. Inaanak ng partner ko yung bata. Sarap sana imessage sa fb, kaya lang mababastos naman partner ko.

Nirecord nya yung pag nag ko para daw di ko na ulitin. Grr. Pero he thanked me naman for reminding him of whats important and for 'keeping him grounded'..  (Kasi manlilibre sya before umuwe ng pinas, and i was like, baket? It's an unnecessary gastos. Porket my pera, gastos ng gastos, nakakaloka na sya!! Nakakalimutan nyang anything could happen, he better save for the cold days. May savings naman daw sya, pero wala ako alam tungkol dyan).


Thanks ladies!





« Last Edit: November 06, 2012, 12:22:41 pm by muy003 »

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #9 on: November 06, 2012, 12:26:28 pm »
^yes! He has that tendency! Tas pag nakatalikod na sila, dun lang sya maglalabas ng sama ng loob, sa akin!! Kaya ako ang shock absorber... Sa times na nakapag say no sya, sa akin galing yung script. Minsan ako naniningil sa fb, private message. Account nya gamit pero ako na nagmemessage, kasi either tamad sya or he doesnt know what to say!

Hirap kasi kausap ng di harapan, kausapin ko ng masinsinan yan pag uwe nya. Next week na pala sya uuwe.. Hayy!

rianne_mallows

  • Guest
Re: Utang
« Reply #10 on: November 06, 2012, 12:33:26 pm »
^all the more reason kung bakit you need to have him SPEND for things that are important.
kumabaga hindi siya maguilty na hindi siya makapagpautang kasi tali na pera niya sa ganito ganyan etc etc.

kumbaga iba kasi yung he wont, sa he cant..

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #11 on: November 06, 2012, 12:46:07 pm »
^tama!

Western union nga pala may extra charges pa, not like in banks na idedeposit mo, wala naman charges. Grrrrr. Kuripot na kung kuripot pero ang laking hassle kasi sakin!!

whitelady17

  • Guest
Re: Utang
« Reply #12 on: November 06, 2012, 01:13:57 pm »
hi sis, we had the same problems pala pero that was before with us, ganyan rin si hubby ko before, lahat ng hihingi ng tulong sa kaniya tulong siya talaga to the rescue, walang savings then boom, he resigned from work, super toxic na daw he opted to leave. Almost one year nabakante sa work, walang savings siya may mga lakad pa kami naka sked before na hindi na puwede i-cancel. Sabi ko, asan na iyong mga pinahiraman mo ng pera? singilin natin, wala ring naibayad sa kaniya, i just told him na "nakita ko na ito before it happend, nagsabi ako sa iyo, hindi ka nakinig, sino ang tumulong sayo? meron ba? tinakbuhan ka ng mga taong pinahiram mo, and deadma sila sa sitwasyon mo" even si mil was pressuring him to have work kasi expenses daw sa bahay nila etc.. That is also the time he realized na tama lahat ng sinabi ko before, naintindihan na niya ang pagharang ko sa kaniya before, kung merong nanghihiram etc. kaya noong nagka work ulit, savings namin ang priority niya. minsan you need to hit the rockbottom to be able to see the reality around you.

Kung nahihirapan ka mag explain sa kaniya, you can make kuwento na lang, let say honey, iyong isang kilala ko ganito you can tell him our kuwento, then asked him, kung siya iyong lalake na yan ano gagawin niya? walang work, walang savings wala lahat? just to let him think about that possibility happening to him ;) and also remind him na ang pahiram is good kung once lang, pero kung naka depende na sa kaniya ultimo pambili ng make-up etc, hala abuso na iyan.

prettynvain

  • Guest
Re: Utang
« Reply #13 on: November 06, 2012, 02:14:42 pm »
sis, ganyan din si hubby. may lalapit lang tapos eto siya bigay agad. pakapalan pa nga ng face yung iba na di pa bayad uutang uli at ni wala atang balak magbayad. umabot kami s apoint na yan ang lagi naming pinag-aawayan. sinabi ko na "bakit pinupulot mo ba ang pera?! kung yang pera na pinapautang mo sa iba, iniipon natin para sa kinabukasan ng pamilyang to! " tapos lahat ng kaibigan niya di ko pinapansin talaga kasi inis ako eh. angkapal ng face! bakit ako makikipagplastikan sa kanila? sila ang dapat mahiya diba? tapos sinasabihan ko siya na bakit pag nangailangan ka kala mo malalapitan mo sila? meron pa siyang isang friend na nangheheram ng equivalent to 1million peso, nung di niya pinaheram nagalit pa! so i told him, "see, yan ang mga kaibigan mo! ginagamit ka lang! mga abusado sila!" tapos it came pa to teh point na everyday na lang kami nag-aaway dahil dun at muntik na ko mag-alsa balutan talaga. ang ginawa ko pinwersa ko siya na bumukod, kasi nasa parents niya kami eh. sabi ko bakit di ka makabili ng bahay eh panay nga pautang mo nang walang balikan diba? tapos kung [textspeak!]-ano sinabi ko sa kanya talaga na masasakit. ayun nadala siguro di na nagpapaheram, or di ko na lang siguro nalalaman. pero sinabi ko sa kanya na anak niya ang pagkagastusan niya hindi ibang tao. at sa susunod na malaman ko pang nagpaheram siya di na nya kami makikita. kasi i know naman na kung sakaling magigipit kami matagal na matagal pa yun, at kung dumating man yun di niya talaga masisingil pa at malalapitan sila. kasi he tried na singilin sila sinabi niya na need for house renovation, aba mga makakapal ayaw maniwala, mapera naman daw siya pano siya magigipit! the nerve talaga! so ngayon, yung mga taong may utang s akanya di na niya ganu kinakausap di gaya ng dati. somehow naniwala din siya.

kase kung emergency naman oo pwede pa, pero yung mag-iinvest sa business at kulang puhunan or para may madudukot pag nagipit! mga reason na palpak ba. mag-nenegosyo ka eh di magloan ka, pag nalugi ka eh di yung pera namin di mo na ibabalik din, gusto mo may ipon ka sa bangko eh di mag-ipon ka sa sarili mo, nakalagay nga sa bangko mo pero utang naman.

at may mga tao talagang ganyan na mapang-abuso kasi may mga taong pumapayag abusuhin sila.

whitelady17

  • Guest
Re: Utang
« Reply #14 on: November 06, 2012, 03:07:12 pm »
mentality ng nangungutang kasi eh, kapag kaibigan eh walang demandahan, walang interes walang remata. while sa bank daming requirements and collateral.

If youe partner can't refuse to lend some of his hard earned money, then require him to ask for an item in exchange, titulo ng lupa etc, here comes your role, ikaw ang mamimili ng item na isasanla sa inyo in exchange of cash shempre ensure na nasa good condition etc.

just remembered a friend of mine was asking a 10k utang, will pay me back daw asap, so sabi ko ano ang isasanla mo in return? para masigurado ko na babayaran mo ako? ayun hindi na sumagot.

Kung ma feel nila na para na ring bank ang partner mo, then they will stay away na lang sa panghihiram sa kaniya, enough is enough. and advise him pala to say "no"practice kamo siya para ma perfect niya ang pag sasabi ng NO sa mga nanghihiram

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #15 on: November 06, 2012, 05:27:51 pm »
Ohssshheeet. Update ladies! Nakealam ako sa facebook nya, yes i have access. Andun yung details ng papadalhan ko ng utang. Sinamantala ko basahin messages exchanged with another friend, ayun, may mangungutang this november. 40 thousand!!!  Gusto ko sampal sampalin para magising! Yeah, pumayag na sya sa pautang. Nakakaloka lang!!! Naiyak ako sa pagka pikon. He didnt discuss this with me.

I reminded him about investments about two hours ago, sabi ko dagdagan namin, sagot sakin wala naman daw syang ipandadagdag... Pero papautang sya ng kwarenta mil??????

I understand the intent, kasi gusto nya na makaalis yung dati nyang katrabahong yun, para makasama na rin nya abroad... Pero naman! Grabe ha!!! Kapal naman ata, kwarenta mil?? Di man lang apat na kaibigan, ten thou each friend!? I particularly like this person kaya im disappointed sa kakapalan.

Hstory: sorry pero t**** ata talaga tong partner ko, ten years ago, inawitan sya ng workmate nya na magloan for the friend. Walang alam ang mokong, i wasnt in his life, and ayun, nagloan under his name for 100k!!! Tinakbuhan sya ng "friend" nya. Binayaran nya unti unti... Asarap nya utangan no?

Gusto ko syang gilitan ng leeg. Sobra.

gab54

  • Guest
Re: Utang
« Reply #16 on: November 06, 2012, 05:48:32 pm »
I think u should resolve this before u get married. Kung magpakasal kayo at lagi nalang ganyan, hindi malayong maghiwalay kayo dahil sa pera.
Sobrang maiintindihan kita sis, in fact agree ako sayo. Sa amin mag asawa, ako lang ang himahawak ng money, whatever hubby wants/needs, magpapaalam siya muna. Usually I say yes, or yes but ipon muna tayo... Kaya lang iba ang pananaw ng fiance mo at sa totoo lang, pera niya yun. Maganda man ang intention niya at mabuti ang puso niya at matulungin, minsan hindi na maganda pag OA na... Mag usap nalang kayo tungkol dito, tell him kung pwede ikaw nalang ang hahawak ng pera ninyo. Tell him your dreams - owning ur own house, kids (good education), travel, etc. Plus, magtabi rin kayo ng emergency fund... Ok naman tumulong sa iba kaya lang dapat may limit. Ex 10% itabi mo every month, pag may gusto kayo tulungan, dun ninyo kukunin. Sana mag ayos ninyo ito...

muy003

  • Guest
Re: Utang
« Reply #17 on: November 06, 2012, 06:02:04 pm »
I just confronted him regarding what ive read, sya pa nagalit. Naghahanap lang daw ako ng ikagagalit ko! Wow. Wag ko daw sya masyado sakalin.. Ayos!! Binabaan pa ako!! I really hate him right now and i dont think papayag ako magpakasal sa kanya. I cant trust him, nagugulat lang ako na ngayon nagka issue ng ganito... Feels like the universe is trying to tell me something..

 :-[ :-\ :'(

gab54

  • Guest
Re: Utang
« Reply #18 on: November 06, 2012, 06:15:19 pm »
Palamig muna kayo sis... then usap kayo uli pag hindi na mainit ang ulo ng isat isa. Nakakalungkot man ngayon, pero kung hindi niyo mareslove itong issue na ito before marriage, baka hindi rin magiging smooth ang marriage nyo. Pray for wisdom & guidance...

glamorosa_09

  • Guest
Re: Utang
« Reply #19 on: November 06, 2012, 09:28:02 pm »
I just confronted him regarding what ive read, sya pa nagalit. Naghahanap lang daw ako ng ikagagalit ko! Wow. Wag ko daw sya masyado sakalin.. Ayos!! Binabaan pa ako!! I really hate him right now and i dont think papayag ako magpakasal sa kanya. I cant trust him, nagugulat lang ako na ngayon nagka issue ng ganito... Feels like the universe is trying to tell me something..


you attacked him siguro kasi, and his response to you is a natural tendency. Anyways, we hope here na idiscern mong maigi. If you want to give it a chance, gandahan mo yung approach mo... you cannot expect anything good to come out if you will start a talk aggressively. Hindi ka aamuhin nyan, lalo na kung hindi naman ganun ang personality nya.

Like what others said, money is one of the biggest issues in marriage. Kaya mo naman siguro masubaybayan yung financial life ng h2b mo eh. Sabi mo, ikaw nag cocompose ng script when he says no. Wag ka lang siguro maging magagalitin para nag-oopen up sya sayo. You can inculcate openness naman siguro in your relationship.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close