Author Topic: Money Set Up When Married  (Read 53345 times)

babyboo.0326

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #60 on: February 08, 2013, 01:17:38 am »
^isang example na naaalala ko parang nasa mall ata, bibili siya ng pants kasi luma na, so imbes na bilhan niya nalang as a gift yung asawa niya, sasabihin pa ni wife na utang daw yun ni kuya kasi siya ang nagbayad hahahaha!!

talaga? eh kasi yun kahit kaninong kausap hindi nagtataas ng boses eh. as in! ganun siya sa office. sobrang mahinahon siyang tao. i think tine-take advantage na ng wife niya yung kabaitan niya kasi alam ni wife na susunod nalang yung husband niya para walang argument. ayaw daw kasi niya ng confrontation at pag nagsimula na daw siyang mag-speak up, dadaanin daw sa iyak, pagpa-pack ng bags at magtatangka na aalis pero di naman tinutuloy  ;D

caramelli

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #61 on: February 08, 2013, 12:49:57 pm »
^haha! grabe naman yun, pwede namang paminsan minsan bilhan nya yung asawa nya. kahit pa walang okasyon. haha, may arte pa palang maglalayas ang bruha. hay nako, hindi matatapos yang ganyang arte ng asawa nya hanggat di narerealize ang worth ni husband. tsk tsk!

jmeangeL

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #62 on: February 08, 2013, 01:12:28 pm »
We never had this issue.  Mabait si hubby.  He would give me his entire earnings at bibigyan ko lang sya ng allowance for 2 weeks.  Hindi na sya nahingi para sa kung ano pa man ang gusto nya.  I also gave him a cash card kung saan may pera in case of emergency.
Ako ang bahala sa budgeting and everything.

Ngayon sa SG na sya nag-work, he asked me to list all our monthly essential expenses.  Kung magkano iyon, iyon ang pinadadala nya sa akin.  I keep my salary for emergencies and investments.

Hindi ko rin obligated si hubby na ipadala sa akin ang buong sweldo nya don.  Just enough to cover the basics.  OK naman ang set-up kasi he doesn't have to live too frugal na kaylangan noddles na lang ang kainin para magpadala lang.

klengmorales

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #63 on: February 08, 2013, 01:21:31 pm »
Sabi ni BF, pag kasal na kami, siya daw ang gagastos sa lahat basta kaya pa daw nya.

Ngayon kasi siya yung nagbabayad sa pnapatayong house at mga bills sa condo. So wala talagang natitira sa sahod nya. nakikihati lang ako sa tubig at grocery :)

babyboo.0326

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #64 on: February 08, 2013, 10:25:15 pm »
^haha! grabe naman yun, pwede namang paminsan minsan bilhan nya yung asawa nya. kahit pa walang okasyon. haha, may arte pa palang maglalayas ang bruha. hay nako, hindi matatapos yang ganyang arte ng asawa nya hanggat di narerealize ang worth ni husband. tsk tsk!

actually, ang kwento pa sakin nung husband, he feels so miserable na daw for a long time. nung una pa lang, pagdating ni ate galing sa ibang bansa para magpakasal na sila, dinala siya agad ni kuya sa apartment na hinanap nung husband kasi nga ayaw daw ni wife na kasama in-law. pagdating daw dun, nung nakita niya yung place sabi daw "ay, ang liit", na-disheartened daw bigla si husband pero wala na siya magawa kasi nga the next day na sila magpapakasal.

so now daw kahit na gustong-gusto na niya iwan wife niya, he can't kasi nga he owes a lot to her daw dahil sa pagbibilang ni wife sa mga contributions niya. wife is living the life she wants, husband is not. minsan daw sobrang frustration niya imbes na sigawan niya wife niya, inuuntog na lang daw niya ulo niya sa wall. naawa naman tuloy ako sa tao  :(

caramelli

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #65 on: February 09, 2013, 10:45:06 am »
^aww.. :( naku naman sis, sabihin mo sa kanya hindi na uso ang martyr ngayon. 2013 na kamo, sarili lang nya makakatulong sa kanya. wag nya hayaang ginaganyan sya ng asawa nya, baka mamaya bigla nalang syang sumabog. alam mo yung ganun na napuno na talaga, baka kung ano pa magawa nya.

quinone

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #66 on: February 09, 2013, 01:36:47 pm »
minsan daw sobrang frustration niya imbes na sigawan niya wife niya, inuuntog na lang daw niya ulo niya sa wall. naawa naman tuloy ako sa tao  :(

sis, ito opinion ko lang naman huh, i hope hindi kita ma-offend... may mga lalaking "paawa effect." gaano man siya inaapi ng wife niya, sa kwento e mukhang match naman sila, parang dominant at masochist. baka nga kapag naghiwalay sila, e ganung klaseng babae pa rin ang makatuluyan niya, yung medyo dominante, kasi siya emo.

baka nafe-feed yung ego niya, i don't know, na parang bait na bait kayong mga officemates niya sa kanya. tingin ko mahal niya ang wife niya; otherwise, makipaghiwalay na yan ng tuluyan dahil pwede ka naman magbayad ng utang kung hiwalay na, in fact lalu lang lumalaki yung "utang" niya habang shared ang expenses nila. cynical lang siguro akong tao. peace!

sorry, for being off-topic.

ri-anne

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #67 on: February 09, 2013, 02:56:48 pm »
Before kanya kanya yung pera namin then may mga expenses naka assign sa akin and sa kanya. But now our current set up is lahat ng sweldo ko drecho sa joint account namin for our savings then sweldo lang ni hubby yung ginagastos namin. At 1st medyo mahirap pero i realized na mas ok kasi mas lumaki yung savings namin and mas open kami sa lahat ng personal expenses namin. :)

I agree with you sis mas mabilis nga yung ganito. I'm a sahm eversince i got married. But during the time i worked while married, ganyan yung set-up namin. In those few months i worked, ang laki kagad ng naging savings namin. Buong sweldo ko plus yung tira sa sweldo ni hubby savings namin.

gab54

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #68 on: February 10, 2013, 09:07:24 am »
Ideally dapat combined ang income ng mag asawa, then babae ang hahawak sa pera, bibigyan ng allowance ang bawat isa para sa daily expenses, dun kukunin ang pambayad sa bills and savings

princess jaz

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #69 on: February 13, 2013, 04:12:53 pm »
Ideally dapat combined ang income ng mag asawa, then babae ang hahawak sa pera, bibigyan ng allowance ang bawat isa para sa daily expenses, dun kukunin ang pambayad sa bills and savings

Sis, set-up namin ngayon, combined income.
Ako ang nagbudget. Savings muna (deducted na agad sa salary) yun natira yun ang ginagamit namin para sa expenses (condo amortization, utilities, grocery, baby need).
Meron lang kami allowance per day.
I tracked the expenses using excel file, mejo matrabaho, pero atleast, nakikita namin kung san napupunta yung sweldo)

quinone

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #70 on: February 15, 2013, 10:19:54 pm »
nung mag bf-gf pa kami ni hubby sabi ko baka pwedeng maglagay kami sa common fund namin (student days at may shared wallet kami) ng 250php/person each week, so weekly 500 gagastusin namin. agree naman siya; kapag eating time water lang kami kasi hindi kami pareho mahilig sa soft drinks.

i think that sort of set the tone sa pagspend namin nung mag-asawa kami, at nalaman rin namin kung paano magspend ng money ang bawat isa, at kung compatible ba kami sa area ng money kung mag-pakasal man kami. kasi i'm sure kung gastadora ako o shopping.era...iiwan niya ako LOL.

cyber_princess

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #71 on: March 02, 2013, 09:25:30 pm »
We are both working,he's got 2 jobs, while I work part time.Iyong sweldo ni hubby sa akin lahat napupunta kasi he wants me to manage our finances.He trusts me to do this things & masinop din naman ako sa pera. I'm lucky kasi mabait yung mister ko and hindi rin siya maluho, tapos wala din naman siya bisyo kaya hindi ako hirap mag-handle ng finances namin.
« Last Edit: March 02, 2013, 09:27:32 pm by cyber_princess »

brendzy

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #72 on: March 10, 2013, 02:57:38 pm »
when we were in the phils, kanya kanya kami with our money, then toka lang what to buy/pay. nung nagmove nakami outside the country, sya na yung humahawak, we just list down yung dapat bayaran/bilhin, allowances, load/internet, pati yung pang extra namin, savings at padala sa pinas. I still get extra naman when I need it. magastos kasi ako at impulsive buyer  ;D

imagodei082990

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #73 on: March 13, 2013, 12:03:39 pm »
joining ..

for me dapat ang babae ang humahawak ng pera lalo na pag sya yung nasa bahay kase alam nya yung mga expenses.. bibigyan nya lang si hubby ng pera for daily

heaven_charm

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #74 on: March 18, 2013, 10:13:07 am »
nakakatuwa naman tong thread na to. di pa kami married ni bf pero nun nandito pa sya sa pinas ako humahawak ng pera niya. like yung nakuha niya yung bonus niya from his agency sakin niya binigay tapos humihingi lang siya pera pag may pagkakagastusan.

he prefers it that way kasi mas magastos siya sakin eh. eh pag nasa akin yung pera niya matanong ako kung saan niya gagamitin kailangan niya pa i-justify. haha

now nakabalik na siya sa barko nagopen kami ng remittance account under my name tapos he is required to deposit at least 10k monthly dun para sa savings niya for us. sana when we get married hindi naman kami magkaprob like nun mga nababasa ko dito. panget kasi pagawayan yung pera

quinone

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #75 on: March 18, 2013, 10:54:48 am »
tingin ko whoever is more smart sa paghawak ng pera o sensible sa paggastos, yun dapat ang manager, hindi based sa gender. kasi may mga partner talaga na gastador o gastadora, malas ka kapag sugarol/sugalera o mabisyo ang humahawak ng pera, yun iba naman impulsive buyer o kaya hilig mamigay ng pera sa kamag-anak o hobby magpa-utang.

heaven_charm

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #76 on: March 18, 2013, 11:02:34 am »
tingin ko whoever is more smart sa paghawak ng pera o sensible sa paggastos, yun dapat ang manager, hindi based sa gender. kasi may mga partner talaga na gastador o gastadora, malas ka kapag sugarol/sugalera o mabisyo ang humahawak ng pera, yun iba naman impulsive buyer o kaya hilig mamigay ng pera sa kamag-anak o hobby magpa-utang.

super agree ako dito. si bf kasi generous sa friends niya buti sana kung utang eh kaso hindi eh bigay lang talaga. inaway ko kasi siya nun nakita ko inabutan niya ng 5k yung barkada niya eh pangda-drugs lang naman yun ng friend nya. wala naman siya issue with me keeping his money kasi sanay naman siya na may ibang nagma-manage ng account for him. yun nga lang mas effective daw ako kasi tinatamad na siya humingi ng pera kasi aawayin ko lang siya pag ipapamigay niya lang sa bestfriend niya  ;D

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #77 on: March 18, 2013, 01:24:23 pm »
^^ i agree. There really is no clear cut standard kung sino ang dapat maghawak ng pera sa isang couple. Whatever works for the couple. So be it.

My brother and SIL, style nila is toka-toka sa household expenses, share sa travel and schooling expenses. Yung isang brother and SIL ko naman, joint ang pera nila, then yung SIL ko ang nagma-manage. Me allowance ang kuya ko.

Kami ni hubby, sa start ng marriage naggawa kami budget ng monthly expenses then contribute kami 70-30 sa monthly funds. mas malaki kay hubby kasi mas malaki takehome pay nya and mas malaki personal expenses ko. eventually, i proposed 60-40 na kasi na-promote ako, therefore me increase and since some of my shopping e si hubby naman gumagastos. then ako nag-manage ng common funds. pero eventually, i told husband sya na lang mag-manage ng common funds kasi mas matyaga sya mag-monitor at mas masinop sya sa gastos. Ako kasi me pagka-impulsive buyer tapos makakalimutin din so minsan one week di ako nakaka-account ng expenses. Tsaka nahahalo ko na yung personal money ko plus household money.

When i stopped working, hubby wanted me to take over sa pag-manage ng finances, and i tried for a few months. Pero yun nga, mas maayos pa din pag-monitor/record nya so I told him sya na lang ulit, hehe.. So now, sya ulit nagma-manage ng common funds. Binibigyan nya ako revolving fund for household expenses. Me fixed monthly allowance ako for my personal expenses (mainly, shopping fund ko. Pag me sobra or if di ko nagastos, personal savings ko na yun). Me small sideline ako, akin lang yung income from that. From time to time, we discuss our financial status (analyze our previous months' expenses, reevaluate budget especially if meron pinaglalaanan big-ticket expenses like new car or travel, etc).

Again, whatever works for the couple. Di kailangang si wife maghawak, depende sa dynamics nyo as a couple. For me, ang important is honest and open kayo sa finances nyo. Pag walang budget, then wag ipilit. Pag me budget naman, wag masyadong maging makunat. :)

kharenlouisse

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #78 on: March 20, 2013, 11:44:24 am »
Pwede pong mgjoin,newbie lang po

Kami po ni hubby ganito setup sa expenses:

Every payday we give 3000 pesos each, so every month meron kaming 12k for our expenses kasama dito : Yaya, House share and Allowance for Baby's daily need yung sobra for Baby's bdo junior savings account and my Tig 1k pa kaming share para sa savings account naman naming magasawa

It's good thing na we lived w/ my father and sister since nagstart palang kami ng family, so wala kaming binabayaran sa bahay and sa food.  ;)

shegie_285

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #79 on: March 23, 2013, 10:54:24 am »
Even before we got married we had joint account na, all sweldo goes into that pero we keep personal savings, mga €300-€400 each per month. Now that we're married, hubby doesnt see the point of the personal savings, dapat daw lahat transfer to joint account na and dapat open lahat sa expenses. ako naman defense ko pangregalo ko sa kanya. sabi nya credit card daw gamitin ko pag bibili ng gift. hmp. anyway, feel ko ang personal savings so we agreed €100 per month. everything joint account na, our joint account pays for our daily expenses.  he handles our finances (he pays the bills, mortgage, etc) kase magastos daw ako.he also audits our joint account every day! okay lang naman sa akin, plus one time me fraud transaction gamit card ko nakita nya agad and we were able to report immediately to the bank.

He keeps the savings too,  kahit nung wedding preps, he kept the savings and he wouldnt tell me before kung magkano na balance kase ang dami ko daw gusto sa wedding.

now, actually i dont know how much money we have. he doesnt transfer everything to the joint account, he keeps the savings. the joint account naman nauubos namin and un lang ang me access ako. pero we talk about the finances (accountants pareho eh) all the time so alam ko ang mga gastusin especially mga major gastos. everytime we want to buy something we make paalam. ako naman mas magastos kaysa sa kanya but i learned to be masinop because of him. :) pero nakakatuwa kase pinagbibigyan pa rin naman ni hubby ang mga luho ko. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close