watch now

Author Topic: Daily Diary of TTC women IV  (Read 115075 times)

PinKisH_23

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #460 on: May 06, 2014, 10:53:56 am »
Nagvacay ako sa work ni hubby last March 25-April 21. Nagkaron ako ng super lakas n mens after 2 months na di ako dinatnan ng April 2-8. After that, tuloy tuloy na love making na everyday 1-3 times a day until nung pagbalik ko ng 21st. Kailan kaya ako pwede magcheck kung may nabuo or what?

sazleang

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #461 on: May 15, 2014, 05:12:31 pm »
Nagvacay ako sa work ni hubby last March 25-April 21. Nagkaron ako ng super lakas n mens after 2 months na di ako dinatnan ng April 2-8. After that, tuloy tuloy na love making na everyday 1-3 times a day until nung pagbalik ko ng 21st. Kailan kaya ako pwede magcheck kung may nabuo or what?

Hi Sis, supposed to be pang CD44 mo na. pwede ka na buy home pregnancy test kit para macheck mo na. God Bless and Super Baby Dust to us! :)

cgracemilan

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #462 on: May 16, 2014, 02:36:25 pm »
HI there!

I am just new here... just want to ask for your suggestion for my below choices of OB, been TTC for 3 years, we were married 2011, but until now we have not been successful... I would like to try with new OB...

1) Dr. Angela Aguilar
2) Dr. Elizabeth Joan Ocampo
3) Dr. Australia Herrera Luz

Hope anybody can give me their feedbacks and experiences with these 3 doctors from St. Lukes Global.

Thanks!


tiggerlily

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #463 on: May 21, 2014, 09:54:34 pm »
here's how our story started: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,280398.msg7830325.html#msg7830325

Matagal ko na gusto pero wala naman kami nabubuo before. Kasi dream ko magtandem nursing. Kaso di na pwede ngayon kasi 6yo na yung panganay ko.

sayang hindi nabuo lately. delayed lang pala ako. regular naman kasi ako magkaperiod kaya akala talaga namin meron kahit negative ang PT.

di ko magets yung ibang mga abbreviations. ano nga pala ibig sabihin ng CD44?

sazleang

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #464 on: May 24, 2014, 12:36:56 pm »
Sis @Triggerlily, Cycle Day 44. binibilang po from the first day ng period. Maraming mga Abbv na hindi ko din magets pa hehe. I'm trying to seach din sa net hehe. Baby Dust to us!

pretty_arnie

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #465 on: May 31, 2014, 04:25:20 pm »
hello
 I am new here. ttc since 2011 til now..
 sobrang nakaka stress n :-\
 

jholan15

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #466 on: June 02, 2014, 11:29:03 am »
hi sis pretty_arnie, don't stressed yourself too much. kame din ni hubby, ttc since 2011, mag 3 years na kameng married on seprtember, until now wala pa din..ibibigay din saten yan on the right time :)

prettygretchen

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #467 on: June 03, 2014, 09:25:53 pm »
Hello TTC since 2011,

Still no success. Nakaka frustate lang na ang dami daming babies sa paligid mo sabay ikaw hindi pa makabuo. Huhuhu ='(

Anyway, my OB is Dra. angela aguilar and nag ppunta ko da friendly care clinic niya super jampack ang pila dun everytime na may sched ako. Before I use to fall in line super early as in by 7am get a number then be back by 12noon hopefully andun na si doc pero kadalasan late din siya. So ang style ko call the clinic ask if andun na si doc at kung pang ilan na ko saka ko mag papa pila kay myrna psabihin ko nasa ortigas nko kahit malayo pa haha!

Regarding sa galing niya, I like her.
1. Natatandaan nya yun patient niya. Meron siyang files laptop and nirerecord niya every check up ang mga meds na prescribe treatment and all. :)
2. Affordable. Affordable ang rates for ovulation monitoring sa friendly care 500 lang with consultation na. Duphaston and femara ay mas mura din sa clinic niya. :)

What I dont like.
1. Super tagal mag wait so if magpapa sched ka dito gawin mo na lahat sa morning tapos hapon go ka dun and expect to wait 2-4hrs minimum.
2. Walang food cafeteria sa friendly care so bago ka magpunta dunmake sure na busog ka naand bring snacks and water.

Minsan din kahit mag antay ka hindi siya dadating kasi yun patient niya nanganganak :) hehe

baby dust to all! :)

Wannabeamom

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #468 on: June 10, 2014, 12:56:42 pm »
Hi Sis pretty_arnie, same story here still waiting. Nagpawork up na rin kami ng hubby ko pero ngayon nagstop na muna kami kasi nakaka 3 cycles na ako ng clomid. Gusto ko muna ipahinga yung sarili ko pero nagtetake pa rin ako ng mga supplements. In God's perfect time talaga magkakaron din tayo ng baby.

sazleang

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #469 on: June 12, 2014, 09:31:33 am »
Tama si Sis Wannabeamom, totoo sobrang nakakafrustrate maghintay lalo na pag dumating nanaman si AF.. Pero hindi tayo dapat mawalan ng HOPE. For me, Iniisip ko nalang na God let me wait para mas lalo ko pahalagahan si baby pag dating nya, may pagka happy go lucky kasi kaming mag asawa na kahit nasa early 30s na, maychildish acts parin kami.. Iniisip ko nalang na challenge ito samin ni God para once na bigyan na nya kami ng baby, mas maging responsible and loving parents kami.. Wag tayong mawawalan ng pag asa mga sissies. Positive thoughts yields positive preg test! :) baby dust! :)

princeza08

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #470 on: July 07, 2014, 02:18:39 pm »
nalulungkot ako mga sis. until now di pa din ako napepreggy ever. mag 2 years na kami married ng hubby ko. i know medyo OA na ako compared sa mga ibang sis nating dito na mas matagal na naghihintay ng kanilang little angels, pero it seems na every month is like a year waiting. tapos makikita mo pa sa fb na yun mga relatives, friends ultimo mga abay sa kasal namin dati eh mga isa isa na na preggy tapos ako hindi pa. alam nyo yun feeling na gusto mo magtaklob ng kumot sa kahihiyan. pag may mga family/friends gathering lagi aask ka nila if preggy na ako. though di ko naman masisi yun iba, kaso lang naiirita talaga ako pag tinatanong ako ng ganon. di ko na nga lang sinasabi sa asawa ko etong nararamdaman ko kasi pagagalitan na naman ako non, na masyado akong negative. eh anong magagawa ko eh that's how i feel. i feel so sorry for my self kasi napag iiwanan na kami. kasal nga kami pero wala anak. pero bakit yung iba kahit hindi kasal ang bilis lang ma preggy, kahit hindi nila hilingin nagkakaron sila ng baby. walang kahirap hirap. samantalang kami ang laki na ng ginastos, naoperahan na at lahat wala pa din? so sad lang. tapos si hubby ko paalis na ulit. ilang araw na lang hihntayin at makakahiwalay na naman kami. kaso pag magkasama naman kami wala kami ipon. at nasa abroad talaga ang work nya. super sad lang talaga. wala ako masabihan ng problem ko kaya dito ko na lang ilalabas lahat ng frustrations ko. sorry mga sis, nag eemote lang talaga ako ngayon. :(

Wannabeamom

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #471 on: July 07, 2014, 06:18:06 pm »
@Princeza08 - i know how you feel. Kasi ganyan din ako 2 years na kami ng hubby ko pero ofw din sya (seaman) naman most of the time di ko rin nakakasama. Malungkot kasi kapag nag-aattend ng party or family gathering ang laging tanong sa amin eh kung may anak na ba. Ayoko na nga lang mag attend kung minsan kasi ako ang topic. Nakakafrustrate talaga na kahit anong inumin mo parang walang nangyayari pa rin. May subserous myoma ako siguro nasa less than 5 cm na sya kasi may iniinom ako na tea. Minsan iniisip ko na lang na baka di para sa akin ang pagiging nanay. Ironic nga kasi teacher ako eh tapos puro bata mga kasama ko. Di ka naman OA kasi siguro talagang ayun ang ineexpect ng mag-asawa ang magkaanak agad. Sabi ng mga sisters natin dito na think positive lang and darating din yan. Pero sa case natin na nasa abroad ang asawa parang lagi tayong naghahabol ng oras para mabuntis. Kami ng asawa ko wala na rin halos ipon tapos ngayon sa kagustuhan namin na magkaanak 1 year syang di sasakay. Ang hirap na laging naghihintay ng good news sa pregnancy tester. Ngayon ang iniisip ko na lang eh mawala na lang ng tuluyan yung myoma ko atleast maginhawa na yung magiging pakiramdam ko kapag nagkakaron ako ng AF.  Hayyy...dito lang ako sa network na to nakakapaglabas din ng sama ng loob. Kasi minsan kahit sa mga asawa natin mahirap magshare ng nararamdam kasi iba naman ang isip nila sa atin. Sige lang sis ilabas mo lang problema mo marami naman sisters dyan na nakakatulong at nagbibigay ng encouragements.

dudzrea

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #472 on: July 08, 2014, 08:56:25 am »
@Princeza08[/marami tayo dumaranas ng frustration dito, lahat tayo sobra nag hahangad na mag kaanak na, lalo na pag malapit kana mag 30s, sobra ko naiintindahan pinag daraanan mo. alam mo ba sobra hirap makitungo sa ibang tao lalo na sa case natin, lagi nila tinatanung kung buntis na. my time pa na yung mga kasabayan mo na nag papawork up eh nauna pa  ma buntis. kahit ayaw mo maiingit eh talaga mararamdaman mo yun.. in my case sis mas mahirap.  bout my tube is blocked nalaman ko nung june 10 lang, para na ako buhay na patay. my time pa na sinasabi ng iba kelan mag kaka anak pag matanda na parang apo muna magiging anak mo. lahat ng insulto naranasan kuna, sinasabi ko nalang sakanila na kahit matanda pa kami mag kaanak ng asawa ko mabubuhay namin ang bata at kahit mamatay na kami my maiiwan kami sakanya, chaka wala na sila dun. dahil publema na natin yun.  til now pilit ko kinakaya ayoko bumigay para sa asawa ko ayoko pang hinaan ng loob, sobra ako naniniwala sa MILAGRO NG PANGINOON alam ko pagagalingin niya ako naniniwala ako. sa ngaun sis wala ako plano mag pa opera.  everday lang umiinum ako salabat, wala na ako iniinum na mga gamot oh fertility med.kailangan ko maging POSITIVE AT MANIWALA NA GAGALING AKO sa mga relatives ko bout side kinausap kuna na wag na nila ako tatanungin kung kelan ako mabubuntis kasi hindi ko alam at sinabi ko sakanila na kahit wala kami anak ng asawa ko mahal namin isa't isa, hindi ko din alam kung ano future namin mag asawa ang DIOS lang nakaka alam nun hayaan mo nalng ibang tao kahit ano pa sabihin nila,. Alam mo ba sis sa case ko sobra ako napalapit sa PANGINOON. Lagi ako nag papasalamat sa TRIALS na binibigay niya sa amin mag asawa dahil sa pag subok na ito napalapit ako sa PANGINOON at ang pag sasama namin mag asawa nagiging matatag. inalis ko galit sa aking puso, inaalis ko hinanakit sa sarili ko bakit nangyari ito.. hanggat my buhay ang tao my pag asa. ASK BELIEVE AND RECEIVE KAYA NATIN ITO MGA SIS. KEEP FIGHTING...  :)  GOD BLESS ALL

princeza08

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #473 on: July 08, 2014, 10:04:53 am »


thanks mga sis sa advice nyo. i feel relieved.

sis wannabeamom: sis yun din inaalala ko, one year din mawawala si hubby kaya i felt na, sayang yung 1 year na di kami magkasama. kaso wala talaga choice kasi yun ang work nila di ba? ayoko naman talaga ma feel ang ganito, kaso hindi maiwasan minsan ganon ang pakiramdam. kasi nga yung mga bagay na gusto ko magkaron, eh wala pa sakin. thanks.

sis dudzrea: nagkataon lang kasi nag open ako ng fb at ang daming babies. kaya bigla ako nalungkot. tapos paalis na si hubby, and i'm turning 32 na next year. kaya natatakot ako. pero tama ka sis. beposititve lang talaga at maniwala na gagaling tayo. and believe in miracles. siguro di pa sapat ang faith ko, kaya may fear pa ako. at this point kailangan talaga di tayo bibitaw kay God. at i-cancel lahat ng negative, especially yung sinasabi ng ibang tao against us. anyway, maganda ba talaga ang salabat sis? as in yun luya lang sya ordinary o turmeric (luyang dilaw) ? thanks sis.

dudzrea

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #474 on: July 08, 2014, 11:07:34 am »
princeza08 yes luya dinidikdik ko lang yun tapos nilalaga kuna, dito ko lang sa thread nabasa yun nakaka alis daw pamamaga sa katawan nagresearch din ako about sa luya..

Wannabeamom

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #475 on: July 08, 2014, 11:16:22 am »
Princeza08 - hay same talaga tayo. kasi sa fb nakita ko na yung mga classmates at students ko na nanganak na. Ako nga 32 na eh. Sabi ng kaibigan ko sa akin buti pa yung mga kabataan lamig lang ang puhunan at nagkakaanak agad. Yung nagiging anak anakan ko ngayon yung mga babies ng brother ko. Darating din yun atin sis.

princeza08

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #476 on: July 08, 2014, 12:20:00 pm »
dudzrea: itry ko din yung sinasabi mo sis, may endo kasi ako, at di ko pa sure kung ok tubes ko. d pa ako nakaka balik sa doctor para magpacheck up kung bumalik endo ko simula nun naoperahan ako. bago bumalik si hubby next year dun na lang kami ulit magpapa check up. for the mean time mga herbs, helathy foods & supplements muna i-take ko and of course lots of prayers.

wannabeamom: iniisip ko na lang yung iba nga na sis natin dito mas matanda pa sa atin nagkakaanak pa eh. malamang tayo din :)


purpleangel11

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #477 on: July 08, 2014, 01:31:30 pm »


         Sis Dudzrea,


               Tama ka sis pag me mga pagsubok, talagang doon ka mapapalapit ke LORD at doon mo maffeel ang presensia na. Kagaya nio din ako noon mga sis na nagiintay ng baby miracle blessing...Kinasal kami ni hubby 29 ako...umabot ako ng 34 years old na walang anak....TTC eversince then...2 years of being married ok lang sa akin kase sabi ko baka di pa talaga time at eenjoy na muna namin ang mga sarili namin being married...pumasok ang 3 years to four years naming kasal, doon na sumidhi ang desire ko na magkaanak na kami ni hubby....tumambay ako dito sa GT for almost two years at nilabas lahat ng emotions regarding TTC journey...doon mostly ako tumambay at nagdiary sa TTC diary...naexcite pag malapit na baby dance days, nalungkot at naiiyak pag andian na si AF, disappointed everytime na negative ang PT's, natuwa sa mga sis na kasabayang nabuntis pero di maiwasang mainggit din sa kanila...madepressed dahil gustong gusto mo pawork up dahil sa kondisyon ng katawan mo kaso wala namang pampawork up ng tuloy tuloy..hehe.....hanggang sa dumating ang time na nasagad na ko...sabi ko sa sarili ko ayaw ko na...ipagpasa ke LORD ko na lang lahat....natagpuan ko na lang sarili ko na sa kanya umasa at ilet-go sa kanya ang lahat..nagpakabusy ako at nagserve sa LORD through singing sa church namin...nawala sa isip ko TTC.....that time me pinagdadaanan din kami ni hubby...nagkasakit at nagkainfection si hubby...matagal na gamutan...sabi ko ke LORD..LORD bakit po ito nangyayari sa amin....ikaw lang po ang nakakaalam ng lahat kung bakit..pnagkakatiwala po namin ito sa inyo...alam ko na in the end...may reason kung bakit binigay nio pagsubok na ito...at sa huli namin malalaman ang lahat...Dahil humina katawan ng asawa ko habang naggagamot sia..napagusapan namin na  wag na muna kami magtry magbaby at ipagpake LORD na lang lahat...naalis pressure sa isip ko at katawan ko...nomore  bilang days kung kelan fertile days..no more tuwad tuwad during baby dance..( sabi kase ni OB tumuwad ako ng isang oras after baby dance dahil sobrang retroverted daw matris ko..)....until one morning...humiling si hubby...sabi ko di ba di naman tayo TTC..mahina katawan mo baka mapagod ka lang..eh makulit...pinagbigyan ko...baka kako magtampo...me sakit na nga..ppasamain ko pa loob..hehe....we made love na walang expectations...tayo agad ako at nagwashed...ipinagpatuloy ko mga araw ko....hanggang sa dumating ang due date ni AF na di pa dumadating..nadelayed ako ng almost 6 days....hindi ko sia gaanong pinasin kase minsan nadedelayed naman ako ng ganun pero nadating si AF...at isa pa isip ko...isang beses lang sa isang buwan kami nag make love ni hubby...kaya sa isip ko imposible na mapreggy ako....pero mga sis..wala pala ngang imposible ke LORD....at kung nasa time table na nia..ibibigay at ibibigay nia blessing sa kahit anong paraan....at lo and behold nagbuntis nga ko!!!binalita ni hubby sa relatives nia good news...ang unang reaksion nila...We Di Nga????hehe...kase di nila iniexpect na mabubuntis ako...sa isip nila siguro wala na kong pag-asa...hehe....natuloy pagbubuntis ko..but along the way andaming naging problem...but thanks and praise to GOD..by His grace....inilabas nia ng malusog at normal ang aking baby boy....Kaya mga sis...isa ako sa makakapagpatunay na wag mawawalan pag-asa sa ating Panginoon...me dahilan kung bakit hindi pa at dumaranas tayo ng mga pagsubok...the LORD makes all things beautiful in the end...so if things are not yet beautiful...then it's not yet the end...in His perfect time...sa panahong di aakalain...ibibigay at ibibigay nia mga hiling...if it's aligned with His perfect will...Keep up your faith sisses and GOD bless your TTC journey...may you find inspiration with my own TTC journey.. :)

princeza08

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #478 on: July 08, 2014, 02:45:23 pm »
purpleangel11 thanks sis 4 sharing your ttc journey. very inspiring.

sazleang

  • Guest
Re: Daily Diary of TTC women IV
« Reply #479 on: July 08, 2014, 04:18:30 pm »
super hirap mga sis yun 2 weeks waiting.. Yun very hopeful ka for BFP then darating lang din pala si AF... :( ngayon parang namanhid na nga ako.. nginingitian ko nalang yun mga nangungulit samin na bat wala pa.. pray nalang at waiting for God's perfect time..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close