Nag-tailspin ang maturity ko dito pero sa isang tao lang.
Background:
I was never the jealous type sa lahat ng mga naging relationships ko kahit sa start ng relationship sa amin ng Fiance ko. Wala ako pakelam at confident naman kasi ako sa kanila.
Me and Fiance started out as real friends as in may time na may kanya kanya kaming relationships. Fiance and his ex were in one group/barkada. Then they broke up tapos shempre magtatanong ka anong nangyari pero fresh pa kasi yung breakup so di pa siya nagkkwento nun. I never really bothered to follow-up tipong kung ayaw mo di wag haha!
Then naging kami ni Fiance at may ibang relationship na din ex niya. Nag-meet pa nga kami lahat sa reunion ng barkada nila. Nalaman ko lang nung nandun na at nagpapakilala ng mga tao na andun pala ex niya pati BF (sinabi daw niya sa akin bago kami pumunta at nag-OK ako - I have a very bad memory so this is possible nga naman).
She's very nice and friendly in-add pa nga ako sa FB and I was ok with that. No negativity whatsoever
Medyo naguluhan si Fiance kung bakit in-add ako kasi pagkatapos ng reunion, nag-usap sila saying he's with me na and she's with her BF so they're really just friends now. Para sa akin, eto yung closure talaga nila at naisip ko, ang tagal namang closure nun haha!
Tapos nakipagbreak ang BF sa ex ni Fiance. This is where it all started..
EVERYONE in their barkada was furious, even Fiance, na ganun yung nangyari kesyo bubugbugin daw yada yada. So napaisip ako, huh bakit? Relationships fail all the time di ba pwede hayaan niyo sila business naman nila yun.
Nagyayaan pa nga ng crying session sa mall as in may dala daw silang mga tissue to comfort the ex. Invited si Fiance pero di siya pumunta out of respect for me daw. Pero naguusap sila online na ayun pa din comforting her.
This was when I asked again why they broke up tapos wala daw siyang oras para dun sa ex kaya nakipagbreak. Tapos in a short time, ex moved on to her then BF. Abangers si kuya (and possibly nanulot) at bumigay naman si ate!
So from Fiance's POV, may galit nga siya sa lalaki at matagal na daw talaga silang di magkasundo nun kaya gusto niyang bugbugin.
After the grieving phase, ex and Fiance were talking about having lunch together (na sila lang ha) kasi magkalapit naman daw office nila. Saka itu-tour daw sa office yada yada.. I'm like, WHAT THE F?
Ayon nag-away ng bongga (first ever real fight we had). He gave me free reign to look at all of their online messages to show na nothing's going on saka he's just telling me nagkayayaan but he's not going na. Ang nakita ko sa messages ay nagkakamustahan sila regularly at ang matindi kasi dun, yung iba eh si Fiance nagsstart ng conversation at yung office tour eh siya nag-offer.
His point was that exes can be friends again saka they are in one barkada. My problem is that I don't believe it's possible unless they were really friends from the very beginning. When I asked how they started out, ligawan agad. Walang foundation ng friendship so wala silang babalikan. It's like they would start as friends pa lang.
So yun, Fiance stopped talking to his ex and deleted their messages. Ewan ko kung dinelete niya yung number. Gusto niya i-unfriend sa FB pero that would mean daw kailangan i-unfriend lahat ng kabarkada niya. Gagawin na niya talaga pero pinigilan ko kasi ayaw ko naman ng ganun.
Since then, naiirita ako sa ex niya. Pag may reunion, nabbwisit ako lalo na kung di ako kasama. Though never pa sila nagkita ulit talaga.
Muntik nga mag-gera ulit kasi gusto niya invite sa wedding namin. Nakalimutan niyang pinagawayan namin few years ago.
Generally, wala ako pakelam at confident sa amin. But when anything related to his ex comes in, ayon na. Ang naisip ko na dahilan bakit ako naging ganito eh:
- insecure ako na mas may pinagsamahan sila Fiance at ex niya at the time (ngayon hindi na siyempre)
- masyado silang friendly sa isa't isa (no communication na daw ngayon)
- deleted messages does not mean di sila naguusap (madali lang kasi magdelete pagtapos)
- hindi nag-jive yung mga sinasabi minsan gaya ng "exes can be friends again" sa "we did not start as friends"
- wala pa din BF si ex hanggang ngayon (I see this as a threat)
- I love my Fiance too much so natatakot ako mawala siya
How to deal with it? I just really have to trust him. Mahirap! Lagi may uncertainty at the back of my head since the incident damaged my trust before pero I let it go.
Recent sample nagreunion ulit at bawal daw magsama. Pinayagan ko at hindi ako nagtanong sino andun. Ending eh wala naman dun ex niya at nag-enjoy naman siya.
Ang haba na pala hihi. Feel free to comment or I hope may lesson somewhere
