we went here last Jan 3-5

we stayed at The Manor. disappointed lang ako kapag 12 noon sa kanila. usually check-out at check-in ang drama ng mga guests pag ganun time. And they have few staffs lang kasi yung iba naka-break.

we arrived around 1pm and waited for 2hrs para maging available ang room. To the fact na nung tumawag kami before 12noon, sinabi na ng front desk na nililinis na yung room. So it means 3hrs na nililinis yung room.

Sana sinabi na lang nila ang totoo na may naka-check-in para di kami tumunganga sa lobby.

anyway, yung father ko deadma sa katabi niya. Di niya alam na celebrity actress pala yun. haha...

and we passed by Chef Lau and his son at Mile High Diner that evening.

We visited Bell House, Amphitheatre, Secret Garden, Butterfly Garden and downtown. Si Mama happy sa Bell House kasi nakita niya yung resthouse ni Ser Chief!

oh, I have a funny experience last Friday night. our accommodation was on 4th floor west wing garden view. While working with my laptop at the balcony, yung katapat na balcony namin sa east wing, nag-turn on ng lights. then may lumabas na group of people to take pictures sa balcony rin. Malayo ang distance namin kasi halos dulo kami ng west wing at ganun din yun sa east wing. Anyway, I went outside to get a drinking water and socks kasi sobrang lamig. Pagbalik ko sa seat ko tuloy ang work ko.

While marami pang tao sa garden, napasulyap ako sa katapat na balcony ulit. Patay na yung ilaw sa katapat na balcony sa east wing at saka may kakaiba na akong nakikita. I saw a white dress sa may bedroom window.

Malapad pa naman yun window and white din ang curtain. Wala akong nakikitang ulo o kamay na gumagalaw. I thought namamalik-mata talaga ako so pinabayaan ko lang. Due to curiosity, tinitigan ko talaga

at wala akong nakitang ulo at kamay to the fact na 20/20 vision pa ako. Pilit kong inaaalala yung story ng isang nag-post dito about spirit. Di ko lang matandaan kung anong room yun. It was late already around past 10pm na so maya't maya sinusulyapan ko baka sakaling gumalaw.

After 30mins na patay yun lights ng room, nag-open na ulit ng lights sa may living room. Inabangan ko talaga na i-open din nila yung sa bedroom. Tamang-tama bigla na lang lumabas ang father ko sa bedroom at nanood ng tv sa sofa.

Nagulat lang siya nang bigla akong tumawa.

Nag-on na kasi ng ilaw sa bedroom ng katapat na bedroom ng east wing. Nalaman ko na kasi kung ano ang tinititigan ko. Di pala siya 'mumu na di gumagalaw' kundi isang body manequin na may suot na wedding dress! haha..

Tapos biglang may pumasok na girl sa bedroom at nilagyan ng veil yung dress at pinatay ulit ang light. haha...

Dun pala ang venue ng wedding kinabukasan, saturday.

oopps...mahaba na.
