watch now

Author Topic: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?  (Read 26798 times)

nageinna

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #100 on: October 25, 2013, 03:14:19 pm »
No din for me.

i remember, before me and hubby got married, since he's working full time sa family business nila, i asked him if he could ask his father to give him salary every month nalang para makapag ipon kami for whatever purpose. aba nagalit si hubby sakin nun, as in naging malaking issue samin yung sinabi ko. i never meant anything bad or negative with what i said, pero ewan ko iba siguro pagkakaintindi ni hubby sa sinabi ko, na kesyo baka mabastos daw si dad niya pag nanghingi ng salary. since all of their family business naman eh kay hubby iiwan. so ang point niya, no need na manghingi ng sahod, kasi if may kailangan naman, pwede kumuha ng pera sa papa niya or sa office since pera din naman niya kung ano pera ng company or ng dad niya.

sinabi ko sakanya na no! hindi ganon. alam ko sa amin din iiwan yung business sa future, but now, fully managed pa sya ng dad niya. siya nag start palang. ayaw ko lumabas na umaasa kami sa lahat ng gastos namin sa dad niya. like if need namin pambili ng gamit, hindi naman pwede "pa, pahingi ng pera pambili ng ganito ganyan" or pag nagkababy na kami "pa, kailangan ko ng pera pampaanak".

hindi naman madamot his parents pag dating sa money. very generous sila in fact. pero ang off lang kasi nagpakasal kami pero wala kaming control sa pera kasi nga wala naman kaming sariling pera. sa parents parin kami nakaasa. thankfully naintindihan ni hubby yung point ko. he talked to his dad and asked for monthly salary. natawa pa his dad kasi since first born si hubby, feeling ng papa niya, sign yun na lumalayo na kami or si hubby sakanila. well, gusto ko lang maging independent kami. and matuto mag manage ng pera by ourselves.

now ok naman, may sarili kaming savings. we can buy anything we want na hindi na namin kailangan paalam sa parents niya or kahit kanino. i can say na financially independent na kami.

homefinder.ph

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #101 on: October 30, 2013, 08:36:33 am »
no din sagot ko mahirap umasa sa ba. dapat matuto tayong maging independent para sa pamilya mo.

sistah!

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #102 on: October 31, 2013, 01:36:26 pm »
wala naman siguro na gusto na umasa na lang for their needs.


timetraveller

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #103 on: November 10, 2013, 06:18:58 pm »
Wala pa akong sariling pamilya, pero ayoko talagang mangyari ito. Ayokong umasa sa ibang tao :/ Bukod sa nakakawala ng pride at self-esteem, nakakahiya rin sa mga magiging anak ko mismo.

Malaki kasi ang possibility na mawalan ka ng full authority sa mga anak mo dahil nga hindi ikaw ang bumubuhay sa kanila. Eh anong klaseng magulang ka kung kayang mag-enforce ng ibang tao ng authority sa sarili mong anak.

Tsaka ayoko rin yung feeling na sinusumbatan or may utang na loob. Ayokong pag naka-achieve ang anak ko ng isang bagay, eh kailangang i-credit sa ibang tao.

pretty_in_white

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #104 on: December 06, 2013, 08:23:46 pm »
:(  Uso yan sa mga chinese family, umaasa mga boys nila sa parents for financial support. Ultimo birthday party ng first born, milk at kung ano ano pa inaasa.  Nakakaturn off nga pero yan ang common practice.

I'm very independent so I am don't against it. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close