watch now

Author Topic: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?  (Read 26895 times)

twelve5

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #80 on: October 25, 2012, 12:50:43 pm »
Ewan ko sa mga yun. They are teaching their kids to beg. Di talaga tama.

I unfriended them on facebook. Di kaya ng powers ko mga raket nila.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #81 on: October 25, 2012, 01:43:40 pm »
@ dhee-dhee, bigyan mo non-stick pan yung sa Japan 88 Store. Wala naman sya sinabi na specification or brand? hehe. :D Ano ba yan hindi ba pwede na joint nalang kayo ni hubby sa gift kelangan talaga hiwalay? ayos talaga SIL mo. :D

@twelve5, ibang klase talaga raket ng mga magulang ha. Sponsorship na pala ngayon ang paggastos sa bata. At kamusta naman yun, years ago alala ko pinapagalitan kami ng parents namin pag nanghihingi sa relatives. Pero ngayon ibang level na yung ibang magulang. tsk tsk!

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #82 on: October 25, 2012, 03:05:13 pm »
Honestly may ibang places rito sa Pinas especially in some provinces na sinasadyang mag-anak para pang negosyo. Literal talaga yun meron pa nga binebenta ang anak. Understood na ang gumagawa nyan mga walang pinag-aralan o hindi pinahahalaganan ang dangal nandahil sa tindi ng kahirapan. But then still when you analyze it hindi talaga para sa luho kundi para lang may makain sila kung kaya ginagawa nila yan.

Pero yung mga katulad niyan na may pinag-aralan naman tapos aasa sa iba for the sake of luho lang na parang ginagawa pa ngang pang negosyo ang anak for them to show off.  ??? Parang mas sa kanila ako naiinis kasi expecting na mas may diskarte sila at ginagamit ang utak.  Kaso ang problema is yung diskarte at pagiging mautak is kung paano sila makakaasa sa ibang tao. tsk tsk!!!

Dhee-Dhee Lakas ng loob magdemand na kailangan magkaiba ang gift niyo ni hubby? Buti na lang hindi mo na sinunod kasi hindi naman dapat eh! Ate ba yan ng hubby mo? Bakit parang ang arogante naman niya tapos lakas magdemand na parang obligasyon niyong buhayin sila.


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #83 on: October 25, 2012, 05:02:53 pm »
^LOL :D as in 88 store talaga na pan ha... buti hindi Teflon or yung mga mamahalin. Pero naloka naman ako at 88 pesos lang di pa nya keri bilhin at ikaw pa talaga pinabibili...  ::) grabe yang SIL mo sis. Agree ako bilhan mo na nga ng pangkuskos sa mukha medyo kumakapal na yung kalyo nya sa mukha kakahingi sa inyo. Btw, ano nga pala sabi ng hubby mo regarding his ate and his pamangkin??? At wala ba sya asawa para sa inyo manghingi ng bonggang bongga? Kaloka talaga.


akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #84 on: October 25, 2012, 05:22:43 pm »
^magiba kayo ng oras ng pagkain sis haha!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #85 on: October 25, 2012, 05:35:22 pm »
^^ tapos tago nyo yung mga food nyo sa cabinet especially yung mga snacks.. Or bumili kayo yung sakto lang para naman tablan ng konting hiya. Dapat sis ang ibigay mo dyan na birthday gift eh HIYA. Kung meron lang nyan sa tiangge/malls or bazaars ok sana. :D

Hindi ba pwede isara yung pinto tapos act like walang tao sa bahay? hehe. :D

ayami

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #86 on: October 25, 2012, 07:08:00 pm »
guilty kaming umasa ngayon, kasi maaga din kami nag-asawa. up to now, sagot ng MIL ko ang family allowance namin kasi si hubby nag-aaral pa. kakagraduate ko lang this sem at jobless pa ko though may online raket ako. Ang palagi lang sabi samin, until may stable job daw kami saka matatapos ang tulong (na mga 2 years from the start of working umano base sa 2 kong SIL na patuloy pang nakakatanggap ng allowance for 2 years daw nung nagstart magwork).

Gusto kasi ng parents-in-law na pantay din daw, so kami rin daw ni hubby (suwerte ko lang kasi di naman ako anak). Style ko ngayon, since may bigay si MIL, sinesave ko muna yung remainder ng kita ko from the cost ng hulog sa condo. Ewan ko kung ano feeling ng mga SIL at BIL ko about the allowance na nakukuha ng kapatid nila kasi sa thread na to dami kong nababasang negative haha. Ang akin din naman, wala naman talagang pagkukunan yung husband ko kasi student siya, ni ayaw nilang rumaket gaya ko. Kesyo magfocus lang daw ang anak nila sa studies. Tapos yun nga mapera pa ang inlaws so di sila nagaatubiling magbigay.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #87 on: October 25, 2012, 11:25:35 pm »
^In my case I am also guilty rin naman na I am still asking allowance from my mother.  ;D Paano naman kasi hindi enough ang sinasahod ko tapos ang masaklap pa nun kapag nacompute yung gastos sa pamasahe ang laki mababawas sa below minimum kong sahod. Ang laking percent napupunta sa transpo lang. Ayoko naman basta magresign kasi mahihirapan akong humanap ng susunod and very competitive naman kasi yung inaapplyan ko. Ni kahit nga sideline hirap rin ako matanggap basta basta. May mga luho rin akong hiniling sa Mama ko like yung pang birthday ko noon and yung last na hiniling kong luho is yung pang USSG.  ;D Now of course hindi na ako nag-aask ng luho from her. Nagpapatulong na lang ako kung ano kailangan ko.

Natural lang naman ang humingi ng tulong sa needs eh! Lalo na from the family especially parents. Then after wards naman if you have objective to pay it back that is not a problem. Ang point lang kasi ng iba they are becoming abusive. Yung luho inaasa sa iba para lang may mashow off sa ibang tao which is below the belt na. Worst case may iba naman ginagawang negosyo yung kasal o yung mga anak nila. 

Hindi rin talaga ganun kadali maging financially independent. Pero if we are asking help we must be practical.

gil12

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #88 on: October 26, 2012, 10:24:33 am »
no, ayoko umasa sa ibang tao and ayokong may umasa rin sa akin for their family.. kapal muks na yata yun. lol.  ;D  mabuti na lang may aura akong masungit kung hindi baka dami na lumapit sakin. tumutulong ako sa 2 younger siblings ko ngayon pero naging honest ako sa kanila and nagset akong deadline kung hangang kelan ko sila tutulungan. ang reason ko naman dun para hindi ma-willy o masanay na tumutulong ako para kapag naka-graduate na sila meron silang sense of urgency to work. isa pa ayoko umasa sa ibang tao kasi magiging utang na loob ko pa yun sa kanila. kung hindi ready sa gastos ng pagkakaron ng pamilya wag muna mag-anak, yun lang yun.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #89 on: October 26, 2012, 10:47:28 am »
^Same here ayoko rin ng may utang na loob, kung yung magulang ko nga lang nagrereklamo wala raw akong utang na loob sa magulang eh! which is taas kilay na lang ako  ??? Nagising na rin ako sa katotohanan na may mentality sila na nanghihingi na sila ng kapalit. Nagising na rin naman ako na wala talaga sa relatives namin lalo na sa father side ko ang sincere tumulong kundi puro may mga pintas at makakarinig akong hindi maganda. Some of them may dirty tactics. The problem with other parents nagseset na sila ng limitation sa pagtulong sa anak. What if yung anak nahihirapan maghanap ng trabaho? They must be morally supportive hindi yung namemressure sila kasi the more they are doing that mas lalong naiistress yung anak eh di mas lalong nagtatagal yung paghahanap ng work.

Girltalker2

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #90 on: October 30, 2012, 10:21:48 am »

sis ayami and purple_power, sabi nga nila, kung deserving naman ang pagbibigyan why not. kanya kanya naman kasi nang style ang mga magulang.

parents ko naman iba ang style.  they went through hardships, of course ayaw nila maranasan namin. but they only provided the basics during our growing years.  nung naka graduate na kami, they never ask for anything at alam nyang kakapiranggot lang ang sweldo namin.  and yet, they are also not giving us any financial support.  they want us to learn how to be self sufficient.  minimum wage ang sweldo namin, pagkasyahin namin since libre nanga ang tirahan, tubig at kuryente.  ni hindi din naman kami maglakas loob humingi. so budgeted talaga ang daily transpo and meals namin at that time.  I also make it a point I get to save, kahit kokonti, kada buwan.  Every pay day, mega compute ako how much nagastos ko for the month.  So that was also the time I started to think how to augment my income. Pasalamat ako sa parents ko for supporting us  emotionally lang,  at "natiis" nila kami not to support us financially haha.  Because if not for that, I don't think we will be in our shoes today.

All of my siblings and myself are independent right now. We lead our own lives and we make it a point na di umasa sa ibang tao.  And I am very grateful to my parents for teaching us the important lesson in life not to depend on anyone.  Pagkasyahin mo what you have or gumawa ka ng paraan if it is not enough. 

Siguro pag naghikahos na kami, they will help. But as long as nakikita nya kami na we can make ends meet, ang concept nila - habang bata pa let them learn and adjust how hard it is to earn a living, then that's one of the gifts they have given us na super thankful ako.





Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #91 on: October 30, 2012, 11:03:25 am »
^Iba pa rin talaga ang power ng moral or emotional support rather than finances. Ang financial support hindi madadala habang buhay yan madali lang maubos yan kasi chances are hangga't meron pa mahihingi ng mahihingi lang yan lalo na kung namihasa. Kapag naubusan na yung hiningan niya worst case yung iba hindi pa considerate. Hindi matutulungan ng kusa ang financial support on how to be grateful sa binigay sa kanya, kundi kanya kanya nang realization. Moral and emotional support will make you stronger lalo na kung positive pa yan.

Girltalker2

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #92 on: October 30, 2012, 11:47:28 am »

^ sis, hindi ko pala natapos ang point ko.

in the same way, I think, opinion ko lang naman, kung kaya mo tiisin na huwag tumulong sa kapwa, not because madamot ka, but for them to be able to stand on their own 2 feet, gawin mo. of course, kung may sakit na at matanda ang parents natin at satin lang sila makakaasa, wala na tayong choice.  but for siblings, habang bata pa sila, dapat sila hayaan - but we have to show compassion. it may not be in monetary terms, but in other ways.  encouraging them to pursue different avenues which can help them earn a living and find their own happiness (not hindi pera pera lang). 

just imagine kung pinaasa natin sila, then nakasanayan nila, hanggang 70yo na kayo, nakaasa pa sayo. pano na iyan, parang you have to also set aside money not only for your own but also for your siblings?  ano iyon?  tapos as you have said purple_power, pano kung wala ka nang maibigay?  lahat kayo san kangkungan pupulutin?  worse, kung inaway ka pa nila at nagalit sayo kasi di mo na sila masuportahan. nawalan ka nanga ng money, nawalan ka pa nang kadamay.




pretty_in_white

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #93 on: August 03, 2013, 07:39:52 pm »
^  You mean nanghihingi pa ng money when the person already has a lot to start with?

cloudzy_09

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #94 on: August 04, 2013, 12:45:18 am »
Sa family namin uso yung tulungan lalo na mga tita ko napaka generous sa family ng mga kapatid nila. Ako din nabiyayaan ng kabaitan nila especially noong na down business namin at sa private school ako nag college. Pero ngayon na nakapag graduate na ako at maayos na buhay ko I try to repay their kindness kasi sobra na appreciate ko yung tulong nila sa akin noon.

Ang kinakainisan ko lang is yung iba ko pa kamag anak na tinulungan din nila pinag aral sila, tuwing may problema binibigyan nila, binigyan ng trabaho, libre pabahay pero sinasabihan pa din yung tita ko na sobrang damot at masama ugali at nagawa pa ng isa ko pinsan na pag nakawan siya at pati lola ko na 87 y/o swindle pa! Iyak ng iyak yung lola ko noon grabe talaga.

lisse

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #95 on: August 22, 2013, 12:03:33 am »
there's a big difference between helping someone para maka-get back on their feet and eventually be independent na sila (no need na umasa), and helping someone na wala ng katapusan as in forever na silang aasa when in fact well able naman sila para maging self-sufficient and they just chose not to do something about it. nakaka-init naman talaga ng dugo mga ganyang tao.

personally, umasa ako sa parents ko when I first started working. I remember 8k lang monthly salary ko non as a new grad, we live in QC then Makati pa office namin so hindi talaga kakasya yon. ganon naman talaga pag familia, you help each other. hindi din naman kasi mako-consider as tulong na if pinamihasa or ini-spoiled mo sila.


Girltalker2

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #96 on: August 22, 2013, 03:44:44 am »
^  You mean nanghihingi pa ng money when the person already has a lot to start with?

sis, a lot is very relative.

sometimes even one has 'enough', puede pang manghingi for the gadgets or luho, etc.


red_one

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #97 on: October 02, 2013, 04:20:24 pm »
dahil sawa na ako sa mga taong nasa paligid ko na puro "ASA" ang alam gawin, itinatak ko sa isipan ko na magsusumikap ako para hindi ako aasa kanila, dahil wala akong maaasahan sa kanila.
at dahil ayokong ako ay umaasa sa iba, therefore ayoko rin na may aasa sakin. magsumikap din dapat sila. tumutulong lang ako in moderation pero kapag umaabuso na, naku hindi na.

sima

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #98 on: October 17, 2013, 09:36:35 pm »
NO!  Hindi ako aasa sa ibang tao kasi hihingi at hihingi yan ng kapalit or mamaya isusumbat na yung tulong na hiningi.

Geeglee

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #99 on: October 21, 2013, 07:14:12 pm »
NO din ang sagot ko. Okay lang tumanggap ng bigay ng ibang tao pero dapat marunong ka tumayo sa sarili mong paa.
* Kaya nga tayo pinagaral ng magulang natin ng ilang taon (kahit hanggang HS lang yan) is para maging ready tayo sa future natin kasi hindi naman sila laging andyan.
* Bakit ka aasa? incapable ka ba magtrabaho? kung titingnan mo yung paligid mo, meron dyan putol ang isang kamay pero naghahanap buhay. Meron dyan pilay pero naghahanap buhay. anong meron sayo para hindi ka magtrabaho?
* Kung aasa ka... hanggang kelan? pano pag nawala ang mga taong inaasahan mo? pano ka?
* Utang na loob - mahirap tumanaw ng utang na loob hindi dahil may pride ka. Kasi yung iba, nageexpect ng kapalit sa tinutulong nila sayo. swerte ka pag hindi.
* Minsan, kung sino pa yung mga taxi drivers, nagbebenta ng balot, nagtitinda ng barbecue, sila yung mga nakakapagpatapos ng anak as doctor, lawyer, etc. kasi hindi sila umaasa sa kahit sino.

Masarap yung idea na umasa, parang nung mga bata tayo na wala tayong problema sa paghingi ng baon. nakasimangot pa tayo minsan pag 100 lang binigay tapos may plano ka mag mall with your friends. Pero pahirap na ng pahirap ang buhay. pamahal na ng pamahal yung bilihin. Yung tuition dati magkano lang, magkano na ngayon diba? Dapat lahat tayo matutong tumayo sa sariling paa lalo na yung may mga pamilya. If bigyan tayo ng magulang natin or ng mga biyenan, e di thank you. Pag wala, at least hindi tayo nageexpect sa kanila. Pag nagexpect ka kasi, tapos isasama mo na sa budget mo, pano kung nagka emergency sila? pano ka?

Sorry pero naiinis ako sa mga taong pala asa lalo na nakikita ko na ang tatamad kumilos. Okay lang umasa minsan kung minamalas talaga or may nagkasakit. Pero pag healthy, kayang kaya magtrabaho, please lang!!!! magbanat ng buto! Hindi masamang magbanat ng buto!

Sorry ---may pinaghuhugutan...lolz

 

Latest Stories

Load More Stories
Close