watch now

Author Topic: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?  (Read 26883 times)

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #60 on: October 23, 2012, 07:17:40 pm »
^Sis Dhee-Dhee sobra naman yang in-laws mo.  Asa kung asa pati ba naman assignment ng anak at meryende! Naku sis kaka-imbyerna yan!! Hirap talaga pag malapit ang bahay sa in-laws.  Pagmagbigay ka, aabuso.  Pag di mo bigyan, sasama ang loob. minsan kahit bigyan mo, di pa rin kuntento.  Wala ba kayong choice lumipat sa ibang lugar Sis? Di yan titigil sa kahihingi at kakaasa...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #61 on: October 24, 2012, 09:56:36 am »
@dhee-dhee, agree ako kay myealexis21 ka-imbyerms naman yang SIL mo. Pati pagkain at pag aalaga ng bata sa inyo din inasa. Sana kung pati yung simpleng pagpapakain at pagtututor eh sa inyo inasa eh di dapat pina-ampon nalang sa inyo yung kid... :P Di ba pwede i-lock yung ref nyo? hahaha. I do have an SIL pero kahit housewife sya hindi ko maalala na ginagawa nyang way yung mga anak nya na manghingi samin ni hubby. Naloka ako... ano ba yan sagot na nga bills nila sa bahay pati ba naman kakainin ng anak nila eh sa inyo pa ipapasa. Sis, sa christmas regaluhan mo ng konting hiya naman. :P Naloka lang ako sa in-laws mo.

@Myealexis21, ay naku sis kahit ako hindi ko ma-imagine kung pano ko kakapalan ang mukha ko para lang manghingi ng sponsorship sa kasal. Kahit ako pag magni-ninang sa binyag I choose kung sino yung sasagot ako ng OO. Gusto ko kasi na close ko yung parents nung bata para mas ma-appreciate ko yung pagiging 2nd parent ko dun sa bata. Pero minsan kahit close friend mo eh inaabuso ka. Tinuturuan maningil yung inaanak ko ng regalo. Pati ba naman yung mga maliliit na achievement sa school eh sakin pa papasagot ang reward. :P
 

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #62 on: October 24, 2012, 12:02:37 pm »
^ naku super abusado naman parents nyan. Hindi pati pinapakain yung anak. Pero minsan sis tiisin mo rin kasi pag alam na alam ng SIL mo  na pinapakain mo at dyan pa nakiki charge anak nya mamimihasa yan. Ganyan din isa kong kumare, pag wala food sa kanila eh sa bahay namin kumakatok yung bata. Medyo nadala na kasi ang ginagawa ko pag weekends eh tinutulugan ko sila or umaalis ako. Kasi naman nasasanay sila na may inaasahan pag wala sila makain. :P

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #63 on: October 24, 2012, 12:19:12 pm »
^ sorry sis ha, pero talaga nakakapalan ako sa SIL mo. Dahil ba wala ka kibo eh take advantage na sila dun. At obvious naman na pati pag oras ng kainan eh sa inyo pa makikisalo. Kung di pala nila kaya mag anak sana di sila nag start ng family. Pag nanghingi yung bata sa inyo, sabihin mo nakatago nalang sa ref nyo eh Baygon at Muriatic acid... ka-imbyerna lang. Di sila makahalata. tsk tsk.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #64 on: October 24, 2012, 01:58:19 pm »
^ alam mo sis ok lang naman talaga tumulong sa relatives eh pero sana naman yung iba wag masyado abusado. Tulad nyan nakukuha nilang mag luho pero in reality wala sila mapakain ng maayos pati pagpapakain sa MIL mo sayo pa iaasa. Weird nga talaga kasi kung sino minsan yung pinaka eldest yun pa yung pasaway (pero di ko naman nilalahat ha). Super hectic ba ng sched ni SIL para wala sya time sa mga ganyan. Simpleng simple pero pag luho unahan ang peg!

Huntress Krystle

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #65 on: October 24, 2012, 02:13:01 pm »
Wala pa akong anak, pero ayaw ko din yung aasa sa ibang tao. Nakakahiya, nakaka-damage sa pride at nakaka-konsensya. Pakiramdam ko din inutil ako kapag ganun. Unless siguro nasa desperate situation nako.
« Last Edit: October 24, 2012, 10:13:42 pm by Huntress Krystle »

Girltalker2

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #66 on: October 24, 2012, 10:06:36 pm »

I think wala naman atang gusto ang na umasa sa iba.

Pero sa Pinas kasi, maraming nakagawin na umasa.  Makapal na ang mukha at hindi na nahihiya manghingi. worse, they are passing this on to the next generation, at tinuturuan ang mga anak manghingi pa sa mga tita at tito. Para sakin, sobrang kasuklam suklam na gesture ito, idamay pa pati mga bata.

sassyrosel

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #67 on: October 25, 2012, 02:35:29 am »
tipikal kasi yan sa ibang mga pinoy di ba?

gusto nyo ba na aasa sa ibang tao para lang sa pangkain at pagpapaaral ng mga anak mo?



i know someone na umaasa sa magulang and mga kapatid nya. for me, i hope not, and sino ba naman ang may gustong umasa sa kapamilya, but, of course, worse comes to worst, wala ka din namang pede takbuhan kundi yung family mo. wag nga lang sana abuso.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #68 on: October 25, 2012, 09:59:31 am »
Dhee-Dhee  Kung sa inyo nagpapatulong ng assignment yung anak ng SIL mo use that as your advantage alam mo kung bakit?

Kapag ang pamangkin niyo nagpaturo sa inyo ng Math, sabihin mo ang importance niyan lalo na sa gastusin para balang araw hindi sila aasa sa ibang tao at sabihin mo sa bata ngayon pa lang para hindi siya maloko ng ibang tao. Mas maganda kung subtraction mo turuan tapos gawin mong example yung mga nagagastos niyo kung paano nasusubtract yun at pabawas ng pabawas. Tapos multiplication kung ilang beses mo niyo na silang pinakain.  ;D

Science naman sabihin mo na kapag hindi masustansya ang pinapakain sa kanya magkakasakit siya especially ulcer.

Sibika or history, tell them those well known people ay nagdaan sa hirap at nagsumikap para marating ang ambisyon nila sa buhay. Ask the kid ikaw ba may pangarap ka?

Teka may Christian Living ba sila? If there is a topic about baptism then tell the true meaning and importance of having Ninong and Ninang.

akireyhoj Nagulat naman ako sa friend mo para pasagutin ka ng souvenir? Wow lang ha! Gagawin ka niyang sponsor? Sana lang maisip niya kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan ha! Ako nga maitanong minsan ng friend ko kung ano gusto ko raw na pasalubong for me nag-aalangan pa ako sumagot eh!

theshopaholicprincess nakakapalan naman ako sa mukha ng dating officemate ng hubby mo.  ??? Ano yun ginawang negosyo ang kasal? Honestly ganyan ang ugali ng karamihan. Kahit ako boss magdedecline ako. Hindi pa ba sapat yung pagpapasweldo ko sa kanya nun pag nataon? It is like parang akong hinihingan ng double pay para sa kasal lang nila. Honestly it irritates me kapag may kasal na sobrang bongga at ang ganda ganda tapos yung pala in the end hihingan ka ng finances? Kaya ako balang araw if I would be a Ninong or Ninang I will ask them why they have chosen me. Case to case basis rin pero kapag naramdaman ko na there will be finances involved I will decline.


I have to admit I am always expecting gifts from Ninong and Ninang when I was a kid. Narinig ko pa nga minsan sa parents ko na yung isang Ninong ko na friend ng Papa ko ang tagal na raw hindi nagpapakita tapos may utang na raw yun sa akin. Eh di siempre ang maiisip ko is ang mga Ninong at Ninang ay parating magbibigay ng regalo kapag Christmas at yun ang maaasahan ko sa kanila. Not until nung when I got older at mid 20's pa dun ko pa lang nalaman nang husto ang kahulugan ng pagiging Ninong and Ninang. I learned it from the Catholic mass and that priest even cited examples na usually ang mga kinukuhang God Parents ay yung mga well known or may mataas na profile and the truth is karamihan mayayaman pa. Dun ko lang narealize na Ninong and Ninang are second parents of the child which is their duty is to guide the kid to the right path and teach them moral values. Until now dala dala ko yan. Kaya nga I told my bf na hindi dapat nagrereklamo yung isang friend niya na nakitaan nilang nagbigay ng Php 500 as wedding gift because it is not even her obligation to give huge amount or a gift. Sabi ko rin kay bf itigil na rin natin ang mentality when choosing the Ninong and Ninang someday. Dapat maging witness sila and we shouldn't expect gifts from them. I also taught my niece the true meaning of having Godparents pinahulaan ko pa nga sa kanya eh! yung pangalawang sagot pa niya is to be the second parents? Sabi ko tama! Tapos I told her na if there are some of them na hindi nagbigay ng gifts she should understand them because it is not their obligation to give gifts during Christmas. 

In my case nakaugalian ko lang noon lalo na nung may work ako na magbigay ng mamahaling regalo sa inaanak. Katutak pa! Paano kasi first time kong maging Ninang tapos 2 lang sila nun kaya nakaya ko na. But now matipid na nga rin at naging 3 na sila. Though kapag okay sa akin ang parents ng inaanak ko mas ginaganahan pa akong magbigay ng bonggang regalo. Sa 3 yun wala naman akong problema. Pero naiimagine ko na rin sa susunod kung sino pa ang mga kukuha sa akin as Ninang na one of them may expect a gift which is I have plans not to give any gift sa kid dahil gusto ko matutunan nila ang magiging role ko as Ninang yung hindi taga bigay ng regalo. Kundi reregaluhan ko sila ng PANGARAL  ;D

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #69 on: October 25, 2012, 10:13:55 am »
^naku sis na shocked ako mas malaki kaya kinikita nila sakin! naku hindi nga ko nag abay sa kasal nya kasi parang nainis ako sa kanya sabi ko lang non baka kasi umalis ako bigla hindi ako makapunta sa kasal nya haha

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #70 on: October 25, 2012, 10:31:14 am »
^Kung ako yan baka hindi pa ako magshell out even singkong duling or hindi na talaga ako magreregalo. Pakiramdam ko tuloy parang sinisingil nya ako sa friendship namin. Sige mag-aabay ako pero kung ako rin ang sasagot ng damit pang abay baka pati yan bitawan ko pa.  ;D

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #71 on: October 25, 2012, 10:38:45 am »
^actually sis sagot ng abay yung gown. parang 2k ata nagastos nung iba kong friends eh syempre bibili pa ko shoes tapos hair and make up pa. sabi ko naku laking gastos ha! kaya tumanggi na ko. gumastos din kami ng kasal nya kasi 7am yung kasal nya kaya nag overnight kami sa resort kung san sya nag reception

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #72 on: October 25, 2012, 11:01:47 am »
Dhee-Dhee  Kung sa inyo nagpapatulong ng assignment yung anak ng SIL mo use that as your advantage alam mo kung bakit?

Kapag ang pamangkin niyo nagpaturo sa inyo ng Math, sabihin mo ang importance niyan lalo na sa gastusin para balang araw hindi sila aasa sa ibang tao at sabihin mo sa bata ngayon pa lang para hindi siya maloko ng ibang tao. Mas maganda kung subtraction mo turuan tapos gawin mong example yung mga nagagastos niyo kung paano nasusubtract yun at pabawas ng pabawas. Tapos multiplication kung ilang beses mo niyo na silang pinakain.  ;D

Science naman sabihin mo na kapag hindi masustansya ang pinapakain sa kanya magkakasakit siya especially ulcer.

Sibika or history, tell them those well known people ay nagdaan sa hirap at nagsumikap para marating ang ambisyon nila sa buhay. Ask the kid ikaw ba may pangarap ka?

Teka may Christian Living ba sila? If there is a topic about baptism then tell the true meaning and importance of having Ninong and Ninang.

akireyhoj Nagulat naman ako sa friend mo para pasagutin ka ng souvenir? Wow lang ha! Gagawin ka niyang sponsor? Sana lang maisip niya kung ano ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan ha! Ako nga maitanong minsan ng friend ko kung ano gusto ko raw na pasalubong for me nag-aalangan pa ako sumagot eh!

theshopaholicprincess nakakapalan naman ako sa mukha ng dating officemate ng hubby mo.  ??? Ano yun ginawang negosyo ang kasal? Honestly ganyan ang ugali ng karamihan. Kahit ako boss magdedecline ako. Hindi pa ba sapat yung pagpapasweldo ko sa kanya nun pag nataon? It is like parang akong hinihingan ng double pay para sa kasal lang nila. Honestly it irritates me kapag may kasal na sobrang bongga at ang ganda ganda tapos yung pala in the end hihingan ka ng finances? Kaya ako balang araw if I would be a Ninong or Ninang I will ask them why they have chosen me. Case to case basis rin pero kapag naramdaman ko na there will be finances involved I will decline.


I have to admit I am always expecting gifts from Ninong and Ninang when I was a kid. Narinig ko pa nga minsan sa parents ko na yung isang Ninong ko na friend ng Papa ko ang tagal na raw hindi nagpapakita tapos may utang na raw yun sa akin. Eh di siempre ang maiisip ko is ang mga Ninong at Ninang ay parating magbibigay ng regalo kapag Christmas at yun ang maaasahan ko sa kanila. Not until nung when I got older at mid 20's pa dun ko pa lang nalaman nang husto ang kahulugan ng pagiging Ninong and Ninang. I learned it from the Catholic mass and that priest even cited examples na usually ang mga kinukuhang God Parents ay yung mga well known or may mataas na profile and the truth is karamihan mayayaman pa. Dun ko lang narealize na Ninong and Ninang are second parents of the child which is their duty is to guide the kid to the right path and teach them moral values. Until now dala dala ko yan. Kaya nga I told my bf na hindi dapat nagrereklamo yung isang friend niya na nakitaan nilang nagbigay ng Php 500 as wedding gift because it is not even her obligation to give huge amount or a gift. Sabi ko rin kay bf itigil na rin natin ang mentality when choosing the Ninong and Ninang someday. Dapat maging witness sila and we shouldn't expect gifts from them. I also taught my niece the true meaning of having Godparents pinahulaan ko pa nga sa kanya eh! yung pangalawang sagot pa niya is to be the second parents? Sabi ko tama! Tapos I told her na if there are some of them na hindi nagbigay ng gifts she should understand them because it is not their obligation to give gifts during Christmas. 

In my case nakaugalian ko lang noon lalo na nung may work ako na magbigay ng mamahaling regalo sa inaanak. Katutak pa! Paano kasi first time kong maging Ninang tapos 2 lang sila nun kaya nakaya ko na. But now matipid na nga rin at naging 3 na sila. Though kapag okay sa akin ang parents ng inaanak ko mas ginaganahan pa akong magbigay ng bonggang regalo. Sa 3 yun wala naman akong problema. Pero naiimagine ko na rin sa susunod kung sino pa ang mga kukuha sa akin as Ninang na one of them may expect a gift which is I have plans not to give any gift sa kid dahil gusto ko matutunan nila ang magiging role ko as Ninang yung hindi taga bigay ng regalo. Kundi reregaluhan ko sila ng PANGARAL  ;D

sis tama yung sinabi mo kay Dhee-dhee. Tapos subtle hint pa sa bata na dapat ang values nagsisimula sa family nya at dapat matuto sya maging independent. :P hehe

@purple_power, kahit nga ako nakakapalan sa dating officemate ni hubby eh. Buti nga di na nya officemate eh. Kahit sya irita palagi sa press release nya sa office na bongga ang kasal nila.

I agree with you na dapat alam ng iba yung essence ng pagiging godparents whether kasal or binyag. Kasi yung iba ginagawa talaga negosyo. Tapos pinipili pa yung may work or sa tingin nila capable magbigay ng bonggang regalo. Ako minsan tumatanggi na rin especially if di ko ganun kakilala yung tao kasi pano ko ma-gguide yung anak nila paglaki kung wala man lang kami kahit isang bond nung mga parents nya. Even my parents tumatanggi na rin kasi feeling nila negosyo. Not unless a close relative or talagang sinadya pa sila sa bahay para kausapin maging godparents sila sa kasal.

@akireyhoj, ang bait mo naman na friend. Sakin naman ok lang sagutin yung gown kasi tulong ko na rin yun sa couple. Nag bridesmaid din ako sa isa kong friend sa school and she did asked me if I can shoulder my gown kasi tight budget sila. So pumayag naman ako parang inisip ko nalang that time tulong nalang din. Pero for the other stuff like sponsor ng invitations or souvenirs, No-no sakin yan. Not unless mga closest relatives ko ang ikakasal. Pero yung sayo kasi since may kaya yung friend mo, dapat aware sila na what they were doing to you was a huge favor. Dapat nga kayo pa pampered kasi nag effort pa kayo mag overnight para sa kasal nya.

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #73 on: October 25, 2012, 11:33:32 am »
^sis ok lang sana kung ang gown is not worth thousands naman dba? may kilala nga ko ganon din abay sagot sa damit pero 900 lang binayad. kasi aanhin mo naman yun after? gagastos ka ng 2k? eh ako pag bumibili ng dress not more than 500 kasi bihira ako magdress.

si friend din pala na nagpapasagot ng souvenir, inasa samin yung sa church, pati paglagay ng misalettes, yung pagcocoordinate sa mga abay at ninang, pati pagbibitbit ng souvenir sa reception iniasa sa mga guy friends namin.tsaka yung song sa march nya. nagkaproblema tuloy. yung dapat na kanta pag sya na maglalakad eh napagtugtog sa mga abay, nakahabol din naman sya kaso in the middle biglang nag change song yung mga pang sa abay sana imagine naiiyak na sila pareho nung groom habang naglalakad sya pero nung nag iba yung kanya nag changed ng mood napailing yung groom eh

kaya sa kasal ko pampered mga bisita ayaw ko sila bigyan ng stress...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #74 on: October 25, 2012, 11:45:17 am »
^  nyak! mahal nga yung dress! 2k worth ba? andami na abay dress sa Cinderella ng ganung price ha... oks lang din kung 500-1k pero 2k medyo mahal na ata. At kamusta naman at sa inyo lahat inassign. Dapat nagtayo na kayo ng events planning company tutal kayo inasahan nya sa pag aasikaso. I would understand if they were on a tight budget pero kung keri naman nila kumuha ng isang organizer or a closest person who would be happy to share and help them sa wedding kesa ini-stress nya kayo sa special day nila. Kung ganun din lang dapat kayo nalang nagpakasal :P hehe

tama ka sis, kahit ako pag nag church wedding kami ni hubby gusto ko well-pampered yung mga guests ko at hindi sila na-hhassle. Nakakahiya din kasi na kumuha tayo ng oras nila tapos sila pa yung agrabyado. :P

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #75 on: October 25, 2012, 11:51:53 am »
^naku sis malaki din nagastos nila pero kasi province eh, more on food pano before the wedding me pakain na..

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #76 on: October 25, 2012, 12:17:24 pm »
^ awww kaya pala. pero dapat hindi pa rin sa inyo ipa-sponsor yung ibang kelangan nila. Kasi fare nyo palang going there gastos na yun. Not to mention yung hair and make up pa. Tapos regalo pa. :P

twelve5

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #77 on: October 25, 2012, 12:18:10 pm »
May kilala akong parents ine-enroll mga anak nila sa mga summer/short classes like karate, dance, swimming lessons. Tapos hihingi ng money from relatives and godparents para may pambayad.  :o
 
Modus: Ipo-post muna sa fb: my son will be taking karate lessons this summer. After mag comment/like ng mga friends and family, biglang hihingi ng pledges.

Omg! Ako nahihiya sa kanila eh.  :P

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #78 on: October 25, 2012, 12:30:45 pm »
^OMG di ko kinaya yan ano ba yan ang kapal ng face

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #79 on: October 25, 2012, 12:33:32 pm »
^^ grabe!!! Ang pag aanak ba ngayon negosyo na? ako naman ang nahiya para sa magulang. Gusto pala nila mag summer workshop yung bata bakit di pag ipunan???  :o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close