watch now

Author Topic: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?  (Read 26873 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #40 on: October 23, 2012, 01:51:43 pm »
^Oo nga ano?  ;D Idagdag pa yung fact na baka naka Presidential Suite sila sa hospital pero sa gamot gipit. What the?  :o

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #41 on: October 23, 2012, 02:02:48 pm »
^ naku presidential suite palang ng hospital ngayon para ka na nag bakasyon sa Bellaroca ng 1 night. :P Oks lang yun sis, presidential suite yung room may Generics naman na gamot. :P

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #42 on: October 23, 2012, 02:12:41 pm »
^Yun na nga masaklap eh! baka pati yung Generics o mumurahin gigipitin pa dahil mas mahalaga ang accomodation sa Presidential suite. Pero huwag naman sana diba? Saka OO nakita ko na rin presyo ng Presidential suite. Grabe ah! pang bakasyunan talaga. Habang si patient malubha ang sakit yung tagabantay magjajacuzzi.  ;D

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #43 on: October 23, 2012, 02:41:26 pm »
I made a pact long ako when I was still in elementary na never akong aasa sa ibang tao.  For me kase ayoko nagkakautang ng loob lalo na sa mga kamag-anak.

My grandmother (mom of my dad) kase has a lot of relatives na sa US na naka-stay and citizen na.  Whenever they go home for vacation dati, may aakuin sila para paaralin.  I remember one time (that was the time na di na nagaabroad parents ko and their business were not doing well), my grandma's brother were back home sa states and my mom jokingly (a bit serious) told him if I can be his 'scholar'.  He said na mas gusto niya raw kaapelyido niya (kami kase hindi).  Tumatak yan sa isip ko, and from then on sabi ko never ever akong hihingi ng tulong sa mga kamag-anak ko, and I told my mom na wag na gagawin yun ulet.

Its better na walang kang inasahan...wala ka ring pinagkautangan ng loob.  My parents were able to get me and my siblings to school without any assistance from our rich relatives.  And we were in a very bad situation back then, kaya siguro ngayon kapag umuuwi ako for vacation walang makalapit sa akin para mangutang or manghingi ng pasalubong kase during the time my parents were so down di man lang sila nakatulong.  Although there are couple of uncles na super support sa parents ko at sa amin kahit na di sila tumulong financially, pero they were there to give my parents moral support kaya loves na loves ko yung dalawang yun!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #44 on: October 23, 2012, 02:45:05 pm »
^^ @purple_power, haha. naku sis sinabi mo pa. At nag eenjoy pa yung manood ng cable shows sa flatscreen TV. Kulang na lang yung mag mmassage at parang di na hospital... :D sana nga wag ganun na tipirin sa gamot mahirap kasi pag health na pinag uusapan.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #45 on: October 23, 2012, 03:19:32 pm »
^ ;D it reminds me again of my cousins and uncle just like yung naipost ko sa ibang thread and here sa first page. Parents sobrang abala at natataranta na nga in thinking kung paano sila matutulungan lalo na sa pagpapagamot pero expected na may taning na talaga yung Nanay ng cousins ko. We are thinking now kung paano makakasurvive o makakatagal ang buhay ng Nanay nila. Sila ba naman eh! iniisip na lang kung paano sila magiging komportable para hindi sila mahirapan silang magkakamag-anak.  :o Imagine nag-aagaw buhay na at wala naman talaga silang pambayad kahit singko. Pagyayabang pa rin ang nasa isip. And take note puro paninira pa at putak ng putak without doing anything. I am wondering tuloy what if natuloy pala kami sa US before? Sino ang tatakbuhan nila.

Myealexis21 I agree! mahirap yung may pinagkakautangan ka ng loob. Worst case masasama pa ugali yung hiningan mo ng tulong. Tinulungan ka nga nila pero grabe kung makaapak. Paano ka pa tatanaw ng utang na loob eh siningil ka na nga nila? Moral support is more powerful and important rather than financial support. If some people can't help you financially then yung moral support can make you strong and motivate more to be positive para matulungan mong paangatin sarili mo. From there mas makakasurvive ka.



theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #46 on: October 23, 2012, 03:48:13 pm »
^ kultura pa rin ba kaya ang dahilan why majority of people tends to ask help from their relatives or kilala na may pera (or assuming na may pera)??? Feeling ko minsan katamaran na talaga to the highest level eh. Nabubuhay lang sila kung ano yung ngayon tapos hindi iniisip yung bukas.

@Myealexis21, I can relate to your sentiments. I have few relatives in the province na nabuhay ng asa. Yung inaasahan nila eh nasa US din kasi. Di na nga nakapag asawa at nagkaanak kaka-suporta sa mga wala kong kwentang pinsan na yung iba hindi nagtapos ng college at nagsipag buntisan lang. Tama lang na di nyo inaasa yung schooling nyo at least iwas utang ka na, iwas sumbatan pa. Ikaw pa ngayon ang proud.

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #47 on: October 23, 2012, 03:51:08 pm »
sana wag din umabuso yung iba. pag tinutulungan ka, it means gusto nya kasi umangat ka. pero kung gusto mo lang "umasa" dapat yung mga tumutulong eh mag let go na. kasi mahirap tumulong na ikaw lang pala willing at sya hindi. ikaw lang pala may gustong umangat sya at sya mismo ayaw nya

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #48 on: October 23, 2012, 04:00:26 pm »
^^^Yes Sis Purple_Power iba talaga ang moral support...and I am forever grateful sa mga tiyuhin kong yon for giving that to my parents back then, kung hindi sa kanila siguro baka nag-give up na parents ko.  Kaya now, I see to it na meron akong abot sa kanila kapag umuuwi ako and they are not abusado din kase.  Nakakatuwa sila kase whenever they are at my parents house sobrang tulong din sila, one of them would fix things at our house pa haha! I so love them talaga! Sayang kaunti lang ang ganitong mga kamag-anak.

Hirap din kase sa ibang tao hindi sapat yung moral support, parang laging nakaabang at naghihintay na kapag tulong equivalent nun cash, so pag walang cash balewala ang tulong mo.

^^Sis theshopaholicprincess buti na nga lang hindi kinagat nung brother ni lola yung request ni mother.  Actually may pinaaral sila na ka-batch ko na kaapelyido nila, nagsimula sila ata around 4th yr HS na, padala sila ng padala di nila alam na bumalik na sa province yung pinapaaral nila, pero di sinabi nung pinapaaral na di na dun sa private school sya nag-aaral.  Come graduation, umuwi sila at excited to see their nephew graduate, ang kaso wala syempre dun ang nakita nila ako lang at ang nakakatuwa pa I was good in my studies and was always called in front for awards.  Nakita ko sa kanila yung panghihinayang na sana ako na lang pinaaral nila. 

About naman sa abroad, minsan din kasalanan din ng OFW kaya akala ng mga kapitbahay at kamag-anak na marami silang pera... let me repeat minsan ha! If painom dito painom doon ang gawain mo tuwing bakasyon, tapos super showy sa mga alahas, in short kapag pinangangalandakan mo mga things you have to others, malamang mag-isip yan na mapera ka.  So as much as possible, maganda na low profile lang.  Pero ofcourse, meron din kaseng makapal lang talagang mukhang mga tao na kahit na low profile ka na nga, mangungutang or worse manghihingi pa sa yo.  Tapos malalaman mo ipang-iinom, o ipangsusugal lang yung pera galing sa yo.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #49 on: October 23, 2012, 04:30:27 pm »
^^ ay naku sis kahit low profile ka pa eh pag alam na bagong dating ka galing abroad eh talagang kahit sa liblib na lugar yung bahay nyo eh hahanapin pa talaga para makapangutang lang! Nagtatago ka na nga pero di pa rin makahalata.

Meron naman iba pag ordinary days eh hindi ka pinapansin or deadma lang sayo pero come bayaran na ng bills, tuition at kung ano anong utang kahit di kayo close manghihiram sayo... buhay nga naman...

@akireyhoj, I agree with you. Pinsan ko naman palibhasa lumaking umaasa sila eh parang walang drive magsikap. Palibhasa feeling nila may sasalo sa kanila. Tapos nagpapabili pa ng kung ano ano. Ay naku hindi ko pinapansin, dapat matuto sila matutunan yung value ng "pagtitiis" at "pagsisikap"


@dhee-dhee, huwat??? May itouch na yung anak ng SIL mo? Buti pa sya... ako nga wala eh. hahaha :D grabeng luho yan. Yan din ayoko minsan sa iba yung kukunin ka ninang dahil feeling nila eh malaki sweldo mo at bongga ka magbigay ng gift... siguro yung iba nadala na sakin kasi ang budget ko lang sa inaanak ko eh 100-200 pesos lang. May magulang kaya sila na dapat sumuporta sa kanila. At kamusta naman yan, at a young age tinuturuan na nilang mainggit yung bata at manilip ng mga bagay na meron sa ibang bahay... tsk tsk... Asan na yung mga basic values noon na turuan ng tama yung bata????

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #50 on: October 23, 2012, 04:35:29 pm »
OT pero speaking of bonggang gifts akala ng mga iba mayaman ako kasi kung magregalo ako Guess at Mossimo. di nila alam 300 pesos lang yun sale eh :D

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #51 on: October 23, 2012, 04:37:18 pm »
^ LOL. pareho tayo sis. usually sa outlet store ko binibili... ;)

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #52 on: October 23, 2012, 04:46:47 pm »
^^^theshopaholicprincess tunay Sis hahaha! may mga ganun ngang experience mga kakilala ko here to the point na di talaga nila ipapasabi na pauwi sila.  Kaloka! Buti na lang sa province namin wala akong masyadong kakilala except my relatives at mga ka-church members.  Yung mga ka-batch ko naman nung elementary wala na halos doon.  Kaya siguro wala akong na-eencounter na ganito, at siguro mukha akong walang datung pag umuuwi hahahah!


akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #53 on: October 23, 2012, 05:04:41 pm »
^never ako nag bigay ng pera kasi ang usually daw 1k pataas dapat ibigay (me requirement?) damit lagi tapos sale haha! meron akong ibang ninang na nakikita mga bigay yung mamahalin na walker. worth 2k. sinabi ko sa sarili ko naku hindi naman ako mayaman para bumili ng ganon.

naaalala ko tuloy yung kinasal yung friend ko pinapasagot ba naman sakin yung souvenir nila! sabi ko ano ko mayaman??? ayun photobooth gift namin sa kanya pero hati hati kami tig 150 lang kami non ang dami namin naghati eh haha!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #54 on: October 23, 2012, 05:30:05 pm »
@dhee-dhee, question lang, ano trabaho ng SIL mo? As in lahat ata ng latest gadget nasa bata na... at kamusta naman yun sa inyo pa nakiki internet. Dapat sinisingil mo ng per hour... grabe ha kasama pa sa konsumo mo yun. I hope hindi sya nakiki charge ng gadgets nya sa inyo..  Wow! Palakol ang grade nung bata pano pa yan pag nag HS at College??? tsk tsk. Anong ginagawa ng parents nya at hindi tinuturuan? Ok lang sana bigyan ng gadget yung bata especially kung ginagamit nya sa pag aaral. naloka ako, daig pa ako ng anak ng SIL mo. Wala akong mga ganyang gadgets eh. LOL :D

@akireyhoj, me too hindi rin ako nagbibigay ng pera dahil hindi naman talaga sa bata napupunta yung pera... at ang tacky naman ng nanay ng inaanak mo para mag ask ng minimum amount na pang regalo... asan na ba ngayon ang konting kahihiyan?? Usually pag Christmas I buy educational toys worth 100-200 lang. Pag birthday nila 300 pesos worth lang budget ko... Aba ang katwiran ko naman hindi naman dapat ginagawang negosyo ang pagkuha ng ninong at ninang. Same with kasal. Porke kasi alam nila may work tayo eh tumatabo na tayo ng limpak limpak na salapi. :P 

Naalala ko rin kwento ng asawa ko, yung dati nya officemate kumuha ng 20 pairs ng ninong at ninang at ang initial requirement na pakimkim eh 10k daw.. eh yung boss nila kinukuha din na ninong, nag decline kasi nga parang ano yun bawian ng ginastos sa kasal??? kaloka lang. 

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #55 on: October 23, 2012, 05:33:24 pm »
^ayan nga sabi ng bf ko hindi negosyo ang binyag kaya pag nag ninong yun hindi nagpapakimkim haha! naiinis din ako pag sasabihin sayo sagot mo na yung stroller, yung crib parang ano ba? gawing negosyo.

kami even sa kasal namin hindi kami magsasabi na sagot mo yung ganito ganyan. parang nakakahiya naman yung dba? kahit nga may mga friends ako nag pipresentang maging coordinator ayaw ko eh dahilan ko parang its my wedding i want this na mag enjoy kayo hindi yun para kawawain kayo

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #56 on: October 23, 2012, 05:40:59 pm »
^ tama! ayoko rin nung mga parents na gagawin kang ninang ng anak eh para sponsor sa mga baby needs nila. ano ba hindi naman charity ang pagiging godparents eh. Kahit kami nung kinasal ng asawa ko amin lahat ng gastos at wala kami hiningian. Even yung mga gamit ng baby namin kami ang bumili ng majority. May nagbigay samin pero we never required them. Ewan ko ba sa iba negosyo na ang bata pati pag uutang sayo ipapain din yung bata na kesyo wala na sila makain. Pero pag sale sa mall una una mo sya makikita sa pila sa pinto. :P

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #57 on: October 23, 2012, 05:43:23 pm »
^^^OMG ang daming ninong nun Sis theshopaholicprincess ha! at may requirement talaga! Pano kaya nila sinabi yung requirement hehe!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #58 on: October 23, 2012, 05:51:29 pm »
^ yun nga sis eh. di rin namin alam ng hubby ko pano nila nasabi sa mga principal sponsors nila yung initial requirement amount. Parang mag oopen lang ng savings account sa bangko. Kaya naman nalaman ng asawa ko na 10k daw yung initial amount kasi nag ppress release yung officemate nya na di sya payag na below 10k yung pakimkim kasi daw "mayayaman" relatives nila at sinabi nya rin ng pabiro sa boss ni hubby while they were having team building. Kahit nga mga officemates nila nawindang sa requirement amount. Kaya yung boss nila diretso sinabi na ayaw nya maging part nung wedding na parang presyuhan.

Myealexis21

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #59 on: October 23, 2012, 06:04:47 pm »
^Grabe di ko ma-imagine yan Sis haha! Bongga ba yung kasal? Nawindang talaga ako, kase nung kinasal kami 2 lang pares. 

Pero kung bongga nga yung kasal, pero ayun at may requirement naman, walang kwenta ang pagkabongga haha!

At kahit ako, kung may magsasabi sa kin in the future ng ganyan tatanggihan ko talaga.  And besides, gusto ko pag mag nininang ako sa kasal yung ka-close ko talaga at pede kong ituring na anak.
« Last Edit: October 23, 2012, 06:06:26 pm by Myealexis21 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close