watch now

Author Topic: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?  (Read 26825 times)

akireyhoj

  • Guest
would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« on: October 18, 2012, 05:26:21 pm »
tipikal kasi yan sa ibang mga pinoy di ba?

gusto nyo ba na aasa sa ibang tao para lang sa pangkain at pagpapaaral ng mga anak mo?


Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #1 on: October 19, 2012, 10:34:13 am »
No way ano! Sige hihingi pa kami ng tulong or if it is really needed baka mangutang pa kami pero umasa? Huwag naman. Kung hihingi ako ng tulong of course I have to return it. Nagpamilya pa ako in the first place kung aasa rin lang ako sa ibang tao?  Isang bagay kung bakit hindi pa kami nagsesettle ng bf ko kahit nasa edad na kami. It is because hindi talaga enough ang finances namin. Of course importante rin yun. Ayaw namin na iaaasa sa ibang tao. For sure dagdag problema yan pag nataon. Saka hindi malabo na parati kaming maaapakan na lang ng ibang tao dahil dyan. 

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #2 on: October 19, 2012, 10:45:09 am »
^correct sis. we have the same thinking. hindi mo pati mapapagmalaki sa anak mo na ikaw bumuhay sa kanila.

i have a friend kasi na ganyan, working naman silang mag asawa pero she wants na yung brother nya hihingan nya ng pabor. of course hindi naman masyado bulgaran pero parang napapailing nalang kami sa kanya. like since birth kuya nya gumastos ng gatas at diapper ni baby. and nung nag 1 year old yung baby nya nag out of the country silang mag anak, pero yung pag pa paparty kuya nya nag shoulder. binata pa si kuya kaya ganon pero nakakahiya naman. syempre kung iisipin mo magkakapamilya din yun or if not magipon nalang sya for him.

nakakainis lang kasi na nagyayabang sila, pero lahat ng gamit ng anak nya is from his kuya not from them.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #3 on: October 19, 2012, 11:24:30 am »
^Pasalamat siya mabait pa Kuya niya. Buti hindi nagsasalita ng kung ano ano yun? Buti na lang rin Single pa kasi for sure kapag nagkapamilya ang Kuya niya wala siyang aasahan na.

Honestly in my case umaasa pa rin naman ako sa Mom ko for some reason na hindi ko talaga kaya shoulder yung iba like yung desktop computer. Now nililimitahan ko na rin. Kaya nga wala pa akong lakas ng loob na magsettle kami ni bf eh! I know hindi enough. 

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #4 on: October 19, 2012, 11:33:42 am »
pwede ko din iexample dito is my sisters. dati talaga asa sila sa parents ko, diaper at gatas ng anak sa parents ko galing (well sa dad ko since sya yung working) ano napala ng parents ko? walang ipon ngayon. ngayon hirap sila, sino aasahan nila mag ahon sa kanila eh di ako :( which is parang unfair naman. lumaki ako na parang kung ano yung sakin eh sa kanila na napupunta, ngayon i have my own money, ibibigay ko pa ba sa kanila eh since then kinuha na nila yung para sakin? kasi ako lumaki ako na thinking ko ayoko manghingi sa ibang tao. nakakahiya pa is sa amin yung babae, sana yung lalaki eh nagbanat naman ng buto.. good thing now narealize nila na hindi na sila pwede umasa sa parents ko which is nakakalungkot lang its too late, walang napundar parents ko :(

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #5 on: October 19, 2012, 11:52:17 am »
^Meaning planado ba yung pagpapamilya ng sister mo? Hirap ba silang humanap ng work?

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #6 on: October 19, 2012, 12:18:59 pm »
^^ saka sis asan mga asawa ng sisters mo? bakit naman sa inyo inaasa yung mga pamangkin nyo?

samin naman, ever since na instill na wag na wag iasa yung buhay sa ibang tao kasi my parents chose to live somewhere far from their relatives. Kaya parents ko todo ipon noon at budget kasi pag emergency wala talaga kami malalapitan or matatakbuhan. Good thing na rin yun kasi natuto rin kami sa ganung set up. Saka at least di kami basta basta mahihiraman din ng pera and wala masabi mga relatives namin.

Now that I am starting my own family, I don't ask from both sides about my pregnancy. Except siguro dahil nakikitira muna kami while we were waiting na matapos yung pagpapagawa ng bahay. From check up ng baby ko up to gamit, wala kami hiningi kundi puro binili namin para walang masabi samin. Nakakahiya kasi na iasa yung mga ganyang bagay sa relatives eh. Mamaya magkaroon kayo ng misunderstanding eh masusumbatan ka pa.

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #7 on: October 19, 2012, 01:27:37 pm »
^hindi planado sis, 20 years old palang sila nung nabuntis sila. dati walang work yung mga asawa nila but now meron na. mom ko din kasi tigas ulo lagi sinasabi sino daw ba tutulong sa kanila kungdi sila at magulang sila hindi matitiis yung anak nila problema lang sumobra, hindi sya nagset ng limit kaya ganon nangyari.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #8 on: October 19, 2012, 01:31:15 pm »
^Until now ba they are still asking? Eh kung all of them naman are working na?

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #9 on: October 19, 2012, 01:43:06 pm »
^no na sis, humihiram oo pero good thing binabalik nila. pero yun nga kawawa parents ko. di man lang nakapag save for them. ni bahay na ipupundar sana nila noon hindi na natuloy :(

rapids

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #10 on: October 19, 2012, 04:07:41 pm »
Sabi nga sa napanood ko "minsan kakapaaral nila sa ibang tao, dadating ang oras na sila mismo walang maipang-aaral sa anak nila kasi walang ipon.

Ang daming ganyan, sa ngayon mas gusto kong nakikita ng mga anak ko na naghihirap kami ng papa nila for them.

Dumadating talaga yung time na hindi maiiwasan ang tumakbo sa kapamilya natin lalo na kung emergency, kasi wala naman ibang magtutulungan kundi magkakapamilya.  kaso ang big No no para sakin eh yung, inuutang yung tuition fee kasi kapos, ang sakin lang wag mong pag aralin sa private ang anak mo kung wala kang pambayad ng tuition fee.
« Last Edit: October 19, 2012, 05:30:34 pm by rapids »

akireyhoj

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #11 on: October 19, 2012, 04:52:20 pm »
Lagi tumatatak sakin sinabi ng tatay ko. Sila napag aral kami ng private na hindi nanghihingi ng tulong sa iba. Nagsikap sya na pag aralin kami kaya nag tapos talaga ko.

rapids

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #12 on: October 19, 2012, 05:46:17 pm »
^sis ganyan din sinasabi ko sa mga anak ko. pinaghihirapan namin na makapag-aral sila isang magandang school, yung naka aircon para komportable sila. ang hinihiling ko lang mag-aral silang mabuti.


FayeP

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #13 on: October 19, 2012, 07:53:43 pm »
sis kahit minsan di ko inisip na mag ask kami ng tulong from others kahit kamag-anak ko pa para lang mabuhay kami...Ako kasi breadwinner samin magmula nun dalaga pa ako up to now na may hubby at baby na...

di ko minsan man inisip na hingiin sa iba un panggatas ng anak ko or kun ano pa man....un younger sis ng nanay ko ganyan, nag asawa cya mid 30s na cya pero since batugan asawa nya...dun sila umaasa sa mga kamag-anak, gaya ng pinsan kong dalaga pa, saka un sister in law ng tita ko na nasa London...

paminsan minsan, samin sila hihingi ng bigas at de lata....pupunta cya sa bahay namin tinataon nya na wala ako at si nanay lang ang andun...pag alis nya sa bahay namin, may dala na cyang plastic bag ng bigas, de lata, noodles, bisciut at kun ano pa man na gusto nya kunin sa ref or sa kusina namin...

pala asa, kabadtrip..

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #14 on: October 19, 2012, 09:59:43 pm »
may pambayad nga ng monthly sa kotse, pero pang tuition ng anak, wala? nakakaloka! nakakakain sa mamahaling resto, nakakapunta kung saan saan yan ha. matanda na, pero parang hindi nag iisip.

Yan ang problema sa sakit ng ibang tao. Inuuna kasi YABANG eh! So uunahin pa nila luho kesa sa kinabukasan ng anak?  :o Sana hindi na lang sila nagpamilya at nag Single o buhay binata at dalaga na lang para at least may pang kotse.


kaso ang big No no para sakin eh yung, inuutang yung tuition fee kasi kapos, ang sakin lang wag mong pag aralin sa private ang anak mo kung wala kang pambayad ng tuition fee.

It reminds me of our cousins sa pagkakaalam ko either utang pa or galing sa ibang tao yung pang tuition for private school. I mean pareho kami kung saan kaming school nakapagtapos ng high school. Pero wag ka! ang pinsan ko puro gimik imbis na pag-aaral inaatupag. Samantalang ni ako nun hindi ako mapakali sa pag-aaral ko dahil hirap na hirap akong makapasa. Sabi nga ng Mama ko eh! hirap na nga sila nagawa pa nilang magloko?

FayeP

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #15 on: October 20, 2012, 06:08:49 pm »
mga sis, I have an officemate dito sa ang daming utang sa credit card kasi puro luho...tapos ask ng ask kun kanino cya pede magloan para mabayaran un mga utang nya...abot sa 200K un utang nya sa credit cards, kasi kun makaasta at kun makapag salita kala mo mayaman...

un isa ko naman friend dito, 2 anak nya nag aaral sa private school dun sa village (same village din kami), tapos di pa bayad un tuition ng mga anak nya for this sem at un last sem may utang pa sila..sinasabihan na cya ng nanay nya na itransfer na lang sa public school, ayaw, kasi nakakahiya naman daw sa mga kapitbahay kun sa public mga anak nya...eh ala nga cya pambayad...tapos ayun, sa pinsan nya utang cya ng utang, tumatandang dalaga na un pinsan nya sa kakatulong sa kanila...

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #16 on: October 20, 2012, 11:04:19 pm »
^That is another example of inuuna kasi ang yabang. For sure nagmalaki at nagmataas kasi sila nang husto sa mga tao at dahil naandyan na sila hindi na nila naiisip magtipid at maging practical kasi nga nakapag-asta na sila. Inuuna pa nila yung reputasyon o kung ano ang iisipin sa kanila ng ibang tao, mas pinoproblema pa nila ang mga walang kwentang bagay kaysa sa kung paano nila maililigtas ang buhay nila. Yan ang hirap eh! Naisip ko lang dyan sa friend mo paano kung may nangyari sa cousin niya? Paano kung biglang mapaabroad yan o worst case (katok on wood) kunin na siya ni Lord? Minsan nangyayari yan. Hindi ba niya naisip na pwede siyang makulong dahil sa utang? pwede siyang kasuhan.

Ganyan rin nafeel ko sa cousin ko eh! For sure gusto lang pumorma sa barkada nila kaya talagang nagmatigas silang magprivate. I mean hindi man lang nila naisip na ang pinag-uusapan rito is kung paano maisalba yung buhay ng Nanay nila. Luho pa rin nasa isip nila tapos yung Tatay nila mahilig manisi ng manisi.

pretty_in_white

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #17 on: October 21, 2012, 03:30:51 am »
;)  My parents have saved enough for us to live a comfortable life, notwithstanding that all of us actually have careers that won't render us incapable of providing for ourselves.  I don't like to ask help from other people especially financially.  I'm too mapride for that.

Purple_Power

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #18 on: October 22, 2012, 08:33:41 am »
^I am wondering sino ba yan sis? how do they relate sa family niyo? Sobra naman ata nang forgiving ang parents mo dapat inaaksyunan na yan. Kasi tuluy tuloy na yan. Nakakatakot yan I could interpret na nanggugulang na sila. I won't be surprise baka mamaya mga anak niya naka Iphone 5 tapos may swimming pool o jacuzzi ang bahay nila. Tsk tsk tsk!!!! dapat tigilan na pagdodonate sa kanila. Siguro marami silang barkada na mayayaman tapos nakikipagpayabangan rin sila run.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: would you want na "umasa" sa ibang tao para sa family nyo?
« Reply #19 on: October 22, 2012, 11:26:38 am »
hay naku, sinabi mo pa sis. gusto ko na ngang kausapin yung babaeng yun, pinipigilan lang ako ng parents ko. minsan nagdeposit ako ng pera sa account nila, nagkataon namang hindi ako sa teller dumaan kundi dun sa mga nasa gilid, yung pang new accounts saka updating ng TD. ayun, nakita ko laman ng account nila kasi salamin yung table nung bank employee tapos nakahiga yung monitor, nasilip ko at nagulat ako kasi may pera naman pala, humihingi pa.  >:( magagalit pa yun kapag installment ang pagbigay sa kanila ng pera, dapat daw buo nalang ipadala sa kanila, kapal lang talaga.

kainis naman yang mga ganyan tao... ang tawag dyan abusado at pala asa. dapat talaga minsan piliin natin kung sino yung bibigyan. Minsan kasi naawa yung parents natin sa kanila kaya di matiis. Pero dapat turuan sila ng leksyon. :P

mga sis, I have an officemate dito sa ang daming utang sa credit card kasi puro luho...tapos ask ng ask kun kanino cya pede magloan para mabayaran un mga utang nya...abot sa 200K un utang nya sa credit cards, kasi kun makaasta at kun makapag salita kala mo mayaman...

un isa ko naman friend dito, 2 anak nya nag aaral sa private school dun sa village (same village din kami), tapos di pa bayad un tuition ng mga anak nya for this sem at un last sem may utang pa sila..sinasabihan na cya ng nanay nya na itransfer na lang sa public school, ayaw, kasi nakakahiya naman daw sa mga kapitbahay kun sa public mga anak nya...eh ala nga cya pambayad...tapos ayun, sa pinsan nya utang cya ng utang, tumatandang dalaga na un pinsan nya sa kakatulong sa kanila...

yan ang hirap sa ibang tao, ang lakas mangutang pero wala pala pambayad para lang masunod yung luho. Actually maraming ganito pag weekends pupunta sa malls at dine in sa resto na akala mo yung iba anak mayaman umasta pero ang pambayad eh credit card. Nothing wrong naman with paying credit card pero yung iba maririnig mo ubos na ata yung credit limit with matching taas pa ng boses sa cashier na double check yung balance nila :P

May ganyan din kami kapitbahay, gusto laging "keeping up with the Joneses" ang peg pero baon sa utang at lahat ata ng bumbay at loaning services samin eh nautangan na. Pag singilan na nawawala or nanghihiram sa kapitbahay na di alam ng asawa. Tapos pag di napahiram ng mga neighbors eh nag wwarla lang sya sa mga tao. hayyys!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close