watch now

Author Topic: bakit ang hirap kong magpatawad ng tao  (Read 1987 times)

phatgirl

  • Guest
bakit ang hirap kong magpatawad ng tao
« on: October 11, 2012, 09:32:45 pm »
isa siguro yun sa character ko,yung hindi ako agad nakakalimot depende sa ginawa ng tao.ayoko na balikan yung kwento kasi baka may GTalker akong kamag-anak dito,,mabuking pa kung sino ako..shortcut na lang..

noon kasi ugali ko yun gawing diary minsan ang facebook wall ko..tawagin na akong baduy or isa sa mga kinakainisan dahil ganun ako,pero iba-iba naman kasi tayo ng ugali..binago ko na rin yung ganung ugali ngayon..minsan kasi yung isang post ko may parang tinamaan at yung sagot niya sa post ko ay nilagay niya sa wall niya..sinabi ko lang naman parang ampalaya eh..madali kong nalaman na ako yung tinukoy niya kasi,may iilang bagay siyang sinulat na kami lang ang nakaka alam..nag PM rin ako sa kanya,tinanong ko siya kung ano problema,,wala sumagot..wala na siya sa facebook ko.pati sa facebook ng asawa ko wala na rin siya..di ko kasi makalimutan na minsan niya akong tinawag na "sabit lang naman" at "sawsawera"  sabit at sawsawera?siguro sa kanila o sa pamilya ng asawa ko na kapatid ng asawa niya..tanggap ko naman may anak na kami ng live-in partner ko na BIL niya pero plano naman talaga namin magpakasal,maayos naman kaming 2 sa pagsasama at masaya kami.kung may tampuhan normal na sa amin yon.di ko lang maisip na bakit may ganung tao,..kaya niya ba ko tinawag na sabit dahil ba live-in lang kami ng brother-in law niya?minsan naiisip ko napatawad ko na siya,pero pag naiisip ko,nagagalit pa rin ako.nasasabi ko sa sarili ko na wag kami mag krus ang landas kasi di ko alam kung makakapag salita ako sa kanya.parang feeling ko minaliit niya ako.kailangan ba may kasulatan pa o marriage contract bago mo respetuhin yung isang tao?sana wag na kami magkita ng babae na yon.

Staying_me

  • Guest
Re: bakit ang hirap kong magpatawad ng tao
« Reply #1 on: November 14, 2012, 06:37:08 pm »
sis in the first place ang babaw kasi kung sa fb nagpaparinigan, pag ba ikaw nakabasa ng post na may pinaparinggang kaaway, di ba nakakatawa, baka nga mapailing ka na lang kasi ang babaw na yung personal life nyo, ibroadcast pa sa fb. always remember to think before you click. Peace tayo di to sis ha  ;)

regarding naman sa sabit lang at sawsawera, I think may mga taong ganito ang thinking talaga. Nangyari na rin to sakin, may isang tita si hubby na sobra ang sungit akin, saming dalawa, not until nagpakasal na kami. Parang dun namin na realize na siguro ang tingin nya lang sakin e girl friend, na madaling palitan, na hindi naman part ng pamilya nila, na sabit lang rin. Pero nung kinasal kami ni hubby, biglang "ting" nagbago ang lahat at naging ok na ang treatment nya saming dalawa. Siguro sis, may mga taong ganun talaga

 

Latest Stories

Load More Stories
Close