watch now

Author Topic: Canada Thread 5  (Read 82857 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #580 on: September 04, 2015, 02:26:51 pm »
hwag ka na gumamit ng third party sa application mo dahil sayang pera then kayo din naman aasikaso ng lahat ng needed docs, ang gagawin lang nila ay mag fill-up ng application at mag pass na kayang kaya nyo naman gawin at di porke ginawa nila ay mapapabilis ang papel nyo dahil hindi rin depende pa rin yun sa processing time.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #581 on: September 04, 2015, 06:59:19 pm »
Hi whitebeagle wag ka ng gumamit ng third party my hubby kasi call the cic and hindi sila nag aadvice na kumuha ng agent or third party dahil wala naman silang magagawa para Mapabilis ang process. Kaya mo gawin lahat ang nasa guide magbasa lang mabuti. Basahin and follow mo lang ang spousal sponsorship para sa mag iisponsor then download mo rin ang guide for spousal sponsorship for philippines nandun naman ang lahat ng need mo or ng sponsored person nakalagay lahat ng kailangan mo iproduce na requirements. If may tanong or hindi clear pwede mag tanong si hubby mo sa CIC to verify. Saka ask lang din sa mga forums and research na rin

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #582 on: September 04, 2015, 09:49:17 pm »
mga sis maraming maraming salamat... sa totoo lang naghihinayang talaga ko sa 1600cad na hinihinginnga gent sa kanya kaya buti na lang may mga ganitong thread at least may makukuha kong tips galing sa mga katulad niyo..maraming salamat. :) iupdate ko kayo :)

Vans

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #583 on: September 06, 2015, 06:13:14 am »
@whitebeagle, tama wag ka ng magpadaan sa agent. Basahin mong mabuti yun application form. Para malaman mo ano mga requirement (official docs, letters, etc). Tas pag ready na, siguraduhin mo lang fill up mo ng maayos yun form para di na pabalik balik.

Yun sa akin, binigay ko yun application ko ng May 2008, tas June or July ata nila start iprocess tas by end of Sept 2008 my Visa na ako. Partida pa yan, twice pa nag padala ng letter ang embassy kasi may mga additional questions sila. Yun sa part na enumerate yun history mo, di ko nailagay lahat kasi kulang sa space sa form. kahit yun mga times na unemployed ako, kelangan nila malaman.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #584 on: September 06, 2015, 06:57:56 am »
^wow ang bilis sana kami rin

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #585 on: September 06, 2015, 11:40:00 am »
@vans, sis ang kelangan ba na ang ipapasa namin sa CIC na marriage contract is yung sa NSO o pwede na yung galing sa church lang na may pirma ng munisipyp? kasi sabi sa NSO 3months pa daw bago makuha if NSO issued ang gusto ko.

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #586 on: September 06, 2015, 11:42:27 am »
@shadow angel, sis nakapagpasa na rin ba kayo? kamusta pala :) ?

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #587 on: September 06, 2015, 05:17:03 pm »
^yes whitebeagle nakapagpasa na kami last week lang so wala pa balita. Mag update rin ako in case na meron ng news na from cic

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #588 on: September 06, 2015, 07:49:31 pm »
Ano nga pala common products sa pinas na Available sa Canada katulad ng mga facial wash or face cream...meron ba ponds product?

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #589 on: September 06, 2015, 09:35:20 pm »
@shadow_angel Sis NSO issued ba ang pinasa niyong marriage cert?

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #590 on: September 06, 2015, 09:53:23 pm »
^sis, dapat NSO. Medyo matagal nga ng konti kasi first time mo kukuha after marriage eh. Pati CENOMAR kukuha din naman.

^^parang wala akong nakikitang ponds sa mga grocery pero marami naman ibang options like mga St Ives, Neutrogena, Aveeno, etc.

Vans

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #591 on: September 07, 2015, 06:58:20 am »
@whitebeagle, NSO issued yun pinasa ko. Thru online ako umorder ng copy, kasi nung time na yun (2008) matagal pag walk in sa NSO office (parang ganon din sinabi sa akin mga 3months).  Karamihan ng documents namin na NSO certified, online ko kinuha.

nakalimutan ko kung gaano kabilis yun sa online, pero di ako inabot ng 3mons. feb 1 2008 kami kinasal, naghintay ako several weeks bago ako nag order online. Tas pag kuha ko, daming maling spelling ng pangalan ko dun sa marriage contract. Kaya simula march 2008 hanggang magpamedical ako ng May 2008, sobrang inasikaso ko lahat, lalo na yun correction ng marriage cert. Nakailang balik ako sa QC hall, tas napunta rina ko sa NSO office sa may QC.

Kaya nung nakuha ko ng Sept 30 2008 yun Visa ko, tuwang tuwa ako kasi nagbunga ang paghihirap. Taga Taguig ako tas graveyard shift pa sa work noon.




Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #592 on: September 07, 2015, 07:59:08 pm »
Ako kasi ang asikaso ng marriage contact ko i mean ako nagpasa kasi matagal nga sabi ng municipio 6months before makuha. Need mo ng endorsement from LCR na ikaw ang magpapass sa nso kahit makuha mo ang marriage contract if walang endorsed from LCR 6months pa rin ang processing. If may endorsement and ikaw ang magpasa 12 working days kuha na. Sama mo na rin ang CENOMAR. Basahin mo guidelines sis for Philippines nandun ang lahat ng kailangan mo

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #593 on: September 07, 2015, 09:34:30 pm »
sis saringkit and sis shadow_angel.. maraming salamaat.. naginquire kasi ako sa NSO 3mons nga daw.. sige sis icheck ko yung LCR kung paano ba yun makakuha ng endorsement letter

sis vans, taba taguig din ako... hopefully wala sanang mali yung sakin lalo na at hindi ako graveyard shift.. wala na kos asahudin kakaasikaso ng papeles.. absent absent na ganyan.. haha.. sana mabilis lang sa cuty hall natin..salamat

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #594 on: September 07, 2015, 11:45:14 pm »
Medyo matagal ang pagsecure ng documents talaga. We got married ng September and we did not start our application until end of January. Sakto din, during Christmas season, ang bilis ko nakuha mga NBI, and passport (married name) kasi konti tao.

^sis may reply ako sayo sa Canada Family Class Thread.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #595 on: September 08, 2015, 03:47:32 am »
About sa ponds wala pala magdadala pala ako. Tsambahana ako makakuha ng ok sa skin ko na hindi nagbrebreakout nahiyang ako sa ponds cream for acne prone skin natry ko na kasi ang neutrogena at st. Ives naku breakout galore

whitebeagle

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #596 on: September 08, 2015, 08:40:45 pm »
sis saringkit.. salamat ng marami,, dun na lang ako magpost at baka ot dito..:)

sis shadow_angellllllllll maraming salamat... nakakuha na ko kanina ng endorsement letter buti na lang di pala nila nafoforward sa NSO yung  marriage certificte ctc ko... pinalabc nila tapos puntahan ko na lang daw sa friday sa NSO east ave.. peroe ala nabanggit sakin if gaano katagal.. sabi lang ng munisipyo mas mabilis daw.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #597 on: September 09, 2015, 03:43:42 am »
^buti naman nahabol mo pa, sila nagpa lbc kasi ang sa akin ako nagpalbc pinakuha kasi nila sa akin sa munisipyo. Tawag ka sa NSO if kelan mo pwede makuha ang Marriage ctc mo, tumawag kasi ako ang sabi 12 working days dito sa amin hindi ko lang alam if mas mabilis pa dyan sa Manila

lonelymiss28

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #598 on: September 09, 2015, 07:10:05 am »
Ano nga pala common products sa pinas na Available sa Canada katulad ng mga facial wash or face cream...meron ba ponds product?

Kung meron man dito yan tiyak super mahal, manghihinayang kang bumili kahit may pambili ka. Lahat ng ginagamit mo sa pinas dalhin mo na. Including new reading glasses, palinis ng ngipin, pabunot gawin mo na sa pinas, kahit may health insurance family mo here hindi naman agad agad maayos papel, sobrang mahal ng mga yan dito. Including na rin kung may favorite kang local make-up and also intimate wash, yung mga andito kasi matapang, isama mo na rin kung may favorite kang local underwear, like so en, sorella, pero pag imported brand naman mas murang hamak namam dito.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Canada Thread 5
« Reply #599 on: September 09, 2015, 09:19:30 am »
^yan pa naman ang itatanong ko, hehe

by December ang alis ko, hindi ko sure kung pwede magdala ng marami, like toner ko, pwede kayang magdala ng more than 10, yung iba, like feminine wash, night cream, hays, pwede bang maghoard? gaano kaya karami ang allowed?

tapos ang prob, kapag naubusan na ako, magkano ba kapag magpapabili ako tapos papadala ko don?
wahaha, na-attached ako sa mga ibang products e, hiyang kasi ako, hehe

wala pa naman ata murang derma at mga murang alternatives don, hehe

nagpatingin na din nga ako sa opthalmologist, sa dentist, vivisit ulit ako, bago umalis.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close