Author Topic: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?  (Read 31296 times)

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« on: October 09, 2012, 08:46:18 pm »
Hi mga sis, gusto ko lang sana hingi ng advice sainyo. Kasi may isa ako kaibigan na sinabihan ako na insecure ako dahil daw lagi ako nagpapaganda. Ang tanong ko lang, kasalanan ba kung mahilig ako magayos? Gusto ko lang presentable ako. Hindi naman sa pagyayabang pero alam ko na maganda ako. Dahil lahat ng tao pinupuri ako. At dati ako flight attendant. Naisip ko lang na bakit niya ako sasabihan na insecure kung nagkkwento lang naman ako sakanya na magpapaayos ako ng buhok ko. Nasanay ako na lagi maayos ichura ko. Hindi ko alam kung ako ba insecure or siya. I need advice. Tia!

^Vain_Chiq^

  • Very much in-love. =)
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1171
  • Ultimate Shopaholic
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #1 on: October 09, 2012, 09:20:37 pm »
^Sis baka yung friend mo ang insecure sayo.Hehe. I don't see anything wrong kung mahilig kang mag-ayos, natural na sa babae yan, syempre gusto natin pleasing to the eye tayo, eh ako nga kahit maggrocery lang sa malapit samin nagmemake-up pa ako eh. Hehe. Tell her to just mind her own business, eh di mag-ayos din sya kung gusto nya at wala naman pumipigil sa kanya :).

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #2 on: October 09, 2012, 09:29:32 pm »
^nairita lang ako kasi siya lang nagsabi na insecure ako. Sabi ko nga sakanya na ang alam ko na insecure e yung mga tao mahilig magpintas at pansinin ang mali ng ibang tao. Kahit nga sinasabihan niya ako ng insecure, hindi ko siya nilalait e kasi ayoko masaktan siya at ayoko magyabang. Feeling ko din inggit siya dahil pag nakikita niya ako nabili ng mga pampaganda, gumagaya siya. Ok lang naman saakin gumaya siya e it means effective yung ginagamit ko diba.

Pero kanina talaga nung inulit niya yung "insecure ka, sobrang dami mo insecurities sa katawan" bigla naginit ulo ko. Sabi ko "ang insecure kasi yung mga tao na puro pintas at chismis sa ibang tao kasi sila mismo panget ang ichura. Kahit ano pagaayos nila panget padin sila"

Sorry kung mean ako mga sis pero nabwisit lang ako kanina talaga

ayka

  • independent , social butterfly & a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 331
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #3 on: October 09, 2012, 09:38:37 pm »
if you like or love dressing up, pampering yourself, changing hairstyles or what-have-you's, or even if you're vain, it doesn't necessarily mean that you're insecure. i don't think any lady wouldn't want to look gorgeous, presentable or just neat, for that matter. taong grasa siguro, oo.
happy girls are the prettiest girls! ♥♥♥

abuanddiego

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1293
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #4 on: October 09, 2012, 09:41:51 pm »
^^mukha ngang insecure sayo ang friend mo ;D

ako naman okay lang yung nagaayos tayo lalo kung lalabas ng bahay, para nga naman presentable diba. pero piliin din yung ayos natin sa pupuntahan, kung malapit lang naman wag na todo get-up diba. ang ayoko pa is yung mayat maya titingin sa mirror or punta ng wash room para icheck ang sarili. o kaya yung tanong ng tanong sa kasama nya kung okay pa ba itsura nya? yung mga sarili na lang inatupag kahit may mga kasama. tsaka yung lagi nagpapaayos kahit very recent lang yung gupit or color ng hair, kelan lang yung last facial. yung todo pansin kahit sa katiting na flaws. tapos sasabihin pa kesyo ang panget na nya tapos pag tinanong mo bakit, may ituturong onting tikwas sa buhok or isang butlig or blackhead na sya lang naman nakakapansin ;D tingin ko sa mga taong ganito, sila yung mga hindi marunong makuntento
Say it like you mean it!

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #5 on: October 09, 2012, 09:53:49 pm »
^ganun siya sis. Lahat ng mali sa katawan niya ikkwento niya sakin. Tapos pag magaadvice ako, bigla niya ako babarahin. Tama ba yun? Parang siya na lang lagi tama.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2227
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #6 on: October 14, 2012, 03:56:55 pm »
^deadmahin mo nalang pag nagkwento, hayaan mo siya mamuti ang mata sa kahihintay ng icocomment mo, at pag kinulit ka ano comment mo, tsaka mo barahin ;D

Mommy•Shey

  • ♥ Queen of Hubby, SpoiledWifey, FabMommy, Game Terrorist and
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 157
  • ♥Happily married, relaxed and fashion obsessed♥
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #7 on: October 18, 2012, 10:47:39 am »
Of course NOT! baka yung friend mo yung insecure hehe. Walang masama kung mahilig ka mag ayos. We just want to look presentable.
•Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving•

yezzi

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 194
  • I M POSSIBLE
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #8 on: October 18, 2012, 11:02:41 am »
of course not! sinong may sabi nyan? baka siya insecure :P lol!

first of all, dapat gusto mong mag ayos para sa sarili mo, second sa family and friends mo para hindi naman nakakahiya diba? Pero kung nag-aayos ka kasi nakita mong nagaayos yung kilala/friend mo and you want to be more than her OR higitan kung anong meron siya not to think kung okay or bagay ba sayo...yun na yung insecurities :P

again, pag nag-ayos ba insecure agad? hindi ba pwedeng para sa sarili mo muna kaya ka nag aayos 8)
love & get hurt, get hurt & learn, learn and love again :)

mica30

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 35
  • www.theprimppad.com <3
    • www.theprimppad.com
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #9 on: October 18, 2012, 02:55:23 pm »
^Sis baka yung friend mo ang insecure sayo.Hehe. I don't see anything wrong kung mahilig kang mag-ayos, natural na sa babae yan, syempre gusto natin pleasing to the eye tayo, eh ako nga kahit maggrocery lang sa malapit samin nagmemake-up pa ako eh. Hehe. Tell her to just mind her own business, eh di mag-ayos din sya kung gusto nya at wala naman pumipigil sa kanya :).

Tama ka jan sis. Yung friend niya ang insecure talaga. :))

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #10 on: October 19, 2012, 11:52:20 pm »
^kasi mga sis binibigyan ako ng allowance ng bf ko para sa mga pagpapaganda ko. Para sa pang-maintain ko. Tapos bigla nalang ako babanatan nung "friend" ko na -palibhasa kasi hindi mo pinaghihirapan ang pera na ginagastos mo.- Pakialam ba niya diba. Nakakainis lang. Kanina nga nagtext nanaman, kamusta na daw ako. Sabi ko eto insecure padin ahahahaha! Grabe kasi maka sabi na insecure daw ako. Hindi naman ako inggit sa kahit sino. E gusto ko magayos ng sarili ko e.

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #11 on: October 19, 2012, 11:57:28 pm »
Sabi ko nga sa bf ko wag na ako bigyan allowance kasi nasasabihan ako ng insecure. Sabi nalang niya na pumili naman daw ako ng kaibigan. Kasi daw pag kasama namin yun, pag makatingin sakin mula ulo hangang paa. Di naman kasi issue sakin yun e. kaya lang nawindang ako na sabihan ako ng insecure. Wala naman ako ginagaya na tao. Sarili ko naman inaayos ko.

chic-in-style

  • Probationary
  • Posts: 6
  • Im YOUNG and BEAUTIFUL -that's all that counts!
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #12 on: October 20, 2012, 12:14:13 am »
Sabi ko nga sa bf ko wag na ako bigyan allowance kasi nasasabihan ako ng insecure. Sabi nalang niya na pumili naman daw ako ng kaibigan. Kasi daw pag kasama namin yun, pag makatingin sakin mula ulo hangang paa. Di naman kasi issue sakin yun e. kaya lang nawindang ako na sabihan ako ng insecure. Wala naman ako ginagaya na tao. Sarili ko naman inaayos ko.


ignore mo na lang sya sis. wag ka na magpaapekto kasi obvious naman na sya ang insecure sa inyong dalawa. kapag ganyan ang attitude mo, para mo na rin tinatanggap na tama mga sinasabi nya sayo. kung ako sayo, mas lalo kang mag-ayos sa harap nya.. para lang inisin sya. hehe!
Big girls don't cry- they get even!

mishca

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 188
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #13 on: October 20, 2012, 08:15:08 am »
^tama. Lagi nga ako nagaayos talaga e. kaya naiinis siya sakin e ahahahaha

hisana

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1632
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #14 on: October 20, 2012, 09:09:29 am »
Sabi ko nga sa bf ko wag na ako bigyan allowance kasi nasasabihan ako ng insecure. Sabi nalang niya na pumili naman daw ako ng kaibigan.

Noo, sayang yung allowance, LOL! Hayaan mo na lang yang friend mo sa buhay nya, no. Your bf already gave you the best advice. Ang daming ibang tao jan na pwedeng maging kaibigan.

FieryAngel027

  • Analyst, Running Enthusiast
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 139
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #15 on: October 20, 2012, 09:53:11 am »
I also have a friend na ganyan. Matutina tawag ko sa kanya. Haha.

Palagi tanong sakin kung [textspeak!] mga ginagamit ko sa katawan ko, knowing na inggitera sya ibang brands ang sinasabi ko. Hehe

Kakainis kasi, pag nasa office kasi ako talagang maayos ako palagi. Ganun na talaga ako tapos I heard sa ibang officemate namin na "ang arte" ko daw sabi ni Matutina, sinabihan nya ko ng ganun to think na ginagaya nya make up ko. Naglagay ba naman ng eyeliner at lipstick na hindi bagay sa kanya. Mukha kaya syang bruha pag naka eyeliner, may binabagayan yun.

Haha, funny lang naaalala ko sya. Ginagawa ko lalo ako nagpapaganda, para lalo ma insecure. Isa pa yung crush nya sa office kasi may gusto sakin eh im married na, so friendzone lang. Kasalanan ko bang di sa kanya ang atensyon nun.

chicafabulosa

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2277
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #16 on: October 20, 2012, 10:07:44 am »
@sis misha, why bother kung sabihan ka ng mga "friends" mo na maarte ka. inggit lang mga yun sayo. baka sila ang insecure kasi di sila marunong mag ayos. mamili ka na lang ng kaibigan. di mo kailangan ng mga negative na ganyan. and di porke mga pangit sila, kailangan lumevel sa face value nila no. magkaibigan lang kayo, di sila carbon paper para gayahin mo.

mga friends ko, mas natutuwa kame na nakaayos. kapag may friend kame na di nag aayos, sinasabihan namin mag ayos para naman maganda ang aura nya. iba kasi ang feeling ng isang girl pag naka ayos eh. mas confident.
A girl's most beautiful outfit is charisma, the prettiest accessory is smile, & the best pair of heels is confidence.

FieryAngel027

  • Analyst, Running Enthusiast
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 139
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #17 on: October 20, 2012, 11:23:11 am »
Agree. Mamili ka ng kaibigan. :) yung mga walang insecurities at sisterly talaga ang samahan. Walang inggitan. Possible naman yan kasi I have friends na ganyan. :)

chicafabulosa

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2277
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #18 on: October 20, 2012, 11:31:13 am »
@FieryAngel

I remember my father in law. He would tell his kids (kwento to ni hubby kasi di ko na sya naabutan ng buhay) "never befriend ugly people. they are born with angst in the world"..

Di naman kasi maiiwasan ang inggitera sa mga friends. may mga ganyan ang ang dami naglipana sa paligid natin. ang magagawa na lang natin is to learn how to block their negative vibes towards us. mahirap na mahawa sa pagka nega ng ibang tao. aminin man natin o sa hindi pag may mga negative sa paligid natin, damay rin how we think di ba.. so alisin ang stress...

A girl's most beautiful outfit is charisma, the prettiest accessory is smile, & the best pair of heels is confidence.

FieryAngel027

  • Analyst, Running Enthusiast
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 139
Re: Kapag mahilig ka mag-ayos, ibig sabihin insecure ka?
« Reply #19 on: October 20, 2012, 11:38:21 am »
Yes, agree with you sis. :)

I am not saying na pretty ako or super ganda but I do not have a friend in my circles na walang itsura. Honestly. :)

And that Matutina who is trying to fit in my circle, ayoko talaga. Ramdam mo yung negative vibe nya na alam mo naman may inggit sayo why befriend pa. :)

 


Latest Stories

Load More Stories
Close