watch now

Author Topic: Most Shocking News you've heard lately - Part 11  (Read 94524 times)

Leven

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #80 on: October 25, 2012, 05:32:04 pm »
Well, ilang beses ko na ring na try na maka encounter ng mga suplada, nakasimangot at mga bastos sumagot na cashier sa mga malls, bakery at kahit sa palengke...at yes, parang ang sarap sakalin...Hindi naman ako violent na tao pero I don't feel any sympathy from the cashier, mukha talagang bastos.Siguro sobrang nabastos yung customer kaya ganun na lang at kahit babae ang cashier e pinakain talaga sa kanya ang pera. parang kulang kasi ng 80+ ata yung bayad or something, tapos ewan ko lang kung paano siguro sinabi ng cashier sa customer, ayun, sapol!

iampennylane

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #81 on: October 25, 2012, 05:40:49 pm »
^pareho tayo sis. Di din ako naawa sa cashier kanina ewan ko ba, usually naman yung mga ganyang inaapi ang lakas ko makaawa pero kanina parang wala. Sabi nga nung lalake eh binastos nga daw sya though di ko alam kung ano talagang nangyari. Pero siguro nga mali yung lalaki na saktan yung cashier, pero wala din naman sigurong karapatan yung Cashier na mambastos ng customer.


Huntress Krystle

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #82 on: October 25, 2012, 05:58:37 pm »
^ I respect your opinion mga sis. I saw the cctv video kaninang umaga, and tinititigan ko yung cashier, hindi naman sya sumigaw or gumawa ng nakakabastos na gesture. Siguro may sinabi lang talagang bastos ang dating. Bastos or not, naaawa ako sa kanya kasi babae pa din sya at tao pa din sya. Siguro, kung pinisikal nya yung customer, mauunawaan ko pa yung lalaki na masaktan din sya. Napa-isip lang din ako na kung ganun kadali mag-init ng ulo at manakit yung lalaki, baka nagawa na din nya yun sa ibang babae. It's painful to watch lalo na yung part na sini-shield na nung isang co-worker nya yung cashier, pero derecho pa din yung lalaki.

For me, ball-less ang mga lalaking nananakit ng babae. And that guy deserves to be punished. Gaano man kapangit yung sinabi sa kanya nung kahera, mali pa din na saktan nya. :)

+aeon_flux+

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #83 on: October 25, 2012, 06:05:54 pm »
ang nabasa ko naman kasi sis ay ito...

'Upon finishing his meal, he left without paying, then after an hour, he came back and requested for a glass of water.The cashier took the chance to remind him of his unpaid bill and insisted that he should pay. The man thus ran amock, splashed water on her face, slammed the counter table, pulled her hair and her collar simultaneously downward towards the hard counter, threw a bottled water on her cleavage, and even smudged money on her face.'

maybe there is a reason kung bakit nagsuplada ang cashier. nagumpisa lang siguro talaga ang lahat sa di pagbabayad ni customer.

iampennylane

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #84 on: October 25, 2012, 06:11:39 pm »
^ayun so yun pala ang nangyari. Thank you sis for posting. Aba eh ang kapal nga naman ng mukha nung Encinas na yun LOL

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #85 on: October 25, 2012, 06:14:15 pm »
ang nabasa ko naman kasi sis ay ito...

'Upon finishing his meal, he left without paying, then after an hour, he came back and requested for a glass of water.The cashier took the chance to remind him of his unpaid bill and insisted that he should pay. The man thus ran amock, splashed water on her face, slammed the counter table, pulled her hair and her collar simultaneously downward towards the hard counter, threw a bottled water on her cleavage, and even smudged money on her face.'

maybe there is a reason kung bakit nagsuplada ang cashier. nagumpisa lang siguro talaga ang lahat sa di pagbabayad ni customer.

^ May nabasa din akong ganyan sis. Yung iba naman, sabi, nagreklamo daw si customer dahil ayaw sya bigyan ng extra rice nung kahera. Ayaw daw nung kahera kasi nga di pa sya bayad. Kaya ayun nag alburoto na si customer.

And also, if you've seen the footage, nasaktan na at lahat yung cashier, pero ni isang beses ay hindi sya gumanti. She didn't even shout back dun sa customer. So that makes me wonder, kung talagang bastos syang tao, dapat siguro, the moment palang that the guy hit her, nagalit na agad sya or nag-react ng di maganda. But all she did was cower and remained silent. Kaya naaawa ako sa kanya.

Kung iba-base ko naman sa looks, eh no comment nalang ako. Kasi pwede ko din sabihing mukhang masiba yung lalaki at kalaki-laki nyang tao pinatulan nya yung maliit na kahera. Pero that would be unfair. :) Dapat talaga sa manager sya nagreklamo. Hindi porke't bastos ang isang tao eh hahampasin mo, bubuhusan ng tubig at papakainin ng pera.  ;)

PS: Bagay na BFFs itong customer na ito at si Carabuena.

superbubly

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #86 on: October 25, 2012, 06:16:35 pm »

@iampennylane yung guy kasi di nagbayad ng kinain niya sa resto/fast food sabi niya dun sa cashier babalik daw siya kukunin yung pangbayad, itong si cashier sabi niya daw(according sa girl-victim)di daw puwede and so on. Hanggang nagpanting yung tenga ni customer, umabot na sa puntong binato ni customer si girl ng bote, hinatak and sinabuyan ng tubig so itong si cashier ayun napaupo na lang. so yun sis.


Eh kung ganyan, dapat naman itong si customer kahit nagpanting na tenga niya sa pahiya, dapat ba talaga ganunin niya yung babae? eh babae yun tapos ang laki laki niya namamatol siya babae, grabe siya

+aeon_flux+

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #87 on: October 25, 2012, 06:22:17 pm »
^^bagay naman sila maging BFF ni Carabuena sis.

ang feeling ko naman, kung nagsuplada si cashier, may dahilan sya. possible kasi na sa kanya ikaltas yung unpaid bill ni customer. di natin alam kung sadya o di sinadya ni customer ang di pagbababayad. pero sana nung bumalik sya after an hour for water at siningil sya, nagbayad nalang sya. kung nababastusan sya kay cashier talaga, kausapin nya yung may-ari/manager, di ba? simple as that. kelangan ba talaga nya manakit?

^tama lang naman na di pumayag si cashier. sino ba naman ang t**** na papayag ng ganon kahit na suki ka pa wag naman sana abuso. saka kaw ba naman alam mo na may pagkakagastusan ka na pagkain di ka magdadala ng pera? not an excuse either.

mamapeew

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #88 on: November 03, 2012, 11:54:48 am »
The UST alumna who was stabbed to death. Ever since I saw the fb post of my 2nd cousin who was her college friend, that the girl was missing, sinundan ko na yung story. So devastating.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #89 on: November 03, 2012, 01:15:50 pm »
^ grabe yan. :(

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #90 on: November 03, 2012, 01:38:08 pm »
^^ Grabe talaga yun sinundan ko din updates nung story na yun. Di ba nahuli na yung 2 suspects? Paiyak-iyak pa yung isa eh. Para ngang gusto ko sumuot sa tv at balatan sya ng buhay. Sinisi pa yung biktima na maingay daw kasi kaya napatay nya. Gag0 lang eh. May petition na din na ibalik ang death penalty dahil dito sa case na to.

Leven

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #91 on: November 03, 2012, 02:16:45 pm »
AGREE talaga ako diyan sa death penalty na yan...Parang palala ng palala yung mga krimen ngayon...akala mo minsan sa pelikula [textspeak!] nangyayari...balatan ng buhay nalang yang mga kriminal na yan....

+aeon_flux+

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #92 on: November 03, 2012, 02:25:09 pm »
shocking talaga! sobrang nanghinayang ako sa victim. natakot din at the same time kasi taga cavite din ako at nasakay din ng tricycle pauwi sa amin. laging gabi na din nauwi. kaya ingat ingat nalang tayo mga sisses.

mamapeew

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #93 on: November 03, 2012, 05:13:56 pm »
Wala na silang takot kasi. Naghahanap buhay sila, para saan? Para sa bisyo nila? E kahit yung mga bata sa may kamuning (rugby boys), nagpapaka-high na rin tapos gagawa din ng krimen. Petty crimes (gaya nung hinoldap na highschool student, kinuha lang allowance tsaka cellphone) pero dun din papunta yun di ba? Parang di na to matatapos. Nakaklungkot na nakakatakot. I'm scared for my kid kasi lalaki sya sa mundong ganito (sobrang apektado ako, babae din kasi anak ko e).

pinklilac

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #94 on: November 04, 2012, 05:24:23 pm »
nagulat din ako sa UST grad na pinatay, Sayang talaga ang buhay niya.

latest na ikinagulat ko though for some siguro eh hindi ito nakakagulat
napanood ko sa TV na naka dalawang BF pa lang pala si angelica P. carlo aquino at derek pa lang.
napa wow talaga ako kase  isang showbiz na tao si angelica to think na usung uso sa mga taga showbiz ang parang nagpapalit lang ng damit pag dating sa pakikipag relasyon.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #95 on: November 04, 2012, 06:21:32 pm »
Sunod-sunod earthquakes sa Pinas...

brandi

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #96 on: November 05, 2012, 02:21:44 pm »
^have you seen the bible code?

naalala ko itong book na ito during hurricane sandy. natakot ako bigla hehe ;D

miss_o

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #97 on: November 09, 2012, 10:26:51 pm »
me lumalabas na usok sa mcdo sa gateway naku sana wag matuluyang masunog ang mcdo

iampennylane

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #98 on: November 10, 2012, 05:07:16 am »
^saw the news nga. May sunog nga daw sa Gateway Mall kagabi umabot sa 3rd alarm pero fire out na daw by 11pm.

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Most Shocking News you've heard lately - Part 11
« Reply #99 on: November 10, 2012, 09:46:25 am »
Si Baron Geisler daw nakakulong ulit.. nanggulo ata kasing lasing. Tsk tsk, di pa pala sya gumaling after his rehab ???

 

Latest Stories

Load More Stories
Close