watch now

Author Topic: Kojie San Products  (Read 106363 times)

dainejen

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #80 on: July 29, 2014, 01:19:48 pm »
bumalik na ko sa paggamit ng kojic soap. gumamit na ko dati pero nung nakikita ko na yung effect tinigil ko ayoko naman kasing masyadong pumuti,ginamit ko lang ulet ngayon dahil nagkaroon ako ng pimples. ayun after ko gamitin twice natuyo na yung pimples kaya balik ako sa paggamit. twicw a day ko gamitin.

filipinopride2014

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #81 on: August 04, 2014, 08:35:55 am »
Hi po sa lahat lalo na sa mga gumagamit ng Kojie San Skin Lightening Soap
meron lang po ako tanong about dito sa sabon na ito.

hindi ko po kasi malaman kung hiyang ba ako or hindi sa kojie san
halos 2 months na kasi ako gumagamit ng sabon na ito.

sabi ng mga gumagamit ng sabon na ito sa unang gamit mo daw ng sabon na ito
masakit at mahapdi daw talaga at magbabalat yun mukha at katawan mo

jan naman ako nagtataka kasi simula ng unang araw na ginamit ko itong
sabon na ito at hanggang ngayon hindi ako nasasaktan or nahahapdian
yun tipong kahit na kuskusin ko sya ng madiin na madiin sa balat ko
hindi talaga ako nasasaktan or nakakaramdam ng hapdi at sa loob ng
2 months na pag gamit ko nito hindi pa din nagbabalat yun mukha
at katawan ko hanggang ngayon

syaka napansin ko lang yun tinubuan ako ng isang tigyawat sa face
at yun gumaling na yun tigyawat ko parang may itim na andun pa din sa face ko
i mean yun tigyawat na nawala parang umitim hindi naman masyadong maiitim
pero pag tinignan mo sa salamin makikita mo talaga yun pinagtubuan ng tigyawat
parang nangitim hindi ko lang sure kung ito ba yun tinatawag nila na darkspot

dito din banda sa legs ko hindi ko lang sure kung kagat ba yun
ng lamok or ipis pero basta yun nakagat ako namula sya tapos yun
gumaling na sya napansin ko na parang nangitim din sya like dun sa
tigyawat ko hanggang ngayon kasi hindi pa din nawawala yun parang itim
wala na yun tigyawat at yun kagat pero yun gumaling sya parang
umitim ba yun or brown basta mapapansin mo sya kasi medyo maputi naman talaga
yun legs at mukha ko

wala naman ng yari sa mukha at katawan ko maliban jan hindi naman ako nangangati

maliban lang dito sa maliit na tuldok na kulay pula na lumabas sa katawan ko
nun una akala ko kagat lang sya ng lamok pero yun pinagdikit ko yun kagat ng
lamok sa maliit na pula sa braso ko magkaiba sila

yun kagat ng lamok parang medyo pink pa sya diba na bilog
yun lumabas naman sa katawan ko parang maliit sya na tuldok
na kulay pula at paghinawakan mo sya hindi mo sya makakapa

i mean diba pag yun tigyawat at kagat ng lamok paghinawakan natin
nakakapa natin pero yun lumabas na pula sa katawan ko hindi ko nakakapa
basta ang itchura nya parang maliit lang sya na tuldok na kulay pula
na lumabas. 2 sa braso 1 sa tyan 1 malapit sa may kamay

hindi naman sya makati or masakit basta parang wala lang pero ang tagal na kasi
mula ng lumabas yun mga yun hanggang ngayun hindi pa din sya nawawala
una sa braso lang tapos napansin ko pati sa chan ko meron na din isa at sa kamay
alam nyo ba kung ano tawag dito?

tinignan ko kasi sa google yun mga picture ng skin side effects pero wala naman sya kaparehas dun.

ask ko lang kung meron po bang mali dito sa pag gamit ko ng kojie san soap
ganito ko kasi sya gamitin

step 1. araw araw ko sya ginagamit
step 2. ginagamit ko sya sa mukha at katawan ko
step 3. ito na mismo yun ginagamit kung sabon tuwing naliligo wala ng iba pa
step 4. isang beses ko lang sya ginagamit sa loob ng isang araw
step 5. tuwing gabi ko lang sya ginagamit
step 6. hindi ko sya binababad ng matagal sa balat ko pag naliligo
basta ginagamit ko lang sya parang normal na sabon
step 7. pag katapos ko maligo nagpapahid agad ako ng kojie san cleanser + toner
step 8. pag tapos ko mag pahid ng kojie san cleanser + toner
naglalagay na ako ng kojie san face lightening cream
step 9. naglalagay din ako ng kojie san body lightening lotion pag tapos ko maligo
step 10. matutulog na ako

ganyan lang ginagawa ko araw araw may mali po ba jan?

hiyang ba ako sa sabon na ito kasi:
mula ng unang gamit ko hanggang ngayon hindi ako nasasaktan at hindi mahapdi
hindi makati hindi din ako tinitigyawat

hindi ba ako hiyang sa sabon na ito kasi:
halos 2 months na ako gumagamit nito pero hanggang ngayon hindi pa din nagbabalat
yun mukha at katawan ko

at bakit parang pagnagkasugat or tigyawat ako ang tagal mawala at pag gumaling na
parang nangingitim d ko lang sure kung ito ba yun tinatawag na darkspot?

at ano ba yun parang maliit na tuldok na pula na lumabas
sa katawan ko?

anyway tanong ko lang po kung hiyang ba ako sa pag gamit ng
kojie san skin lightening soap or hindi para malaman ko kung
ipagpapatuloy ko pa ba ang pag gamit ng sabon na ito or hindi na
halos 2 months na din kasi ako gumagamit nito

cartman

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #82 on: September 08, 2014, 12:33:50 am »
kojie san lightening cream and toner feedback please..

celebrity_me

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #83 on: September 08, 2014, 02:07:14 pm »
kojic soap user here... try ko nadin ang cream soon sa underarms ko lalagay at s stretchmarks... :) excited...

chuy

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #84 on: September 12, 2014, 04:40:08 pm »
^ update us sis kung OK yun. OK ba yung Kojie San whitening lotion?

DominiqueL

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #85 on: September 12, 2014, 05:00:55 pm »
May frend ako eto gamit Nya and super Puti Nya I thought naggluta siya :) and to think cheapy Lang ang kojie San ha!:)

chuy

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #86 on: September 12, 2014, 05:56:10 pm »
@ sis chuy - mukhang ok naman yung kojie san dream white.. ramdam ko na parang binabatak yung balat ko - kasi nga anti aging sya. maganda ang effect sakin. bumili na ko ng second bar .. (i mean second and third kasi buy 1 take one.. hehe) medyo pumuputi na din kilikili ko.. hahaha! konti na lang hapdi sa face kaya pag carry ko pa.. medyo babad.. pero saglit lang. after ko kasi gamitin ang kojie, banlaw ako then wash naman with safeguard para may gamit pa ring akong anti bacterial soap. Once a day lang gamit ko pag naliligo, pero sa gabi either ponds o cetaphil ang pang hilamos ko.

Now ko lang nabasa sis. Try ko nga rin yung Dream White. Same price sa Kojic?

ashonlush

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #87 on: September 13, 2014, 07:09:39 pm »
I'm actually using it. Kojie-san skin lightening soap yung 50Php tapos 2 bars na.
Hindi naman ako nagbrebreak-outs at maganda naman siya para sa akin. Effective siya sa akin, kasi meron akong scars sa legs... lumighten na. Actually di na nga halata eh. Sa akin pa naman super halata kapag may namumula or may scars since maputi na talaga yung skin ko.

monikka sun

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #88 on: September 14, 2014, 04:42:50 pm »
ang gamit ko ay KOJIE SAN DREAM WHITE nawala mga acne marks ko  ;D

kittycat228

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #89 on: September 14, 2014, 06:16:28 pm »
sis, how long mo ginamit before nalighten scars?

celebrity_me

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #90 on: September 16, 2014, 04:55:42 pm »
^ update us sis kung OK yun. OK ba yung Kojie San whitening lotion?

nakabili nako cream pero d ko pa nagagamit... sa underarms ko gagamitin kasi sensitive face ko... uodate ako dito ano effect

mariscalnaj

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #91 on: September 16, 2014, 11:20:45 pm »
i'm a kojie user before and I can say effective sya nakakaputi talaga pero tinigil ko lang nun nararamdaman ko humahapdi na face ko di yata sya maganda pag everyday use?  :)

NurseOnDuty

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #92 on: September 17, 2014, 08:12:44 am »
I love Kojie San Dreamwhite soap! I can say effective siya after ko maubos yung 2 bars, yung 60php. Hindi ko lang masyado gusto effect niya sa face ko, may mga tumubong butlig sa face ko. Pero sa body super gusto ko effect niya. Purchased another box na. Yay! :)

chuy

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #93 on: September 17, 2014, 11:26:43 am »
^^ masyado yata matapang if used everyday

^ mas OK yung Dream White kaysa Kojic? Gamit mo morning and night?

nakabili nako cream pero d ko pa nagagamit... sa underarms ko gagamitin kasi sensitive face ko... uodate ako dito ano effect

Thanks sis! Magkano yung cream?


celebrity_me

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #94 on: September 17, 2014, 01:48:09 pm »
^ nasa 100 plus lang sis... for the face nga nakalagay... pero wala naman siguro harm kung sa underarms ko lagay yung cream... sana magwhiten underarms ko.. :)

NurseOnDuty

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #95 on: September 17, 2014, 04:23:24 pm »
^sis minsan am and night, pero minsan yung venus mars poppy plush gamit ko sa night. Pero hindi naman kasi sensitive skin ko. I find the dream white mild pa nga. Yung orange hindi hiyang sa akin sis. Feeeling ko nangingitim ako dun.

chuy

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #96 on: September 17, 2014, 09:19:52 pm »
^^ mura lang pala sis. Pwede din siguro sa inner thighs and other dark areas hehe

^ minsan feeling ko nangingitim din ako sa Kojic. Ma-try nga rin yung Dream White. (OT na: Pag morning ano sunblock gamit mo?)

May naka-try na nung lotion? With SPF yun di ba?

NurseOnDuty

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #97 on: September 18, 2014, 07:49:31 am »
^BN extreme whitening lotion with spf 40 gamit ko sis. Pero sa akin hah, hindi siya katulad ng ibang kojic soap na konting maarawan, tapos darker pa skin after. Hindi naman kasi ko naglagay ng lotion sa paa, and minsan naarawan yung paa ko pag nakasandals ako. Hindi naman nagdarken. Pero syempre, importante talaga iwasan ang proling sun exposure.

chuy

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #98 on: September 18, 2014, 09:09:01 am »
^ HM yun sis? Yup I agree iwasan talaga dapat matagal na sun exposure. Di rin naman ako gaano naaarawan and I always use sunblock kaso parang hindi na ganun ka-effective yung Kojic ng Kojie San sa akin.

NurseOnDuty

  • Guest
Re: Kojie San Products
« Reply #99 on: September 20, 2014, 10:08:34 pm »
Naku sis di ko na tanda how much yung lotion. I bought it together with BN soaps kasi that time. Around 300+ yata, malaki naman kasi. Pero for me kahit anong lotion with high SPF will do.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close