watch now

Author Topic: Baby/Toddler discipline  (Read 9073 times)

france0220325143

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #20 on: October 24, 2012, 08:51:42 pm »
malapit na ako sumuko sa baby ko. she's 20 months old and sobrang makulit. may sumpong na rin. lately, bigla na lang syang magiiyak and hihiga sa floor. Mag-iiyak sya don and when i tell her something, lalong lalakas iyak nya. Lahat ino-offer ko sa kanya pero lalo lang syang naiinis. Ayaw naman tumigil sa pag-iyak kaya d ko alam talaga gagawin ko.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #21 on: October 24, 2012, 10:05:54 pm »
^Aawww, hang in there sis. Yang mga ganyang age, they're learning to test and push their limitations which in turn pushes our buttons naman. Madalas nasisigawan ko yung 2-year old ko and I know it's not a nice practice kaya pala-sigaw na din tuloy sya :( Pero never ko pa sya napalo and ayoko din sya paluin. Pag may tantrums and shouting episodes sya, I let her get tired of doing it (basta hinde gutom, sleepy or what). Pag ok na sya saka kame nag uusap. Pero syempre hinde naman nya kagad maiintindihan pero patience talaga, yan ang tinuturo nya saken ngayon and madalas nagfe-fail pa din ako.

france0220325143

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #22 on: October 24, 2012, 10:52:59 pm »
napalo ko na ang baby ko minsan sa kamay. sobrang inis na kasi na pinagsasabihan mo not to touch things, talagang tuloy pa din sya. I know hindi tama pero syempre tao lang tayo, but i try to control myself naman. Minsan lang kasi nakakahiya sa kapitbahay na iyak ng iyak eh hindi ko malaman kung anong gusto.

beatrize zuri

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #23 on: October 24, 2012, 11:34:16 pm »
naalala ko yung dau ko ng minsang napagalitan ko talaga siya ng bonggang bongga! sobrang teary eyed siya at nakonsensya naman ako after ko siyang napalo at napagalitan simula non i try hard to control my temper na. ngayon pag may bagay siyang ginagawa na di ko gusto sasabihan ko lang siya na "dont do that it may harm you, and do you want mommy to get mad at you?" pag yan na ang narinig niya titigil na siya at ikikiss na ko and it really melts my heart everytime she does it, kaya nawawala agad ang galit ko, sobrang lambing niya. i can say na never pa naman naglupasay sa kakaiyak yung dau ko whenever she cant get what she want. kelangan talaga ng maraming patience, and matatalino na ang mga kids ngayon for sure pa unti unti they will understand.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #24 on: October 24, 2012, 11:41:53 pm »
^Kaya ako sis ang madalas mag-time out. Pag nagagalit na ko nagdi-distance muna ko. Hinde ko na kase take yung regret and guilt na naffeel ko everytime nagiging monster ako and natatakot si Zoe saken pag nagagalit ako sa kanya :(

beatrize zuri

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #25 on: October 24, 2012, 11:51:21 pm »
^ganyan nga din ang nagyari kay bea natakot siya nung nakita niyang galit na galit ako sa kanya simula non di siya umulit, ngayon nga ginagawa ko na rin yang "time out" buti na lang may thread na ganito kasi dito ko lang din nabasa yung "time out" na yan so far naman it helps me a lot! lalo na sa pag control ng temper ko. syempre ayoko naman na mukhang "momster" ako sa kanya  :-\ , kaya pansin ko mas takot siya sakin kesa sa daddy niya ayaw niyang nagagalit ako, di ko tuloy alam kung maganda ba yon or hindi  :(

Pretty_ava

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #26 on: October 25, 2012, 12:15:05 am »
ewan ko kung dito ko dapat ito i-post, kasi mga sis I'm on a diet as in konti lang ang kinakain ko, para 3 kutsarang kanin lang every breakfast and dinner and I don't eat lunch na din.   so itong si ava pag kumakain kami, nagtataka sya, just the otehr night, I told her to eat plenty, so yun kumakain na kami, then nung kumuha ako ng food for myself, she told me, mom, why konti lang yung food mo?  you told me to eat plenty, why are you not eating plenty?  natulala ako at di ko alam isasagot ko, sabi ko na lang, Ava, I don't need a lot of food because I'm too big na.  sabi nya, whatever!

naisip ko tuloy baka gayahin nya ako, baka sabihin nya din na I'm on a diet and I don't need a lot of food.. naparoid ako bigla, yung mga napapanood ko kasi sa documentary sa TLC yung inetrvention, na isa sa mga cause ng pagiging bulimic at anorexic ng mga teens sa US eh nagsisimula sa home mismo...

paano ba ang yamang pag explain mga sis?  yung in a good way naman..kids nowadays talaga they are really smart, natatandaan nila lahat, kagaya kanina, sabi she can eat chips pero 10 pcs lang, after an hour she asked me kung pwede daw sya kumain ulit ng chips kasi 6pcs pa lang daw nakukuha nya...

beatrize zuri

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #27 on: October 25, 2012, 01:12:46 am »
^naku sis, mahirap nga yan parang di ko din alam kung pano ieexplain sa kanya yan pero siguro try mong iwasan niyang makita kang konti lang kung kumain para no explanation na rin. yung dau ko nga napalo ko nung minsan, eh pag namamalo siya sinasabi ko na "dont do that, that's bad" aba! nung papaluin ko siya sinabi ba naman na "mommy that's bad" grabe talaga ang shocked ko as in electric shocked talaga lol! sa 3yo alam na niya na mali yon, kaya ngayon iwas na ko mamalo kaya sis advice ko try mo na lang na wag mo ipakita sa kanya pag diet ka, ngayon regarding sa explanation that i have to leave with other sisses here, kasi di ko rin talaga alam kung paano ieexplain yan, hehe
« Last Edit: October 25, 2012, 01:17:31 am by beatrize zuri »

Pretty_ava

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #28 on: October 25, 2012, 02:33:08 am »
^ uu nga sis, ako din eh sobrang natigilan ako nung moment na yun, kasi diba dapat you'll set an example sa kids para gayahin nila.  syempre 1st ako lagi matapos sa pagkain kasi nga konti lang kinakain ko, ayun magtatanong sya, you're done agad mom?tapos bibilisan na din nya kumain kasi ayaw nya maiwan sa table..

snowflakes

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #29 on: October 25, 2012, 02:51:11 am »
malapit na ako sumuko sa baby ko. she's 20 months old and sobrang makulit. may sumpong na rin. lately, bigla na lang syang magiiyak and hihiga sa floor. Mag-iiyak sya don and when i tell her something, lalong lalakas iyak nya. Lahat ino-offer ko sa kanya pero lalo lang syang naiinis. Ayaw naman tumigil sa pag-iyak kaya d ko alam talaga gagawin ko.
sis, minsan wag mo pansinin pag humiga sa floor pabayaan mo sha, tatayo din yan. napansin ko yan sa anak ko mas lalo mo pinapansin lalo umaarte. boy ba anak mo? dko kase alam kung mas mahirap i discipline ang boy kesa girl, kase mabait talaga anak ko by nature siguro hahaha. di sha mapilit pag ayaw ko. wala pa rin shang tantrums.

beatrize zuri

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #30 on: October 25, 2012, 03:24:20 am »
^^true ka dyan sis, tayo ang ginagaya nila kaya dapat maging magandang example tayo sa kanila pero sa totoo lang minsan ang hirap talaga! lol! nahihirapan akong icontrol ang temper ko especially pag pagod ako sa work kaya naman todo konsenysa ko pag napapagalitan ko, btw sis ilang taon na ba dau mo?

Pretty_ava

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #31 on: October 25, 2012, 09:50:56 pm »
^4.5 yrs old sis. nangyari na naman kanina yung scenario, sabi ba naman mom, ang konti ng rice mo, why sa akin ang plenty? sabi ko na lang, I drink plenty of water naman so okay na yun. 

ang hirap mag disiplina promise, minsan hindi ako consistent, like pag sobrang kulit na at pagod ako, I'll let her watch TV ng matagal or watch sa youtube.  sabi ko nga mahal na mahal ko nanay ko kasi napakahirap maging nanay lalo na at working pa.

Leven

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #32 on: November 01, 2012, 09:17:10 pm »
malapit na ako sumuko sa baby ko. she's 20 months old and sobrang makulit. may sumpong na rin. lately, bigla na lang syang magiiyak and hihiga sa floor. Mag-iiyak sya don and when i tell her something, lalong lalakas iyak nya. Lahat ino-offer ko sa kanya pero lalo lang syang naiinis. Ayaw naman tumigil sa pag-iyak kaya d ko alam talaga gagawin ko.

Ganito din ang son ko noon sis, noong toddler pa siya. Talagang iiyak siya ng malakas at hihiga sa floor pag hindi mo binili yung toys na gusto niya sa mall. Ang ginawa ko lang talaga sa kanya sis minsan hindi ko siya pinansin and as if hindi kami magkasama sa mall, dire diretso lang talaga lakad ko. Awa ng diyos naging effective naman siya.

france0220325143

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #33 on: November 05, 2012, 10:41:19 pm »
Thanks, sis Leven and sis Snowflakes. mejo nawawala na yung sumpong ni baby lately. sana wag na nyang ibalik. dun talaga ako helpless kasi hindi ko alam kung anong gusto nya. parang feel nya lang umiyak kaya iiyak sya. baby girl sya and born in february (no offense po sa mga feb-born) kaya ayun, sumpungin daw sabi ng parents ko...

a_y_e_n

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #34 on: November 09, 2012, 12:04:50 am »
ako din sobrang hirap magdidipline ng baby ko since yung grandparents nya on both sides iniispoil sya. pag pinagsasabihan ko (16 months old sya) he knows na bad ginawa nya sa facial expression ko. he will cry syempre pero bigla syang kukunin ng lola (both sides ganun style nila) nya para patahanin. sobrang frustrated nako, lam naman ng mga grandparents pero ganun daw kase role nila. first apo ang anak ko sa side ko, sa side naman ng husband ko, sinundan nyang apo is college na kaya parang first apo na din. hay...

Leven

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #35 on: November 09, 2012, 07:08:34 pm »
@a_y_e_n pareha talaga [textspeak!] ng issues, sa kakaspoil ng mga inlaws ko ito, lumaking matigas ang ulo ng panganay ko,pag pinagsasabihan mo iiyak kukunin kaagad e di siyempre lumabas tayong kontrabida nito at sila ang bida, so sila na ngayon ang sinusunod. worst of it binibigyan nila ng pera, e di ayon nalulong sa internet. di ko na talaga alam ang gagawin, noong isang araw nga pinalayas na talaga ng hubby ko tapos dun sa inlaws ko ngayon nakatira kasi ba naman exam kinabukasan nag iinternet parin...kainis...

kikay9599

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #36 on: November 10, 2012, 09:45:26 pm »
Need to take a refresher course on baby discipline, kumukulit na kasi ang 13 month old bunso namin. Based on my experience, parang mas madali nga mag-alaga ng baby girl, rough kung rough kasi ata talaga ang mga boys.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Baby/Toddler discipline
« Reply #37 on: November 11, 2012, 12:45:12 am »
ako din sobrang hirap magdidipline ng baby ko since yung grandparents nya on both sides iniispoil sya. pag pinagsasabihan ko (16 months old sya) he knows na bad ginawa nya sa facial expression ko. he will cry syempre pero bigla syang kukunin ng lola (both sides ganun style nila) nya para patahanin. sobrang frustrated nako, lam naman ng mga grandparents pero ganun daw kase role nila. first apo ang anak ko sa side ko, sa side naman ng husband ko, sinundan nyang apo is college na kaya parang first apo na din. hay...

My mom did this a couple of times before din. Pero kinausap ko sya na pag nagdi-discipline kelangan ako ang masunod. There had been times kase na pag nagtatantrums and hinde ko pinapansin, sya ang susuyo kaya parang sya ang naging savior and sya ang hinahanap kapag napapagdabihan yung anak ko. Buti naman my mom hinde makealam sa ganyan but if she thinks I'm doing somethig wrong, kinakausap nya kame pagkatapos.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close