Author Topic: Mama's boy si hubby  (Read 15049 times)

CmomS

  • Guest
Mama's boy si hubby
« on: September 12, 2012, 03:50:31 pm »
Hi mga sis. Ang hirap po pala talaga kapag mama's boy ang mister nyo. ALthough di pa kami kasal ng mister ko, may 2 anak na kami. Di parin kami nagsasama sa isang bubong pero nasa bahay namin sya kapag weekdays then uuwi sya sa kanila pag weekends. Ang hirap kasi hindi pwedeng di siya uuwi sa kanila. Na kahit gabi na uuwi parin sya sa kanila. Pero kapag inabutan naman siya ng gabi sa kanila di na siya uuwi muna sa amin. Naiinis din ako kada nalalaman ko na magkatabi parin sila sa kama ng mama nya natutulog. Kapag nandun naman kami sa kanila, nawawalan ako ng silbi. Pati pagdedecide ng mister ko para sa amin naaapektuhan dahil sa nanay nya.

m_lim

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #1 on: September 12, 2012, 06:56:22 pm »
hmm.. hindi mo ba yan alam bago kayo nagka anak? 

bakit ngayon ka nagrereklamo, naka dalawa na kayo?

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #2 on: September 12, 2012, 07:04:20 pm »
so any problem po?it seems na matagal ka na sa ganitong set up since nakadalawa na kayo...
your complaining now?...ano po bang gusto mo?..n ;D

aquacharly

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #3 on: September 12, 2012, 07:41:31 pm »
Some things, you just have to accept.

CMOMS. Your relationship has lasted because....  You fill in the blanks.
There must be a lot more to your partner. And a lot more to you -- coz look at where you are now -- ok naman kayo coz yun lang complaint mo: Mommy Dearest sa kagat ng dilim. :)

Per se, there is nothing wrong with your unconventional living arrangements so long as it does not prevent you both  from being responsible & loving parents & partners.  You cannot assume that just because you do not follow the norm of living under 1 roof eh your relationship cannot level up.

Look at the mitigating circumstances, as defense lawyers may say.
Does his mom live alone? Perhaps he cannot leave her nighttime alone, for security concerns.
He still sleeps with his mom?  Can his mom's house accommodate another bed?
Or, may big phobia his mom about sleeping alone?
Yung brother kong isa  will never sleep alone, kahit na driver nya katabi when he travels to the province -- super takot he will bangungot & die. Lolz

But of course you yearn for more time with him.
Pwes, para tabla ang Laban -- instead of you moving to her place, or she to yours -- why don't you all move to a new place that can accommodate all of you?

In the meantime, isipin mo na lang:  at least, every night sigurado ka where he goes to sleep. O di ba, ok din yon. :).

« Last Edit: September 12, 2012, 07:47:06 pm by aquacharly »

m_lim

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #4 on: September 12, 2012, 08:12:10 pm »
^lol! :)

oo nga naman, at least alam mo si mom ang katabi at hindi aswang! :D

FayeP

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #5 on: September 13, 2012, 10:18:55 am »
sis, sa tingin ko lahat ng lalake mama's boy, magkakaiba nga lang ng degree..

di ba dati ganyan na din naman hubby mo? kun naintindihan mo dati na lagi cya sa palda ng nanay nya, ano ang reason bakit parang ngayon eh ayaw mo na ng ganun set up??? pabaya ba cyang ama sa mga anak mo?? kun hindi naman eh wala naman problema...

saka di naman yata nakikialam ang mama nya sa mga decision nyo di ba?? kun pag uwi lang sa mama nya ang ayaw mo, eh isipin mo ganito: mas ok na un mama nya ang inuuwian nya kesa ibang babae ang uuwian nya di ba???

wag mo na pagselosan sis un closeness nila ng mama nya, baka matanda na kasi si mama kaya sinasamahan nya...

k_heart

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #6 on: September 13, 2012, 10:45:12 am »
Pero sa totoo lang, napaka-icky pa din na ang lalake at that age na may asawa't anak na ay katabi pa din ang mama nya sa pagtulog and will choose her na katabi over the wife.
Somehow, somewhere, may pschological dysfunction kahit papaano. Naku, kung halImbawa ako at manliligaw ko pa lang yan ay nalaman ko agad, turn-off na ako dyan agad. Grow-up first and return pag di ka na nakasabit literally sa palda ng nanay mo. Ok naman na mahalin ang nanay pero may time din sa buhay na kailangang humiwalay.
At Pag may asawa na, the wife takes precedence over the parents.

FayeP

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #7 on: September 13, 2012, 10:53:04 am »
sis k_heart, may time kasi before na hubby ko close din sa nanay nya at pag pumunta sya dun, kinabukasan na uwi nya pero di naman sila magkatabi natutulog, siguro mamimiss nya lang din...pero sinabi ko sa kanya na since may asawa na cya dapat ang iconsider nyang talagang bahay eh un bahay namin...kumbaga pag may asawa ka na, un asawa mo na ang dapat mas unahin...

umoo naman cya kaya magmula nun eh pag punta cya sa kanila, kahit anong oras sa gabi uuwi pa din cya samin..yoko kasi na sa ibang house cya (kahit house pa ng nanay nya un) natutulog....

un nga lang di naman sila magkatabi sa bed haha, kakaiba lang un ke sis CmomS

k_heart

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #8 on: September 13, 2012, 11:15:24 am »
^Sis FayeP, yes, oks lang talaga yang pagbisita sa mom or sa parents. wala naman problem yun. pero yung magkatabi pa matulog,nakakalurkey di ba?????
Yung hubby ko, bunso sya at puro lalae sila, awa naman ng Diyos,di mama's boy but he loves his mom!

Agree, asawa na talaga ang dapat unahin. Although,kung ako ang nasa sitwasyon ni TS, mapapaisip talaga ako ng bongga on how to change the situation.

FayeP

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #9 on: September 13, 2012, 12:31:30 pm »
nakakaaliw nga na nakakapagtaka kun bakit up to now un hubby ni sis CmomS eh katabi pa ni madir matulog...

sis CmomS, ano ba reason ni hubby bakit up to now eh katabi nya pa mama nya??? natanong mo na ba sis?

designer

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #10 on: September 13, 2012, 12:43:46 pm »
Very interesting situation. Maybe he needs professional help na talga. Good luck with you both.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #11 on: September 13, 2012, 01:50:26 pm »
Wala talagang perfect relationship/marriage. Meron at meron ka talagang dapat tanggapin sa part ng partner mo. At hindi yan madali.

But first of all, na-communicate mo na ba itong concern mo sa hubby mo? Yung maayos na communication ha, hindi yung nangki-criticise/judge na communication. Baka gawan naman nya yun ng paraan.

Pero kung certified mama's boy talaga yang hubby mo, at sa tingin mo every area of your marriage and family ay may say ang in law mo at ayaw mong magsettle sa ganun, it's your call kung itutuloy mong magpakasal sa kanya.

Pero kung kaya mong intindihin kung bakit sya ganun sa nanay nya at kaya mong tanggapin yung future "say" ng future in law mo, then go marry him. Pero wag ka na magrereklamo ha pag pinili mo na syang pakasalan. Live with it na for the rest of your life and don't ever think of hiwalayan.

Wag mo ring kalimutan isaalang-alang yung mga magagandang qualities na meron ang hubby mo. Syempre kaya naman nagtagal kayo, meron kang mga nagustuhan sa kanya.

Of course whatever your decision will be, do not forget your children. Lighter naman siguro sa kanila na hindi magpakasal ang parents nila, kesa magpakasal at magsama sa isang bubong na hindi magkasundo sundo ang magulang nila, na in the end ay maghihiwalay din naman pala.

to wed or not to wed?
to accept him or not to accept him?

that is your decision.
« Last Edit: September 13, 2012, 01:52:22 pm by glamorosa_09 »

Madelskie

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #12 on: September 13, 2012, 01:56:35 pm »
Ang hirap naman nyan. Buti na lang wala na kong MIL. Lol  :P

CmomS

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #13 on: September 13, 2012, 05:30:41 pm »
Sa totoo lang po mga sis may sariling room yung mister ko sa kanila. Ang laki nga po ng bahay nila and may sariling room din yung pamilya ng kuya nya dun. Katabi lang ng room nya yung sa family ng kuya nya. DI ko pa po yun alam nung mag gf/bf pa kami. Kasi kapag dumadalaw ako nakikita ko naman po yung kwarto nya and wala po sa isip ko na yung ganung edad eh tumatabi pa sa nanay nya sa kama. Di rin po kami makapagsolo ng bahay dahil din po sa nanay nya. Sa amin kasi pinasasagot lahat ng gastusin kaya di na namin kakayanin kapag nagsolo pa kami. Nagkalayo kami noon ng mister ko then nung nagkaayos kami at nalaman ng mother nya ang sabi ba naman sa kanya bakit pa daw ako binalikan? Nung time naman po na buntis ako at nagpabili ng pinaglilihihan ko, nagpabili rin yung byenan ko sa mister ko. Kahit po gupit ng buhok nya, minsan nasabi ko mahaba na yung hair nya at pagupitan na nya. Sabi ng mister ko ayaw pa nya. Eh uuwi na sya nun kasi weekend na. Pagdating ng Monday nagulat ako at bagong gupit. Sinabi ko tuloy "o akala ko ayaw mo pang magpagupit?" Ang sabi ba naman sa akin, sabi daw kasi ng mama nya mahaba na raw ang buhok nya kaya magpagupit na daw siya. Hays

m_lim

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #14 on: September 13, 2012, 05:44:50 pm »
^ sa situation na ganyan, wala kang magagawa. either tanggapin mo or hiwalayan mo. ano ang mas matimbang sayo?

hindi mo kasi hawak ang damdamin at pag iisip ng mister mo.

subukan mong kausapin, baka sakaling maliwanagan.

parang pambababae lang yan, kahit anong gawin mo, hindi magbabago kung ayaw magbago.

Lizi

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #15 on: September 13, 2012, 06:14:14 pm »
ay ang hirap naman nyan sis! ako din ang h2b ko mama's boy din pero mahirap talaga pag kalaban ang mother! since mabait naman ang mom niya sakin pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin in the future, siguro pag kinasal nako next month. pero i hope hindi naman kasing kalurkey ng sa sitwasyon mo kasi ang bigat nga nyang dinadala mo  :-[ i feel for you. kung ano man yang nararamdaman mo ngayon gets na gets ko yan  :-*

aquacharly

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #16 on: September 13, 2012, 06:36:01 pm »
Again:  some things you just have to accept.
OR, move on, move on, move on.
This is an imperfect world of imperfect people.
How much imperfection can you live with?
Know thyself, The Truth will set you free. BUT do not also let conventional expectations/customs dictate on you. 

Or, you just gotta  wait it out... That something irreversible changes all; specially, all your sleeping arrangements. hehe.  Then you will all be resting in peace, some more so.  Peace.


nageinna

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #17 on: September 13, 2012, 06:50:09 pm »
mahirap nga your sitch sis. i agree with sis k_heart baka may dysfunction si hubby? nasubukan mo na ba kausapin si hubby regarding this? my hubby was also a mama's boy. lagi kung ano gusto ng mom niya gagawin niya, ibibigay niya. he can never say no to her. but thankfully naman ngayong kasal na kami, mas priority niya ako. though may times parin na nagkaka issue kami sa MIL ko. mahirap yung ganyan sis. pag isipan mo mabuti. i know what it feels na kahit napakaliit na bagay lang eh iba pa rin nagdedesisyon para sa kanya/inyo.

TysLolakins

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #18 on: September 14, 2012, 12:43:49 am »
tama ang mga sisses, either you accept things the way they are right now or do something drastic to change the situation.
i'm not sure it's healthy for a grown man to be still sleeping with his mother.  and it's not like she lives by herself and cannot be alone esp at night , you indicated that an older brother and his family live with them. 
ask the father of your kids where you 3 stand as far he's concerned.  if you cannot continue with this arrangement anymore, then tell him so. 

k_heart

  • Guest
Re: Mama's boy si hubby
« Reply #19 on: September 14, 2012, 01:19:43 am »
Kung asawa ko yan, malamang hinambalos ko na yan sa ulo.ha!ha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close