watch now

Author Topic: .  (Read 4354 times)

jaja_0310

  • Guest
.
« on: September 11, 2012, 02:36:13 am »
.
« Last Edit: October 01, 2012, 03:41:55 am by jaja_0310 »

m_lim

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #1 on: September 11, 2012, 03:43:43 am »
kung ako nasa sitwasyon mo, papayag ako ng walang sama ng loob.

unang una, araw lang naman pala ang idedelay ng binyag.

pangalawa, ipaghahanda naman pala si baby.

life is short. wag mo problemahin o kainisan ang mga bagay na hindi naman big deal.

tumingin ka sa paligid mo, maaring yung iba diyan hindi mapabinyagan ang anak
nila at all dahil walang pampabinyag or ano man. count your blessings.

zee87

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #2 on: September 11, 2012, 04:07:00 am »
Plus 10 ako sa post ni m_lim.
pero baka may iba pang pinaghuhugutan ang sama ng loob mo, sabihin mo na. :)

Pero same with m_lim, i cant find anything wrong with moving the date 1 week late. December pa naman yun. keri lang yan sis. pagbigyan mo na ang lolo. kakaproud kaya yan, favorite agad ang apo.

edit: teka, may place din palang pinag uusapan. gano ba kalayo yung place sis? baka naman nandito kaya sa manila, sa mindanao bibinyagan.. aba'y nakakaasar nga yan.
« Last Edit: September 11, 2012, 04:08:53 am by zee87 »

zee87

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #3 on: September 11, 2012, 04:25:10 am »
Ganito na lang sis. baka pumayag si husband mo na magresto kayo for ninongs and ninangs na lang tapos close friends. then sa bahay na lang nila yung mga relatives. na open mo na ba yung ganun option?

Kung naopen mo na sa kanya yun, makipagbargain ka... sabihin mo na sa bday naman ni baby, kaw naman ang masusunod.

zee87

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #4 on: September 11, 2012, 05:24:10 am »
naku sis, mas malalim naman pala ang problema mo. If you dont mind me asking, bakit jan kayo nakatira sa inyo? and bakit naman ganun yung hubby mo sa family mo? parang di naman siguro maganda yung ganung asal towards your family lalo pa at nanjan kayo sa inyo nakatira.

Pero whatever the reason is, para di lumala yung gap niya sa family mo, dapat siguro mag solo na kayo.

christinep_111187

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #5 on: September 11, 2012, 06:48:19 am »
Sis, naask mo na ba si hubby mo kung ano reason bat ganun sya?
Sakin kase its a NO-NO eh! Swerte nya pa nga Ok mom mo eh...
Yung sa binyagan sis OK na yun ma delay mejo advantage pa nga kase mejo malaki na si baby eh
Pag super baby pa kase naaawa ako tignan pag pinagpapasahan ng mga ninang at ninong :D

christinep_111187

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #6 on: September 11, 2012, 07:05:41 am »
Naku sis! kausapin mo sya... I understand na siguro part ng hiya yun or defense mechanism na kahit anjan kayo sa inyo hindi sya sunudsunuran pero let him understand as well na mali yun noh! super mali. Nasamin din kami nakastay sis pero wala naman ibang tao pero nung andito sa pinas mom ko super Ok si hubby sa kanya. Kausapin mo sya sis, sabihin mo na nasasaktan ka on what he's doing...
Tell him dapat thankful sya kase anjan parents mo to guide u both while you're starting ur own family  :-*

girl24

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #7 on: September 11, 2012, 09:09:04 am »
^i feel for you sis ***hugs***

ganyan din hubby ko towards my family pero kinausap ko family ko na kahit ganon kagaspang ang ugali ni hubby sa pakikitungo sa inyo wag niyo na patulan please. kahit mali siya kako ayoko na me masasabi sa inyong pamilya ko na me nagawa kayong hindi maganda. para kako whatever happens, i can proudly say my family was good to him however he treated them.

so family ko, sa akin lang nagsasabi ng sama ng loob nila ke hubby. stressful pero better kesa magpatulan sila.

sa binyag naman, POV ko lang sis... kayo ng husband mo ang gagastos dapat kayo masunod. pwede naman maghanda [textspeak!] mo for their side of the family on another date di ba? dapat ba talaga for the binyag? hay... PERO for love, peace and harmony pwede ka rin magcompromise... pagbigyan mga matatanda... o ayan me love, peace, harmony ka na me respect for elders pa...  ;)

christinep_111187

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #8 on: September 11, 2012, 11:35:15 am »
Ang bait ng mom mo sis  jaja_0310 nakakatouch  :)

Priceless

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #9 on: September 11, 2012, 01:21:25 pm »
Sis Jaja,

I think sa punto about your child's baptism, pagbigyan mo nalang ang in-laws mo sa gusto nila. Sa pagkakaintindi ko sa kwento mo, dyan kayo nakatira sa "side" mo. So siguro 85% of the time, if not more, ang kasama nyong mag-asawa at anak ay yung pamilya mo. Siguro kung nagkabaligtad at ikaw yung nakikitira sa poder ng in laws mo, mararamdaman mo din yung nararamdaman ng hubby mo, lalo pa bihira lang naman makauwi ang tatay nya, so syempre, talagang they will want to make most of his stay dito sa Pilipinas. E ano naman kung hindi restaurant or ma-inconvenience sa ninong at ninang ang pagpunta sa bahay ng in-laws mo? Diba dapat ang mga ninong at ninang, talagang pinili dahil they should be willing to stand in for you as second parents? So ibig sabihin, dapat willing silang mag-sacrifice even if it means going a long way away for the baptism. Hindi yung mag-aappear sa binyag, pipirma at maghahawak sa baby for five minutes... Siguro dapat talaga piling-pili ang ninong at ninang, those who are willing to commit themselves to your child.

About the underlying relationship issues naman with your hubby and your mom, I suggest i-observe mo kung ano yung relationship ni hubby with his own mom. Kasi baka naman yung mom niya is totally different from your mom which means ang upbringing kay hubby is different from yours. For example, kung si mama mo is mahilig mag kwento or mahilig magtanong (purely out of concern ba na tanong), baka hindi sanay sa ganun ang husband mo and "pakikialam" ang dating sa kanya. So kahit na sabihin mo na dyan kayo nakatira sa family mo and dapat makisama ang husband mo, try to understand na rin kung bakit ganun ang attitude nya sa family mo. Sabi sa akin ng mama ko dati, mahirap yung makikitira ka sa bahay ng in-laws mo. Okay lang sayo at sa mama mo dahil kumbaga "territoryo" nyo yang bahay nyo and the most you can do is remind your hubby that it is your (you+him+baby) home na rin; pero don't expect that they will naturally feel and "act" and be comfortable like it's their own.

design21

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #10 on: September 11, 2012, 02:13:20 pm »
kung days lang naman pinaguusapan pagbigyan mo na. binyag palang yan nagiging issue na what more pag new year first birthday at first christmas ni baby? iba ang buhay may asawa bago nagaadjust pa kayo. dalawa kayong magulang kaya dalawa kayo magdedecide hindi pwede magpatigasan kayo ng ulo.

jaja_0310

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #11 on: September 11, 2012, 05:32:44 pm »
_
« Last Edit: September 22, 2012, 10:37:38 pm by jaja_0310 »

agape

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #12 on: September 11, 2012, 08:07:23 pm »
Plan ka nlng ng separate baby shower.

Priceless

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #13 on: September 11, 2012, 08:12:17 pm »
Sis, gano kadalas bang umuwi yung father in law mo? Baka naman sabik lang talaga sa apo kaya gusto nilang sa kanila naman mag spend ng time yung bata. Ano ba ang issues mo kung sa bahay lang nila gagawin ang handaan? Masyado bang maliit, pangit, madumi ang bahay nila? Gano katagal ba ang binyagan at reception na hindi katanggap tanggap ang house nila?

Again, ang suggestion ko, magparaya ka na. Tandaan mo, magulang din yung parents in law mo. Nasa poder ng family mo ang anak nila at ang apo nila most of the time, ganun ba talaga kahirap silang pagbigyan? Kung sila na nga ang gagastos, magpprepare at magliligpit afterwards, hindi naman kaya isipin nila, pati na ang asawa mo na sobra mo namang ipagdamot ang bata?

PinKisH_23

  • Guest
Re: binyag ni baby naurong dahil kay father in law
« Reply #14 on: September 11, 2012, 11:09:00 pm »
If I were a bit younger I'll tell you to go ballistic at gawin ang gusto mo kasi anak mo yan. But then dahil sa experience, kung pwede mo naman sila pagbigyan bakit hindi diba. Siguro lang sobra lang silang excited kasi binyag ng apo nila. Kung sa layo naman, pwede naman mag compromise. Nadadaan sa magandang usapan yan. Less issues, less away.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close