Author Topic: R U WITH HIM?  (Read 5815 times)

bibibuy

  • Guest
R U WITH HIM?
« on: September 11, 2012, 12:21:18 am »
sis, i need your pov on this... yung bf ko na tatay ng anak ko (hindi pa kasi kami kasal), my history na of texting/chatting with other girls.  when we started, we agreed na  we let each other see our phones, but lately sya ng lift nung rule na yun and he never wants me to check his phone na. so napag isip ako kung bakit. 2 times ko sya nahuli na may katxt or kchat. nag away kami pero in the end naging ok din para sa anak namin. so after nun, sabi ko sa sarili ko ayoko na mag check ng phone nya, pero last saturday, nagising ako in the middle of the night and nakita ko phone nya nakatiwang wang. so nung nag check ako, daming naka burang messages na pero may naiwan dun. sa conversation nung isang [textspeak!] dun sa girl blank [textspeak!] una nyang message, tas nag reply si girl ng why? nireply nya "are you with him?" reply nung girl "yes, why?" tas reply nung bf ko "nothing"... [textspeak!] ba dapat kong isipin? kasi kung ako ittxt ng ganito iba iisipin ko..at kung ako yung bf nung girl, iba din papasok sa isip ko. i already confronted him and sabi nya sakin kaibigan lang nya daw un pati [textspeak!] bf daw nung girl e friend lang nya. [textspeak!] ba dapat isipin ko at maramdaman? thank so much mga sis?

chicafabulosa

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #1 on: September 11, 2012, 12:27:00 am »
Depends sa mapi feel mo sis. What do you think? Think it over. But like what you said may series of events na he was texting other girls. If he can do it before, then he can do it again. Minsan kasi we need to follow our instinct.

If all of a sudden ni-lift nya yung rule youncan checkmhis phone, then maybe you think he is doing it again. But then again sa akin lang sis, i dont like checking his phone. Better na wala akong alam pero nire ready ko sarili ko for the worst scenario..

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #2 on: September 11, 2012, 12:29:50 am »
^^Hi sis! For me, kalokohan yang bawal tignan ang cp. Like what you said, "BF" mo sya at hindi lang sya basta tatay ng anak mo. Kung walang tinatago, bakit bawal tignan ang cp diba? Therefore, alam na nating something's going on and you have the right to know. Kung ni lift nya yung agreement nyo regarding pagtingin sa cp, it's like saying na meron nga syang katext na iba or kachat. Kung ikaw ba ang nag lift nung agreement, wala ba syang ibang iisipin? Natural meron diba.. Kainis naman yan..

bibibuy

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #3 on: September 11, 2012, 12:43:16 am »
salamat mga sis, i actually feel na he's doing something behind my back dun palang sa pag lift nung rule na yun. akin kasi, i dont care if he checks my phone or not kasi wala naman ako tinatago or kahit sa mga accounts ko sa fb or yahoo. ang kinaasaran ko lang at hinid ko magets kung bakit at [textspeak!] ba ibig sabihin na itetext nya yung girl na "are you with him?" tapos ang nireply lang ni girl, "yes, why?" tapos nireply ni bf "nothin..." di ko ma gets eh

k_heart

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #4 on: September 11, 2012, 12:43:41 am »
For me,wala namang incriminating sa "R u with him". Based lang sa short post mo, may trust issues talaga kayong 2. Kasi yung girl naman may bf na. Baka yung bf mo lang talaga ang nangungulit sis.
Kasi pag may suspetsa ka na at walang tiwala kahit simpleng bagay may kahulugan kahit wala.
Mukhang pareho pa kayong bata sis at yung bf mo,wala pa talagang balak lumagay sa tahimik. He still wants to play around.
Hindi pa kayo kasal, isipin mo sis kung ganyan talaga ang gusto mong buhay, kunsumido at laging nagdududa sa partner mo.

It's not a good foundation for marriage. Kung text lang di pa kayo magtitiwala sa isa't isa, paano pa sa ibang bagay.

And that's really sis what you will get for snooping around, talagang hindi maganda ang matutuklsan mo at alam ko namang alam mo yun.

Snoop some more, hindi pa strong ang evidence. Maya-maya lang sis nyan, hiwalay na kayo. Or baka ganun ang gusto mangyari ng partner mo?

bibibuy

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #5 on: September 11, 2012, 12:49:53 am »
andaming beses ko narin sya nahuli at lagi tinatanggi. pero nung last saturday, 1 week after nya ilift yung rule na pwede icheck yung phone ngtaka nako. lagi pa pag nagtetext patago. kasi ako ayoko narin talaga icheck kasi nga baka kung ano pa makita ko, pero ayun... nagising ako ng madaling araw at parang may nag utos sakin tignan ko phone nya. ayun. sabi pa nya sakin ano daw ba pakielam ko kung may katext daw sya. so hindi ko na talaga alam san ilulugar sarili ko

k_heart

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #6 on: September 11, 2012, 12:54:54 am »
^Mag soul-searching kasi sis kung yan ang gusto mong buhay kasi hindi na magbabago yang mga ganyang lalaki. Tanging himala na lang ang makakapagbago sa kanila.
Kung tingin mo, kaya mo ang ganyang buhay at masaya ka naman, then go on sis.
Pero may masayang buhay kesa dyan. Hindi pa naman kayo kasal,it means pwde ka pang maghanap ng ibang lalake na magmamahal sa yo na di ka nag iisip kung sino ba ang [textspeak!] or sino ang ka0text.

k_heart

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #7 on: September 11, 2012, 12:56:52 am »
May balak ba kayong magpakasal? Is he a good father? Is he a good provider? Meron ba syang redeeming quality na pwede mong ipasintabi na lang ang pagpiflirt nya sa iba? Paano kung inext-level na nya? Meaning kumuha na talaga ng ibang GF?

princessrio

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #8 on: September 11, 2012, 01:01:51 am »
checking his phone or not, if something has changed and you feel something suspicious, chances are tama ang hinala mo. you don't have to ask us kung ano ang dapat mong maramdaman. you know very well that a small voice inside you is telling you something. kinausap mo na, sinabi nyang wala yon. then, it's up to you if you're going to believe him or not knowing that he already has histories of such. text pa lang yan. pano na kung nasa labas ng bahay at hindi kayo magkasama...

sinabi nyang wala, eh di wala. pero ikaw, dapat kang maging handa kung talagang meron.

bibibuy

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #9 on: September 11, 2012, 01:02:46 am »
sabi nya sakin na gusto daw nya pakasal, pero feeling ko para lang sa bata kasi lagi pag nag aaway kami sabi nya ayaw daw nya na lumaki yung bata na hiwalay magulang. ako personally nagdadalawang isip nako pakasal sakanya. tama ka sis, madaming pwede dyan, pero naawa din ako sa anak namin. di ko din alam san lulugar. walang problema sa pagiging ama nya, good provider naman at inaalagaan naman anak namin kapag masama pakiramdam ko. yun lang talaga problem ko sakanya na ilang beses na nmin pinag usapan na hanggang ngayon ganon parin. mag 3 years palang kami tapos mag 1 year na kaming may anak.

k_heart

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #10 on: September 11, 2012, 01:16:53 am »
^So what do you want sis talaga? Actually ikaw lang makaksagot nyan. If ready ka na, have a heart to heart talk with him, kung ano talaga ang balak nya sa future mo. Para habang bata ka, you can start another life, another option. para kung wala talagang future ay hindi masayang ang freshness at beauty mo sa kanya. Yung tipong hindi maubos ang best years ng life mo sa kanya.

Magkasama nga kayo physically pero mentally at emotionally ay parang di na kayo swak together. Mas panget naman na makikita kayo ng kid nyo na nag -aaway. Buti pa na hiwalay na lang kayo pag ganun.

At kelan naman daw yung balak nya na pakasal? kasi kahit magkasama kayo ngayon ay illegitimate pa rin naman ang status ng kid nyo habang di ka nya pinapaksalan.



bibibuy

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #11 on: September 11, 2012, 01:52:25 am »
thank sis. sa totoo lang mahal na mahal ko sya. gusto ko lang talagang baguhin nya o tanggalin nya yung ganon. ok naman kami noon, hindi ko alam bakit nag kaganito na kami. simula nung nag ka baby kami. naka ilang beses na kaming mag heart to heart talk at we end up being ok at parang inlove na inlove sa isat isa pero still ganito parin. hindi ko na alam kung tama pa nararamdaman ko. naiiyak ako habang tintype ko to kasi sya pinili ko kaysa dun sa taong mahal na mahal ko at iniwan ko para lang sakanya.

k_heart

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #12 on: September 11, 2012, 02:01:09 am »
^ah ok sis, mukhang mahal na mahal mo nga si Guy. We'll at this point, sige try to make it work muna. Baka may pag-asa pa. Pero sis,wala kang hold sa kanya na kahit ano. Yun ngang mga kasal at may anak pa, naghihiwalay pa din. siguro,maglagay ka sis ng time frame. mahirap din naman na it wil go, on and on and on, with no future in sight.
And praybsis for guidance. Or you might want to take a sabbatical from him para malaman mo talaga ang feelings mo.

Pero i know din naman what you are feeling,nagmahal din ako sa babaero once before ako nauntog at nag move-on. Yung feeling na isamg araw ay magbabago sya at ikaw yung tamang babae na makakapagbago sa kanya. Sometimes, only time can tell or kung talagang it was written in the stars na destined kayo sa isa't isa. Ang masasabi ko lang. always be strong emotionally. and yes, always pray.It certainly helps in coping.

ross24

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #13 on: September 11, 2012, 02:28:26 am »
ayoko gumatong or magdagdag ng bigat sa dibdib mo sis ha.. i'll share my experience lang naman. Yung ex-husband ko, ganyan din ayaw nyang tignan ko yung cellphone nya. Privacy daw?!?? May time pa nga na nilagyan na nya ng pin code yung phone nya. Kung walang tinatago bakit may ganon? Yung privacy thing hindi totoo yan (for me) basta honest ka sa partner mo and you trust each other. Sa bf ko ngayon wala kameng ganong issue kasi we trust each other kahit magbasa or ako pa humawak ng phone nya kasi wala kameng tinatago sa isa't-isa and sis ang sarap ng feeling na ganon..

Ako natuo na ko, if you feel na may something fishy, 99% meron yun! At least may 1% pa na sana hindi totoo  :-\ Malakas instinct nating mga girls unlike sa mga lalaki. To make the story short, naghiwalay na kame ng husband ko and totoo yung mga gut feelings ko na may babae sya.

Goodluck sis na sana hindi nga totoo yung hinala mo.. I still believe in miracles na pwede pa naman magbago ang isang tao kaya lang it's your call to wait for that moment (kung darating nga) or to control your life now na and live a happier and peaceful life. :) Sorry ang haba na pala! God bless sis!

FayeP

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #14 on: September 11, 2012, 06:58:40 am »
sis,

I had a BF before (un bago si hubby), na ayaw na ayaw nyang papakialaman un phone nya (pero cya nakikialam cya sa cp ko), sakin ok lang na pakialaman nya cp ko eh ala naman ako ka-tex na iba...

pero cya eversince, ayaw nya na checheck ko un cp nya...it turned out na may anak pala cya sa dati nyang textmate at di nya pinaalam sakin, tapos sila pa din nun GF nyang nasa taiwan at madami pa cyang katext na kun sino sino (seaman ito, seamanloloko talaga)...

when we started dating, ang sabi nya, 2 years na sila hiwalay ng GF nya kasi nasa taiwan nga daw...tapos I remember asking him din if baka may anak na pala cya sabi nya wala daw...so naniwala naman ako...un pala niloloko lang ako...

ako pa pala un third party sa relasyon namin kasi nga sila pa nun GF nya for five years....kaya pala ayaw nya pakialaman ko cp nya kasi dami nakatagong secrets....nalaman ko din dahil sa tatay nya...

pinagtapat ng tatay nya sakin kasi alam daw nila na matagal na din kami (mag 3 years na kami nun pinagtapat sakin un)...

ako naman may suspetsa na talaga ako kun bakit ayaw nya pahawak man lang cp nya, kasi I know naq mahilig cya makipag textmate...akala ko textmate lang, un pala much worse...

so sis bibibuy, since you don't trust him anymore, baka it's time to give yourselves space...hiwalayan mo muna, para malaman nya, marealize nya kun ano mawawala sa kanya (ikaw at un anak nyo)...kasi mali naman kun magstay ka with him (kahit wala ka na tiwala) nang dahil lang sa anak nyo....dapat ang reason kun bakit kayo magsasama is because you love and trust each other completely...

kun wala trust sa relasyon, it is doomed for failure....


aquacharly

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #15 on: September 13, 2012, 07:24:22 pm »
Simple equation, whatever the circumstances...
Pag ayaw mag share ng cellphone ...   There is something na pagnalaman mo, hindi mo for sure ikatutuwa. ....
Yon lang yon.

rianne_mallows

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #16 on: September 13, 2012, 08:33:37 pm »
 Kung ako may gagawing milagro, itatago  ko din phone ko.
Ikaw? Kung may gagawin/ginagawa kang milagro, hindi mo ba itatago phone mo?
Ganun kasimple

Ayaw niya daw lumaki bata na wala tatay? Sabihin mo ikaw naman ayaw mi lumaki anak mo sa nangangabit ba tatay.

Ang tanong, kaya mo ba siya hiwalayan?
O kukumbinsihin mong pilit ang sarili mo na okay lang yan?

Your choice.

muy003

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #17 on: September 13, 2012, 09:18:55 pm »
Kapag may tinatago, di un okay. Yang celphone na yan, may mikagro na ngyayari dyan. Ikaw sis, sabi nya gusto nya pakasal kayo, pero nararamdaman mo ba na he feels that way? Sudden change in attitude is always a product of something else, good or bad.

Minsan sa buhay namin ng partner ko, nangyari yang mga naka delete na message, he still let me check his phone pero, there was nothing to check kasi nakabura na lahat, ang dahilsn ps nun eh, naghhang yung phone nya kaya he deletes the messages... It didnt take long for me to find out what he was up to.

Sis, hindi basta basta yang gnagawa ng lalakeng yan, if he is a good father, keep him as such, pero if as a partner, he's bad, wala kang obligasyon kahit kanino man na pagtyagaan sya. Kung ang iniisip mo is yung anak mo, sis, mas masaya ang bata kung di nya makikita na nasa conflict sng parents nya. If you could leave the rel while you're still in good terms, hayaan nyo ng ganyan, kesa patagalin, lalala pa yan.

Naniniwala ako sa kasabihan na the greatest gift a father could give his children is to love their mother. In your case, baka mas pwedeng mahalin ka nya bilang nanay ng anak nya at kaibigan.

Sa akin lang sis, wag mo masamain, di ka nya hinihiwalayan, aside from the fact na nanay ka ng anak nya, eh dahil yung extra nya eh may karelasyon din... Di pwedeng maging sila, as of now.

Sis, messy situation ito, i hope you make the right decision for you and your child...

Michipot

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #18 on: September 14, 2012, 04:25:18 pm »

pag may kutob ka sis... iba na yan... ako naman, dati di naman walang lock code ang cp ni hubby.. tapos biglang may lock... may kutob ako noon pero di ko rin pinansin kasi malaki tiwala ko sa hubby ko... pero totoo palang may tinatagong milagro... it's a grace from God daw yung kutob sa ating mga girls/wives.. kaya gamitin natin ito :)

Mommy•Shey

  • Guest
Re: R U WITH HIM?
« Reply #19 on: September 15, 2012, 10:25:21 pm »
Tama, bakit ayaw ipakita sayo at ipahawak CP niya kung walang tinatago??

Ako, I don't check his phone, kahit nakalantad lang sa bahay, depende lang kung sabihin sakin kung sino nag text sa kanya. Malamang kung may ginagawa man siyang milagro, bago pa man siya makauwi sa bahay eh burado na mga messages niya, ano nga naman ang makikita ko? lol!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close