watch now

Author Topic: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?  (Read 12921 times)

sweetham

  • Guest
madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« on: September 06, 2012, 09:19:10 am »
hello! i need your help...
my son is seven years old. boy sya alam ko... pero minsan pikunin..tantrums..minsan maarte..pero i know that he's not gay.. kaso si hubby madalas tawagin sya "bakla". just like this morning, pagkagising ng anak ko syempre hindi naman agad makakakain ng breakfast...sabi ni hubby..kain na..o ayan syempre kasi ano.."bakla". as in super rindi na ako... i told my hubby araw araw na lang ba?
minsan din pag naglalaro sila mag daddy,syempre napapasigaw anak ko sa saya..mapalakas lang ng konti ang sigaw,my hubby would say " ay!"..
kahit yun sister nya..minsan tinatawag din ang anak ko ng ganun...bwisit na bwisit na ako..i mean my son is only seven. bata pa yan..ayoko malimitahan mga emotions nya dahil sa tinatawag syang bading. yes my son is talkative pero hindi naman sya kasing daldal ng mga babae..pls help naman..ano ba sasabihin ko sa anak ko?o sa daddy nya?
sinabihan ko na anak ko na hwag masyado pikunin at hwag na iiyak ng malakas kasi malaki na sya. hay! i don't know na..naiinis ako... :(

showermist

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #1 on: September 06, 2012, 09:39:42 am »
mag usap kayo ng mister mo. discuss about the psychological effect ng pagtawag nya ng bakla sa anak ninyo. sa kakasabi nyang bakla sa anak ninyo, your son might just believe that he's gay kasi that's what he's hearing most at that age.
walang sintudo kumon ang asawa mo ano?

sweetham

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #2 on: September 06, 2012, 09:55:10 am »
kaya nga sis showermist.. bata pa lang anak ko syempre may mga bagay na minsan nagdadalawang isip pa sya dala ng takot..halimbawa takot sa dilim..o pag talkative sya db minsan curious lang sya. o pag ayaw nya kumain ng gulay..di ba natututunan naman yun at dahan dahan..hindi naman lahat ng bata kumakain ng ampalaya! at pag umiiyak sya..pwedeng nasaktan mo ang feelings nya kaya sya umiiyak..i hate my husband for this! nakakainis talaga! :(

momai

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #3 on: September 06, 2012, 10:29:25 am »
hi sis! bakit ganun mag isip ang asawa mo? kasi si hubby, siya ang unang unang ayaw makarinig ng word na bading o bakla lalo na kung naka address sa anak namin. minsan nga, nagsalita ako sa anak ko, ng " hindi mo type?" naku sobrang galit talaga niya sa akin. bakit daw yun ang ginamit kong word. kung ano ano daw ang tinuturo ko sa anak ko.

ang daddy ko naman pinapagalitan kami pag tinatawag namin na bading yung anak ng pamangkin ko. di daw yun tama, kasi nalalagay na daw nila yun sa isip nila.

so sis, kausapin mo ang asawa mo, maling mali talaga na siya pa tumatawag nun sa anak niyo.

klengmorales

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #4 on: September 06, 2012, 10:56:12 am »
sis.. kausapin mo si husband.. hindi maganda sa baby niyo yan... baka maging bakla nga siya kakaganyan ng asawa mo. konting respeto naman kay baby :(

sweetham

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #5 on: September 06, 2012, 11:11:26 am »
galit na galit ang anak ko pagtinatawag sya na ganun. si hubby naman gusto nya [textspeak!] kasing tigas ng bato anak nya. e bata pa yun anak ko. minsan hinawakan ng eldest ko yun doll ng sister nya..bakla na agad? e hindi naman nya nilaro! hawak din nya transformers nya at binubugbog yung doll.hay! next time talaga! magsasalita na ako! away kung away! nakakabwisit na talaga si hubby... kahit dito man lang sa GT atleast alam ko may mga nakikisimpatya saken..thanks a lot mga sis! :)

megansmomma

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #6 on: September 06, 2012, 11:20:27 am »
^ano ba yan mister mo sis? nako. that would cause psychological effect sa bata. although hindi nga sya bakla, baka maging kase later on maco-confuse na sya (wag naman sana) sakin ha, theres nothing wrong with your son. baka nga reserved lang talaga sya. kausapin mo mister mo sis, nang maigi, yun magkakaintindihan kayo na mali ang ginagawa nia.  hindi sya mabuting ehemplo sa anak nio if he keeps on insinuating na "bakla" anak nio. grabe naman sya. kung asawa ko yan tutuktukan ko yan!  ;D

chicafabulosa

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #7 on: September 06, 2012, 11:24:08 am »
ano ba naman yan sis hubby mo? sya pa mismo nanggaganun sa anak nya. they will be psychological effect sa bata ang ganun. baka lumaki yan na maging bakla nga kasi sa utak nya, ay sabi naman ni daddy bakla ako so okay lang na maging bakla ako... sorry ha but he is pushing your son na maging gay. there's nothing wrong being gay but the effect sa bata.. bata pa anak nyo para instill sa utak nya na ganun sya. nakakasad lang kasi mismong daddy nya nanggagaling. anak ko nga sis pag nagp ps3 sila ng daddy nya, tumitili rin dahil sa sobrang tuwa and excitement but never ko narinig na sinabihan nya na bakla anak namin...

sweetham

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #8 on: September 06, 2012, 12:24:26 pm »
sobrang nalulungkot talaga ako...
sana lang may mapanood si hubby na tungkol dito,sa kung anong nagiging epekto. ilang beses ko na sinasabihan si hubby,sabi nya e ang hina kasi ng anak mo,ang daming kinakatakutan..etc.. ang sa akin lang hwag naman sana ganun ang approach nya.pwede naman ituro sa bata sa maayos na paraan kung paano ihandle ang mga bagay-bagay. i need your help..kung may taga media po dito,baka po pwede nyo isuggest na magkaroon ng documentary about this issue..sana maliwanagan ang asawa ko...
i'm crying right now mga sis...para kasing hindi nakikinig si hubby pag sinasabi ko ito sa kanya...
malapit na ang birthday ko at anniv namen..wala akong wish kundi sana matigil na itong nararanasan ng anak ko.pagtinanong nya ako kung anong gusto ko for my birthday..eto ang sasabihin ko sa kanya..tigilan mo na ang pagtawag mo sa anak mo ng bakla.
i think masyado na nasasaktan anak ko...i love my son so much at sobra akong nasasaktan na tatay pa nya ang gumaganito sa kanya.  :(

pinklilac

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #9 on: September 06, 2012, 12:33:03 pm »
hi sis.. same dilemma ang kaibahan lang ay my 2 nephews ang tinatawag siyang bakla pag nag aaway away sila..nasasakatan ako kase if ever totoo man eh  sana wag na tuksuhin or tawagin sa ganyang salita.
 sobrang sakit para sa isang ina ..pero mas lalong masakit kung sa mismong ama na manggaling.
ako tanggap ko maging ano o sino man ang anak ko. wish ko lang maging sensitibo ang mga tao at matutong rumespeto sa kapwa..

i hope ma realize ng husband mo ang epekto  ng ginagawa niya. talk to him ng heart to heart..


sweetham

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #10 on: September 06, 2012, 12:42:10 pm »
yes pinklilac i'm planning to talk to him heart to heart..kaso natatakot ako sa magiging reaksyon nya. ang hirap talaga malayo sa pilipinas...walang masabihan...hay..i know God is with me..

hisana

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #11 on: September 06, 2012, 12:42:22 pm »
Wow, that does sound very annoying.

Tell him that taunting your son as "bakla" will not turn his son into the tough boy he wants him to be. Baka maging resentful lang yun at distant sa kanya, or baka ma-pick up pa ng bata yung habit na nanunukso ng bakla sa iba, which will probably really get him into trouble with other people. Mag-lead na lang by example or explain proper behavior in some other way, hindi yung ganito na parang bully or kanto boy ang dating (sorry for the term).
« Last Edit: September 06, 2012, 12:49:05 pm by hisana »

megansmomma

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #12 on: September 06, 2012, 12:48:01 pm »
bat naman kase ganyan asawa mo? siguro, patulong ka muna sa family side mo sis to talk to him. anak nia yun eh, dapat mahal nia. kase judging from your words, parang hindi nia mahal anak nio, dapat irespeto nia yun bata, dapat sya pa magturo sa anak nio sis. naku, kausapin mo ng maigi asawa mo sis, kawawa anak nio pag na-instill na nang tuluyan sa utak nia na "bakla" nga sya.

sweetham

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #13 on: September 06, 2012, 12:56:04 pm »
after ko sya kausapin,i know madami magbabago..kaya lang naman sya ganyan kasi gusto nya maging bato ang anak ko.nahihirapan na talaga ako..sakit na sakit na kalooban ko. mahal nya anak namen..ito lang talaga ang issue sa kanilang mag-ama. pag wala pang nangyari dito kausapin ko MIL ko.sabihin ko na yun anak nya lagi binubully anak ko. pag nagalit nanay nya sigurado titigil yun.yun nga lang mahirap sa umpisa.hindi ko alam magiging reaksyon nya pero kung ano pa man yun bahala na.basta kailangan matigil na yun issue na yun. :(

megansmomma

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #14 on: September 06, 2012, 01:09:31 pm »
i hate to say this pero kung talagang mahal nia anak nia, he wont and will never "bully" his own son, bat naman yun pinsan ko? when were still young, ang pino non, ang hinhin. same as your dilemma but we never hear his father (our uncle) judged him. lumaki naman maayos pinsan ko medyo mahinhin lang nga pero lalaking lalaki. he was able to establish a family of his own na. napka abrupt naman na just because "lalampa-lampa" for him ang anak nio eh tatawagin nia nang bakla, anak pa naman nia yun. dont find any solace sa drama ng mister mo, kung natatakot ka na me magbabago if ico-confront mo sya, habang buhay ka nalang ba matatakot? i take it bata pa husband mo ano? mature men dont do that. imo, kausapin mo na si mister, kung ayaw nia tumigil tuktukan mo nang madala. Ikaw din sis, ako di ko hahayaan ganyanin ng asawa ko ang anak ko, makakatikim talaga sya for sure. Use your power sis, maliliwanagan din ang nadidiliman mong asawa. god bless!

tamarind26

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #15 on: September 06, 2012, 01:14:08 pm »
Kausapin mo si hubby mo sis. I don't have kids yet but in a few months magiging mom na rin ako. I feel for those children with low self esteem. Nag uumpisa kasi yan sa bahay. Kawawa naman sila pag ganun, di fully nadedevelop ang kanilang potential. Yung iba pa nagiging resentful. How can we expect them to be strong and well grounded if sa bahay pa lang sira na personality nila.

If sa akin nangyari yan and di  titigil si hubby, ilalayo ko ang bata sa kanya kasi he's not setting a good example sa anak namin. Ayaw na ayaw ko talaga na may nambu-bully sa bahay.

mctina_20

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #16 on: September 06, 2012, 01:24:08 pm »
sabihin mo sa asawa mo STUPID pala sya eh!
Obviously clueless ang asawa mo about the harm he is doing to his own son. We are not suppose to label our kids, he will eventually believe what he is being called.

Ipabasa mo sa kanya yung book na "Raising Boys". He will have a better undrestanding why parents should be careful in raising their sons than their daughters.


althea_ge

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #17 on: September 06, 2012, 01:36:50 pm »
hi sis, nakakaawa naman ang bata at kainis ang hubby mo. if i were you hihiwalayan ko na siya. mas importatnte ang anak ko kesa sa asawa! kung panget ang kakalakihang environment niysa with your hubby eh wag na lang lumayo na kayo. manindigan ka para sa anak mo.

megansmomma

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #18 on: September 06, 2012, 01:42:59 pm »
^sis TS listen to our sisters, tama sinasabi nila..

marose17

  • Guest
Re: madalas tawagin "bakla" ang anak..ano ang epekto?
« Reply #19 on: September 06, 2012, 01:49:39 pm »
Pa-print mo kaya ang posts ng mga sisters natin dito tapos ipabasa mo sa husband mo.

Nakakainis lang siya.  He is a bully, I am sorry to say.  What is wrong with him?  Hindi yata pinalaki nang maayos ng mga magulang niya kaya mismong anak niya eh binu-bully niya.

Next time, gumanyan siya hamunin mo na isusumbong mo siya kamo sa DSWD for child abuse (oh yes, verbal bullying is tantamount to child abuse).


 

Latest Stories

Load More Stories
Close