Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132256 times)

vanekski

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #400 on: March 07, 2013, 02:30:26 pm »
*joining

Wag naman sana idamay ang kids sa misery nating mga wifey pag nagloloko ang hubby. Been there, para ka talagang mababaliw kung malaman mo na may kabitch si hubby pero your kids should be you inspiration to think straight and move forward diba.

i admire you mga sissies na strong pa din kahit sobra sobra ang nagawa ni hubby (baka kung ako hindi ko kayanin kung makapanood ng s*x video and makita love letters to other woman) Sobrang masakit talaga pag nawala ang trust pero I believe na kahit papano naibabalik din yun like with me and hubby. 5 yrs ago nung nahuli ko siya na nakikipagtext at kita pa din sa ex nya, almost magkahiwalay kami noon dahil napuno na ako dahil paulit ulit na lang and same girl din (take note: with 2 kids and hubby din ang kabitch) pero i guess natauhan na si hubby nung huli at tuluyan na nagbago, although it took a very long process, madami ako conditions na sinunod naman niya lahat.. share ko lang kung ano mga conditions na yun: he has to inform me every time na magtetext si girl, pinuntahan namin ang house ni girl para pag inulit pa nya ulit mag eeeskandalo na ako sa hubby at inlaws niya, hindi na siya gimik with friends na guys (na mga bad influence sa kanya that time) etc. sinunod niya lahat para i-prove na magbabago na siya. Now i'm more confident to say na wala na matino na siya pero at times pag naaalala ko masakit pa din talaga. Feeling ko forever na nakatatak yun at never ending din ang pag prove niya na wala na siya ginagawa. Its really a mutual effort to save one's marriage kase kapag mag isa ka lang wala talaga mangyayare. Basta mga sis, if you feel na worth fighting for pa ang marriage and you can see an effort sa hubby mo na gusto pa niya i work out ang marriage, don't lose hope tutal yun naman ang vows natin nung ikinasal tayo kahit gaano pa kasama ang nagawa nila.  :)

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #401 on: March 07, 2013, 07:08:03 pm »
What will you do pag "sinugod" ka ng mistress ng husband mo sa bahay nyo? This is what happened to me earlier mga sis. Buti nalang wala yung daughters ko sa bahay namin, and buti nandun yung father-in-law ko.

Sabi ba naman, tigilan ko na daw yung asawa ko. Masyado daw akong nagpapa-awa at ginagamit ko yung pregnancy ko para bumalik sya sakin. To think na almost two weeks pa lang kami hiwalay ng husband ko. And bakit pa daw ako humihingi ng sustento eh kaya ko naman daw buhayin yung mga anak namin. Plus ako pa talaga yung sinisisi nya kung bakit ayaw syang uwian nung asawa ko. Kung hindi lang ako naka-bed rest baka kung ano na nasabi at nagawa ko sa kanya. Ang kapal ng mukha.
« Last Edit: March 07, 2013, 07:40:14 pm by jjqxiv »

hyeuna03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #402 on: March 07, 2013, 07:38:37 pm »
What will you do pag "sinunod" ka ng mistress ng husband mo sa bahay nyo? This is what happened to me earlier mga sis. Buti nalang wala yung daughters ko sa bahay namin, and buti nandun yung father-in-law ko.
hi sis, naku naman, pag ganyan kakapal na ang mukha ng kabit, dapat turuan na ng leksiyon yan.. ipa pulis mo yan sis pag bumalik dyan. grabe huhh!! sya pa ang may lakas ng loob ba sumugod! baliktad na talaga mundo ngayon omg!

ang hirap di mag react pag ganyan, ako siguro sis, kung sa akin nangyari na ako pa sinugod, di pwedeng di ko masasaktan yan promise! kaso i understand bed rest ka eh so hindi mo magagawa yun sa ngayon.. pero sobrang nakaka gigil!!

sis, di pwedeng wala kang gagawin na legal actions pag ganyan, sumosobra yan eh!! ikaw pa tong ginugulo. baka walang alam sa legalities yung kabit ng mister mo.. kailangan turuan ng lesson yan sis!

ingat ka and take care of yourself sis. hugs to you  :-*




jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #403 on: March 07, 2013, 07:51:26 pm »
I mean sinugod pala. Typo sisses, sorry ;D



@ sis hyeuna03 - Ayaw na nga sana nilang ipakausap sakin but I insisted, gusto kong makita yung mukha ng pinalit sakin ng asawa ko. Habang high blood sya sakin, pinagtatawanan ko nalang sya kaya naasar sakin. Pero nanggigigil na talaga ako, I want to slap her face but I won't stoop down to her level. Sabi nga ng father-in-law ko yan who's a lawyer pero sabi ko pag umulit pa, may kakalagyan sya sakin.

neraks

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #404 on: March 07, 2013, 08:04:41 pm »
Ay sis kung andun ako ako gugulpi sa kanya lakas ng loob nya sumugod eh siya tong kabit naman talaga! ang kapal nyang gawin yun di nya ba alam ang lugar nya...naku nakaka panggigil talaga,buti na lang andun ang father in law mo,kung may nangyari sayo sa kanya lahat talaga ang sisi sarap sabunutan eh!

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #405 on: March 07, 2013, 08:17:29 pm »
^ Ang lakas talaga ng loob sis. Eto namang husband ko, sobrang "worried" daw. Eh sya yung dahilan kung bakit kami umabot sa ganito. Sabi ko nalang patigilin nya yung babae nya eh. Pasalamat talaga sya at na-control ko yung sarili ko, kundi baka nga may nangyari na sakin. Mas matapang nga talaga yung mga kabit 'no sis?

hyeuna03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #406 on: March 07, 2013, 08:27:31 pm »
sis jjqxiv, hiwalay na ba kayo ni husband mo? kung hindi umuuwi si hubby mo kay kabit, saan sya nag i-stay sis?

totoo yang sabi mo sis, walang ibang dapat sisihin kung hindi yung husband mo kung bakit kayo umabot sa ganyan. at sa mga binitawang salita ni kabit, at kung pano kalakas loob nya na sumugod sa inyo, i am sure sobrang confident ng feelingera na yan na your hubby is on her side. walang takot eh! ang kapal ng mukha! >:(

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #407 on: March 07, 2013, 08:38:34 pm »
sis jjqxiv, hiwalay na ba kayo ni husband mo? kung hindi umuuwi si hubby mo kay kabit, saan sya nag i-stay sis?

totoo yang sabi mo sis, walang ibang dapat sisihin kung hindi yung husband mo kung bakit kayo umabot sa ganyan. at sa mga binitawang salita ni kabit, at kung pano kalakas loob nya na sumugod sa inyo, i am sure sobrang confident ng feelingera na yan na your hubby is on her side. walang takot eh! ang kapal ng mukha! >:(

Two weeks ago lang sis. Bago lang. He's in our house in Pasig, nasa Sampaloc kami kasi mas malapit sa school ng kids. By summer, dun na kami sa Pasig and dito na sya sa Sampaloc (we live in a compound with my in-laws by the way)

Sobrang confident nya siguro sis. Akala nya papakasalan sya but I really don't think so. God bless her. Sana wag nalang bumalik dito.

neraks

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #408 on: March 07, 2013, 08:53:28 pm »
anun ata talaga sis ang mga kabit sila pa yung mga matatapang at nuknukan ng kapal ang mukha di nila naiisip na kapwa nila babae ang inaagrabyado nila hay!buti sis ok ka at speaking of your husband sana naman ikaw ang pinotrektahan nya kundi kalbuhin ko siya hahaha!

break_free

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #409 on: March 07, 2013, 08:54:11 pm »
^ Sis jjqxiv magpa police blotter ka kaya? Aba perwisyo yung ginawa niya. Pinagmumura ka ba? Trespassing? Next time sis ihanda ang video sa cellphone para may evidence just in case may gawing masama. Gets mo sis?

Tama sis, ang lalakas ng loob at ang tatapang ng mga kabit! Nangyari din yan sa akin, ako pa yung inaaway ni kabit sa office duh hindi nga umiimik dahil hinang hina ako nung mga panahon na yun. Pero tinatandaan ko lahat ng date and time, ang area sa office. Sabi ko sa sarili ko pag malakas na ako, ipagtatanggol ko naman sarili ko. May mga cctv kasi sa office eh, madami kahit saang sulok. kaya ayun nireport ko, ni review cctv. basta ang ending tsugibels sila sa office. Kapal ng fez palakad lakad sa office at binabalanda niya pa leeg niyang madaming tsikinini...duh something to be proud of? Eww...


Gusto ko sabunutan yang asawa mo sis, siguro kinukwento ka niya sa kabit in a negative light na tipong ikaw yung pumipigil sa relasyon nilang malaswa or something. the nerve!

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #410 on: March 07, 2013, 09:04:54 pm »
@ sis neraks - Tama sis. Mas lalo lang sila nagmumukhang kawawa sa ginagawa nila. Eh sabi ko sa kanya pag may nangyaring masama sa baby namin, hindi nya na makikita yung 4 girls ko. Ayun, natakot siguro ;D

@ sis break_free - Wag na muna siguro sis. Papalipasin ko muna. Hindi naman trespassing pero marami syang foul words na sinabi sakin. Basta wag nya lang galawin yung mga anak ko, kaya ko pang magtimpi sa kanya. Yes sis, gets ko. Will do. :)

Eh kung gusto naman nila magsama dati pa, sana sinabi nila sakin agad diba? I'm willing to let go of my husband for the sake of a peaceful life!

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #411 on: March 08, 2013, 09:47:24 am »
kapal ng mukha nung kabit ...

EllaBratin

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #412 on: March 08, 2013, 09:54:44 am »
Sis jjqxiv, palakpak ako sa iyo!  ;D Tama yan, walang mangyayari kung makikipagtalakan ka sa balahurang kabit na yun, pagtawanan mo lang siya ng bonggang-bongga, mas nakakagalit talaga yun. Siya pa talaga ang sumugod ha, ang kapal!

shinta

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #413 on: March 08, 2013, 10:06:33 am »
grabe naman yan kabit na yan sis jjqxiv, kapal ng mukha para sugurin ka pa. nakakatawa lang yung mga pinagsasabi niya sayo. wala sa katwiran.

baka nararamdaman na niya na nanlalamig na si hubby mo sa kanya kaya nagkakaganyan yan.

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #414 on: March 08, 2013, 05:31:46 pm »
@ sis EllaBratin - Hahaha, thank you sis. Yun pa lang kasi kaya kong gawin for now ;D Bumalik nga sya kanina, para mag-sorry. Sabi ko mas papatawarin ko pa sya kung hindi na nya ako guguluhin.

@ sis shinta - Wala talaga sa katwiran sis, grabe. Oo nga baka nanlalamig na sa kanya, masyado kasi syang confident na pagpapalit talaga kami ng husband ko sa kanya eh.

hyeuna03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #415 on: March 08, 2013, 05:49:53 pm »
sis jjqxiv- sis alam mo, tingin ko mas nakakabuti sa inyong dalawa ni hubby yung hindi muna kayo magkasama ngayon sa isang bubong.. tingin ko, si hubby mo needs space to assess kung ano talaga ang gusto nya mangyari sa buhay nya, at mukhang sa madaling panahon, mare realize nya din mga pagkakamali nya.

minsan, it is better na lumayo tayo sa mga asawa natin, para they'll know and maging aware sila of what they'll gonna lose. pag nagloloko kasi ang mga asawang lalaki, ang lakas lalo ng loob nila because they know na ang asawa at pamilya andyan lang, whatever happens. so mas panatag silang ginagawa ang mga kalokohan nila.

pray lang sis, kaya mo yan! at ang asawa mo, siguradong magsisisi din yan i am sure! :)
ingat sis!

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #416 on: March 08, 2013, 06:03:01 pm »
@ sis hyeuna03 - Yes sis, hindi na kami magkasama. Kaso pumupunta pa rin sya sa house kasi bukod sa nandun in-laws ko, dnadalaw nya yung daughters namin everyday. May tampo pa kasi yung youngest ko samin. Pero pag vacation na ng kiddos, lilipat na kami. :)

Ganun nga sis, medyo confident yung hubby ko na hindi ko sya iiwan - which is partly true pero kinakaya ko na naman. Sana nga sis. Thank you. Ingat and God bless!

mamichula

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #417 on: March 09, 2013, 02:17:26 am »
Grabe nagmutate na talaga ang mga kabit! Sila na tumatawag sa misis sila pa pala din ang nanunugod. Amazing! Pang Nat Geo!

Grabe ang mutation ng mga kabit these days, ang kakapal na mg balat. Adamantium skin! Lol

neraks

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #418 on: March 09, 2013, 10:41:30 am »
Yes i think ngayon kung sino pa ang kabit siya pa ang matapang,ako till now nanggigil pa rin ako babaeng naka one nigt stand ng asawa ko biro mo alam nya may asawa yung asawa ko ok pa rin sa kanya hay kakaloka talaga parang wala silang pakielam sa kapwa nila babae ni di nila ginalang pagkababae nila.

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #419 on: March 11, 2013, 10:34:08 am »
marami na talaga sila naglipana sa metro manila. kaya ingat nalang mga sis, especially sa mga may asawa.  I do not know ano ang mapapayo ko, kasi kahit gaano kabait pa man din ng asawa mo, pag napaligiran ng mga kaibigan na nangungunsinti at ng mga babaeng willing na willing kumabit sa may asawa, trap na si mister.

but I always believe na nagkakaron lang ng kabit kasi it takes 2 to tango. ibig sabihin ang lalaki eh may pagkakamali din.

I have been the hurting wife once. Para sakin never again. Kaya lesson ko sa sarili ko, hahanap ako ng strong man na walang philandering tendencies (if ever they exist) at never ako maninirahan sa metro manila kasi dyan eh maraming hitad at bad influence na mga kaibigan. Kahit lalaking good boy eh nagkakaron ng lakas loob at mga sungay.






 

Latest Stories

Load More Stories
Close