Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132302 times)

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #360 on: February 24, 2013, 08:25:00 pm »
Sisters, confirmed na. May other woman talaga yung husband ko, though hindi nya inamin, hindi naman ako tang* para maging bulag-bulagan. And worst, mas pinili nya pang kasama yung kabit nya ngayon kesa samin ng mga anak nya. To think na birthday ko pa :'( Kahit isang "Happy birthday" galing sa kanya, wala man lang akong natanggap.

I'm trying my best na wag nalang isipin yun for the sake of our baby, kahit hindi ko maiwasan pinipilit ko pa rin. Buti nalang nandito yung girls ko to cheer me up :)

shinta

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #361 on: February 24, 2013, 08:53:22 pm »
^ hugs to you sis and happy birthday, kahit na alam kong di ka happy.

kabilang din ako sa club na kung kelang preggy, tsaka nagloko si hubby. pero ok na kami ngayon. napatawad ko na siya at nakita ko naman na nag-effort siya to bring back the joy in our relationship. unfortunately, we lost our first son. though not directly dahil sa pagloloko niya, but still I believe na somehow naka-contribute din yun. kaya siguro natauhan na si hubby kasi sobrang na-guilty siya sa nangyari.

kaya sis, tama na isipin mo muna yung baby sa tyan mo. mas importante yan. yaan mo na muna si husband mo, tsaka mo na resbakan pagkapanganak mo. always stay safe sis and have a healthy pregnancy.

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #362 on: February 24, 2013, 09:31:20 pm »
hays virtual hug sau .. Wag mo nalang isipin .. Happy birthday to u sis

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #363 on: February 24, 2013, 10:41:24 pm »
sis shinta: i think ikaw kasabayan ko nun.
^ hugs to you sis and happy birthday, kahit na alam kong di ka happy.

kabilang din ako sa club na kung kelang preggy, tsaka nagloko si hubby. pero ok na kami ngayon. napatawad ko na siya at nakita ko naman na nag-effort siya to bring back the joy in our relationship. unfortunately, we lost our first son. though not directly dahil sa pagloloko niya, but still I believe na somehow naka-contribute din yun. kaya siguro natauhan na si hubby kasi sobrang na-guilty siya sa nangyari.

kaya sis, tama na isipin mo muna yung baby sa tyan mo. mas importante yan. yaan mo na muna si husband mo, tsaka mo na resbakan pagkapanganak mo. always stay safe sis and have a healthy pregnancy.

i think ikaw ang kasabayan ko nun. :)

sis jjqxiv: happy birthday :) dont stress it out muna but i do suggest that you should try looking for options. this is the third time na diba? unless you want it to be a cycle.

whatever reason ang ibigay nila i think cheating is just a selfish act.

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #364 on: February 24, 2013, 10:54:32 pm »
^tama ka sis ..

habang nanunuod kami ni hubby ng the buzz yung about ky krista miller parinig ako ng parinig ky hubby  na dapat hinihiwalayan yung mga ganong lalaki kase walang pakialam sa pamilya t hindi na nahiya sa mga anak nya and sabi ko pa im sure galit na galit yung mga anak nya sa kanya tinutukoy ko si ceasar

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #365 on: February 25, 2013, 01:20:18 am »
@ sis shinta and sis imagodei082990,

Thank you sisters. :) Medyo naging "happy" naman yung birthday ko because of my girls. :)

@ sis smoothie,

Yes, I'm thinking about it already. One day at a time nga lang yung pag-explain ko sa girls ko. And ayoko naman lumaki sa ganitong environment yung baby namin. Mahirap pero kailangan. I think I've had enough.

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #366 on: February 25, 2013, 03:35:22 am »
@hyeuna- oosis actually naisip ko na pwedeng mangyari yun kahit na ba nangako sya na hindi nya daw kakalimutan ang obligation nya samin ng mga anak nya.napakasama nya naman pag ginawa nya yun dahil alam na alam nyang nag gagatas pa bunso namin.pero sa totoo lang isa yan sa mga kinakatakot kong mangyari.una eh yung baka mabuntis nya yung kabit nya.
musta ka naman sis? pati yung asawa mo,buhay pa ba??
tama ka lulong na lulong nga ang asawa ko sa kabit nya.pero di ko lang sure kung kinocontrol ba sya nung kabit nya.masyado nyang inenjoy ang kalayaan nya sa abroad.nakalimutan nya na ata na kaya sya nagpunta dun eh para sa pamilya namin.naaawa ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.sobrang nadepress ako last year nung nalaman ko yung tungkol sa mga kahayupan nya.imagine nag aalaga ako ng baby tapos inaasikaso ko pa yung eldest namin.kulang na lang hatiin ko katawan ko.tapos di ako magkandatulog at makakain kaya sobrang pumayat ako.kaya nga nung nalaman dito samin na may problema ko eh tinulungan nila ko.nanay ko madaming binigay na example.kung yung magkasama nga mismo eh nakukuha pa magloko nung lalaki eh di mas lalo naman daw kung magkalayo.pero ngayon i can say na medyo ok na ko.tapos na ko sa araw araw na pag iyak.kahit papano natatawanan ko na yung problema ko with the help of my mom,siblings and cousins.syempre pati na din ng kids ko.
naaawa lang din ako sa kids ko lalo na si bunso.syempre diba masasaktan sya pag nalaman nyang ganon ginawa ng tatay nya bago sya isilang sa mundong to.eldest ko alam nya pero parang wala lang sa kanya lalaki kasi.pero pag tinatanong ko sya galit daw sya sa tatay nya.
sa ngayon di ko na alam kung anong patutunguhan namin.di ko alam kung gugustuhin pa ba namin syang bumalik.or kung sya mismo may balak pa bang bumalik dito para makita anak nya.di ko din alam na kung sakaling umuwi sya magpapakita pa ba kami sa kanya.naguguluhan ako :(


Post modified. Please refrain from quoting post. use the ^ or @ sign instead.
« Last Edit: February 25, 2013, 02:36:58 pm by bwiset12 »

shinta

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #367 on: February 25, 2013, 07:24:08 am »
sis shinta: i think ikaw kasabayan ko nun.

di ko na matandaaan sis. sa ibang thread ko kasi binubuhos lahat ng sama ng loob ko nun (how to deal with your partner's infidelity). buntis ka din ba nun?

aug 2011 yun, di ko makakalimutan. 6 months akong buntis. and like some sis dito, nagsimula lang sa kutob dahil nag-iba ang routine ni hubby. pero wala akong makitang ebidensiya kaya dinedma ko lang. pero si God na mismo ang nagdala ng ebidensya kahit di ko na hinahanap.

kaya yung gut feel mga sis, minsan talaga tama yan eh.

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #368 on: February 25, 2013, 08:09:15 am »
hindi pala. 2009 ako. lapit na ako manganak nun to naging baby yung nangyari namam sa akin.

cpdlc

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #369 on: February 25, 2013, 09:35:32 am »
Sis jjqxiv, since tayo ang magkasituation ngayon, being buntis and cheated to, just let me know lang if u need someone to talk to. Ako rin minsan naghahanap ng karamay. don't know how i can give u my details though, probie pa to tong account na to.

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #370 on: February 25, 2013, 01:17:07 pm »
jjqxiv: ok lang yun sis .. sana maging ok ka na

bwisit : sis sinabi mo ba sa inlaws mo? i think dapat mo sabihin .. anung ebidensya ?

jhandee: siguro dapat gumawa ka ng way para mapaalam sa wifey ng asawa ng officemate mo padala mo sa bahay nila na nag di ka ngpapakilala

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #371 on: February 25, 2013, 02:44:30 pm »
^ yup sis nasabi ko naman na.ayun badtrip din sila.kinwento ko lahat ng mga pinaggagawa nya samin.pero ganun dedma din nya yung pamilya nya.

shinta

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #372 on: February 25, 2013, 02:57:52 pm »
^^ @sis jhandee, nakakaawa naman yung wife sa ginagawa ng dalawang officemates mo. kapal din ng mukha nung lalaki na magalit sa inyo. at nakakainis yung kabit, talagang nagpa-pray pa siya ng ganun at nagpaplanong pang magpabuntis. grrr

wag na lang siguro i-tag sa FB kasi baka balikan ka nung 2. try to send something discreetly na lang dun sa wife. pwedeng screenshot din ng FB page nila. i'm sure naman madaming silang ibang friends na may access dun. or yung something na di lang kayong officemate nila ang nakakaalam para di matrace na kayo ang nagsumbong sa wife.

potpotpo

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #373 on: February 25, 2013, 03:03:53 pm »
@sis jhandee kawawa naman yung wife sa 2 mong officemates. Grabe yung kabit pinagp-pray pa na maghiwalay yung mag-asawa. nakakabwiset  >:( at balak pa nila magka-anak !@#$%^&

kung ako sayo sis, print mo yung pictures nila then i-mail mo sa bahay nila then para sure gawa ka ng bagong account sa fb at ipadala mo sa kanya yung mga pictures. Basta yung tipong anonymous ka

february24

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #374 on: February 25, 2013, 03:14:22 pm »
pagnagbabasa ako sa thread na ito naaawa ako sa mga sis dito na victim of infedility at the same time nakakaramdam din ako ng matinding galit sa husband ko at lalo na din sa kabit na mas matapang pa sa akin..

ok lang ba mga sis na bilang ganti ko sa babae ipapatanggal ko kapatid nya sa work since napakabalasubas naman talaga ng kapatid nya, di asset sa company, pasaway yun, lagi lang nakakalusot kasi immediate supervisor nya kabarkada ng husband ko, kung may offense yung kapatid ni ex-kabit si husband ko nilalapitan nila.  sabi ko kasi sa husband ko mapapatawad ko lang kung ipatanggal mo kapatid ng babae mo, sabi nya ok...then napag-alaman ko talaga na kinausap ng husband ko yung friend nya na kung may magkamali kahit konti, iterminate na, sabi ng friend ng husband ko na kahit di na natin hintayin na magkamali kasi may bad record na sya sa office, alam din kasi ng friend ng husband ko ang ginawa sa akin ni ex kabit.. sabi ng husband ko baka in a month daw tatanggalin na...

makatarungan ba yun mga sis?

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #375 on: February 25, 2013, 03:48:33 pm »
^nope .. hindi naman kasalanan ng kapatid ng ex kabit ng asawa mo yun sis kung gaganti ka sis dun sa babae .. ayun ..

hyeuna03: tama yung ginawa mo sis at dapat talaga ang babae my sariling pera para di maliitin ng asawa ako hintayin ko lang lumaki ang baby ko magwork ako ulit bata pa kase ako compared sa hubby ko kaya madami pa ako makukuhang trabaho .. ang focus ko ngayon ang mga anak ko pai ang katawan ko need ko pumayat para makapagtrabaho ulit ..

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #376 on: February 26, 2013, 04:55:40 am »
@hyeuna03-sis buti at nagbalik loob pa asawa mo.kaya lang ibig mong sabihin parang di ka na ganun kasaya.tama ba?
pag lumaki laki na baby ko balak ko din mag aral culinary at syempre mag work.sinabihan na ko ng mga siblings ko sila daw bahala samin.

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #377 on: February 26, 2013, 11:26:25 am »
^buti sisbinigyan mo ng chance ulit pero yung tiwala mo sakanya di mo na siguro yun maibabalik ..

Share ko lang yung experience ko sa 1st hubby ko . 18 yrs old lang kami nun preggy na me nun then ng wowork sya nakatira kami sa parents ko. Nahuli ko sya sa [textspeak!] kase panggabi sya nun sa umaga sya tulog then my nagtxt sa cp nya ang nakareg na name isa BOSS ATE then ang text is good morning. Then bigla akong kinabahan nereplayan ko din ng gudmorning din. Ngreply ng bakit di mo na ako pinapansin wala lang ba sayo yung mga nangyare saten. Tinanong ko sya anong nangyare saten ? Then ayon detalyado nyang sinabi lahat . Kinonfront ko yung ex ko then sinira nya yung sim nya . Ginamit ko yung sim ko pangtxt tapos ng panggap ako na si ex ang ga** panipaniwala sya . Ayon naghiwalay kami di ko na sya tinanggap kapal ng face nya . Di nya nakita yung baby namin . Hahaha!! 
« Last Edit: February 26, 2013, 11:28:35 am by imagodei082990 »

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #378 on: February 26, 2013, 11:30:56 am »
hindi ako nagbibigay ng second chance kase para sakin pag nagawa na may malaking posibility na gawin ulit ..

bellanjelah

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #379 on: February 26, 2013, 11:38:04 am »
@jhandee sis mahirap nga situation mo kasi parang nagiging connivance na, naranasan ko na rin yan but i didnt keep my silence kasi for me walang karapatan ang sinuman na lokohin lang so i told the wife na she has to be vigilant i didnt feed her the info or gave her details basta sabi ko lang sa kanya e maging aware at hayun hiwalay na sila mas mabuti na rin siguro yun kasi yung guy e talagang chronic , she doesnt deserved someone who will treat her like rubbish.

about sa mga kabit-kabit i've been there too, good thing nakapag move on na ako after the pains. Talagang laging may opposition. I have learned to accept things as they are.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close