Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132377 times)

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #340 on: February 23, 2013, 09:38:16 am »
jjqxiv: sis baka naghire lang sya ng PSP kaya nasa hotel sya . Yun yung madalas gawin ng my perang lalaki na ayaw ng my namamagitan between them.

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #341 on: February 23, 2013, 10:02:34 am »
PSP? ano yun?

RonaWeasley

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #342 on: February 23, 2013, 10:10:43 am »
kaloka talaga tong mga lalaki kung kelan buntis si mrs. tsaka naman humihiwalay ng landas :(

yung kumpare namin  ni hubby proud pa syang magkwento na may fling sya sa office nila. eh manganganak na kumare namin in a few months, meron pa sya 2 young daughters. haist. panay pangaral na namin pero ayaw paawat at alam naman daw nya limitation nya.

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #343 on: February 23, 2013, 02:08:34 pm »
Nagpaalam na naman sya kanina, may client daw syang kailangan i-meet sya Batangas - sabi ko bakit dun, taga dun daw kasi yung client. Mukhang nakalimutan na naman nya na birthday ko bukas :( I insisted kung pwede akong sumama kaso sabi naman nya makakasama lang daw samin ng baby and I'm currently on bed rest din kasi. :(

Bahala na siguro kung anong gagawin nya dun, o kung totoo man yung reason nya. Sana ma-konsensya kahit papano.

And sis imagodei082990, ano yung PSP?

allaboutpositivity

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #344 on: February 23, 2013, 02:27:40 pm »
^personal sex provider ata yung PSP

Baka pwede mo gamitin yung locator ba yun and SMS tracker to check kung anong gagawin nya sa batangas

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #345 on: February 23, 2013, 02:43:56 pm »
Oh I see. Baka nga, kaso baka sooner or later may magpakilala na naman sakin na girl na nabuntis daw ng husband ko. Ilang beses na nangyari samin to.

Yes sis, that's what I'm planning to do. Aalis sya by 5pm daw.
« Last Edit: February 24, 2013, 08:12:21 am by mama squeak! »

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #346 on: February 23, 2013, 03:02:28 pm »
personal service provider .. Yung parang escort yung sa imbistigador

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #347 on: February 23, 2013, 03:21:59 pm »

Pag may lumalapit sakin, hindi ko naman syempre agad pinapaniwalaan. Hindi nya daw nabuntis kaya after lumapit sakin nawawala nalang bigla. Naisip ko na yan sis, kaso naiisip ko din yung girls ko and I'm just on my 8th week. Haaay. Siguro ico-consider ko na talaga yan pag sigurado na ako pero based sa mga ginagawa nya, parang confirmed na talaga eh.
« Last Edit: February 24, 2013, 08:11:00 am by mama squeak! »

super bratinella

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #348 on: February 23, 2013, 03:30:56 pm »
Hi sis, do not stress yourself kung hindi naman confirm lalo na kung naka bedrest ka, huwag ka muna magisip ng kung ano ano, just happy thoughts muna lalo na at bed rest ka.

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #349 on: February 23, 2013, 03:56:49 pm »
Hello sis, thank you. I'm really trying my best to relax. :)
« Last Edit: February 24, 2013, 08:10:36 am by mama squeak! »

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #350 on: February 23, 2013, 06:29:53 pm »
tama si sis bratinella .. Saka ka nalang gumawa ng move pag sure na u . Focus ka nalang sa mga anak mo at sa baby mo ..

cpdlc

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #351 on: February 24, 2013, 12:28:29 am »
my hubby's shift ended last friday at 9pm. magkaoffice sila ni kabit. then sahod nila yesterday. until now wala pa siya.

Alam na... and sis just like u I'm  currently on my 3rd trim.

ineenjoy ko na lang ang off ko with my panganay to not think about it.

Nood nood lang ng movie or what have u.

Walang maitutulong sa baby natin sis ang isipin ang mga ganyang klaseng asawa.
« Last Edit: February 24, 2013, 04:13:29 am by cpdlc »

Bastie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #352 on: February 24, 2013, 06:55:26 am »
^personal sex provider ata yung PSP

Baka pwede mo gamitin yung locator ba yun and SMS tracker to check kung anong gagawin nya sa batangas

Idagdag ko lang po kay Ms. allaboutpositivity..
PSP (Personal Sex Provider)... P**p*k ika nga ng iba.. mahirap diyan eh baka mahawa pa ng STD... huwag naman sana...

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #353 on: February 24, 2013, 09:19:44 am »
^PSP is Personal Service Provider ..  Yung mga hubby naten hinahire sila kase walang mamagitan sakanila kundi sex lang. And napagsasabihan din sila ng mga problem ng mga hubby naten. Then safe sila. Nasa high class sila ng trabaho nila hindi sila yung nakukuha sa kung saan saang kalsada or bar lang. Take note ang rate nila bongga!! 2k-10k in 3hrs depende sa ganda katawan. Karamihan sa kanila student, then single mom, my asawa pero walang kwenta ang asawa, amature model, ma babae na kelangan ng malaking kita para sa pamilya nila

cpdlc

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #354 on: February 24, 2013, 10:01:37 am »
umuwi pa! after almost 48hrs!

dapat di ako ma stress sa lagay ko ngayon pero sobra na talaga tong magkabit na to. sarap i post mga pics nila sa fb. blinock pa ako nung girl na parang ako pa may atraso. tsk tsk.

kung di ko lang iniisip tong mga bata, baka kung ano na talaga magawa ko...

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #355 on: February 24, 2013, 12:55:08 pm »
^tama ka dyan sis sobrang makasarili nila hindi nila inisip tayo. kung malalaman ko na my kalandian ang hubby ko makikipaghiwalay ako o kaya umuwi muna sya sa nanay at tatay nya bahal sya sa buhay nya .

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #356 on: February 24, 2013, 02:10:28 pm »
^^ kaya nga eh no bakit kaya ganun ang mga lalaking nangangaliwa? Napakamakasarili nila.mag iisang taon na since nalaman ko na may kabit ang asawa kong nasa abroad.nag celebrate na din sila ng 1st anniversary ng kabit nya last month.kagaya ng ibang sis natin dito eh buntis din ako nung nagloko asawa ko,kaibahan lang nasa abroad sya,na somehow gusto kong intindihin.2 weeks before ako manganak nung naging officially mag on sila ng kabit nya.nakakatuwa diba same month same year sila ng anak namin.wala akong kamalay malay na habang excited ako sa pagdating ng bunso namin sya excited sa ibang bagay.since nasa malayo sya,hindi ko naman mahahalata kung di sya nagpa obvious.wala pang 2 buwan akong nanganganak nung bigla na lang syang di nagparamdam.ako naman halos mapraning sa pag aalala :( dun ako nagsimula mag imbestiga at dahil na din sa katangahan nya eh naconfirm ko.todo deny pa nung una kundi ko pa pinakita mga ebidensya ko eh hindi pa aamin..
Sa loob ng halos isang taon napakadami ng nangyari.ilang okasyon ang dumaan na dinedma nya kami ng mga anak nya.5 buwan na nung huli naming chat.natiis nyang di makita ang 2 anak nya.nagtetext lang sya kapag nakapagpadala na sya para ipaalam ang control #..
Buti na lang nandito ang pamilya ko  to support me :)

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #357 on: February 24, 2013, 04:36:47 pm »
grabe! til now ba ganon parin sya?? ang mga lalaki nakakaya nilang tiisin ang mga anak at asawa nila kapalit ng kamunduhan nila. yung mister ko ayaw mag abroad ng sya lang magisa dapat raw kasama kami . ngayon lagi ko syang tinatanong kung my iba syang girl lagi sagot nya sakin wala .. ewan ko kung postpartum lang ito and insicurity kase hindi na ako gaya before ako mabuntis na sexy tumaba na ako hindi pa bumabalik ang katawan ko .. kaya my duda ako sakanya ..

ayami

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #358 on: February 24, 2013, 05:35:22 pm »
Pansin ko madalas nangyayari yung infidelity habang preggy yung wife. Bakit kaya?

Nakakalungkot pero totoo yan andami nang kuwento dito, andami ko ring kakilala. Kaya ayoko nang magbuntis after nitong pregnancy ko dahil dyan, nung buntis ako sa panganay namin halos magloko na rin tong asawa ko kasama ng mga kolehiyalang kaklase nya na mas bata. Ramdam ko yung emotional infidelity niya kasi hindi niya talaga ako pinapansin noon. Siguro maliban sa naglolobohan tayo, e nagiging moody at irrational tayo minsan dahil sa hormones.

Ngayon talagang alisto na ko, umeepal ako sa school niya at sumasama sa lakad niya palagi. So far wala na yung gut feeling tulad ng dati, at willing naman siyang isama ako kung san man. Nakakagulat din kasi, di tulad noon na di siya umuuwi dito ngayon naman pagpatak ng 5 andito na at bahay na lang talaga siya. Hindi ko naman masisisi sa hormones yung reaksyon ko nung first baby kasi dami ko namang ebidensya sa FB at cellphone nya noon. Iniisip ko lang kung me nangyari sa kanila feeling ko wala naman. Basta bantay bantay ako ngayon lalo na't papasok na rin ako sa 3rd trimester.

Tsaka madalas kong ibigay ang gusto niya sa kama kahit buntis ang lola nyo haha. Palagi ko nga pinamumukha sa kanya na gusto mo ng maraming anak pero ano ginawa mo dati nung buntis ako baka ulitin mo, manigas ka last na to. Balak ko rin pagkapanganak ko dito at habang bata pa ko, magpapasexy at magpapaganda ako nang bongga. Sana tumino tong asawa ko habang bata pa, nakita naman niya at alam niya kwento ng mom niyang niloko ng dad nila (pero mabait si MIL ko e tanggap pa rin si half sister nila). Kaya alam ko ring may matatakbuhan ako kung may gawin siya in the future.

imagodei082990

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #359 on: February 24, 2013, 06:17:07 pm »
^oo nga sis pareho tayo kahit buntis bigay na bigay sa kama . Hahaha!! Ngayon my gut feelings ako pero ang ginagawa ko pasweet ako sakanya panay kiss hug say ilove u imiss u . Then tamang tama na suspend ang pospaid ko kaya sabi nya iwan nya daw cp nya yun daw gamitin ko hindi kase pwede sakin walang pantawag kase kami lang ng mga bata dito night shift sya kaya titingnan ko kung may magttxt or what.

Sabi ni hubby pag yung guy daw di naenjoy ang pag kabinat like pambababae inom bar etc pag nag asawa dun nya gagawin. At agree naman ako sakanya .
« Last Edit: February 24, 2013, 09:23:41 pm by imagodei082990 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close