Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132240 times)

bettyboop1322

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #120 on: November 13, 2012, 10:02:37 am »
sis february24, kakakilabot how that b!t@h uses the word "GOD"... di na kinilabutan... Obviously insecure sa yo yan kaya ganyan na lang sya kung mang-asar sa mga message nya... Tama mga sis natin, i also think na she's provoking you, para lalo kang magalit kay hubby and there she is waiting for your hubby escaping from a nagging wife, etc, etc.. And sis, bilib ako sa strength mo, nakakaya mo yan. Pray for more strength & guidance sis.

Michipot

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #121 on: November 13, 2012, 10:16:10 am »

@february24

don't give up sis.. be the best wife to your husband... pakita mo mga dating pictures nyo when you are still dating, bf-gf, puntahan nyo mga dating places nyo noon.. rekindle yung fire na nawala sa relationship nyo, go out together with other couple friends, pati mga common friends nyo para magkaroon ng support group.

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #122 on: November 13, 2012, 10:26:52 am »
^thanks sis michipot.

i_v_y

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #123 on: November 14, 2012, 03:42:45 am »
ngayon lagi nagpi-pm sa fb ko si kabit.  sabi ng husband ko i-block ko daw pero ayaw ko gusto ko maglabasan lahat ng baho nila.  pang ang gusto ni kabit ngayon na kami ang mag-away at maghiwalay ng husband ko, panira lahat ng banat nya.  proud kabit sya.  copy-paste ko yung ibang pm ni kabit:

hoy babae di ko sinabi sayo na magmakaawa ka sa akin at umiyak, ikaw itong maraming drama noon. sinabihan na kita siba na ikadena ang asawa mo kasi kahit saan ako magtago hahanapin ako ng asawa mo, i warned you. one time kasama ko asawa mo, tinext kita na hanapon mo asawa mo baka nasa ibang bahay na, naniwala kaba? diba you thought nanggugulo lang ako pero hindi, totoo yun na sya kasama ko. kung naniwala ka sa akin noon na ikadena asawa mo sana di na ako nahanap ng asawa mo. GOD KNOWS na sya ang gumawa ng way para magkita kami ulit. mamatay pa ako talagang ako ang lumayo pero asawa mo tawag ng tawag sa sa akin na mahal pa nya ako.

kung di man sya kumalas sa akin noong nalaman mo, di ko yun problema kasi nagdesisyon asawa mo na ako pa rin. GOD KNOWS iniwasan ko sya. kung tutuusin ako ang dehado noon pero inassure nya ako na sya ang bahala sa lahat.

hahahaha isipin mo nalang kung naging maganda ka sa akin, bakit ako nagustuhan ng asawa mo? bakit maghahahanap pa sya ng iba kung sobrang ganda mo? ni minsan wala akong narinig sa asawa mo na maganda ka, iito prankahan na to ha, ako ang sinabihan nya na maganda, smile ko palang kuntento na sya. ok magreflect ka ngayon sa salamin.........try to reinvent youtself para magustuhan ka ng asawa mo.  after mo syang bugbugin nung nahuli mo sya sa text, ako pa rin yun, sabi nya wala daw dapat magbago sa amin,nag-promise sya na maging maingat nalang sa gamit. yang asawa mo nahihirapan nyan ngayon, di nya kayang lusutan ang sarili ng=yang gawang kalokohan, di nya mapanindigan. lakas loob mangaliwa pero walang paninindigan.
______________
isa lang yan sa daming pm nya sa akin. pati s_x nila kinukwento nya.  iniisip ko nalang ngayon kapakanan ng mga bata.  di ko muna kinikibo asawa ko 3 days na.  ewan ko basta lahat ng pagmamahal ko parang nawala, galit na ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.  gusto ko humiwalay kaya lang kawawa mga bata mabibitin sa school kung ilipat ko pa sila sa probinsya at alam ko ayaw nila dun kasi sanay sila dito sa manila.

please sis, wag mong patulan kasi yan ang gusto nia. galitin ka at wag mo ibigay sa kanya yun. yun ang strategy ko kay kabit kaya sukdulan ang galit nia sa akin. nakakatawa lang talaga. imaginine mo lang sis kung papakita mo na galit ka sa kanya at super affected ka, magdidiwang lang yun. so DO NOT GIVE IT TO HER. 

yung kabit na asawa kahit gustong gusto ko ng patulan hindi ko ginawa, everytime eemail nia ako, nagcocompose ako ng reply but sa huli, tatawagan ko yung friend ko na kabit din, tatanong ko kung isesend ko ba yung email. sabi nia "DONT".  Then I would not send it tama na nailabas ko sa sulat kahit hindi ko nasend. Kasi narealize ko pinahahaba ko lang yung agony ko pag sumagot pa ako.

Kaya mong controlin sis what will hurt you or not. Filter what comes in to your mind.

I pray for you sis. Ive been there and I know how it feels and now I know how it is to be out of that mess. :)

Leven

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #124 on: November 14, 2012, 03:02:35 pm »
IMO, pag pinabayaan lang ang asawa na gawin ang gusto niya..e di sobrang heaven na yun..kasi sa isip niya..hindi mo naman siya maiwan...so andiyan ka lang naghihintay na pansinin niya(as if he cares) tapos andyan din yung mga mahal niyang anak..so feeling ok na siya..akalain mo dala dalawa ulam niya...Mas better pa rin yung iparamdam sa kanya or to let him know na sa buhay kailangan niyang pumili..hindi yung dala-dalawa...if he wants his kabit, then be it...iwan mo sila...pero kung kaya mo lang na maging audience sa love story nila for life, e di choice mo na rin yun....Mas malalaman kasi nila ang importance ng isang tao kung wala na di ba? Opinyon ko lang naman, at proven and tested na rin sa mga friends ko...

gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #125 on: November 14, 2012, 04:05:14 pm »
^^ tama si sis ivy. sa isang nag hahanap ng away na kabit, mas nakakainis na deadmahin siya than patulan mo. if deadmahin mo, ur message to her is, hindi ka importante at hindi ako affected sayo, manigas ka!  ;D

gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #126 on: November 14, 2012, 04:18:08 pm »
tama din naman si sis leven, dapat pumili si hubby, ikaw or si kab!tch?
kaya lang hindi ko siya agad pinapili when i first found out, dahil alam ko at that time, si kab!tch ang pipiliin niya!
ang ginawa ko, i told him i forgive him and lets start all over gain. tapos nag bago ako, pinakita ko na i can be the best wife, best friend, best companion, best in sex he can ever have. w/in 6months, kita ko unti unti nag iba ang treatment sakin ni hubby. mas gentle, mas sweet, mas caring, better than before. then i found out si kab!tch ang natataranta. saw her message "nagtanan na tayo, hindi ko na kaya ng ganito, iwan mo na siya at hindi ka magsisisi magiging masaya tayo". then i confronted him, told him that after all i did, hindi parin niya maiwan si kab!tch, wala na akong magagawa. i told him to leave the house. dun na siya lumuhod at begging me to forgive him, telling me he loves me & will never see her again. i still let him go, told him we need space. and if he wants to go to her, di ko na siya pipigilan. after all the iyakan. he left for the province. he never went to kab!tch, he never contacted her. after 1 week pinayagan ko na siya bumalik uli. this time ako ang may conditions. he must give me all his passwords, he must tell me his every activity, etc etc. since then, ok na kami. as in, super ok.
im glad i fought for him, im glad i beat the kab!tch!

Leven

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #127 on: November 14, 2012, 04:18:22 pm »
Trulyly..hehe...deadmahin talaga ang mga kabit na yan! Why waste time for someone who are wasted?!  Patapon na ang buhay ng mga yan kaya deadma sila kung may buhay na nasisira dahil sa kanila...but to bare with your husband kahit na wala ng love sayo at palagi nalang duon sa kabit, e mas lalo pang patapon ang buhay...Pag ang lalaki ayaw na sayo, di na talaga yan, pero pag iiwan mo at mahal ka pa...e kahit saang sulok pa ng mundo hahanapin ka nyan at echapwera na yang mga kabit na yan in an instant...

miss parker

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #128 on: November 15, 2012, 12:13:17 am »
korek na korek ka dyan sister!

agape

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #129 on: November 15, 2012, 02:35:13 am »
A kabit will always be jealous, and will never feel secure, and kahit hindi na sila kabit, karma is waiting on them.

i_v_y

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #130 on: November 15, 2012, 03:07:33 am »
speaking of karma, eto si kabit eh nagddrama sa fb nia. hiwalay na ata sila ng ex ko. parang pinagpalit daw sia, niloko or something like that. puro shoutouts sa fb na hurting sia, etc etc.

asa pa sia, kung ako nga asawa niloko, sia pa kaya. buti nga.

gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #131 on: November 15, 2012, 07:04:30 am »
^haha, buti nga sa kanya! sana maramdaman niya ang SAKIT ng nararanasan ng legal wife dahil sa kab!tch na tulad niya! kapalmuks pa mag emote sa FB  >:(

xhien

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #132 on: November 15, 2012, 07:20:25 am »
haha..buti nga sa kanya.. mga kabit talaga..kala mo mapapasakanila na forever inagaw nila..yan karma tuloy siya..ngayon niya siguro na rerealize lahat ng ginawa niyang pang aagaw..ngayon nasa kanya naman yung sakit na naramdaman mo dati sis ivy  ;D

momentum

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #133 on: November 15, 2012, 10:44:26 am »
been reading this thread and grabe nakakakulo ng dugo talaga

sis gab54, hanga ako sa courage mo and perseverance to make things work. galing ng "revenge" mo..in the end it turned out really great..talagang pag-good and sincere ka sa intentions mo on something, God will really help..

sis i_v_y..isa pa akong hanga sayo. I remember from the Bible "Vengeance is Mine" says the Lord..kahit na gaano natin gustong maghiganti to those who did us wrong, God has His plans..Karma is there..what goes around, comes around..it is really not up to us. kasi if we try to control things our way, sumasablay lang, minsan mas malala pa ngyayari..kelangan talaga rin ipasa-Diyos natin ang revenge..at the same time, help ourselves to become a better person and move on. God helps those who help themselves.

agape

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #134 on: November 15, 2012, 12:48:48 pm »
The best talaga is be the better person, with God's help, God can give you a strong heart to bear it all. And when all is done, the unfaithful partner will realize that he made the wrong choice by choosing the kabit, na insecure, selosa, mapanira, home-wrecker, ano bang maganda sa taong ganyan ang characteristics diba? Usually short-lived lang din ang magiging relationship nila kasi nasa mali. Always stand your ground, and even when all fails, after doing your best, stand, they will see they have not shaken you and they have not defeated you.

february24

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #135 on: November 15, 2012, 06:53:48 pm »
sa mga nag-reply sa posts ko salamat mga sis.  until now paulit-ulot ng play-play back lahat ng nabasa ko about sa sexcapade nila ng husband ko.  parang ang hirap din na hindi patulan.  pero sa lahat talaga sa asawa ako mas may galot kasi sya itong may isip, sya ang may commitment sa akin bakit nya pa rin ginawa yun.  masakit kasi isipin na di pala ako ang pinili noon. baka nag-stay lang husband ko sa akin dahil sa mga bata din kasi kung mahal nya talaga ako dapat nung pagka-discover ko about the affaor nilayuan na nya sana pero hindi eh.  sabi nung kabit sya daw ang lumayo sa asawa ko, matagal daw syang di nagpakita pero ang asawa ko daw ang naghabol at tawag ng tawag sa kanya. :(

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #136 on: November 16, 2012, 05:52:20 am »
^bakit ka naman maniniwala sa kabit? natural iinisin ka nyan. kung ako sayo stop communicating to her. oo masakit at matagal pa yan sasakit. kaya ngayon palang pag aralan mo ng maging matigas. kung hinde, ikaw ang talo.

agape

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #137 on: November 16, 2012, 10:02:58 am »
@february24, dont torture yourself trying to know the details of their sexcapades. In my case, the 3rd party was in my facebook, I was also stalking her online. But I reacted to her thru text, so later she blocked me na. I guess it was a good thing, I did not want to delete her kasi. Since her reputation was more important to her, sya na lumayo, kasi pinagsabihan na rin sya ng friends, officemates nila.

anyways, try to learn the ways paano mo magagawang maghabol sayo ang hubby mo. it's called attraction.

february24

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #138 on: November 16, 2012, 01:30:23 pm »
sis snowflakes, di ko naman talaga pinaniniwalaan lahat ng mga sinasabi ni kabit kaya lang syempre di mo din maiiwasan na mag-isip ako ng masama, the fact na naging sila talaga syempre may sex involved talaga yun. ngayon im practicing the art of deadma, though ang hirap talaga. 

sis agape, no sis ni minsan di ako nagtanong about their intimacy ek-ek na yan, bigla nalang si kabit nag-pm sa akin using fake account, dati nire-reply ko sya pero now hindi na.  pero nagpi-pm pa rin sya sa akin, sabi pa nya naaawa daw sya sa akin nakapangasawa ako ng isang manloloko.  di ko na sya nireply.  tapos in-upload pa nya yung love letter ng husband ko for her nung monthsary nila, date ng letter july 26, 2011. masakit kasi makikita mo talaga na nag-effort pa husband ko isulat ang letter na yon.
 
anyways, try to learn the ways paano mo magagawang maghabol sayo ang hubby mo. it's called attraction.
sis ginawa ko na ito nun pa nung first discovery ko about the affair. inasikaso ko sya, di ko lagi remind sa kanya mga pagkakasala nya sa akin, physically inayos ko din sarili ko, nagbawas pa ako ng timbang.  dati 135lbs ako now 125lbs.  pati mga undies ko in-upgrade ko pa.  to think mas maganda naman ako kaysa sa kabit yun nga lang mas bata sya sa akin ng 9years.  so naiisip ko ano pa ang pwede kong gawin parang wala na ata, nasa husband ko nalang yun kung gusto nya talaga magbago.

dhuday

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #139 on: November 16, 2012, 01:32:19 pm »
Sabi sa akin nun ng tatay ko nung mga dalaga pa kami. Kami raw na mga babae ang dapat magsipagtapos ng college para may magandang trabaho para sa amin. Kasi raw kapag nag asawa kami at minaltrato ng asawa pwede kaming umalis at tumayo sa sarili naming mga paa.

Mahirap talaga mangyari na iwanan mo ang asawa mo kung financially dependent kayo sa kanya. Iisipin mo lagi ang mga anak nyo kung papano mo bubuhayin. Sa mga nasa ganitong sitwasyon, wag puso ang pairalin nyo kundi isip. Planuhin nyong mabuti ang mga susunod na hakbang nyo. Sikapin nyong magkaroon ng sarili nyong income kasi kawawa talaga kayo pag iniwan ng asawa at wala man lang kakayahan para magsimula mag isa financially.

HIndi porke nag asawa ka na eh ihihinto nyo na ang mga personal ambitions nyo. Sa mundong ito na walang kasiguraduhan, dapat laging may back up plan kayo if things turned out differently. Give love,  pray for your relationship,  asikasuhin ang pamilya pero wag nyong isantabi ang sarili nyong ambisyon at self fulfillment. Iwanan man kayo sa gyera handa ka at kaya mong tumayo na may dignidad.

Masasabi kong mabait ang asawa ko at kasama sya lagi sa panalangin ko.  since I got pregnant until 3 year old na ang anak ko full time wife ako. Dati dream ko noon na kapag nag asawa ako gusto ko sa bahay lang. At yun nga naging full time mom ako at narealize ko na hindi pala ito ang gusto ko. I need to do something for myself. I want to earn and be financially prepared. During those times na may pinag aawayan kami syempre natural lang naman na nag aaway paminsan minsan, naalala ko yung sinabi ng tatay ko noon. Kaya masigasig ako ngayon na naghahanap ng work at marami akong plano na nabuhay at gusto kong tuparin para sa sarili ko at sa future rin ng anak ko.

Sa tuwing namumulat ako sa mga personality differences namin ng asawa ko, nakikita ko na walang kasiguraduhan sa relationship so dapat handa rin ako.

Kung hal. in the future nagkakabit ang asawa ko? I will not think twice ..iiwan ko sya..but in my  own game and strategy. Papatawarin ko sya siguro pero hindi ko na sya tatanggapin. Siguro malakas ang loob kasi isa lang naman ang anak  ko at kaya ko talaga tumayo sa sarili ko. Pero matutulog ako for sure na  malinis ang konsesya ko at walang inapakan na tao.

But best sa lahat, sa lahat ng mga misis, walang tatalo sa pagdarasal sa bawat gabi bago kayo matulog to bless your family at baguhin kayo pareho sa mga differences nyo. Isipin nyo na si Lord ang source of love at lahat ng good things. Faith and a good relationship with God ang magiging strength nyo sa lahat ng trials sa buhay
« Last Edit: November 16, 2012, 01:43:35 pm by dhuday »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close