Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132039 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #20 on: September 12, 2012, 09:42:17 pm »
^nyaaak! sabay bawi.. tsk! pero tingin mo sis, totoo bang kabit talaga yung girl?

mamichula

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #21 on: September 13, 2012, 11:06:08 am »
^oo nga, may nanay palang ganun? 40ish na si manager diba? ano ba yun, makati pa sa gabing bicol! bakit parang walang pinagkatandaan at naturingang manager. pwede rin isumbong yan sa office nila para matanggal, yun nga lang baka matanggal din yung guy na bf ng friend mo. alam mo sis may manager din kaming ganyan dati pero siya hiwalay naman sa asawa, yung jowa nya mas bata rin sa kanya. nairita ako dahil napapansin ko na parang finiflirt nya hubby ko, bf ko palang si hubby that time. may bf na sya that time ha, pero nakikita ko kasi sa harapan ko eh tinanong nya kung anong pangalan ng bf ko at kunwari may nagpapatanong. at kada meeting eh pupunahin nya si hubby na kesyo kamukha ni rudy fernandez, etc etc. after ng meeting, sabi ko "ganun? sinong tumatraydor sa akin dito?!" sabay tingin sa akin ni manager, haha. mahilig sa gwapo ang lola mo teh! hindi maghanap ng kasing edad nya. sorry, medyo OT, naalala ko lang kasi yung bakulaw na yun.

Nasa 40s na nga daw ata. Diko sure itatanong ko mamaya hahaha  Pero ang alam ko 3 na ang kids ni "manager" pero may 5 year old or 4?. Kawawa nangangabit ang mama nya habang sya walang kasama. Paano kaya kumakain yun.

Grabe no? parang babaeng predator! hahaha Natawa naman ako sa gabing bicol!  ;D Ang alam ko matagal nang umalis sa office nya yung bf nya hehe lumipat na pinaalis nya kasi nga hello nalipat na ng ibang branch sinusundan pa ni mommy hehe binigyan pa daw ng simcard para dun sya cocontakin para di mabasa ng mga kids nya ang usapan nila. Tapos yung gf pa ang pinagseselosan! Tumawag sakin dati un friend ko nagdududa palang sya nun kasi parang tinatarayan daw sya nung "manager" wala namang dahilan. I told her meron yang something sa bf mo, and I was right!!!

Naku sinong makating manager yan? hahah  Are they still working together? Babaeng predator din sya. Grabe no walang kahihiyan sya pa lumalapit. Kadiri! If you guys are married now then technically gusto na ng manager na yan "mangabit" hahaha u can tell the HR sa office!







FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #22 on: September 13, 2012, 12:58:43 pm »
mga sis, I have a friend, actually di pa sila kasal pero may baby boy sila...nun preggy pa lang cya, may nagtetext sa kanyang girl, GF daw ng "hubby" nya...

pero di nya pinapansin tutal sa kanya naman umuuwi un hubby (dun sila nakatira sa mama ni hubby)...

pero recently, sa FB mega parinig si "kabitch" ng kun ano ano...ewan ko ba kasi dito sa friend ko chinecheck pa un FB ng girl...at sabi ni ka-b**** buntis daw cya at tanggap na daw si "hubby" sa family nya...

pag confront nya hubby nya eh deny lang daw ng deny...suggestion namin, imeet si ka-b****, tapos papuntahin nya din asawa nya (na syempre di alam na dadating si girl) tapos papiliin si hubby right there and then kaso ayaw nya, somehow takot din cya na maghiwalay sila...

ang sabi ng girl sa friend ko sa text, sabi daw ng Hubby nila, eh wala cyang hihiwalayan kahit sino sa kanila....

samin mga friends nya, we want her to move out of the relationship..lalo na at di naman sila kasal...kasi ano un 2 silang uuwihan at "chuchuvahin" ng hubby nila GRRRR

at un kabitch talaga ang matapang

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #23 on: September 14, 2012, 02:58:24 am »
Pajoin ulit dito. Parang telenobela lang e.

^ Ano ba yan sis, it's better to know once and for all kesa not knowing...Nakakabaliw naman yan

lavinia48

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #24 on: September 14, 2012, 05:44:54 am »
mga sis, kaya nagkakaganyan (at naisasa-pelikula pa) dahil we now live in a world where nababaligtad na ang tama sa mali. and konti na lang ang mga taong may takot sa diyos. yun lang ang masasabi ko. imagine, naging FAD/NAUSO na ang mga nangangaliwa at may kabit?!!! wake me up, please!  :)

jhandee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #25 on: September 14, 2012, 01:08:05 pm »
sis Dhee Dhee oo kamuka ni Vice ganda at super iksi mag skirt, pag pinapagalitan nga sya ni guy dahil ang iksi ng damit nya napa flattered pa lalo. Kausap ko lang sya kanina si Kabit and naiiyak pa sya kasi nanood daw sila ng the mistress kagabi kaso nag away daw sila dahil na late sya ng dating  sa glorietta hehe tapos kinuwento pa nya na bad trip nga daw si guy sa wife at dismayado kasi nabuntis , eh ang plano daw nila sila ang mag bi baby, sabi nga nya ang bilis naman mabuntis nun one time big time agad. Tapos sabi ko di ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo, nag si sex kayo ni guy tapos si wife naman, tapos sabi nya ok lang daw sa kanya. Tapos inaway daw sya ng hipag nung wife sa text at galit na galit daw si guy dun sa hipag. Tapos sabi ko buti di sya inaway ni wife, sabi ni kabit binalaan na daw kasi si wife ni guy na wag syang aawayin kasi pag inaway daw sya ni wife makikita daw talaga ni wife ang hinahanap nya. Sabi daw ni guy sa kanya mag ipon ka ayusin mo life mo,gusto ko maging successful ka kasi ako ok na life ko" iyak daw sya nun pero sabi daw ni guy nakikita ko future ko ikaw at mga anak ko , tapos ask niya pano si wife, sabi daw ni guy bahala na sya sa buhay nya. Nakonsensya lang daw si guy mag stay sa wife kasi nung aalis na sia guy sa house humaharang ang anak nya sa pinto tapos buntis pa si wife kaya nag stay sya. Ngayon daw wala talagang idea si wife na sila pa rin kasi pa good boy daw talaga si guy dun ngayon para di ma stress si wife. Ang lupit talaga ni kabit speechless talaga ako sa mga sinasabi nya sakin pag nagku kwentuhan kami. ::)

heavensent

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #26 on: September 14, 2012, 01:41:56 pm »
^wow, artista yung guy ah pang best actor at yang kabit super t**** na nga wala pang kunsensya.. hays!

jhandee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #27 on: September 14, 2012, 01:58:16 pm »
hay naku sis as in kapal talaga parang siya pa inaagawan hehe

klengmorales

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #28 on: September 14, 2012, 02:02:43 pm »
Sis jhandee, astig yung guy ha.. sarap batukan pati si kabit. kawawa naman yung wifey. buntis pala. wala man lang konsensya :(

jhandee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #29 on: September 14, 2012, 02:21:45 pm »
hay sis sinabi mo pa,kahit anong sabihin sa kanila wala ng magagawa panahon na lang makakapag sabi kung hanggang kelan sila

cherry1082

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #30 on: September 18, 2012, 05:45:46 pm »
 :'( nakakaiyak naman yung mga kwento dito...
alam nyo nakakarelate ako..

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #31 on: September 24, 2012, 07:30:46 am »
May thread 3 na pala. I've learned so much from the past 2 threads, really.

Ngayon mga sis, I'm so scared. I'm really praying na hindi ito mangyari sa amin. :(

My hubby is currently working in an environment where mostly lalaki ang subordinates nya. The thing is wala pa syang "kanang kamay" for several months na kaya ang sabi nya sa dami ng work, minsan he has to stay at the office. I've been there sa office nya, met his subordinates, stayed in his quarters. Although minsan may kaba ako pag di sya umuuwi, alam ko na malayong mangyari na may patulugin syang iba doon (bukod sa akin) kasi very secured yung lugar nila and puro lalaki nga naman ang kasama nya.

Eto na, kagabi sinabi nya sa akin na may ia-assign na sa kanyang "kanang-kamay" to help him with his job pero ang sabi nya babae. Ngayon, sobra ang takot ko. Ang ibig sabihin kasi nito, magkakaron din ng sariling quarter yung "right hand" nya. :( Knowing na magkakaron ng babae don, hindi na ako mapakali. Wala naman akong magawa kundi magdasal na sana hindi sya matempt. I'm so worried. Sabi nya hindi mangyayari, sabi nya ayaw nya masira career nya, sabi nya ipapakilala nya sa akin sa christmas party. Di raw nya alam pano daw nya mapapalagay loob ko (sabi ko kahit ako di ko alam kung pano).

Sa dami ng naririnig at nababasa kong kwento mga sis, di ko talaga maalis sa isip ko yung takot e. I don't know what to do and I feel helpless. :( I know I shouldn't worry about something na hindi pa nangyayari pero kailan ako magaalala... pag nangyayari na? Di ba ang madalas nila idahilan: hindi sinasadya or andyan na kasi or sya kasi palagi kasama....

Tsaka siguro kaya ganito feeling ko kasi I'm 8 weeks pregnant. My insecurity level is through the roof and I know it will get worse in the coming months when my tummy gets big and I'm also SAHM (di ko masabing housewife kasi hindi naman everyday umuuwi si hubby) so lagi lang ako nasa bahay. :( Naiiyak ako.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #32 on: September 24, 2012, 11:15:01 pm »
^hug kita sis.. 8 months pregnant ka pala, 1 month nalang lalabas na si baby. siguro sis take it easy lang, lalo na makakasama sa iyo ang mastress. think of it like this sis: within a month, tingin mo ba possible na may mabuong something agad between the "kanang kamay" and your husband? may history ba ng infidelity si hubby mo? may asawa na ba yung "kanay kamay"? and is she the type na pumapatol sa may asawa at anak? if NO ang isasagot mo sa lahat ng questions na yan, then probably, purely insecurity lang ang naiisip mo. cool lang muna sis and trust your hubby rin. naku, sobrang blessed nyo dahil you'll be having your little angel soon. :)

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #33 on: September 25, 2012, 07:01:46 am »
^thanks sis. 8 weeks pa lang ako, that means, I still have 7 months to go.  :( This is our 2nd baby. May history si hubby pero mag bf/gf pa lang kami noon and hindi na naulit (as far as I know ha kasi LDR kami before). No, I haven't met her yet pero hindi nabanggit ni hubby na married so most probably single and younger kasi under sa kanya. That's how their system works. Another thing that added to my worries, hindi nya nabanggit itsura until I asked. Normally pag nagtanong ako about the girls na nakapaligid sa kanya sabihin nya, "di no! Pag nakita mo hindi ka mai-insecure" or "mas maganda pa kamay ko sa kanya" or something to that effect. Pero ito, wala syang sinabi.  :-[ Siguro, I'd feel better if he will come home everyday kaso di ko maiimpose sa kanya yun, ang layo ng trabaho nila and walang oras minsan. I feel so helpless kaya dito na lang ako nagbuhos sa thread. Thanks for the hug, sis.  :'(


jhandee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #34 on: September 25, 2012, 07:12:38 am »
sis pray ka lang and trust your husband  :) share ko lang eto ke aga aga, lambustingan ng lambutsingan tong baliw ko na officemate at teamate ko na guy, nakahawak pa sa legs si guy tapos kinikiss sya ni girl eh ang laki laki ng CCTV dito sa likod nila , grrrr.....get a room >:(

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #35 on: September 25, 2012, 07:37:10 am »
don't worry sis, prone talaga ang mga preggies sa mga fears. pero our hubbies will usually react to how we treat them. And if we treat them like kings and appreciate them every time he goes home hindi mo kelangan mag worry

pero if you want sis, kaibiganin mo yung girl para ma mejo mapalagay loob mo
« Last Edit: September 25, 2012, 07:40:06 am by maiandra »

xhien

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #36 on: September 25, 2012, 08:21:30 am »
@mamapeew..hay hirap nga yan.. i agree pregnant ka kaya ganyan feeling mo now..just trust u'r hubby na lang and keep on praying okay?? pero ayun di nga maaalis talaga sau mag worry lalo nasa bahay ka lang lagi,na parang mapaparaning ka na kakaicp kapag wala hubby mo jan..di ka din masisi ng hubby mo kung ganyan mafefeel mo,, naninigurado ka lang naman.. just pray un lang talaga.. ;)

xhien

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #37 on: September 25, 2012, 08:23:37 am »
@jhandee..ang agang harutan naman yun between u'r officemate and teamate..haha.. di man lang sila nahiya lalo na yung girl? masyadong pda..

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #38 on: September 25, 2012, 05:57:41 pm »
Thanks for making me feel better, mga sis. Oo nga, gusto ko makilala yung girl, sabi kasi sa christmas party pa, ayoko. I have to meet her when she starts working with my husband.

Oo nga sis dhee dhee, hindi lahat ng girls pumapatol sa may asawa and i'm praying na ganon sya. Yun na nga lang magagawa ko, sit here and pray. She has to meet our daughter din. Hay, ang kaba ko talaga hindi maalis. Bahala na. Di siguro ako ganito ka-kabado kung di ako preggy. Sobra akong confident noon e. i work out kasi, i have long hair, i try to look good all the time. Sya nga yung nagdududa sa akin bakit daw ako lagi nagzuzumba at nagpapaganda. Ngayon i stay at home, laging tulog and had my hair chopped off dahil grabe na falling hair because of the pregnancy na rin siguro. Bahala na mga sis. Thank you so much. I will post an update kung ma-meet ko sya and how she looks like. Baka when i meet her ma-gauge ko kung mapapagkatiwalaan or not.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #39 on: September 25, 2012, 06:51:41 pm »
^go sis! :) balitaan mo kami pag nameet mo na siya. take care!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close