watch now

Author Topic: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2  (Read 108749 times)

ckt_lei

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #520 on: June 07, 2016, 11:35:46 am »
^yes sis isa pa yan, i follow AFP Modernization in FB at yung mga comment ng mga AFP members dun ngayon daw masarap maging sundalo kasi sa wakas napagtuunan na din ng government na bigyan sila na mas makabagong mga armas.


To elaborate on my Philhealth comment. Na-dengue nephew ko 2 years ago at umabot sa 60K+ ang bill nya pero 16K+ lang binayaran namin sa hospital. 3 years ago at last year naoperahan kuya ko sa first operation nya 60K nabawas sa bill nya at sa second operation nya 30K. Last December sister ko naman ang naospital umabot ng 35K+ bill nya wala kaming binayaran lahat covered ng Philhealth nya. Then early this year parents ko naman pareho silang naospital 20K+ each ang bill nila we only paid 1K para sa mother ko at sa father ko wala kasi covered na din lahat ng Philhealth. Lahat sila sa private hospital, so to say na walang natulungan ang Philhealth isang malaking kasinungalingan.


Baka hindi rin aware ang iba pero may tinatawag na 4Ps program (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) under PNoy's admin maliit na bagay siguro ang tingin ng iba pero para sa kapitbahay namin na isa sa benefeciaries malaking tulong yun sa kanila. At dahil nanalo si Leni sana mabigyan katuparan yung pag-develop sa rural areas pero magagawa nya yun kung magkakaroon sya ng sapat na suporta but given the incoming Pres. stance and his love for BBM ewan ko  :(

dismembered

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #521 on: June 07, 2016, 12:02:03 pm »
Quote
Baka hindi rin aware ang iba pero may tinatawag na 4Ps program (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) under PNoy's admin maliit na bagay siguro ang tingin ng iba pero para sa kapitbahay namin na isa sa benefeciaries malaking tulong yun sa kanila. At dahil nanalo si Leni sana mabigyan katuparan yung pag-develop sa rural areas pero magagawa nya yun kung magkakaroon sya ng sapat na suporta but given the incoming Pres. stance and his love for BBM ewan ko

Don't worry, even without VP's help, itutuloy naman daw ni President yan at magdadagdag pa. At least, sa admin ngayon, we could be assured na itutuloy yung mga bagay na gumagana at effective during PNoy's term.

j.adore

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #522 on: June 07, 2016, 12:16:08 pm »
A breadwinner posted hate about 4Ps kasi daw bigay niya ang lahat to provide for their family tapos yung iba gawa ng anak at kung di kaya eh tulong government with his tax.

Siya din nag rant before over housing projects for the poor using taxes habang pinaghirapan niya bahay nila.

Ok lang daw help to get them on track pero dependency is not.
Parang buying people din daw.

Familiar ako sa 4Ps I saw a video of  Korina threaten a group in a rally using it.

ckt_lei

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #523 on: June 07, 2016, 01:09:40 pm »
^iba ang pananaw nya iba din sa akin, yung neighbor namin they don't have stable job kasi wala silang pinag-aralan pero hindi sila yung tipo na tamad, nagtatrabaho sila kung merong mapapasukan and they are able to send their children to school because of 4P. Yes mas maganda sana if nakapag provide din ng livelihood programs pero ganun naman may gawin o wala ang government may masasabi pa din ang tao nothing will ever be enough.


I support housing projects like sa Gawad Kalinga, unlike that breadwinner masaya akong maging parte sa anumang programa para sa mga mahirap lalo na yung mga nasalanta ng kalamidad na nawalan ng bahay. Alangan naman pabayaan na lang sila, if we can lend a hand why not? Maybe that breadwinner should start counting his blessings or baka mas gusto nya isa sya sa ipagpagawa ng bahay ng government.

dismembered

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #524 on: June 07, 2016, 01:25:57 pm »
^ You really can't blame him actually. There are always two sides of the story. Kung naka witness ka rin naman ng mga tao na binigyan ng pabahay pero ibebenta lang din yung bahay at babalik sa pagiging squatter, medyo nakaka disappoint din. Hindi mo rin masisisi yung breadwinner na yun na nagtatrabaho dito sa Pinas, kasi kung ikaw nag wowork ka sa ibang bansa,  yung income tax either wala or maliit lang and hindi mo nadadanasan yung 32% income tax dito sa Pilipinas. So yes, iba iba ng paniniwala at hindi mo rin masisisi ang pinagdadaanan ng mga breadwinner dito. Imagine 32%. Sa 40k na sweldo mo sa isang buwan, less than 30k lang ang nakukuha mo. Ipagpalagay mo na lang na isang minimum wage earner ang napupunta sa government.

ckt_lei

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #525 on: June 07, 2016, 01:58:17 pm »
^then i hope may programa ang incoming admin na mas maganda kesa 4P at mas maimprove pa ang public services para hindi maramdaman ng tax payers na lugi sila. Though technically lahat naman nagbabayad ng tax sa case ng iba indirectly nga lang through services at products.
« Last Edit: June 07, 2016, 02:05:31 pm by ckt_lei »

dismembered

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #526 on: June 07, 2016, 02:15:38 pm »
Yes I agree lahat nagbabayad ng taxes din indirectly. You pay taxes sa mga services at goods na inaavail mo.. Pero iba pa din yung Income tax dahil masakit talaga makita na ganun kalaki ang kaltas sa bagay na matatanggap mo na pinaghirapan. Maraming klase ng taxes pero masaklap na yung 32% ibabawas sa iyo as if napakalaki ng sweldo. Mali lang siguro yung income tax bracketing kaya feeling ng ibang breadwinner sa Pinas unfair at hindi nakakamit ang justice sa bagay na yun. Kunwari merong minimum wage earner na mahirap, walang kaltas sa income tax, tapos may libreng pabahay pa, compared sa kumikita ng 40k, pero less than 30k ang nakukuha, tapos naghuhulog pambili ng sariling bahay na worth 10k per month. Imagine yung money na matitira sa dalawayng yun, halos same na lang. Kaya siguro nagrereklamo kasi nga hindi fair.

Kung nagawa lang sana ipatupad ni PNoy ang pag align ng tax bracketing para mag tapat sa inflation ngayon. Pero hindi daw kaya, kasi maaapektuhan ang budgeting ng government. Kaya tama ka, sana kung di man lang ma adjust, sana man lang gawin na lang nilang sulit ang government services para sa tax na binabayad.

mei-mei

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #527 on: June 07, 2016, 03:42:20 pm »
^ P40k salary is only 21% tax. Our tax is progressive. Earning P100k/month gets 28%, and so on.

dismembered

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #528 on: June 07, 2016, 04:00:12 pm »
^ Nag try lang ako mag bigay ng example to those who earn > 500k annually equating around 40k per month  dati (13th month included. Thanks pala kay PNoy kasi tumaas ang bracket ng taxable bonus to 85k) . Approximate lang yan. For 500k, 125k + 32% in excess. Yes progressive at madami pang factors like dependents at mga exemptions. But then, sa 40k na sahod mo, less than 30k pa rin lang ang maiuuwi mo dahil sa taxes na halos pasweldo mo na  sa minimum wage earner.

springblossom

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #529 on: June 07, 2016, 04:05:16 pm »
im fine with big taxes as long as mapapakinabangan ko in the end.

Ok lang din naman na mas bigyan ng dole-outs ang mga less-fortunate sa pilipinas, like education assistance or food allowance. After all, may tungkulin ang gobyerno na tulungan sila. Pero sana, para sa ating mga hinde qualified sa mga ganyang 4Ps or what, safety and comfort all around the Philippines are more than enough for me.  Like maayos na daan, airport, mapagkakatiwalang police at government officials. And so far, hinde ko naman to nakikita kaya siguro naiinis mga taxpayers kasi kung iisipin nila, they’re not getting their taxes’ worth. Napu-pork barrel pa or nada-DAP. Off topic na yata ito hahaha sorry. Anyways, problema lang kasi dyan sa mga 4Ps or mga government subsidies, ginagamit pang-bribe ng mga politicians.

Purple_Power

  • Guest

Purple_Power

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #531 on: June 11, 2016, 09:34:25 am »
Appreciating the President who was able to lead the country with dignity   :)

Why I respect President Aquino

3 Vessels from Japan, 4 from France for PH Coast Guard arriving in 2016

LABYU

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #532 on: June 23, 2016, 03:58:25 am »
trabaho naman ng presidente ang may maaccomplish, nakakahiya naman kung wala man lang siyang maaccomplish kahit isa sa dami ng kanyang kapalpakan, saka bakit yung mga modernize na kung ano anong sinasabi ni outgoing PNoy bakit ngayon lang after ng term? Sabi ni Pnoy magpapasagasa siya pag hindi nila tinupad yung pangako nila extension ng LRT? Asan na yung extension?

lovemeagain30

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #533 on: June 23, 2016, 08:04:34 pm »
^ ay matanong ko lang (hindi eto sarcasm ah) may nasimulan bang paghuhukay para sa extension?

Purple_Power

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #534 on: June 24, 2016, 03:50:26 pm »
^^Why not blame the media kung bakit ngayon lang sinasabi yan kung kailan matatapos na ang term. What if during the middle of his presidency naman inexpose naman yung ibang achievements niya? Is it better or makakasama na naman sa atin ito? And regarding naman sa pagpapasagasa niya, I strongly believe naman na karapatan rin niyang ma-taken out of context  ;D  hindi lang sa iisang tao o iba pang pinuno.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #535 on: June 26, 2016, 07:42:31 pm »
^^ Pero sis nasimulan nga ba talaga kahit yung manlang paghuhukay para sa  extension? just as he promised before, it will happen before the end of his term.

natanong ko lang naman, no intentions to start any debate. a "Yes" or "No" answer lang.

hindi eto sarcasm ah, wala lang talaga akong nalaman balita ulit tungkol diyan kaya itchy ako malaman ang sagot. kung may nasimulan ba siya for this particular project.
 
« Last Edit: June 26, 2016, 07:49:53 pm by lovemeagain30 »

Purple_Power

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #536 on: June 27, 2016, 09:27:59 pm »

http://technology.inquirer.net/48853/dosts-hybrid-train-promises-safer-more-bearable-commute

DOST’s hybrid train promises ‘safer, more bearable’ commute

Regarding if the digging started for LRT extension, I haven't seen any article though I asked the group regarding this he said that it was started already the Extension to Antipolo, I think that is in Masinag.

hunny_ally

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #537 on: June 28, 2016, 09:28:17 am »
^mabilis ang progress nung line papuntang antipolo. When I went up to visit my Lola last March, nag-uumpisa pa lang sila. Parang ni Hindi pa nag-umpisa yung digging. But when I went back a few weeks ago, nagulat ako kasi ang ang laki ng improvement. Madami na yung mga posts. Ma-traffic lang nga sa area. According to a friend who works near SM Masinag, round the clock daw yung work
« Last Edit: June 28, 2016, 09:30:40 am by hunny_ally »

lovemeagain30

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #538 on: June 28, 2016, 01:24:45 pm »
Mabuti naman at nasimulan na yan!  ;)

Criticism is okay (actually it's very good) if you want something to improve especially in public service. hindi pede kibit balikat lang or maging blind follower. ugali kasi natin mga pinoy (kadalasan ah) if hindi sisitahin, hindi pa kikilos. 
« Last Edit: June 28, 2016, 01:26:35 pm by lovemeagain30 »

dismembered

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #539 on: June 28, 2016, 03:10:10 pm »
I think may nagawa naman dun sa may LRT extension. Pero yung sa southbound ang walang nasisimulan pa. Siguro matatagalan pa talaga to.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close