watch now

Author Topic: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2  (Read 109257 times)

Leven

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #420 on: October 07, 2015, 08:40:29 am »
^wala pa sis, kasi hindi naman sya pwedeng kasuhan since may immunity sya. Wait mo pagbaba nya sa pwesto, I'm sure kabi-kabila yan plunder cases, especially with the way things are between him and Abad - mukhang maglalaglan na itong mag BFF kasi it would seem na si Abad LANG ang bagsakan ng blame ng approval ng DAP (Which has been declared unconstitutional by the SC).

Yes, Erap was convited for plunder, but si GMA hindi pa, and some corruption charges against her have been dropped due to lack of evidence.

not to mention the tour galore..haha..pumunta sila dito sa amin hinakot lahat ng taga Liberal Party..magkano kaya ang gastos dun? Yung Purisima issue na parang walang nangyari lang.  Yung mga kabarilan niya na ilang ulit na video cam sa mga corruption o sugal pero walang nangyari..yun maglalabasan na yan pagbaba niya...

artemis26

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #421 on: October 07, 2015, 08:49:54 am »
^yung palang name-dropping na ginawa nun dating LTFRB (?) Chief Virginia Torres sa Customs regarding the releasing of sugar imports na na-accost dahil smuggling/illegal, tapos pinapa fastrack ang release kasi gagamitin raw sa kampanya ng LP? parang nawala na ito sa hehe

mysterioza_me

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #422 on: October 07, 2015, 10:12:13 am »
Oh well pare-parehas lang naman sila. Lahat ng nakaupo at umupo nakinabang. Kung may garapal may mas garapal. Kahit gaano ka ka-honest at ka-dignified kakainin ka din ng sistema sa gobyerno. Pero I dunno, sa akin lang to ha, sa lahat kasi ng naging pres nung naupo si Pnoy dun mas umayos kabuhayan namin na kabaligtaran naman sa ibang sis natin dito. Iba-iba lang siguro tayo ng naging experience sa bawat pres na umupo.

Sorry po kung mababaw katwiran ko.

stormy

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #423 on: October 14, 2015, 07:53:41 pm »
^true, pare-parehas lang lahat mga yan. Lesser evil lang naman pwede piliin ng mga pinoy kahitbsi huling pag-asa pa.

Lahat naman talaga umupo may reklamo kaya sa programa ng gobyerno na lang nil ibuhos lakas at resources nila. Wag na pa-pogi. Kaya wary ako dyan sa huling pag-asa na yan kasi ending nyan parang daang matuwid rin. Pang-kuha lang ng atensyon pero mga nakapaligid, sige wag na yun kandidato, kurakot rin hindi pa lang nga nabibisto.
« Last Edit: October 14, 2015, 07:56:08 pm by stormy »

stormy

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #424 on: November 20, 2015, 04:06:04 pm »
Accomplishment sana ang APEC kaso naman sa metro manila ginawa. Parang galit mga nakapalibot kay Pnoy sa kanya. Daming palpak parang hindi nag iisip mabuti. Ayan, dahil raw dyan tatakbo na ang hindi tatakbo sa pagka-pangulo. Sakit sa ulo mga politikong ito.

Leven

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #425 on: November 22, 2015, 11:36:54 am »
Kelan ba nag isip yan..Palibhasa kasi lumaking mayaman..VIP lahat ng galaw...gusto lahat spoon feeding..Di niya ramdam yung buhay na nagcocommute at nagugutom

springblossom

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #426 on: November 22, 2015, 07:41:50 pm »
^^actually, hinde talaga sya nag-iisip. ewan ko ba.

for me, ok lang may magreklamo, may masasabi mga tao. kahit saang bansa at kahit sinong presidente, may ganyan talaga. wag maging balat sibuyas, part of the job. si noynoy nga mismo mahilig manisi kay gloria at kay marcos hahaha.

but as to accomplishments and all, parang unfair na mas marami pang nagawa si noynoy kaysa kay gloria. corrupt din si gloria but she ran our country after erap, when dollar had reached 56 more or less. sa kanya din nag umpisa ang call centers, with the help of mar roxas. may mga infrastrustures din. and kung hinde lang madrama tong current admin nato, baka meron na ding flood control project dyan sa luzon.

lagi kong naririning na bigyan daw ng chance si noynoy. may nagawa din sya kahit papano. ok fine but i hope these same people could also give the same consideration to marcos and gloria who had made more economic programs during their time. pare pareho lang naman yan silang lahat di ba?

pinoy nga naman.

lovemeagain30

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #427 on: November 22, 2015, 10:12:25 pm »
hindi eto sarkastikong tanong ah, honest question lang talaga eto ng normal filipino na walang alam sa status ng ekonomiya ng bansa, eh ano po ba talaga kasi ang nagawa niyang markado sa 6 years niya as president? baka kasi may makasagot nito ng sakto at diretso. para mainform tayong lahat.

salamat.  :)

Leven

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #428 on: November 23, 2015, 09:20:02 am »
hahha..love the question! His 6 years is remarkable! QUIRINO GRANDSTAND HOSTAGE, YOLANDA, MAGUINDANAO MASSACRE AND SAF44..Pang International news di ba?..Sana itatak to sa mga libro sa susunod na generation..tapos sabay tanong...ANONG NAGAWA NG PRESIDENTE NATIN?..WALA!
« Last Edit: November 23, 2015, 02:18:53 pm by Leven »

lovemeagain30

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #429 on: November 23, 2015, 01:44:31 pm »
^kasi sis pag may nagsasabi na "may nagawa naman siya kahit papano" eh ang tanong ng ordinaryong tao tulad ko eh ano nga yun? i specify lang kahit isa para atleast hindi biased ang judgement sakanya na wala nga siya nagawa kundi isisi ang kapalpakan ng government from the previous administration.

my personal take, hindi ko makalimutan ang speech niya days before Yolanda landed in our country. taga dun kasi ang family ko. kesyo sa speech niya ready na ang mga ship, tangke, relief goods, mga sundalo  at kung ano ano pa para sa super typhoon. nung actual na,, nga nga! drawing pala lahat. makapag yabang lang sa media. pagkatapos nun wala ng replay kung nasan napunta yung announcement niya na prepared na gobyerno. lahat nag panic. hanggang ngayon nga hindi namin alam kung anong nangyari sa bilyon na donation na dapat napunta sa mga biktima. naglaho narin parang bula.

kaya kung meron man siya nagawa at may nakaka alam ng tunay kung ano mismo yun paki banggit nalang dito para atleast maliwanagan lahat.  tulad tayo naman ang boss niya di ba.

springblossom

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #430 on: November 29, 2015, 07:54:33 pm »
^kaya ang hirap umasenso sis kasi tumatanggap lang tayo ng "kahit papano" or "kahit ano." parang  "bahala na" lang din. we have not realized that we actually deserve the best from our government officials and we have the right to demand it.

stormy

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #431 on: November 30, 2015, 09:04:51 pm »
Mahirap kasi sabihing walang nagawa kasi meron naman yan tiyak. Siguro dahil sa laki ng problema ng pilipinas mahirap makita yung nagawa nya kasi unang-una, nauuna ang ingay nun reklamo nya kay gloria. Pangalawa, sa first years ng admin nya hindi halos gumastos kasi ah hindi ko alam bakit. Nairereport naman yan sa news hindi lang binabalita ano ba dahilan.

Kalimitan rin, mga decisions lalo na pang-ekonomiya nararamdaman matapos ang ilan taon gaya ng mga nagawa ni gloria na naipost sa itaas. Kaya malay natin magulat tayo sa future may magandang balita na resulta ng ginawa sa panahon ng administrasyong aquino.

Yung naimention na sabi handa na during yolanda yun pala hindi, kakaiba talaga yung yolanda. I doubt na mayroong 3rd world country ang magiging handa sa ganun klase ng delubyo. Yun nga lang presensya at magandang ugali tulad ng pakiki-simpatya at pagpapakita ng kontrol sa sitwasyon ang hindi naramdaman kila PNoy kaya ang taas ng frustration level.

Kaya siguro mahirap sagutin yun tanong unless well... APEC :)

springblossom

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #432 on: December 01, 2015, 03:11:40 pm »
gusto ko nga din malaman anong economic reforms or decisions ang ginawa ni noynoy. yung pwede kong iexpect na maramdaman ko in the coming years. kasi dati kay gloria, ramdam ko or at least alam ko yung iba. she made major changes in the tax collection process. plenty of call centers had been set up in our country. and there were lots of programs for OFWs. pinalawak nya ang E-vat which was good if implemented well and kung hinde kurakot ang pilipinas. problema lang talaga kay arroyo was ang laki ng utang na loob nya sa mga sumpuporta sa kanya during erap's impeachment plus her husband and son. she could have been a good president but well, nagpalamon din sya sa sistema.

daming headlines pala during apec which say "aquino blames arroyo" and "aquino slams arroyo." baliw talaga. hinde nya yata nakuha na kaya mataas GDP growth during his term, kahit kakasimula pa lang nya as president, ay dahil sa programs in place even before he was president. GDP growth does not happen overnight.


« Last Edit: December 01, 2015, 03:28:49 pm by springblossom »

Gaysha

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #433 on: December 01, 2015, 04:42:48 pm »
^korek sis. pati nga yung Pantawid Kabuhayan e programa yan ni Gloria. Kung may nagawa man si PNoy, puro paninisi and passing the buck on others. Sa admin lang nya na nangyari na dineclare na nga na unconstitutional, pinipilit pa rin. Yung DAP, PDAF, Pork Barrel etc e still exists pa daw wala na lang pangalan para di mabusisi. At yung circumstances nung pagkahuli kay Napoles, medyo kadudaduda at yung kapatid nun di pa rin nahuhuli. Meron sa Youtube, speech nya mismo, magpapasaga daw sya pag by 2015 wala pa ring LRT to Bacoor. Ang yabang pa nya dun, usual na ya ang magsalita ng ganun, Kris Aquino lang ang peg, let's say, matatapos na ang 2015.

Sa mga nagawa, ano nga ba? Pls. name specifics?

stormy

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #434 on: December 03, 2015, 08:04:25 am »
^^minsan lang ako makabasa na objective ang tingin sa nagawa ni gma. Dati kasi akala mo monopoliya ng aquino admin ang kabanalan, kabaitan at kagalingan kaya pumatok ang "kung walang kurap walang mahirap". Well nangyayari na naman yan ngayon, sa ibang kandidato nga lang - pagmumura, pumapatay raw at aminadong maraming babae pero hindi magnanakaw.

Masipag, magaling SIGURO si gma pero ang daming utang na loob nga lang sa mga taong naghanap ng kapalit, na ngayon ang iba ay tao ni pnoy hindi ba?

« Last Edit: December 03, 2015, 08:07:04 am by stormy »

Gaysha

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #435 on: December 03, 2015, 01:08:44 pm »
Ang naging problem ni GMA is nung reelection nya lang. And for me, naging biktima sya ng circumstances. Pinatakbo ba naman si FPJ and ano ba alam nun? Di nakatapos, artista, may citizenship issue din etc. Then President agad? Erap had a hand etc. Ang panggugulo din ng mga leftist and ng erap supporters.

So ang ginawa ni GMA, win at all cost. For sure driven not just by personal gain, kundi alam nya na walang mangyayari sa Pinas kung si FPJ na Erap puppet. Up to now, kahit sabihin pa ng iba na katangahan whatever na masakit na salita sabihin sakin, i am standing by GMA and saying na kabayanihan ang ginawa nya na at all cost gawin ang lahat wag lang maupo si FPJ!

solepurplelife

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #436 on: December 03, 2015, 02:09:07 pm »
Mahirap nga sabihin walang nagawa si PNoy. Maaring mayroon siyang mga proyekto pero hindi nag manifest o nagsucceed. Tulad nung naging kongresista sya ng 9 years at senador ng 3 years, maaring may ginawa siyang batas pero walang naipasa.

Nung panahon ni GMA puro corruption din ang mababalitaan mo. Pero bilib ako sakanya tuwing SONA kasi naipapaliwang nya ang mga nagawa at plataporma ng administrasyong niya. Naalala ko nung panahon nya nauso ang Botika ng Bayan o yung mga generic na gamot para sa mga di maka afford ng branded. At dahil sa bata pa ako noon, naiinis ako tuwing sinasabing mataas ang piso kontra dolyar. OFW ang tatay ko, ang naiintindihan ko lang mas mababa ang maipapadala samin dahil mababa ang dolyar. Narealize ko na lang ang kagandahan nun nung nagkaroon ako ng subject na Economics.

Ngayon, kaliwa't kanan din sa balita ang corruption sa administrasyon ni PNoy. Pati ang kakulangan nila sa mga biktima ng kalamidad at aksidente. Kakaiba ang Yolada, oo at maaring mahirap nga paghandaan ang ganitong uri ng bagyo. Pero ang nakakasakit sa puso ay yung makita mo yung mga kababayan mo pag katapos ng bagyo, walang nag aasikaso. (understatement) Hanggang ngayon may mga ilang dokyumentaryo na pinapalabas. Makalipas ng dalawang taon, yung mga biktima wala parin maayos na malilipatan, overprice ang mga ginawang bunkhouse, at kinurakot yung financial aid na dapat ay ipapamahagi sa mga binagyo. Tuwing SONA nya hinihintay ko ang mga achievements na nagawa at sinimulan ng administrasyon nya. Pero walang tumatak sakin. Ang naaalala ko lang sinisisi nya ang Pangulong sinundan nya. Hanggang APEC dinala nya ang hobby nyang paninisi. Di ko maiwasan mapailing, kawawa naman ang Pilipinas.

stormy

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #437 on: December 04, 2015, 10:31:30 am »
Kahit sino pa ang presidente basta mga nakapaligid ganun pa rin e kung ano dati na gawi magiging parehas lang. Dadami lang mga kunwari na pagbabago pero ganun pa rin.

Sana magising na mga pilipino, matuto na disiplinahin ang sarili bilang tao. Sana si Pnoy mag-bago na rin, kakasawa na paninisi.

super bratinella

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #438 on: December 16, 2015, 10:39:03 am »
May nagawa naman siya naniniwala ako dyan, pero may nakalimutan yata siya tapusin ang train sa Cavite he still have at least 15days to finish it together with Abaya kasi hindi ko makakalimutan pag papasagasa daw sila sa train pag hindi natapos after 2015..

Tapusin po na Pnoy, 16days more to go!!!

cosmochick

  • Guest
Re: Noynoy Aquino may na accomplish ba? Thread 2
« Reply #439 on: December 16, 2015, 01:14:08 pm »
^I'm also waiting for that sis. hehe :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close