Author Topic: I have this weird feeling about my husband's classmate. I need some insights.  (Read 7056 times)

ayami

  • Guest
last night, pumunta ako sa acquaintance party ng school ni hubby. may mga table for eating, grouped sila according to their majors. so nakasama ko sa table na yon yung mga kaklase nya. nung una mga boys lang tapos bigla may tumawag dun sa isa. edi sinabi nasa table 44 nga sila. tapos dumating tong girl na to, kilala ko sya by name and by Facebook profile. pa-like like kasi sa status ni hubby and then she tagged herself on photos ni hubby about one school event. as soon as nandon sya sa table, si hubby lang binati nya.

fast forward maya-maya, dumating yung iba pang classmates and then tinabihan ako sa table. then inintroduce ako ni hubby sa kanila, and so on... then nag CR ako, umalis ako dun sa table. pag balik ko, picture picture sila ni hubby. I came back to my seat. a few moments later, she was scanning the photos in her cam. I could see it clearly, kasi katabi nya ako. yung mga nirereview nyang pics, puro picture ng asawa ko. she was even zooming it out. inobserbahan ko yung photos, puro stolen shots. I could see my husband in one photo na nakatingin lang somewhere, yung isa nakatutok sa phone nya, another photo na pic nilang dalawa... nagulat lang ako. why collect those photos diba. wala akong maisip na dahilan.

I have this weird gut feeling I couldn't explain. siya yung nakatira malapit sa house ng in-laws ko na nakikisabay sa hubby ko papuntang airport pag may school trips sila, or pag may events pumupunta sa house ng in-laws ko para maki carpool and kasabay nga daw nya umuwi pag commute sya. tapos she kept calling my husband pa nga about some school project she can't do or something. deadma lang naman ako dati, pero ngayon, iba na feeling ko nung nakita ko sya.

Ehhh. may something kasi sa gantong pakiramdam ko na nangyari rin dati. nung 2010, yung feeling ko about some classmates din ni hubby na texting with him flirty messages, turns out tama ako na he liked one of them and he was actually flirting with that girl. Ayoko namang maulit ulit yon.

Hindi ko madetermine kung adik lang kumuha ng shots yung girl sa cam nya o type ba nya yung husband ko. may school trip pa sila sa Palawan this September. lalo tuloy ako di mapakali. I want to think na kung type man nya si hubby e di naman siguro dumadamoves ang babae, at di niya yun ieentertain. kaso, nangyari na dati kasi e.

sorry hindi ko talaga kayang iexplain to nang matino into words. parang mababaw nga e. naguguluhan na ko.

FayeP

  • Guest
naku sis!!! may HD (hidden desire) yan sa hubby mo!! kasi di naman cya aasta ng ganun kun wala di ba. 

makinig ka sa instinct mo sis, malamang matagal na yan may crush sa hubby mo kasi bakit cya aali-aligid ng ganun na kunyari papatulong sa project or sasabay pauwi di ba??

talk to your hubby kunyari biruin mo lang na may crush ata sa kanya un girl na un...pag sinabi na "wala un, friends lang talaga un", kamo eh bakit puro pic nya lang un halos andun sa cam nya at bakit may stolen shots pa...kamo malakas ang kutob mo...


joyfulmommy

  • Guest
hay naku sis... trust your instinct... there is something about that girl... pero from your kwento, it seems si girl lang naman may gusto... pray mo lang na sana, hindi mag-da moves si girl and if ever she does, your husband will be strong enough to resist her.  ako, alam ko na ang tukso, never mawawala yan... kaya diko pini-pray na sana walang tusko, instead, i pray lagi na maging matatag asawa ko amidst temptations...

stylishmomy

  • Guest
Sis, obvious na may interest ang girl sa hubby mo basing from your posts about what happened during the event and from the girl's past behavior.

Better talk to your hubby, yes I agree na at first dont make it too obvious na your suspecting coz baka he wont tell you a thing or will accuse you of being paranoid. About the school trip next month, is it possible that you can go with your hubby? Trust your gut feeling.

aquacharly

  • Guest
Weird nga, or super hotz for your hubby -- andun ka na nga sa face nya.  Arrested development - may crush pa.

Tell your hubby about what you saw. Tell him magingat at baka dakmain pa sya ni girl.
Now, talk to him in a friendly way  -- do not accuse (wala pa crime eh); do not nag -- as in, kasi  noon ganito ganyan... Don't.

What you can do for the longtem is to befriend his school friends.  But come across as being just a friendly girl... Hindi iyong nagbabantay ng husband.

If you don't mind my asking -- why is he still in school?
What are you doing? Studying too?

ayami

  • Guest
@FayeP: sis tinry ko yung sinabi mo na pa-joke kong minention sa kanya. Nagtataka naman yung expression ng face nya, tapos sabi ni hubby "e may boyfriend daw sya a" tapos tinanong ko kung kelan nya nalaman sabi nya nung first year pa sila. Outdated info niya. Tapos sa curiosity ko kung anuano na tinanong ko about the girl. Sinagot naman nya sa makakaya nya. Same high school pala namin yun and ka-batch ng younger brother-in-law ko. So naisip ko kaya may pagkaclose sila dahil sa HS Alma mater.

@joyfulmommy: naku mas takot talaga ako sa mga babaeng dumadamoves. Ang dating kasi sakin, malakas ang loob nya. Iniisip ko nga na hindi dapat ako mathreaten sa kanya kaso chinita yon, e yung fling ni hubby nong bf-gf kami e chinita rin. Tapos nagsasalamin rin. Wag sana umulit ang history lalo na't pamilya na kami

@stylishmomy: gusto ko man sumama hindi pwede kasi may pasok ako sa school. Pero inalok ako ni mother-in-law na sumama dati sagot nya. Kaso di naman pala ako student ng school nila so bawal din yata

@aquacharly: dun talaga ako naloka sa ginawa nya nung katabi ko sya. Baka di nya rin alam na makikita ko yun? Ewan. Malapit lang yung upuan bilog yung mesa tapos 10 kami.

22 years old ako, si hubby 23. This sem na ko matatapos, next year pa siya. Kaya kami nasa college pa kasi bumagsak kami sa first course namin, Engineering. Tapos palit course kami. Ako sa UP pa rin nakalipat ng course kaya di ako back to first year, si hubby from DLSU e 3 semesters sila don so 1 year di sya nag aral. Nag scuba diving lang at nag Japanese classes for a year bago lumipat sa school nya ngayon sa The Fort. Then ako, matatapos na sana by 2010, kaso nabuntis naman nya ko thus na-delay pa ko further.

Sa curiosity ko nung isang gabi, inopen ko FB ni hubby and looked up that girl. I saw na meron syang bf, just a few days ago nakalagay in a relationship with. Ngayon ko nga lang ulit inopen yung account niya for stalking. Haha. Dun ko rin kasi nadiscover yung dati nyang classmates na finiflirt sya.

IpagpapasaDiyos ko na lang na di sya tablan dun sa girl na yon. Lalo na for next sem, OJT na nila baka same company sila or something. Ayoko naman nun, everyday sila magkakasama if ever for 4 months! Haay. Wag naman sana.

smoothie

  • Guest
Just be observant since no crime has been committed pa naman. Red flag din kasi for me kung nakita ko si girl na ginagawa yun. At least, hindi mo nakita na crop ang face ni hubby. haha

FayeP

  • Guest
sis ayami, ingat ka pa din hahha kasi alam mo naman ang instinct nating mga girls, di nagkakamali ang woman's instinct

Pookiekai

  • Guest
Wow, naalala ko tuloy yung shipmate ni hubby last year, mukhang kursunada sya kasi me picture sila with two other people. Kwento ng hubby ko, akbay sya nung captain kasi papapicture sila, then dumaan si girl with another crew, bigla daw sumali sa picture, so napasiksik sya sa hubby ko... Ok na sana kasi obvious naman na di posed yung picture nila, in fact ang nakapwesto lang ng maayos eh yung hubby ko and the captain. Ang problema, nun nagscan ako ng pictures nung girl (stalker mode lang hehe) kasi syempre nacurious ako and I wanted to know how close sila ng hubby ko dahil nakijoin sya sa pic.. And guess what I saw? She had this photo sa desk nya while nakaopen yun laptop nya and ang wallpaper eh ang husband ko at sya sa picture. Cropped nya yun pic, inalis nya yun kapitan at crew sa picture at winallpaper pa nya? Whoaaa!

Well of course sinita ko husband ko who was surprised din. Inutusan pa ko na tanungin ko daw si girl bakit ganun. hehe. Kaloka! Anyway, tinanong ko naman ang sagot nagchechange daw ng wallpaper ang laptop nya randomly baka daw nagkataon na nung time na yun ang pic nila ni hubby ang naiaasign na wallpaper...in fairness marami naman syang photos with other crew na dalawa lang sila sa picture. Pero wala sila pic ni husband ko na sila lang except sa pic na ni-crop nya. Haay gusto ko sana itanong kung automatic din na nagkacrop ng pic yun laptop nya (hehe) kaya lang ayaw ko na humaba pa usap. I just told her na bothered ako na may kaclose na girl ang husband ko lalo na at "singganda" nya. Sana kako, para sa peace of mind ng lahat, professional basis lang sila ni hubby. I don't know if what I did was right, pero I wanted to let her know na  di ako komportable na chummy chummy sila. So kung may balak sya magdamoves kay hubby, patay sya sa akin. I just warned my husband na mag stay away sa girl kasi baka magdamoves sa kanya kasi type sya. My husband told me he will do as I ask. Ayaw daw nya malasin lalo na at me baby na kami. I always remind him to behave kasi baka makalimot... At syempre lagi ko pinagdadasal na kahit nasa tabi nya ang tukso, manaig pa din yun love nya sa amin ni baby at ang takot nya na mawala sa kanya kung anong meron syang happiness sa buhay sa ngayon. Sana lang, maging matatag sya in kaso icareer ni girl ang pang aaswang sa kanya...haaayyy...

aquacharly

  • Guest
You did right POOKIEKAI. now, play your cards well, as always -- do NOT nag your husband.   Pray & trust.  Nobody can guarantee fidelity nor predict infidelity.  So continue playing it right. 

graZiousa

  • Guest
Nung bf/gf pa lang kami ni hubby sis what happened eh may ka batch sya na nagtetext ng gabing-gabi na. Nung time na yon may outing kami ng mga friends and with our hubby, nagkataon na nagtetext yong girl like "kumusta" at past 11pm.. So since nabasa ko yon, ask ko si hubby bakit may nagtetext ng ganyan na gabing gabi na. sabi ni hubby kaibigan daw nya si girl. sabi ko na hindi ako kumportbale na may nagtetext ng ganyang oras para mangumusta lang. wag ko daw isipin yon ang sabi ni hubby at hindi naman daw nya nirereplayan. nasundan nanaman nung nagdine out kami ni hubby, maaga aga pa mga 8pm ang sabi "kumusta na?". Parang di ko maintindihan bakit panay ang text ng girl kung di naman talaga nya nirereplayan, sadyan bang matigas ang muka ng girl at talagang pursigido magtext kahit wala namang reply o baka naman sabi lang ni hubby na hindi sya nagrereply pag nalalaman ko na nagtext si girl. so nag investigate na ako, sinisilip ko cel ni hubby ng di nya alam e nagkataon na nagtext ang girl so nireplayan ko, sagutan na kami ng text pretend ako na ako si hubby. nagyaya si girl na magkita sila sa bakasyon pag nakauwi si hubby sa place nila. hmp! super imbyerna na ako talga nung time na yon. wala naman silang relasyon ni hubby base sa communication namin aside sa magkaibigan sila and batch sa highschool. But maharot si girl, and i know may gusto sa hubby ko. Nung binangit ko na kay hubby na ayoko ng may kaibigan syang sobra pa sakin maglambing sa  kanya, nagulat si hubby na alam ko. sinabi ko na tinext ko si girl pretending to be him. ganun daw talaga si girl sabi ni hubby sa lahat ng classmate nila. Basta ang stand ko, hindi na maganda tingnan na may ka ganyan pa sya na ikakasal na kami. Narealize rin yata ni hubby at di na talaga nagrereply (malay ko lang kung wala ako hehe pero ramdam ko naman, hindi ako kinakabahan) Mabuti rin na maintindihan ng mga asawa bf/gf na dapat may limitations sa lahat ng bagay kasi lahat ng sobra hindi na maganda.

nixiquita

  • Guest
kausapin mo si hubby re that girl. wag yung bintang agad, pasimple lang hehe then voice out your feelings. if he respects your feelings, medyo didistansya yun or pwede ding tawanan niyo nalang kasi sure ka namang di papatulan ni hubby mo yun. siguro tiwala nalang if sure na sure ka and assured na di papatol si hubby mo

Girltalker2

  • Guest

Talagang ang tatapang na ng apog ng mga babae ngayon ano?  Sila ang single, at sila pa ang may guts humabol at lumandi sa guys na taken na.


graZiousa

  • Guest
nako sis Girltalker2 sinabi mo pa... ang kakapal na talaga ng apog. sadya nga yatang kulang na ang mga lalaki sa mundo at kahit may mga asawa ma papatusin. kaya tayo mga sis kahit nagtitiwala sa mga hubby natin e wag rin masyadong kampante.

amour

  • Guest
hay naku sis... trust your instinct... there is something about that girl... pero from your kwento, it seems si girl lang naman may gusto... pray mo lang na sana, hindi mag-da moves si girl and if ever she does, your husband will be strong enough to resist her.  ako, alam ko na ang tukso, never mawawala yan... kaya diko pini-pray na sana walang tusko, instead, i pray lagi na maging matatag asawa ko amidst temptations...

True.Trust your instincts and pray lang na sana pati si girl ay matauhan na lumayo at maghanap ng single guy na para sa kanya at hindi na makisawsaw pa sa iba. What is it with girls nowadays? Parang mas gusto pa nila mang agaw ng guys na taken na kesa maghanap ng mga single? Ano yun, mas may thrill? Tapos sila pa ang matapang eh sila na nga ang mali. OMG.

graZiousa

  • Guest
magandang communication talaga ang dapat meron ang couple. pinag uusapan ang lahat ng bagay tungkol sa relasyon.

JINJIN:*

  • Guest
^^ yeah whats with the girls nowadays..hindi na nahiya. me asawa nang tao kinekembutan pa. Kung boyfriend-girlfriend lang pwede pang maagaw, pero kung me asawa na..the nerve naman...so gusto niya maging kabit? Ano nang nangyayari sa mga babae ngayon?

Just be vigilant sis..do not be too confident na hindi siya papatulan ng asawa mu. Men will be men and they are born polygamous. Walang masamang bantayan mo ang iyong pagaari. And let your husband know that you are watching him.


graZiousa

  • Guest
tama ka dyan sis JINJIN  ;)

louiesmom

  • Guest
^I know just how you feel. Been there. At ang nagflirt sa husband ko ay may asawa din! Nakakaloka. Imagine he would call my husband kung kelan mahimbing na ang tulog namin. Im glad na tama ang desisyon ko na maniwala sa instinct ko. Bago pa lumala e natapos na. Officemate nia yun. Hindi makuntento sa asawa niya. Buti na lang lumipat ng work. Baka tinablan na ng kahihiyan. Ay nako long story. One of my prayers lang talaga e wag ng maulit yun. Kasi iba yung feeling. Parang ikakaloka ko talaga. So trust your instinct sis. Kung hindi man totoo, atleast alam mo. Good luck.

outandaboutph

  • Guest
Pinaka-hate ko talaga kapag may sumasawsaw sa mister ko kahit pa balewala (kuno) kay hubby. I doubt kasi na hindi napapansin ng guy kapag may gusto sa kanila ang girl. Parang mga 3 weeks pa lang kami ni hubby, nasa wedding naman kami ng sister niya that time, sa akin iniwan ng SIL ko ang bata, si hubby naman paikot ikot sa reception pero iba na talaga pakiramdam ko doon sa 2 girls na nandoon na classmate/friends ni SIL. Halata na nagpapansin kay hubby. Then after ng wedding, nakita ko hubby, may photo pa sila noong isang girl. Hindi ko pinalalampas iyang mga ganyan, pinost ko sa FB, hindi ko na lang sasabihin anong sinabi ko. Then noong pumasa si isa pang SIL sa board exam, present din iyang dalawa na iyan sa celebration. Itong isa naman ang nagpapasaring kay hubby kumanta ng "I can love you like that..." weeh kami ba naman eh maglolokohan pa. Maghanap sila ng walang sabit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close