watch now

Author Topic: Release you stress here  (Read 4774 times)

Cocoyow

  • Guest
Release you stress here
« on: August 15, 2012, 10:59:43 pm »
wala ko makita na thread about this, kung meron man pa delete nalang..

Btw im so stressed with my relatives.. Im pregnant right now and lahat sila gusto ako gumalaw. Like ako ang sasama sa lola ko sa hospital for check ups. E malayuang lakaran sa ospital yun na puro pabalik balik pati sa parking. The fact na hospital ang pinupuntahan while im pregnant is not also good for me.
Whenever may nangangailangan ng mauutangan ako lagi tinatakbuhan. Sobrang gipit nako pero walang naniniwala na wala kong nakatagong pera na umaabot sa point na parang responsibility ko na bigyan ng pera lahat. Brother ko naospital, tatawag saking 4am para ihatid sya sa ospital.. Parang what the hell?! Wala ka bang asawa o ibang pwedeng tawagan. Dmo ba kaya mag taxi!? At sa lung center pa yun na alam nyang buntis ako. Im the youngest and i have 2 brothers but i feel like im the eldest! Ako pa kailangan mag decide para sa panganay namin. Pakiramdam ko responsibility ko lahat ng di naman dapat.
i feel like i want to disapear. I want to rest my mind and body. I like to just enjoy my pregnancy.. hay

Iam_che

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #1 on: August 15, 2012, 11:25:07 pm »
i know how u feel.. may friend ako na ganyan, sinasalo nya lahat ng problema ng kapatid nya, ng nanay nya at ng kung sinong kamag anak nya.. napapagod na rin sya, pero minsan wala din sya magawa..

siguro u just need to remind them na 'hello, buntis po ako..'  :) baka nakakalimutan nila hehe

Cocoyow

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #2 on: August 15, 2012, 11:59:42 pm »
minsan din kasi sis dko matiis.. Parang pag may hinindian ako sobrang panget ng pakiramdam ko, i feel bad.. Timgin ko inaabuso nako.. At ginanun ko na brother ko, then parang ilang araw lang ang nakalipas nanjan nanaman at huminihingi ng tulong. May tita pako na hinihiram sasakyan ko, at sakin pa ang gas kasi maghahanap lang ng lilipatan. Super stressed nako. Sabay sabay lahat. Yung dad pa ng baby ko wala sa tabi ko kasi he's working.. Nung start na umalis sya, naging ganito na lahat..

Iam_che

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #3 on: August 16, 2012, 12:04:29 am »
i think its because nasanay sila.. kapag feeling mo abuso na, be firm na lang siguro to say no or d mo kaya yung favor nila..

Cocoyow

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #4 on: August 16, 2012, 07:05:43 am »
Thank you sis.. It takes practice and courage for me hehe.. Tnx ulit :)

Iam_che

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #5 on: August 16, 2012, 07:47:32 am »
Np sis..  :)

Pag d kaya ng powers, learn to say no in a nice way.. mahirap naman tumulong pero mabigat sa loob mo at ikaw ang nahihirapan..

ayami

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #6 on: August 22, 2012, 03:16:11 pm »

Pwede magrelease ng stress dito? nawawala na kasi yung RANT Thread. haha

Dear BIL's girlfriend

gustong gusto kong sabihin ito sa harap ng mukha mo. pero dito na lang, kasi nakuha mo na ang loob ni mother-in-law at ng dalawa pang sister-in-laws ko kakabigay mo ng regalo sa anak nila at kakaepal mo sa FB nila. pa-sympathy effect ka syempre. Pano, nung sinumbong kita sa pangaabuso mo sa yaya ni hubby nung bata sya e kala mo sarili mong katulong. Tapos todo deny ka pa. Bwiset.

hindi ako laitera, pero nalaman pa lang kita thru FB, gusto na kitang laitin. aba. hindi ka pa in-law e nakikigamit ka na ng apelyido namin for your e-mail! KAPAL MUKS LANG to think na 2 months pa lang kayong magsyota ni BIL and 4 months pa lang kayong magkakilala! Ibang level ang pagka-assumera mo. sabagay, yun naman ang goal mo diba? Oh. and I heard from our dearest lola na nahulihan kayo ng used condoms ng isa sa mga maids nila. pabuntis ka nalang kaya para ma-reach mo na yung goal mo? FYI, ayaw na ayaw ni lola sayo. pa-demure ka pa daw e gamit ka na daw siguro ng marami pang lalaki. Apir, lola!

feeling mo naman prinsesa ka. kung makapagpost ka ng mga regalo sa yo na chipipay naman, aba kala mo ginto. tapos kung makagamit ka ng iPad at iPhone 4S ni BIL kala mo CONJUGAL PROPERTY?! Grabe ka. feeling mo sa inyo na ni BIL yung unit sa Two Serendra? Kung makapagpaparty ka don, daig mo pa ang mga ate! Haller. di ka pa namin kapamilya, remember? So ikaw na ang Queen Bee ng barkada nyo. Fine. pareparehas kasi kayo na nambibingwit ng mga sipa sa UA&P. alam na alam na. umpisa pa lang, kayong magbestie. nalaman ko na rin ang kahirapan mo. feeling mo talaga ikaw na mayaman. e nakatira ka lang naman sa squatters area sa Taguig! papasundo ka pa sa hubby ko WITH OUR CAR?! My gosh. Ulitin mo pa yang kakapalan mo humanda ka sakin. Kotse yon ng family ko and not my husband's family, FYI.

I saw your feeling pretty post about the white party. Feelingera ka. Mataba ka pa rin kahit anong gawin mo! Dinaig ka pa namin ni SIL 1 kasi kahit nanganak na kami, HAMAK na mas payat pa rin kami sa yo! At ang mukha mo kahit anong make up hindi mapapatanos ang pango mong ilong! Antakaw mo daw sabi ng mga maids sa Lexington. Tapos kung makapagutos ka pa kay BIL, kala mo alila mo. Aba, kaninong pamamahay ka lang ba umeepal?

Kahit anong gawin mong pamamlastik, di ako makikipagkasundo sayo. Nag-away na tayo online. Dito ko tatapusin kasi ayoko mang bumaba sa level mo, kailangan kong ilabas ang galit ko sayo.

Mawala ka na lang sana sa mundong ibabaw. Hmp!

iamoptimistic

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #7 on: August 22, 2012, 03:43:34 pm »
woaaaahhhh!!! must say that's tough sis ayami. Hope you feel a lot better now  ;)

Cocoyow

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #8 on: August 22, 2012, 09:25:51 pm »
^^ di talaga nawawala mga feelingera sa mundo.. Kaya nyo yan sis :)

ayami

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #9 on: August 22, 2012, 09:36:42 pm »
nako mga sis. pinapagpray nga daw ng mga lola na magsplit na sila. mas matanda pa sakin yung girlfriend e, yung BIL ko 4 years younger sakin. haha. tapos 2nd year college pa lang sya :o

Cocoyow

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #10 on: August 22, 2012, 09:38:49 pm »
Maybe pagka graduate and mag work na BIL mo makahanap na sya ng pwede ipalit and mauntog na sya :)

ayami

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #11 on: August 22, 2012, 10:24:11 pm »
shocks, sis. 3 years from now or more pa yon... pero pwede na rin kesa forever

Cocoyow

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #12 on: August 22, 2012, 10:25:16 pm »
Wag lang mabuntis  :-\

iamoptimistic

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #13 on: August 23, 2012, 08:56:57 am »
Wag lang mabuntis  :-\


hahaha! KORAK!! tapos ang laban pag eto na scenario.. good luck sis!

ayami

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #14 on: August 23, 2012, 09:16:08 am »
haha tama kayo. dun matatapos ang lahat.  ;)

u8mypinkcookies

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #15 on: August 26, 2012, 01:37:58 pm »
ako nas-stress with my boss! sobrang yabang and talagang walang kwenta. haaaay i just drag myself to work everyday kaya plan ko na mag-resign. just praying magka-new offer na pero talagang eager na ko umalis sa company ko now >:( this is causing me so much stress na minsan sa init ng ulo mo, pati ibang tao nasusungitan ko na di sinasadya.

kaiz

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #16 on: August 26, 2012, 01:56:04 pm »
stressed. umabot na kasi sa point na although di naman na ako galit kay hubby, ayoko na talaga sa kanya :(

cristyles

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #17 on: August 26, 2012, 06:34:52 pm »
Nakaka-stress pag may kapatid ka na pumatol sa babaeng may anak na with not so good history  >:( . Sorry pero hindi namin siya  iaaccept sa family. I want a decent women for my brother at yung hindi ko ka age, kainis!

ayami

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #18 on: August 26, 2012, 07:05:33 pm »
Nakaka-stress pag may kapatid ka na pumatol sa babaeng may anak na with not so good history  >:( . Sorry pero hindi namin siya  iaaccept sa family. I want a decent women for my brother at yung hindi ko ka age, kainis!

^ exactly my thoughts with my brother-in-law! diba.

cristyles

  • Guest
Re: Release you stress here
« Reply #19 on: August 26, 2012, 07:19:36 pm »
Uu sis we share the same sentiments, super taas ng stress ko rin. Di ko alam kung naprepressure ba siyang maghanap nang makakasama sa buhay dahil nauna akong ikasal. Mas younger kasi ako sa kanya. Ilang months pa lang naman sila pero sana hindi sila magtagal at wag humantong sa kasalan. Headache!  :-\

Alam ko habol lang nung girl ang pera ng utol ko para masecure future ng 7yr.old daughter nya. Headache talaga! hay.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close