watch now

Author Topic: Helping others but in a wrong way  (Read 2912 times)

australis

  • Guest
Helping others but in a wrong way
« on: August 13, 2012, 06:15:19 pm »
Hi sis!

Gusto ko lang ishare yung problem ng family namin ngayon. Yung kuya ng husband ko nasa ibang bansa na dahil inisponsor ng GF, eventually ngoffer sila na kunin din si SIL. So okay na, nakasunod na si SIL sa ibang bansa, tourist visa ang hawak for 1 month lang ang validity. Hanap si sis ng work pero unfortunately, nahirapan din maghanap kasi naabutan sya ng ramadan. Ang ending na-expiran ng visa :( Pero before pa umabot na ma-expire ang visa nya, sinabi na nya kagad dun sa GF ni kuya. Si GF, ang sabi narenew nya na, after ilang days follow up si SIL, ang sagot ni GF inaantay pa daw nya yung taong tutulong sa kanya. Si SIL na nsa early 20s plang super paranoid na at ngwoworry sa pwepwedeng mangyari sa kanya habang expired ang visa nya, katakot kayang makulong at ngaalala siya sa babayaran ng kuya nya dahil palaki ng palaki ang penalty nya for expired visa. Takbo si SIL sa tito namin na andun din sa same country, hoping na may makausap sya at baka makatulong sa kinakaharap nyang problem ngayon. Btw, si Kuya at Tito not in good terms dahil ky GF, nung time kasi na inisponsor ni gf si kuya nanghingi si gf ng tulong kay tito pra makakuha ng visa ni kuya, si tito naman nakakuha kgad ng visa, nung time na hinihingi na ni tito yung bayad para sa visa pinagbukas bukas sya ni GF, hanggang sa my time na pinagtaguan na talaga sya, yun pala nakakuha na c gf ng visa ni kuya sa ibang tao, so dun nagstart yung conflict nila.

Mabalik tayo dun sa issue ky SIL, hehe since humingi ng help si SIL ky Tito ang ginawa nila nagpunta sa agency kung san kumuha si GF ng visa nya para tanungin kung anong pwede nyang gawin, ang siste ngkagulo kasi nalaman ng agency na under the table yung pagprocess nung visa ni SIL. Aware naman actually si SIL na under the table yung pagkuha ng visa nya, pero hindi niya alam at akalain na magiging ganon pala yung resulta ng pagpunta nila sa agency. Ang purpose lang talaga nila sa pagpunta don eh humingi ng advice kung anong pwedeng gawin. Nagkagulo kasi ang ni gf at risk daw yung work nung taong hiningan nya ng tulong pra sa visa ni SIL kasi nabuking na nguunder the table. Grabe yung paninisi ni gf at ni kuya kay SIL at ky tito, bakit daw ngpunta sila dun ng walang pasabi sa kanila, (hindi na kasi nila sinabi kasi nung ngpaalam palang si SIL kay kuya na pupunta ky tito galit na galit na kagad si kuya hanggang sa pinadadala na din yung damit nya ). Dahil daw sa ginawa nila nalagay sa alanganin yung trabahong nung taong ngmamalasakit daw at tumulong sa kanila. Bakit daw nangingielam si tito at hindi ngtiwala si SIL sa kanila. Si SIL ngayon sobrang lungkot na lungkot sa ngyari. Hindi nya kasi ginusto na mangyari yun, ngwoworry lang sya kasi nga TnT na sya at anytime pwede na syang dakpin ng mga pulis. :( Sa totoo lang nawalan din sya ng tiwala s GF ni kuya kasi nga paiba-iba yung sagot sa kanya pag finofollow up nya na yung bout sa renewal ng visa nya.

Question mga sis: Sino bang my kasalanan talaga sa ngyari? ang take ko kasi dito, lahat ng bagay na ginawa sa maling paraan magiging mali din yung kakahinatnan. Sabihin na natin na under the table yung visa ni SIL pra makapunta, ok, fine, pero yung renewal ng visa na ang resulta eh kulong pg di narenew iuunder the table din parang mali kasi buhay nung bata yung nakasalalay dun eh, sana prinocess nila ng tama yung renewal nung visa nung bata pra hindi nagkproblema.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #1 on: August 13, 2012, 06:39:58 pm »
I'll say stick with your tito. It seems he's the one who thinks rationally between the four. Better tell your SIL that whatever happens sa tito niya siya makinig. Dont give in to gf and bro

The damage has been done . Walang pwedeng magsumbatan
Sil - knew that it was an under the table arrangement sumige pa din. Okay sige hindi na kasalanan.. Kaso hindi nag-iisip
Gf - nag-asikaso.
BIL - accomplise

Anong nakakahiya na madamay yung "tumulong" kuno. Haller bayad kaya yun! Kaya nga under the table eh kasi pera pera ang usaan. Buti nga sa illegal recruiter >:(

Delikado si tito dito. Your SIL is under his care now. If mahuli SIL then si baka si tito ang lumabas na recruiter. Mautak si GF ha. Pinasa the problem to your tito then made drama na napahiya sila etc etc.
To make it worse andun gamit ng SIL mo na pwedeng gamitin ni GF and BIL pangdefense kapag nagkataon

Ingat kayo. Mautak si GF

tinapa

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #2 on: August 13, 2012, 06:47:27 pm »
kasalanan ni SIL na magoverstay kahit alam niyang mageexpire na ang visa niya. dapat umuwi na siya bago nagexpire kung wala naman siya nahanap na work. ngayon may risk na mahuli siya at magdeport, at bad record na siya sa immigration ng country na to, meaning hindi na siya ulit makakabalik in the future.

australis

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #3 on: August 13, 2012, 06:51:23 pm »
Thanks sa reply sis rianne_mallows :)

Nagdecide na si SIL na umuwi na ng pinas, nagkatrauma na kasi sa nangyari, kasi pinakita daw sa kanya nung agency na nasa listahan na sya ng watchlist ng CID para sa mga nag-tTnT. Binayaran na lang ni Tito yung penalty at binilhan na lang siya ng ticket pauwi.

Yun na nga sis binunton lahat ni GF yung kasalanan kay SIL at kay Tito, pero kung tutuusin siya ang nagpahamak sa lahat, kung hindi niya pala kayang kunin si SIL sa legal na proseso sana hindi na niya pinilit, kasi in the end si SIL din yung nagsuffer nung consequences sa pag-uunder the table nya. :(  Naintindihan namin na gusto niya lang makatulong at thankful naman kami don pero may mali eh. :( 

australis

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #4 on: August 13, 2012, 06:58:37 pm »
kasalanan ni SIL na magoverstay kahit alam niyang mageexpire na ang visa niya. dapat umuwi na siya bago nagexpire kung wala naman siya nahanap na work. ngayon may risk na mahuli siya at magdeport, at bad record na siya sa immigration ng country na to, meaning hindi na siya ulit makakabalik in the future.

sis tinapa wala din kasing magawa si SIL, pinaubaya niya yung processing ng visa nya kina kuya at gf, since hindi nya din kasi alam ang gagawin, hindi din naman siya sis ngkulang na paalala kina kuya na maeexpire na ang visa nya, wala din syang sariling pera nung ngpunta siya don kasi sila kuya ang gumastos lahat. Umasa siyang maaayos ni GF yung renewal ng visa niya hanggang sa na-expire na nga at dun sya naalarma kaya humingi ng tulong ky tito. :(

rianne_mallows

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #5 on: August 13, 2012, 07:06:39 pm »
Wala naman siyang choice. Uuwi talaga yun. Malas niya lang baka mahirapan siya makakuha ng visa kahit ibang country.

Mil and [textspeak!] mo? Ano position sa situation na ito?
Pasalamat kayo kay tito niyo hindi nagpabaya
So paano na nagasta ni tito? Thank you na lang diba?
Si Gf at BIL pa may gana magalit?  ::)

aquacharly

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #6 on: August 13, 2012, 08:28:31 pm »
If you are referring to a Middle East country na gawa eh tourist visa tapos look for work don -- Mali si GF & BIL.  Before pinasampa si   SIL dapat nag line up na sila several job openings/interviews.  Plus, that was negligent -  disregarding the Ramadan when work really slows down.

Hindi naman  sya na deport - so, IMO, no problem with  other visas.  Worst case -- with regards to the Middle East -- iwasan Nya lang that country where she overstayed.  Dubai & Qatar now have lots of hotel openings for office positions -- Admin/HRD. 

australis

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #7 on: August 13, 2012, 09:33:49 pm »
Wala naman siyang choice. Uuwi talaga yun. Malas niya lang baka mahirapan siya makakuha ng visa kahit ibang country.

Mil and [textspeak!] mo? Ano position sa situation na ito?
Pasalamat kayo kay tito niyo hindi nagpabaya
So paano na nagasta ni tito? Thank you na lang diba?
Si Gf at BIL pa may gana magalit?  ::)

sis si hubby b yung tinutukoy mo, ng-textspeak kasi.. si MIL at hubby nalulungkot sa ngyari at nagagalit din, kasi ipinagkatiwala nila si SIL kina kuya at s gf nya pero eto nga yung ngyari. Pakiramdam nila pinabayaan si SIL don. Nung ngexplain si gf sa amin ang bungad nya talaga ay wala daw silang kasalanan, hindi daw sila ngpabaya ky SIL, ginagawan naman daw nila ng paraan (under the table pa din :( ) bakit hindi daw ngtiwala si SIL. Feeling daw ni gf hindi sya nirespeto ni SIL kasi kumilos daw ng walang paalam. Naiipit daw sya sa ngyayari, bago pa kasi umalis si SIL, inofferan din nila yung friend ni kuya na magpnta jan, hiningan na nila ng pera pambayad sa visa at yun yung pinadala kay SIL para at the same time maging show money na nya. Since nabuking na under the table ang transaction nung pinagkukunan nila ng visa, ayun damay din daw yung visa nung friend ni kuya.

Yung gastos ni Tito ibabalik din sis pag nakaluwag luwag. Sobrang thankful din kami dahil my natakbuhan si SIL kahit papano.

australis

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #8 on: August 13, 2012, 09:39:19 pm »
If you are referring to a Middle East country na gawa eh tourist visa tapos look for work don -- Mali si GF & BIL.  Before pinasampa si   SIL dapat nag line up na sila several job openings/interviews.  Plus, that was negligent -  disregarding the Ramadan when work really slows down.

Hindi naman  sya na deport - so, IMO, no problem with  other visas.  Worst case -- with regards to the Middle East -- iwasan Nya lang that country where she overstayed.  Dubai & Qatar now have lots of hotel openings for office positions -- Admin/HRD.

Bago nga sis umalis si SIL ngsabi na siya kay GF kung okay pa ba na ngayon sya umalis kung kelan mgraramadan na, eh si GF sabi ok lang daw kasi my mga companies pa din daw na hiring tapos kung hindi sya makahanap ipapasok daw siya dun sa company nya, dun daw sure na matatanggap siya at si company na mgaayos ng visa nya. Eh nung hirap ng makahanap si SIL ng work, nagsabi na siya na dun na lang sya sa company ni GF kaya lang sabi ni GF nakabakasyon daw yung boss nya tapos hindi siya sigurado kung maaayos yung visa nya.. ayun ngworry na naman tong si SIL kasi another broken promise o paasa na naman from GF ni kuya :(

rianne_mallows

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #9 on: August 13, 2012, 09:47:40 pm »
Hmmmm.. Parang negosyo na ni Gf and kuya..  :-X

australis

  • Guest
Re: Helping others but in a wrong way
« Reply #10 on: August 13, 2012, 10:22:23 pm »
Sis sinabi din yan ng friend ko, kapag mga under the table daw na transactions malimit my kick back daw dun yung mga taong involved. :( pero sa case ni SIL wala naman silang makukuha kasi nga lahat sila ang gumastos, yung dun lang sa friend ni kuya ang problema. After mangyari yung gulo ngkausap si gf at SIL via chat, ayun pinamumukha ni gf n ang may mali sila SIL at Tito, ngsorry na yung SIL ko sa kanila, pero sila hindi umamin ng kahit konting pagkakamali nila, kahit nung nakausap nila si MIL hindi sila humingi ng paumanhin sa ngyari. :( tapos ngayon panay post ni gf s fb na stress daw sya at dissapointed sa tao (di nya tinukoy kung sino pero d kmi t**** para hindi magets kung sino pinatutungkulan nya) minessage nga ni hubby na tama ng pgpopost tungkol dun sa ngyari kasi baka mabasa ni SIL lalo [textspeak!] madepress, umuwi na ngang bigo dahil hindi siya nakatulong kina MIL eh na akala nya makakatulong na siya kasi nsa ibang bansa na tapos ganon pa yung mababasa nya sa bagay na hindi naman niya ginustong mangyari. hays

 

Latest Stories

Load More Stories
Close