watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 28)  (Read 96524 times)

princess lorraine

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #380 on: September 18, 2012, 03:30:29 pm »
^^sis, my friend once told me that the rooms in novotel nathan hotel are quite small.  :(

mizzybebz

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #381 on: September 18, 2012, 05:11:52 pm »
mga sis, okay lang ba mag-visit sa hong kong during dec 31-jan 4? or close halos lahat ng stores and sites ng dec 31 and jan 1 due to holiday? tia! :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #382 on: September 18, 2012, 06:59:13 pm »
Open lahat kahit holiday maliban pag chinese new year...

ysa.belle

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #383 on: September 19, 2012, 05:31:56 pm »
mga sis, malamig ba ang HK around 1st week ng november?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #384 on: September 19, 2012, 06:38:50 pm »
^hindi pa sis, bandang last week na ng november :)

omneecka

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #385 on: September 19, 2012, 07:52:00 pm »
^^ 3rd week of Nov is malamig lang until 8AM and from 5PM when i went there 2 yrs ago. :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #386 on: September 22, 2012, 05:08:41 pm »
super duper bad trip! hindi pinayagan ng immigration officer sa Pilipinas na makalipad ang yaya ko. Nakakainis! Ang dami hinahanap. Nagpadala na nga kami ng affidavit of support/ sponsorship letter, bank account ng asawa ko plus HK ID, hindi pa rin sya pinaalis.... hinihingan daw sya ng show money, e kaya nga may sponsor eh! then hinihingan din sya ng NSO birthcertificate ng sponsor, e may HK ID na nga at wala sya non dahil hindi naman sya sa pilipinas pinanganak. Tapos hinihingan din sya ng proof of relationship, ang dami naman ka ek ekan... i didnt know na ganyan na pala sila kahigpit e hong kong lang naman ang pupuntahan hindi america.... Sa mga sis natin na nagpunta ng hong kong as tourist ano pa ba ang hiningi sa inyo na documents? Naaawa ako sa yaya ko, ang dami pa naman nya dala tapos pumila pa sya para ma refund yung terminal fee at aiport tax, and nasayang pa ticket nya! Tapos ngayon mag isa sya babyahe papuntang probinsya, hay nako nakaka badtrip talaga.... kala ko masusundo ko na sya ngayon di naman pala sya natuloy.

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #387 on: September 22, 2012, 06:26:57 pm »
^grabe naman ang IO :o pag tourist sis, roundtrip ticket lang saka passport. pero mahigpit talaga sila lalo na pag solo ka, iniisip nila TNT ka or drug mule :-\

crybaby05

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #388 on: September 22, 2012, 06:49:55 pm »
^^grabe naman ang higpit. yung anak ko naman hiningan din ng NSO birth cert. pero orig birth cert. ang dala ko. okay naman.. roundtrip ticket and passport lang din hinanap saming 2..

question mga sis, plan kasi namin bumalik sa HK, we're thinking if before or after chinese new year. malamig pa ba by feb? Feb 10 ang chinese new yr, tama ba?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #389 on: September 22, 2012, 07:26:19 pm »
^yes sis malamig pa rin yan ;)

violet_dmd_75

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #390 on: September 22, 2012, 08:01:30 pm »
@sis prettybarbie, sa amin naman walang tinanong or hiningi ang io nung nag-tour kami sa hk last year, kasama ko asawa at anak and niece and nephew ko. although yung pinsan ko na solo traveller na nagpuntang sg, dami daw tanong ng io. muntik na daw siya maiwan ng eroplano...

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #391 on: September 22, 2012, 09:14:19 pm »
Hindi ko tuloy alam kung papupuntahin ko pa sya dito baka masayang na naman ang ticket, mag isa nga lang sya at first time nya aalis ng Pilipinas... Okay na ba ang 50K na show money? Mas makakabuti ba kung sasabihin nya na wala syang kakilala dito? ang dami pa kasing hiningin requirements nung pinakita nya yung affidavit of support. Akala ko makakatulong yon hindi naman pala. Nasa early 40's na sya, sapat na ba ang bank account, hotel booking confirmation, at round trip ticket? Hay nako sobrang naiinis talaga ko.

omneecka

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #392 on: September 22, 2012, 11:20:19 pm »
^nakakaloka naman sis nangyari sa yaya mo, sorry to hear that, IMO, following could be the reasons kung bakit di cia pinaalis:

1.) first time to travel nya
2.) masyadong mahaba yung travel period nya pero max of 14 days lang naman sa HK di ba?
3.) maybe kinabahan na cia nung kinakausap n cia nung IO

hmm.. ano p b? last year, i travelled alone sa HK and ok naman, naging smooth naman pag-alis ko, maybe because may stamps na rin naman kc passport ko pero yung kasabay kong guy na first time to travel and alone din cia, ok din naman, pinapasok cia. sobrang higpit na pala ng mga IOs ngaun.

sang airport yan sis? nung via T3 ako walang tanung-tanong. nung sa DMIA naman, hinanapan lang ako ng company ID.

:)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #393 on: September 22, 2012, 11:55:58 pm »
^ terminal 3 sis, first time nga nya, 9 days dapat ang stay nya... marami na palang nangyaring ganito lately, yung pinsan ng kaibigan ko ganito din daw ang nangyari sa clark naman, pati yung cousin ng katrabaho ng asawa ko nasa hong kong na pinabalik pa ng manila... Hanggang ngayon nag iisip pa din ako kung pano ba gagawin ko, susubukan ko ulit next week ibibili ko sya ulit ng ticket and this time tuturuan ko na sya na wag na sasabihin na may kakilala sya dito para di na sya hingan pa ng kung ano anong documents, magpapabook na din ako ng hotel nya para lang may maipakita sya na tutuluyan then papa cancel ko na lang later on.... hay nako nakaka pressure....

cartman

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #394 on: September 23, 2012, 03:26:58 am »
mga sis hows the weather in HK papunta ako tuesday. hindi pa ako nakaka empake.

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #395 on: September 23, 2012, 05:07:39 am »
^ paulan ulan pero di naman masyado

princess lorraine

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #396 on: September 23, 2012, 08:06:38 am »
How's the weather in hk pag end of feb? Super lamig pa rin ba? Thanks :)

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #397 on: September 23, 2012, 11:58:09 am »
^sis prettybarbie, kahit 20,000 pesos worth HKD na lang padala mo sa kanya. kasi baka pag peso magkaproblema pa sya kasi nga 10,000 pesos lang allowed na ilabas. kahit wala ng booking basta bigay mo na lang address mo para yon lagay nya sa embarkation card. then gawan mo sya ng itinerary para kunwari turista talaga ang dating. sabihin mo passport & roundtrip ticket lang pakita para wala masyadong tanong. wag nyang papakita pera nya kasi hindi naman talaga required yon ;)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #398 on: September 23, 2012, 01:40:41 pm »
^ hindi pala required yon, pero hiningan sya ng show money, as in hinahanapan sya ng passbook... Dahil kaya first time nya? Atsaka sis pano yung itinerary, nakasulat lang sa papel ganon ba?

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #399 on: September 23, 2012, 04:59:41 pm »
^oo type mo lang sis sa excel or word para kunwari turista kasi nga first-time nya. lagay mo na rin how to get there bawat tourist spot para makatotohanan. hehe! lokong mga IO yan naghihintay lang yan ng lagay eh. kelangan kasi confident ka pag sumagot sa IO para hindi ka nila masindak. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close