watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 28)  (Read 96484 times)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #200 on: August 30, 2012, 10:57:02 pm »
examiner30 bakit tanghali na kayo sa disney? Maganda sana kung maaga kayo don para mauna kayo sa pila sa mga rides and shows. Unahin nyo yung Golden Mickey Show and Lion king kasi maganda yon...kingdom room ba binook nyo? bibigyan kayo ng fastpass sa mga show na yon para di na kayo pipila... by the way punta kayo sa lobby ng 10 am kasi pumupunta don yung mga disney princesses, may pumupunta din sa kingdom lounge, so makakapagpa-picture na kayo sa hotel pa lang.

crybaby05

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #201 on: August 30, 2012, 11:47:31 pm »
^sis Kingdom room lang ba ang may fastpass? ang mahal ng kingdom room. 2adults and 1kid lang kami aalis by december or january, mukang malaki yata yung room diba?

:x:sassygirl:x:

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #202 on: August 31, 2012, 01:37:59 am »
~yufa~, yes automated. :) Better if magbook ka 2 months before ng stay nyo. :)

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #203 on: August 31, 2012, 01:41:45 am »
^^ yes sis, privilege yon ng mga kingdom club guests.... malaki sya may dalawang queen bed or 1 king bed plus balcony facing the mickey maze, sea, or park.

dime060608

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #204 on: August 31, 2012, 09:13:27 am »
^Same lang ang ambiance ng dalawa sis. 1 block lang ang pagitan nila, both are along Nathan Road.


thanks! Gusto ko sana sa Taisan kasi mukhang mas malaki room nila vs yiu fai, afraid lang ako sa mga nababasa ko negative review nya

imeego

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #205 on: August 31, 2012, 09:30:34 am »
we decided na nov 22-27 na lang travel namin and this is the itinerary given by our travel agent:

day 1-eta: 3:25 pm (we'll just stroll around the area na lang since hapon na then dinner at a nearby resto)
day 2- whole day disneyland tour
day3- whole day ocean park
day 4- (free day) baka we'll go to ngong pin and citygate in the morning then  the peak and avenue of stars sa gabi
day 5- (free day) baka mag-macau kami but we decided na day tour na lang
day 6- flight back to cebu at 9 am (ang aga :()

di masyadong hectic yung sched since kasama namin 2 yo son pero pwede ko pa siguro isingit konting shopping sa day 2 and 3 no? ;D   btw share ko lang, we availed of the package with the following inclusions: round trip via cathay pacific with airport transfers, accomodation at BP hotel with daily breakfast inside the hotel, whole day disneyland and ocean park...ok naman yung binigay na package pero feeling ko parang sobrang mahal :( gusto ko sana mag-DIY na lang pero against si hubby kasi priority nya yung comfort ni baby..pero nung ni-compute ko, if kami ang mag-book directly ng airline tickets and hotel accomodation, makaka-save sana kami ng around 25k :-\


jhandee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #206 on: August 31, 2012, 10:02:38 am »
mga sis for 4N/5Dstay ok na ba $300 u.s dollar na pocket money for 1 person?and is it advisable na HK dollar na lang kesa US ang dalhin?sorry kung na tanong na to sa previous page di na kasi ako nakapag back read thank u po

gorgeous_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #207 on: August 31, 2012, 11:07:19 am »
^it depends, kung hindi kayo magshoshopping at hindi kayo makain, hehe, tska kung anong pupuntahan nyo...HK-Macau na ba yan? sabagay kami kasi 16k/pax ang nagastos namin for our trip, HK-Macau at may prefer na talaga kaming places to visit, kaya nabudget na din namin

nagpapalit kami ng konting HKD, tapos US dollars na dala namin, pinapalit na lang namin don, sabi din kasi ng mga friends ko, mas ok daw US dollars dalhin, mukhang ok naman, kasi yung dala ko namang money, may sobra pa non, but again, it depends on you iti :)

jhandee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #208 on: August 31, 2012, 12:12:44 pm »
ibig sabihin sis posibleng kulangin ang $300 usd per person pag kasama na disney,ocean park, the peak and other tourist spot?naku makain pa naman yung 2 kasama ko, so atleast $500 usd siguro ok na yun?kala ko bawal magdala ng more than P10k sa immigration?pano kapag $500 usd?
« Last Edit: August 31, 2012, 01:52:30 pm by jhandee »

cotton

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #209 on: August 31, 2012, 01:14:12 pm »
hello po ask ko [textspeak!] po sana if may kailangan na travel document going to HK? yung kasama po namin na isa daddy [textspeak!] nya kasama nya..2 family po kami..sensya na po first time to go to HK and out of Phil. sa may clark po kami sasakay..tnx much po.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #210 on: August 31, 2012, 01:39:57 pm »
@jhandee: pwedeng kulangin sis, bawal magdala ng more than 10k pesos, kaya gawin mo na lang, dollars na lang  ang dalhin nyo, hindi naman kayo siguro lalagpas ng 10k US dollars, hehe, or HKD, or pwede ka ding magdala ng credit card, basta always bring extra cash :)

jhandee

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #211 on: August 31, 2012, 01:54:53 pm »
naku ganun ba sis first time to travel pa naman namin outside sana maging smooth, sige magsave na lang ulit para additional pocket money. salamat sis ha! :D

dime060608

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #212 on: August 31, 2012, 03:47:41 pm »
just called ate yolly today to confirm again my reservation since I am planning to deposit my payment na thru paypal. second week of august lang naman ako nagbook sa kanya and november pa naman yun, sabi ba naman sa akin, baka wala na daw reservation ko, ichecheck muna daw nya and I was also
asking kung anong room yung binibigay nya sa amin, sabi ba naman, hindi nya daw alam..grrrr..ano ba naman klaseng reservation staff yan  >:(

examiner30

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #213 on: August 31, 2012, 05:11:10 pm »
examiner30 bakit tanghali na kayo sa disney? Maganda sana kung maaga kayo don para mauna kayo sa pila sa mga rides and shows. Unahin nyo yung Golden Mickey Show and Lion king kasi maganda yon...kingdom room ba binook nyo? bibigyan kayo ng fastpass sa mga show na yon para di na kayo pipila... by the way punta kayo sa lobby ng 10 am kasi pumupunta don yung mga disney princesses, may pumupunta din sa kingdom lounge, so makakapagpa-picture na kayo sa hotel pa lang.

Ganun ba sis. Iniisip ko kasi mag checkout muna kami sa Disney Hotel bago pumunta sa park. Pwede bang mag iwan ng luggages dun? Sobrang mahal naman na kasi pag 2 nights KC room ang book ko. Gusto lang naman namin maexperience ng kids yung goodnight kisses ni Mickey and the morning greetings ng Disney princesses plus yung unli drinks for adults. hehe Ang isang naiisip ko kasi na option para hindi masyadong mahal eh 1 night kami sa Hollywood yung pinakamurang room then 1 night sa KC room sa Disneyland Hotel. Hindi ba hassle magtransfer from Hollywood to Disney?

lheimatte

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #214 on: August 31, 2012, 06:19:33 pm »
Mga sisses, regarding sa fast pass, normally magkano yung additional cost? Worth it ba to get one?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #215 on: August 31, 2012, 06:27:49 pm »
^^ sis pede nyo iwanan mga luggage nyo don tapos balikan nyo na lang sa gabi, hindi naman hassle ang transpo don going to park and the two disney hotels kasi may sarili silang shuttle bus na pabalik balik every 15 or 20 mins. From the shuttle bus station pag dating nyo ng Disney unang dadaan at magbababa ng mga guests sa Disney Hollywood hotel then sa Disney hotel naman, Ganon din pagpapunta ka ng Park, From Disney hotel to Hollywood hotel then to Disney Park. Mga 8-10 minutes lang ang layo ng hotel sa park. Okay din naman ang hollywood hotel pero pansin ko lang grabe ang dami ng tao don, napaka crowded, atsaka kung don ka magbu-book sa breakfast ka naman gagastos, pero meron don kainan yung Hollywood and Dine mejo mura food don mga HKD 50 plus


^ free lang sya sa mga kingdom club guests,  okay sya kasi di ka na pipila, may special lane para sa mga holder nito
« Last Edit: August 31, 2012, 06:29:21 pm by prettybarbie »

examiner30

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #216 on: August 31, 2012, 07:18:45 pm »
^ganun ba sis. thank you sa tips. ngayon mas gusto ko na ata mag 1 night sa cosmic then lipat disney then finally 2 nights sa GC. kung kunyari sis 2nd day kami mag disney pero checkin pa lang kami sa disney hotel ng 12nn pano kaya namin magagamit yung priority pass? parang mas okay pa pala atang first night na lang sa disney then the next day disney park then checkout lipat sa cosmic. palagay nyo mga sis?  ???

crybaby05

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #217 on: August 31, 2012, 08:12:11 pm »
ano ba pinagkaiba nung hollywood hotel and disneyland hotel?

yung fastpass sis prettybarbie, selected attractions lang nagagamit?

prettybarbie

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #218 on: August 31, 2012, 08:22:35 pm »
^^anong oras ba ang arrival nyo sa HK? Mas okay kung first night nga sa disney para ma enjoy nyo din yung facilities don like yung pool and makapag relax kayo sa lobby, ang ganda don very elegant ang setting tapos may live orchestra pa playing disney music all day. Actually ganon ang ginawa namin, nung first day andon lang kami sa hotel hindi muna kami nagpunta sa park, bale nagswimming lang yung mga kids, tapos nagparticipate sila sa mga activities sa kingdom lounge, then namasyal din kami sa kabilang hotel (hollywood hotel). Sinulit namin yung hotel LOL. Then the following day nung nagcheck-out kami saka lang kami namasyal sa park, pero sa hotel pa lang nakapagpa-picture na kami sa mga characters kasi laging may dumadating don sa lobby, pati sa kingdom lounge, lalo na don sa enchanted garden nung nag dinner kami, andon sila lahat umiikot sila sa table. Nung first night napanood na din namin sa balcony yung fireworks kaya nung nagpunta kami sa park, puro rides and show lang, wala ng picture taking hehe.


^ dalawang fastpass ang binigay samin para sa apat na show, bale kasama don yung Golden Mickey, Lion King, Winnie the Pooh, nakalimutan ko na yung isa. Yung Disney Hollywood hotel aside from cheaper sya Modern Hollywood style ang theme nya, yung Disneyland hotel naman Victorian style, mas malaki sya and mas elegant ang interior
« Last Edit: August 31, 2012, 08:26:22 pm by prettybarbie »

examiner30

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 28)
« Reply #219 on: August 31, 2012, 08:30:48 pm »
^wow sis! your past post really helped me decide.hehe 7:40am kasi yung EtA namin sa HK pero wala pa kami balak mamasyal kasi dating pa lang yung 2 brothers ko (adults naman na) ng 6PM dahil magkaiba kami ng flights. so instead of malling pa cool na lang kami sa hotel. yehey! solved.hehe tapos 2nd day na kami mag disney. yung drink all you can nila sis may oras ba? kasi baka sulitin ng adults ang beers at ako na lang sa wine.  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close