^sis pampam, yung disney at ocean park, wag nyo na lang pagsunudin, nakakapagod kasi, based on our experience, haha, wala kaming ocean park, mas gusto kasi namin ang disney, at kasama pa namin si mommy, kaya baka sobrang pagod na siya, as expected, ayun, sumakit ang tuhod nya,
kami naman ang una namin, Macau, 1 day yun, tapos tawid ng HK ng hapon, medyo nakakahilo na yung alon, kaya bring bonamine, and as much as possible, matulog nawala yung hilo ko nung umidlip, puro hangin nga lang kami pag baba, hahaha
2nd day tour sa HK, avenue of stars, nan lian garden, ladies market, heritage park, tpos symphony of lights...
3rd day, whole day kami sa disney, monday kami pumunta, pero ang dami pa ding tao, kaya hindi namin nasakyan lahat, tapos mga 10pm na kami nakaalis sa disney, kasi ang dami din ng pila palabas, tska nagpahinga na din kami ng kauti, kasi ang sakit na ng paa namin, LOL
4th day, pumunta kami ng Snoopy's world, Ikea, Buddha, tapos libot sa TST
sa Cosmic kami nag-stay, maliit lang siya, for 4pax na yun, nagulat lang kami, kasi tiles yung wall, hehe, para kaming nasa malaking banyo, LOL, kakaiba lang, pero mostly ganon ata talaga ang style ng hostel don, you might want to try Golden Crown, fully booked na kasi nung nag-ask ako before

Yung kakahanap ng places, I suggest na kunin nyo na sa internet yung directions papunta sa mga tourist spots na gusto nyong puntahan, ganon ang ginawa namin, madali naman, considering na may MTR, yung MTR kasi same lang sa korea at SG, so alam na namin kahit papano intindihin
