watch now

Author Topic: Macau Guide (Thread 6)  (Read 102144 times)

imeego

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #200 on: November 28, 2012, 06:45:28 pm »
just got back from our trip...25-26 kami nasa macau and stayed at hotel sintra...ok naman weather nung dumating kami pero kinabukasan umaambon, sobrang lamig ng weather..after lunch sakay na kami ng ferry back to kowloon, sobrang alon na, feeling ko katapusan na namin ;D

prettybarbie

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #201 on: November 28, 2012, 06:55:49 pm »
Haha natawa ko don sa feeling mo katapusan nyo na  ;D

Maambon talaga noh hanggang ngayon umaambon pa din dito walang tigil

imeego

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #202 on: November 28, 2012, 07:24:29 pm »
^grabe kasi sis, gumegewang talaga yung ferry ;D...22-27 yung trip namin pero parang araw-araw nga ata umaambon, sobrang ginaw

michi247

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #203 on: November 29, 2012, 04:30:08 am »
^natakot naman ako dito. baka masuka ko or anak ko sa ferry.

prettybarbie

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #204 on: November 29, 2012, 05:23:44 am »
Sis painomin mo ng bonamine bago sumakay then patulugin mo pag nakasakay na kayo, 1 hr ang byahe so pede kayo umidlip.

michi247

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #205 on: November 29, 2012, 05:59:53 am »
^sana umeffect ang bonamine. hehe! panay check ko ng weather talagang maulan, sana sa biyahe namin walang ulan.

question pala. yung luggage ba icheck-in din o kami magpasok nun sa loob ng ferry. may bayad ba?

rocky

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #206 on: November 29, 2012, 09:25:48 am »
^1 hour before kayo sumakay ng ferry, effect naman yan sis ;)

prettybarbie

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #207 on: November 29, 2012, 03:31:54 pm »
^^ kayo magpapasok non sa loob ng ferry, walang bayad

michi247

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #208 on: December 01, 2012, 07:11:53 am »
ok naman pala biyahe namin sa ferry, hindi naman maalon. pero parang amazing race sa terminal kasi 6:15 kami dumating and 6:45pm yung trip namin. super madali sa paglakad at sa pagfill-up ng form. tapos umupo kami sa super class lounge, kaya pala tinitingnan kami dun pagpasok namin pero wala naman nagpaalis. nung nagtayuan sila labas din kami, dun ko lang nakita na super class lounge pala yun. hehe! dun pala ko tinuturo ng manong sa kuhaan ng seat number magkatabi kasi yung gate 3 at super class lounge.  ;D

kaso nahirapan kami hanapin yung hotel sintra, wala kasi shuttle pagdating namin, sabi nung isa dun mag grand lisboa kami. so ayun ang layo lakaran lalo na at ayaw na maglakad ng anak ko. 

sana lang hindi maulan ngayon at ng makapasyal kami.

prettybarbie

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #209 on: December 01, 2012, 07:24:06 am »
sis punta kayo sa city of dreams matutuwa anak mo don

michi247

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #210 on: December 01, 2012, 07:46:25 am »
^sige punta kami.  :) sana lang di ako malost dito. nasanay ako sa mtr ng hk. hehe!

cj_09

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #211 on: December 02, 2012, 05:29:14 am »
is it possible kaya kung magwalk-in na lang kami sa mga hostel or guesthouse sa macau?

rocky

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #212 on: December 02, 2012, 10:59:09 am »
^extra challenge yan sis, kasi ang layo ng lalakarin nyo plus may bitbit pa kayong luggage & ang pinaka-challenge eh yong makipag-usap ka sa mga chekwa na hindi marunong mag-english. thursday-sunday uber mahal ng rate sa macau :'(

prettybarbie

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #213 on: December 02, 2012, 10:32:37 pm »
amazing race din kapag tanghali na ang flight nyo baka abutin kayo ng gabi na wala pang nahahanap na matutuluyan lalo na kung peak season ang punta nyo

dime060608

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #214 on: December 03, 2012, 07:44:44 am »
Mga sis can i bring fish oil sa checkin luggage ko? Was able to bought 4 big bottles sa hk nito eh

rocky

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #215 on: December 03, 2012, 09:45:09 am »
^alam ko ok lang yan basta check-in ;)

michi247

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #216 on: December 03, 2012, 02:33:30 pm »
back to Phil na kami. agree ako kay sis rocky, parang ang hirap nga maghanap ng hostel o guesthouse dito sa macau. yung hotel sintra nga nahirapan pa ko hanapin kasi nga di naman marunong mag-english yung napagtanungan namin.

day 1 since gabi na kami nakarating sa hotel hindi na kami lumabas. si hubby na lang bumili ng food sa macau recipes sa senado square.

day 2 sa mcdo na lang kami nagbreakfast at nag-ikot na sa senado square, church, ruins of st. paul, macau museum and monte fort. bumili na rin ng pasalubong sa ko kei. dahil nabusog kami sa free taste, pork buns na lang kinain namin sa lunch. back to hotel na kasi pagod na sa kakalakad.

nung hapon nagpunta kami ng MJ gallery at back to senado para photo op ng gabi. hindi ko makita yung lechon macau sa new yaohan mall so nag 7-11 na lang kami na malapit lang sa sintra for dinner.

day 3 dahil malapit lang 7-11 at MOP 25 meron na kami rice meal dun na rin kami bumili breakfast. then punta kami fisherman's wharf. kainis lang kasi di namin napanood yung tree of prosperity kasi under maintenance siya. sayang!

nagcheck-out na kami at punta sa COD and Venetian hotel, hindi na kami nag galaxy kasi napagod na kami sa kakalakad din. nakakaligaw pala sa loob ng mga hotel sa sobrang laki. buti may pinoy na mga nagwowork sa venetian na napagtatanungan namin.

mura yung water sa lord stow's bakery kaysa dun sa food court.

nakauwi ako na walang ginagastos sa transpo sa macau, puro free shuttle kami at lakad. nakaalis din ako na hindi ko nakita ang shuttle bus ng hotel sintra, laging lost pag sasakay kami. 13 degrees kahapon so sobrang ayaw na namin lumabas ng hotel at malamig. hehe!

rocky

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #217 on: December 03, 2012, 04:30:09 pm »
^hehe! nasa corner lang yong resto sis sa loob ng foodcourt ng new yaohan mall. kung may nakita kang super habang pila, yon na yon. pero agree ako syo, fave ko rin 7-11 for breakfast. napagod na rin ako kakalakad kaya hindi ko rin napuntahan ang galaxy, nong nakita ko sya sa bus hindi na ako bumaba kasi ang layo na naman ng lalakarin pabalik. ;D

kikaygimikera

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #218 on: December 03, 2012, 11:28:35 pm »
Hi sis! Sa Friday na po ang alis namin to Macau. Hindi kami mag check in sa first night kasi super mahal yung rates nung dating namin doon. Just want to ask, if merong open na establishments around San Ma Lo kasi ang plan namin ni BF ay, pagdating namin airport, direcho kami ng Galaxy to put our baggage then shuttle to Starworld then mula dun ikot ikot na kami doon sa area from the Casino's to eating places. Ang tanong meron bang open? We will be bringing USD kaya, san kaya pwede magpapalit doon? Naisip ko sa Senado Square pero baka sarado pa.

rocky

  • Guest
Re: Macau Guide (Thread 6)
« Reply #219 on: December 04, 2012, 09:33:47 am »
^sis, maagang nagsasara mga establishments don :-\ sa mga casino lang kayo pwedeng tumambay :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close