Im not sure pero sinabi ko naman sa kanya na 40-50 lang ang (possible) guests ko. Pero nagsend sya sa akin ng link nung packages. Siguro kailangan lang na magkausap kami ulit para maverify ko kung talagang may new policy. Sayang naman kasi kung nag set sya ng minimum, hindi na sya pwede sa mga very intimate wedding, diba?
Sis nag worry ako sa sinabi mo kanina, so I sent PM to kuya willie, and sabi nya nga ever since daw min of 100 guests sila. Sabi ko last year sir, meron po kayong August Bride na nag positive review sa GT and Blog nya na 80 guests lang daw po sila. I am not sure lang kung addt'l pa yung head ng suppliers na present hanggang reception.
Sa notes din kasi ni kuya willie sa package B, walang nakalagay na MIN of 100 heads, so I assume per head ang computation. Then meron pang bride na nag below 100, so akala ko talaga pwede. Medyo na sad ako dito. Huhuhu! Ano kayang gagawin ko? Na set ko na kasi yung computation budget namin for 70-80 guests max. =(
Sabi ni kuya willie, nalulugi daw sila kapag hindi min of 100 eh. Kaya ganun. Na price lock ko pala sila since last year pa ko nag book, kasi nag increase na pala ng packages ang L&J.
Kayo sisses ano mga splurge and tipid nyo? Ako medyo splurge sa venue siguro tapos rtw dress, affordable hmua, cheap flowers, mid range caterer, and mura pero up and coming photog. Trying to decide if tipid otd like k events sa tagaytay or sa mga mas kilala.
Ang quote sakin ni Artuz is 10K sis, tagaytay based din ata sila. Ito yung mga tinipid/titipirin ko samin:
Invites - 15-20 pcs lang pa print ko para sa PS at maiiwan samin
Flowers - (Locals Only)
Ento Gowns - (KKB dahil friends naman namin sila)
Venue - (Casino Filipino. Malayo sa Caleruega pero ito yung pasok sa budget, bawi nalnag kami sa foods, kasi di namin titipirin ang food at set up. hehe!)
Bride & Groom Outfit - (RTW or Local Tailor Made lang)
OTD - (Kahit hindi well known nung time na binook namin sila, tiwala lang kasi madami naman + feedback. Sobrang mura nung na book ko sila last year. Win Win!)
Cake - 1 Tier Only (kasi kahit gaano kataas, 1 tier lang ang edible. Lol) Sponsor ng OFW friend ko ang 100 pcs cupcakes for souvenirs nalang sabi ko.
Well Invested namin ang:
Church - Dream Church (kahit destination, keri! HAHA!)
Food - Para matuwa mga guests
P/V - Kasi ito nalang ang maiiwan samin after the wedding (hindi sya sobrang mahal, pero I love the quality of their works. Affordable actually, pero alam kong maganda ang outputs, may heart at passion ang team para sakin.)