Wow may vivid essentials thread na pala! I've tried their product, nitong december lang. Yung set yung binili ko kasi sale sila that time. Advance l-peel, 24k soap and yung whitening body cream.
Sa peeling part, after 3 days after kong magapply nung advance l-peel nagstart na magpeel yung balat ko, sa kamay nga lang

but for the body part like arms & legs. Mga 1 week. I tried the peeling kasi nagpaleave ako sa work. Ang kaso yun nga 1 week na, di pa completely peeled yung balat ko, actually kinukutkot ko na nga yung skin ko para lang magpeel na siya completely pero may balat na sadyang ayaw magpaawat.

Ayun nung pumasok na ako sa work may mga balat balat pa ako sa leeg, and syempre di maiwasan tignan ng mga officemates ko.. Super obvious ng peeling if you would ask me. Hindi mo talaga siya matatago.

I think ganun naman talaga kapag peeling, pwera na lang kung micropeeling lang yung gagawin nung product di masyadong halata. Ito kasi parang macropeeling so obvious talaga. 3 weeks siya before completely mawala yung peel ng buong katawan ko.
I would recommend sa mga sisses natin na kailangan nasa bahay lang the whole peeling process at nasa matagalang bakasyon (for my experience

) kasi bawal maarawan while peeling. Iwas talaga dapat sa araw tsaka nakalagay din yung sa instruction na binigay sakin. For me mejo nahirapan ako sa peeling part talaga kasi after mong ipahid yung pang peel you should not take a bath for 3 days. Pati hair ko diko maliguan kasi mababasa yung hands ko, May pagkaO.A kasi ako, para pantay pati kamay.
The soap na 24K hindi effective, sayang bili ko pero parang may mga beads siya na nageexfoliate sa deadskin. But I find kojic more effective and sa lotion body whitening cream, mabango siya and nagwhiwhiten yung skin ko after applying it, sad part after 5 minutes humuhulas na yung whiteness,

back to normal pero maganda siya and non greasy.
I hope my experience help, maganda yung l-peel tsaka yung lotion kaso mejo matrabaho sa peeling part like any other peeling products.