watch now

Author Topic: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)  (Read 72539 times)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #240 on: September 26, 2012, 07:08:21 am »
Nga pala mommies, nagbabasa ako ng mga article tungkol sa galactagogue foods and nabasa ko na yung hops eh nakakadagdag ng milk. Naalala ko tuloy yung commercial ng Colt 45. Mas madami daw hops. Tapos nabasa ko na yung bear "daw" eh nakaka increase talaga ng milk supply. Kaso baka malasing naman si baby?


ROlled oats ang new BFF ko ngayon sa pagBF

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #241 on: September 26, 2012, 05:36:47 pm »
Waaah ang dami ko na miss... Hirap magkasakit. Akala ko ako na ang last, bigla  alang nag emergency call school ng 2nd kid ko nag fever naman sya. Haaayz... Observe nanaman kami...

Sis slovy, why not consider a lactation consultant baka maka tulong para mabalik sa pag direct nursing?

Sis thea humina ba supply ng milk mo?

Teething -- si syoti ko kaka 4mos lang kahapon (25). Yung signs ng teething napansin ko na kay syoti... Sakit mang gigil sakin.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #242 on: September 26, 2012, 07:31:53 pm »
Sis M.O.I bute magaling ka na. Nako sana gumaling agad yung bagets mo. Hindi naman humina, mas dumami nga ng kaunti pero parang nakakamiss na din yung madaming milk. Para hindi ako mag aalala kung sakaling kelangan kong mag O.T sa opisina. Akala ko kasi dati prublema ko yung mga nakatambak na t-shirt dahil sa gatas. Ngayon mas prublema ko naman kung magugutom si bagets.


Share ko lang. Hindi ko masyadong naasikaso si baby boy ngayon dahil next week wala na akong work. Eto apply apply ako online. Nagresign na ako dahil hindi ko na kaya yung 5 a.m na work. Taga antipolo ako at minsan hapon na ako nauwe. Eto job hunting naman. Sana makahanap agad ng work para may funds kaagad.


Kung gagawan natin ng pelikula ang mga baby natin eto ang sa tingin ko bagay, "Attack of the teething babies." :)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #243 on: September 26, 2012, 10:43:29 pm »
ahaha! sis, ano ba line of work mo? baka i can help you, if you're interested. pm me.

anyway, i really need breastfeeding moms for support, parang ang hina nga kasi ng supply ko, but my cousin keeps telling me naman na our breast produces milk kung ano lang nga need ni baby.. im afraid humina milk production ko..kaya i have to research if ano ba ginagawa ko na mali..
ano yung rolled oats? pwede ba yung instant oatmeal?

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #244 on: September 27, 2012, 06:00:16 am »
Sis cass mas ok yung rolled oats kasi hindi sya masyadong processed kasi yung instant oatmeal pre-cooked na kaya nagiging instant, saka mas maliliit yung grains nacut cut na talaga para mas mabilis maluto. May rolled oats sa grocery, austalian harvest ata yun. 54 pesos lang yun sa puregold. half a kilo ata yung nabili ko. napansin ko kapag nagmamadali akong magpump mas kakaunti yung napapump ko na milk. Minsan nga mga ilang pump na ako wala pa din. try to relax. as in relaaaaaaax. :) give time mga 15 minutes. Tyaga tyaga lang.

And oats nga pala is rich in iron, need nating mga mommy ang iron lalo na sa pagpoproduce ng milk. Kaya yung ibang BF mommies anemic dahil kulang sila sa iron.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #245 on: September 27, 2012, 09:05:22 am »
ah sige nga! buy ako nyan, try ko and sana magtuloy tuloy lang milk ko.. namayat kasi pansin ko si baby pero sana magtuloy na ulit milk kasi ang hirap bumili ng formula! ang mahal! ahhaha!

tiramisu_girl

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #246 on: September 27, 2012, 12:31:25 pm »
Mga sis, pag humina ba supply milk ng aadd pa kau ng formula? My pedia kasi advice me to give formula khit one oz [textspeak!] daw after feeding baka daw kasi di n enough milk ko.

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #247 on: September 27, 2012, 01:19:06 pm »
^sis, hindi pro bf ang pedia mo. lipat ka na lang.

basa ka din doon sa breastfeeding thread... hihina lang supply mo if hindi ka mag direct feed and if you introduce formula/bottle sa baby.

tiramisu_girl

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #248 on: September 27, 2012, 01:28:26 pm »
Thanks sis wengerts sa reply..

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #249 on: September 27, 2012, 03:31:14 pm »
Mgs sis.. curious lang.. nakaka ilang oz. kayo in a day sa work? direct feeding ako pagkauwi... then nakapag PCV na kami last time.. sa Monday 3rd dose ng rota.  Kakatuwa na mga babies natin... baby boy ko kinakain na rin thumb nya.. yung para ngang may sinusingkit.. hehe!  tsaka.. regular na ba menstruation nyo?  nagkaron na kayo?

seTHer

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #250 on: September 27, 2012, 04:21:43 pm »
ako sis wala pa july ata ako nagkaroon pero konti lang. liners nga lang nagamit ko kasi di sya malakas

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #251 on: September 28, 2012, 06:13:11 am »
sis faithfaith nagkaron na ako. pero onti onti lang. mukhang naging regular na nga ako dahil nagkakaron ako kapag nagcecelebrate kami ng monthly birthday ni baby boy, so kapag 28 na ayon meron na ulit ako. like today :)


kapag nag papump ako mga 12oz minimum ang napapaump ko. minsan kasi 2 times lang ako nakakapag pump tapos sa bahay naman 3oz sa isang breast kapag dumedede sya. Or kapag busog naman si baby at nagpapump ako pagkauwe mga 5 oz

Ann_2128

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #252 on: September 28, 2012, 11:34:58 am »
Hindi pa ako nagkaka mens, 4 mos na si baby sa katapusan.

Ako naman, ngayon mahina ang gatas ko nakaka 8 oz lang ako , 2x lang kasi ako makapg pump. Stress sa trabaho, madalian lagi ang pump ko. sa bahay na lang ako continue bago humingi si baby, nakaka 4 oz ako. direct feeding na kasi ako sa gabi, ayaw na ni baby mag bottle pag gabi na. nacondition na siya na, pag katabi ako, sa akin lang sya dede.

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #253 on: September 28, 2012, 01:17:20 pm »
pagka coding ang output ko is 18-20oz. on regular days, mga 12-15oz lang.
wala pa rin akong period. 1year ko nang binoboycott ang mga manufacturer ng sanitary napkins hahaha!

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #254 on: October 01, 2012, 06:23:37 am »
swerte mo sis weng! ako pantyliners lang gamit. yung nanay ko nag aakalang buntis na naman daw ako dahil hindi nya alam kung nagkakaron ako. gusto ata may attendance ang monthyl period ko haha

seTHer

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #255 on: October 01, 2012, 07:15:39 am »
hahaha ako naman kung kelan bumili ng napkin saka naman walang mens.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #256 on: October 01, 2012, 08:31:09 am »
mga sis sorry hindi pa ako nakaka reply kaagad...

sis cass, dito lang kami for bf support :) baka humaba sis si baby? and same pa din weight or nag increase weight? or nag lose sya weight? ang alam ko sis, nag iiba din naman content ng milk natin habang lumalaki si baby. kaya naibibigay nya nutrients na necessary for baby :) dibale sis may long weekend naman sa katapusan :)

sis wengerts, ako din hindi pa nagkaka mens. pcos kasi ako eh :) uy email ko sayo promise!

kwento ko lang, si yaya naman ang sick ngayon :( nalipat naman sa kanya.
tapos si 2nd ko, nakapag pa xray na. negative sa pneumonia, yun lang positive sa primary complex :(

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #257 on: October 01, 2012, 10:56:51 am »
sis thea, naloka ako sa mudrakels mo! baka may period tracker yan tapos schedule mo tee hee!!!!

ganyan ako sa mga yaya ko nyahaha! sagot ko kasi ang sanitary napkins nila. so pag di nagsasabing kailangan na nila ng supply, sasabihin ko, "buntis ka ba?" hahaha! ayun pala kulang ang binibigay ko (or ayaw nila ang brand na bili ko haha arte!) so may sobra pa sila

sis moi, super waiting ako sa email mo :D thanks ha!!!  :-*

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #258 on: October 01, 2012, 11:49:05 am »
aw nako naman si M.I.O sana gumaling na agad si bagets mo. Anong signs ng primary complex? Si baby  boy kasi madalas napapansin ko may sipon sya sa hapon as in kapag hapon lang. lalo na kagabi may nalabas na sipon sa isang butas ng ilong nya, laging don lang. tapos umiiyak din sya. di ata makahinga

sis wengerts oo naloloka ako dun sa nanay ko na yon. may sa pulis. balak ko na ngang ikabit yung pantyliner sa kalendaryo kapag nagkakaron ako haha pasensya na kung medyo gross.  ang swerte naman ng mga yaya mo libre napkin!

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #259 on: October 01, 2012, 02:56:33 pm »
Ahh.. ako din kasi mga sis wala pa.. uhmm.. baka kako ako lang ehh.. :-)  nagbabalak na nga akong magpa check up kay OB ehh.. tsaka magpapa flu vaccine kasi ako.. nagbbyahe kasi ako so immune sa bacteria.. lalo na mag december.. uso colds.. ayoko mahawa si baby..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close