watch now

Author Topic: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)  (Read 72524 times)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #200 on: September 20, 2012, 05:51:25 pm »
Nako si baby boy nahawa na ng sipon ko. May clear na liquid na lumabas sa ilong nya.. :(

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #201 on: September 20, 2012, 09:54:48 pm »
naku hindi pala ako nag-iisa..mahina din supply ko. dati may 30oz ako sa ref. ngayon wala na. pump ko ngayon, feed kay baby the next day.

isipin nalang natin mga sis na mas madami nakukuha si baby na milk kaya unti lang napupump natin. as long as mabigat naman na sila. 7.5kg baby boy ko.

sm megamall din pala ako pwede during weekends!

sis thea, dr. manalo ang pedia ng baby ko! haha. mura nga talaga sa kanya.

rotavirus vaccine-3500 sa pedia ko dito sa antipolo

slovy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #202 on: September 20, 2012, 10:24:18 pm »
Hi mga sis.. I am so depressed today, actually start kahapon lang, wala sana ako prob sa supply ehhh but my baby wont drink my milk. I don't know why. kahit anong pilit ko niluluwa. nasasayangan ako. naipon na mga stash ko. binigay ko na lang kanina sa neighbor namin na bagong panganak . ayaw ni baby bakit kaya ganun.. napilitan tuloy sya mag formula. pwede ba ihalo bm sa formula? baka ganun na lang gawin ko, andami din pula sa face ni baby mag 4 days na.:(

sis moi, thank you sis. may idea ka how much pag heatpress? may nakita ako sa google kanina mushroom lamp, parang like ko yung ganun kahit hindi mushroom basta anything cute na lamp.. sana may makita ako ganun sa divi.

^^sis i-clear mo lang palagi using nasal aspirator.. yan ginagawa ko kay baby sa awa ng diyos di masyado nag develop into sipon talaga.
« Last Edit: September 20, 2012, 10:27:54 pm by slovy »

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #203 on: September 21, 2012, 05:44:30 am »
tiningnan ko yung ilong nya, "medyo" sipon palang. Sana mawala din agad.


Sis sweetsorrow naalala ko may pedia nga pala kaming kapitbahay! Sa kanya ko dinala tong si baby boy nung minsang nagpanic ako sa mga millia nya sa face. Akala ko na kung ano. Si Dra. Abrea ng Clinica Antipolo. Affiliated din sya sa TMC  MWF 10-12 sya sa Clinica pero next monday pa daw yung start ng clinic nya. P.M ko sayo yung number nya, sabihin mo nirefer kita. :)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #204 on: September 21, 2012, 05:45:28 am »
sis slovy san pala nakakabili ng nasal aspirator? magkano yung ganon?

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #205 on: September 21, 2012, 12:11:13 pm »
sis thea pm mo sa akin ha. ako I don't use nasal aspirator, hinihigop ko sipon ni baby!


sis slovy baka your baby nose that you are there. matatalino babies alam nila na nandyan mommies nila kaya hindi talaga sila magbobote

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #206 on: September 21, 2012, 01:21:42 pm »
mura lang nasal aspirator! meron sa mercury at sa SM baby co. pigeon yun binili ko ngayon. yung safety first kasi natitigasan ako sa bulb nya.

sis slovy, wala naman sipon si baby? nag ganyan din ang baby ko sa bm ko, turns out nasira pala sya. ito yun panahon ni habagat. :( ay saka tama si sis sweetsorrow, dapat iba magfeed sa kanya.


johann25

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #207 on: September 21, 2012, 01:50:37 pm »
sis slovy san pala nakakabili ng nasal aspirator? magkano yung ganon?

may less than 100 lang na ganun. may nabili kami sa baby company. pero mas preferred ko yung mahaba at manipis ang nozzle (tama ba yung term ko, basta yung bungad) kasi yung iba maiksi.

may ginamit kami dati nung mejo nahihirapan na si baby huminga dahil sa sipon, salinase (not sure with the spelling hehe) pinatak sa ilong ni baby... numg mejo yellowish na yung sipon at konting ubo na, nag disudrin na kami. ayaw sana talaga namin maggamot muna kaya lang wawa pag nahihirapan dahil sa sipon
« Last Edit: September 21, 2012, 02:05:27 pm by johann25 »

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #208 on: September 21, 2012, 04:48:20 pm »
Hi mga sis.. I'm back... Daming nangyari kasi... my mom got sick.. unconscious sya ng 4 days.. but Thank's God everything's okay.. Kya yung leave kong 2 1/2 na extend ng another 2 weeks.  Kaya 3 months kong nakasama si baby.. then nung Monday lang ako bumalik sa work..  Ang problem ko ngayon? parang kayo... humina milk supply ko.. oh no! di puede! ayoko.. what can i do?  execpt for malunggay cap what else to do to increase milk supply?  suggestions mga sis...

RE vaccine. 3rd dose na namin ng rota this coming Oct. 1 then nakapag 1st dose na din kami ng PCV13... four doses ata yun im not sure... 6k.. kaloka! rota namin 3k.

slovy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #209 on: September 21, 2012, 09:45:53 pm »
sis slovy baka your baby nose that you are there. matatalino babies alam nila na nandyan mommies nila kaya hindi talaga sila magbobote
sis slovy, wala naman sipon si baby? nag ganyan din ang baby ko sa bm ko, turns out nasira pala sya. ito yun panahon ni habagat. :( ay saka tama si sis sweetsorrow, dapat iba magfeed sa kanya.

hi mga sis, matagal ng bottle feed si baby, I think she's a month old pa lang, I introduced her bottles na because of my inverted nipples nahihirapan sya maglatch, hindi sya satisfied, lagi syang fuzzy & cranky. kaya nag bbreastpumping na lang ako. at saka mas prefered din namin kasi to gave her bago I mean yung hindi refrigerated. kasi I experience din before yung me amoy so I stop giving her thawed milk. lagi bago. nagtataka lang talaga ako inayawan nya milk ko, I tried different strategies, changing nippies ng bote, ayaw, ginutom ko din like mga 2 hrs hindi ko binibigyan, sa umpisa dedede pero saglit lang, niluluwa din. parang marunong na sya lumasa mga sis kasi tinikman ko milk ko, matabang. nagtataka lang ako wala naman nabago sa diet ko. up to now tinatry ko palagi kaso ayaw talaga. pero pag formula dumedede sya, tinikman ko s26 medyo manamis tamis so I guess yun ang dahilan. sira ang plano ko until 1 year sana bm. pero I'll keep on trying pa rin baka phase lang to.

***sis wengerts, wala na po sya sipon, last week pa sya nagkaroon at ok pa sya nun sa milk ko. :(
« Last Edit: September 21, 2012, 09:56:02 pm by slovy »

slovy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #210 on: September 21, 2012, 09:54:11 pm »
sis thea if in case wala ka pa ring nabili na nasal aspirator.. this one is my favorite, maganda ang suction kasi, tanggal talaga compared yung sa babyflo na nabibili sa mercury. Meron nito sis sa baby company.


nasal aspirator

***edit to add: sis I forgot lang how much, not sure lang kung lagpas 100 o below 100 basta close lang sis. me iba kulay yan, me baby blue.
« Last Edit: September 21, 2012, 10:00:22 pm by slovy »

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #211 on: September 22, 2012, 05:45:06 pm »
mga sis sorry hindi ko pa kaya mag back read ha...

hindi pantay na boobs - parang i read days ago about this. eto sis ngyayari kapag may preference na boobie na si baby or kayo kung saan sanay. na experience ko din eto dun sa 2nd kid ko, napansin ko na lang nasa church na ako. nakaka hiya sobrang conscious ako nun. sa pagkaka intindi ko sis (not 100% sure), feed more on the bigger boobie not on the smaller one. kasi mas madalas mag feed ang baby daw dun sa smaller boobie not the other way around. in that way mag papantay na raw...

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #212 on: September 24, 2012, 06:12:39 am »
Thanks Sis Slovy, yun pala gamit nyan! akala ko pang pot pot yung sa nagtitinda ng puto ! :) Sana phase lang din nga yang pinagdadaanan ng baby mo. Gusto lang siguro nyang tumikim ng ibang lasa. Pasasaan bat babalik din sya sa lasa ng BM mo :)


Sis M.O.I tama ka nga.  Naalala ko na yung mas malaki yung hindi masyadong fave ni baby boy na boobs, medyo mahaba kasi yung nipple nun eh, kumbasa yung right nipple ni avent classic yung left parang TT :) kaya pala.


medyo guilty din ako sa pagbigay ko kay baby boy ng matamis. Minsan kasi kapag wala pa ako sa bahay nauubos yung milk na nasa fridge nabibigyan tuloy sya ng sugar water.
« Last Edit: September 24, 2012, 06:15:47 am by theathoinkxzs »

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #213 on: September 24, 2012, 06:33:56 am »
Sis slovy, nagkaron ka ba recentyly ng plugged ducts? Nag iiba daw kasi lasa ng bm natin if nagkaron ng plugged ducts or mastitis. Mga 2 weeks yata after gumaling bago bumalik yung same lasa ng bm.

Ako naman ang sick ngayon :(

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #214 on: September 24, 2012, 07:55:36 am »
^get well sis moi.

mommies may ngipin na ba baby niyo? my baby daniel is turning 5 months this 26. lahat ng symptoms na nabasa ko nangyayari kay baby ngayon. grabe magpawis sa ulo doon siguro sumisingaw init niya. color green na mabasa ang poop niya, grabe maglaway, fussy! iiyak nalang bigla sa gabi, rashes sa face, hindi ko makita kung swollen na gums niya ang likot kasi.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #215 on: September 24, 2012, 08:12:24 am »
Pagaling ka M.O.I! :)


Sis sweetsorrow nako parehas si Daniel at si Odin, pawisin, mainit ulo at laway ng laway, ganyang ganyan din. Kaso nga lang yung poops nya kahapon lang dumating after almost 2 days.(namamahay ata hehe) Dun kasi kami nag weekend sa bahay ng dad nya. 

Ngayon yung vaccine ni baby boy tapos punta sya sa clinic later para sa sipon nya na dumarating lang kapag hapon. Nga pala sis ano nacontact mo na si pedia? :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #216 on: September 24, 2012, 09:03:45 am »
sis naghintay din ako 2 days bago siya nagdiarrhea naman. ano number ni dra. abrea? pacheckup ko si daniel today. para masiguro ko na nagngingipin na nga siya. baka kasi hindi.

honeyz4028

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #217 on: September 24, 2012, 11:21:52 am »
hello mga sis!

ang bilis talaga ng araw noh? ang baby ko nag-start na mag-teething at 4 months. now that she is 5 months and 10 days old, ang cute cute niyang tingnan with her two front teeth. hahaha! grabeng mag-laway si elise! nakaka-3 bibs siya sa maghapon. tapos sobrang likot din nya kaya mas payat siyang tingnan ngayon unlike one month ago. thank God, hindi nilalagnat or nagkaka problema sa poop si elise while she's teething. i'm so happy!

tapos na si elise sa rota vaccine niya. thankfully, 2 doses kasi rotarix yung binigay ng pedia niya. tapos 5-in-1 naman siya sa susunod na checkup niya sa october 1st. 3rd dose na nya yata yun.

johann25

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #218 on: September 24, 2012, 12:23:30 pm »
wow naman may ngipin na mga babies nyo =)

kaka 5 months lang ni baby iya ko kahpon, =) hindi ko pa nachecheck kung meron ng nagsisimulang ngipin c iya. wala naman shang lagnat, paglalaway hindi mashdo, madalas lang kinakagat nya yung tsupon ng bote nya.

nagiging mas malikot na din sha, madalas na din ang pagdapa, kasi dati hindi mashado eh. tapos inaangat nya yung pwet nya na parang may aabutin. gusto ata gumapang pero hindi pa nya kaya tapos bigalang iiyak. hehe pag naman nakahiga, tinutulak nya sarili nya pataas hanggang sa malapit ng tumama yung ulo nya sa pader  :o kaya ayun mas nakabantay kami ngayon at madalas may unan sa may ulo
« Last Edit: September 24, 2012, 12:45:41 pm by johann25 »

Ann_2128

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #219 on: September 24, 2012, 12:40:51 pm »
mga sis, binigyan nyo na ba ng water si baby? if nagbigay kayo at what month? baby Shakira will be turning 4 months sa katapusan pero di ko pa na-introduce ang water. di ko pa kasi natanong sa pedia nya. First PCV shot niya sa October, medyo sinisipon nga ang batuta hopefully madala sa salinase

 

Latest Stories

Load More Stories
Close