watch now

Author Topic: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)  (Read 72450 times)

Ann_2128

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #160 on: September 15, 2012, 07:30:38 pm »
Condolence Sis Micci, i hope maka cope up agad ang papa mo. Usually kasi emotional ang mga lalaki, di pinapakita pero mas affected sila.

Anyway, si baby Shakira dumadapa na at 3 mos, di na pwedeng iwan, pag hiniga mo diretso tagilid at dapa. Galing din siya sa sipon at ubo, dinala ko na agad sa pedia nya, kasi may lahi kami ng asthma, baka makuha nya.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #161 on: September 16, 2012, 07:49:41 am »
^ lozada sis hunahawak ng babies...

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #162 on: September 17, 2012, 05:21:35 am »
condolence sa inyo sis micci at m.o.i

ako naman eto inuubo may sipon naman. sana hindi mahawa si babyboy. ,ahilig pa naman mangagat ng face yun baka maubuhan ko kapag naglalambing.

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #163 on: September 17, 2012, 12:44:08 pm »
Sis try mo mag mask
Ako naman eto mag 10days ng may sakit boys ko. Nauna nagkasakit [textspeak!] pangalawa ko then si panganay. Fever sipon and ubo na nag hika si pangalawa. Ngyon si syoti na :( sipon and ubo na buti waa fever :( babalik kami sa pedia ulit haaayz...

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #164 on: September 17, 2012, 01:29:53 pm »
uso talaga ang sakit ano? ang panganay ko, after 2 weeks of getting over ubo and sipon, eto na naman! nagkanda ngarag na ako sa pagpapainom ng gamot sa kanya :( good thing, and i hope i don't jinx it, eh hindi nahahawa si bunso.

saan ang meetup? okay ako kung Makati area haha

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #165 on: September 17, 2012, 11:38:28 pm »
naku panganay ko nagka UTI, kawawa nga eh,matamlay and nangayayat..pinacheck up namin, si bunso naman, eto kagagaling lang sa lagnat kasi sa bakuna nya, tapos ngayon mukang may sinat naman , at mukang nahawa ata sa ate nya..naku...uso nga ang sakit ngayon, pati yung yaya ng baby ko hindi rin nakapasok, di tuloy ako nakapasok ngayon..pero ok lang, mas uunahin ko naman ang mga bata..

sige tignan ko nga lozada sis,

sino ba go sa meet up? kung sa the fort kaya? di masyado crowded yung piazza mall dun..

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #166 on: September 17, 2012, 11:41:56 pm »
mag 5 months na si baby boy ko sa 19, meron naba sa inyo mga kasabay ko, nagstart mag give ng gerber? parang kelan lang mga inip tayo sa pagantay kelan lalabas mga babies, ngayon 5 months na mahigit mga babies natin,,anlalaki na nila agad!


sardonyx

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #167 on: September 17, 2012, 11:45:17 pm »
Oo nga!  We're almost halfway to 1yr old!

Mga sis, have you heard of Hygenie Portable Sterilizer?  Or any tips on how to travel light with baby?

btw, my SIL gave baby 3 pairs of Old Navy onesies with leggings.  pambahay ba ito or pang-alis clothes?
« Last Edit: September 17, 2012, 11:47:22 pm by sardonyx »

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #168 on: September 18, 2012, 12:05:34 am »
kahit ano sis, pasuot mo lang, mabilis lumaki mga babies natin kaya make them cute everyday! hehhehe...

baby ko kahit nasa house lang minsan binibihisan ko ng pang ales, para masuot nya and sulit mga clothes nya lalo na cute pa naman...

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #169 on: September 18, 2012, 06:49:27 am »
Bibili nga ako ng mask, thanks Sis M.O.I.


Sis cassiopeia tama ka ang bilis nga nilang lumaki. Parang kelan lang babyng baby pa sila ngayon hagikgik na ng hagikgik at madami nang ginagawa.  Nasasayangan din ako sa mga damit ni baby na hindi madalas nasusuot, lalo na yung mga pang alis. Tama ka sis, sa tingin ko ipapasuot ko sa kanya yung mga pang alis nya minsan. :)

Nadiscover na ni baby boy ang kanyang toes, so yun naman ang sinasuck nya ngayon. Mas malasa ata kesa sa daliri nya sa kamay haha

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #170 on: September 18, 2012, 08:21:35 am »
Nakaka tuwa naman mga babies... Susunod nyan bday preps naman aasikasuhin at pag uusapan dito.

Meetup /eb - ganito mga sis ok pang ba to ask who is willing to join and kung saan sila located? Para matignan natin kung ilan tayo and kung saan paede meet halfway?

Tips on travel light with baby - sis if you use feeding bottles ang hinagamit ko sa boys ko playtex  a may dropins na disposable then yung nipple/teats wash and warm lang paede na gamitin ulit.
I also use chicco solution to sterilize items like breastpumps para kahit papano nababawasan mabibigat na gamit. Sa crib ang ok yung playpen to go na when u fold it mga 8x8x24 inches na lang.

Sick kids -- uso talaga noh. Ako eto Puyatan mag 2weeks na simula dun sa 2boys ko and ngayon dito kay bunso. From 7kg 6.8kg na lang sya at 3mos20days :( first time bumaba timbang nya. At naka antibiotic na kami. Nakaka awa.

seTHer

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #171 on: September 18, 2012, 10:12:09 am »
went to the doctor kahapon naka antibiotic na din si Hiro ko. Namamaga ata lalamunan sabi ni doc at may ubo't sipon na din. Uso daw ang pneumonia sa mga kaedaran nya  kaya siguro nagreseta ng antibiotic. Ok na daw pakainin ng cerelac cereals kahit magpa 5 mos palang sa 25. Pwede din daw potato or banana basta mashed lang. Haist wag na sana sila magkasakit :(

wengerts

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #172 on: September 18, 2012, 10:55:46 am »
kung ako, i'd go organic/homemade baby food kesa jarred.

if baby can sit, i think pwede na sya mag solids. pero check with your pedia first. ako strict talaga (pero ako to ha hahaha not her pedia) talagang aantayin ko ang 6th month. kahit na pag kumakain kami sa bahay mega titig na si baby.

travelling light - kung bfeeding ka, sure yun travel light! haha! diapers and change of clothes lang. but if you bottle feed, liners are the way to go. like M.O.I i also use Chicco sterilizing solution. i also have Avent Tempo, pero phased out na sya ngayon, good thing i hoarded noon kay panganay hihi

sardonyx

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #173 on: September 18, 2012, 11:00:55 am »
thanks sis m.o.i.!  i've heard about playtex drop-ins.  will try to read more about it. :)

oo nga, mabuti pa ipapasuot ni baby mga pang-alis clothes.  sayang kung nalalakihan agad.

johann25

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #174 on: September 18, 2012, 11:30:17 am »

Nadiscover na ni baby boy ang kanyang toes, so yun naman ang sinasuck nya ngayon. Mas malasa ata kesa sa daliri nya sa kamay haha

haha natawa ako dito sis =D si baby ko lately nya lang nadiscover ang hinlalaki nya, dati kasi halos buong fist. nako, baka nga sunod na yung paa.

madami din sya clothes na hindi masyado nasusuot.. sayang =(

e.b: itatry ko to, pero pag weekends kasi madalas nasa bulacan kami.
      pag makati naman cannot be ako hehe, layo eh, from north pa ko.

patingin na lang ng mga pictures if ever matuloy kayo mga sis
« Last Edit: September 18, 2012, 12:36:35 pm by johann25 »

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #175 on: September 18, 2012, 01:29:12 pm »
natawa din ako. dun nadiscover na yung paa hehe...

kanina pinatry ko na pakainin si baby ng squash, mejo dipa marunong mag lasa, luwa agad hehe..

di pa nakakasit ng magisa si baby, mga mag 5 months na mga babies nakakaupo na ba baby nyo?
dipa kami nakabalik sa pedia for well baby check up, sige mga sis san ba ok na location? sa south kasi ako, pero ok lang sakin sa metro, sino mga go? para lets pm.

johann25

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #176 on: September 18, 2012, 01:39:57 pm »
^ hindi pa rin nakakasit mgisa si baby ko, 5 months na sya sa sunday =) baka sa saturday hahaha
lagi ko pa din sha inaalalayan, d ko lam kung baka masyado lang akong takot



Ann_2128

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #177 on: September 18, 2012, 02:31:48 pm »
Buti si baby Shakira, tapos na sa antibiotic, kaya isisingit ni pedia ang PCV, dapat 5-in 1 muna. May lahi kasi kami ng asthma.

At 3 mos and 15days, ang husay na nyang dumapa. paborito rin nyang i-suck ang thumb nya :)

re damit na pang-alis- may mga nakatabi na akong damit na di na magagamit ni baby, nalakihan na niya

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #178 on: September 19, 2012, 08:03:20 am »
first solid food - - sakin sis i would follow the 6mos. start with veggies like mashed potato. and kelangan one kind lang. hindi pa pwede variety. para kung mag react man sa baby ma i-identify kaagad kung ano yung nakain ni baby. lahiin kasi kami ng allergy and asthma.
kwento ko lang, yung sa eldest ko, since nagkasakit sya (rotavirus) ng 4mos 20days old sya we decided to give him apple sauce noon. he poops 15-20 times in a day kasi and tuloy tuloy talaga. mabuti na lang talaga nun, malakas sya sa hydrite hindi sya na dehydrate. pero nakatulong noon yung apple sauce. now he's 6yrs old, just few mos ago na rule out ko yung isang cause ng skin allergy nya sa face, sa shrimpball pala.

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby due on April, May, June 2012 (thread 5)
« Reply #179 on: September 19, 2012, 02:55:37 pm »
si baby boy hindi pa napapakain ng solids pero minsan sinasuck nya yung saging hahaha akala nya ata dede ng mommy tapos mumunting taho. nalunok naman nya pero hindi pa namin sya pinapakain talaga. parang tikim palang, yung mommy ko kating kati nang pakainin sya. sabi ko kapag 6 months na.

nacocompare kasi si baby dun sa isa nilang inalagaan. sobrang opposite sila ni baby boy. girl yun tapos hindi breastfed tapos at 4 months nakain na sya. at may allergy sya ngayon sa itlog. sabi ko nga pupusta ako sa kanya ng 20  pesos at lalaking walang allergy tong si bagets. sabi ko sa kanya ang taya nya 30 pesos hahahah


kwento ko nga pala na naiwan ko sa shuttle paantipolo yung pump and milk ko kahapon. akala ko hindi ko na makukuha. dahil yung fx na yun eh hindi na mahagilap at yung phone number na binigay sa akin eh hindi naman gumagana. kumontak na ako nang bibilhan ng pump. last minute nagtext sa akin yung isang driver ng shuttle, naisauli na daw! :) thank God.


 Eto kaka linis ko palang at nagpump na din. Kinausap ko na yung pump sabi ko wag na syang mawawala hahaha naiwan ko kasi dahil sa dami kong binili na diaper. :) sale kasi

nako grabeng prayers ko kagabi, hindi na nga ako nakapasok ngayon kasi nga wala talagang milk si baby boy at may ubot sipon din ako. pero pagaling na. concern ko talaga today yung milk ni baby.

Kumakain na ako madalas ng rolled oats eto dumami ang milk.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close