watch now

Author Topic: Sarah Geronimo Thread 2  (Read 155404 times)

quennna

  • Guest
Sarah Geronimo Thread 2
« on: July 30, 2012, 02:48:22 pm »

j a n i z

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #1 on: July 30, 2012, 02:54:39 pm »
nawatch ko na din yun video ng message ng parents ni sarah sa kanya sa SG live. hay.. sobrang sad. kawawa naman si sarah. parang pag ako, d ko kakayanin makita yun anak ko na iiyak dahil sa love sa isang guy at alam kong ako dahilan ng pag-iyak nya. mag give in ako pero i will still guide her. and for sure, sa higpit nila, maganda naman nila napalaki anak nila at mukang d naman sila ipapahiya ni sarah. at sakit isipin na yun taong to, pwede naman maging masaya dahil yun taong mahal nya e mahal sya. pero dahil sa sariling magulang, nasasaktan sya. aminin natin o hindi, ibang happiness ang love for someone's special. hay so sad talaga.   :-[
« Last Edit: July 30, 2012, 02:57:16 pm by j a n i z »

icegayle

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #2 on: July 30, 2012, 03:02:32 pm »
Sana may makapagpost ng video hindi ko kasi napanood

tulips28

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #3 on: July 30, 2012, 03:04:38 pm »
my heart bleeds with sarahG :( how I wish, someone close to her would advice and enlighten her.. I may say, parents may not always be right.. I just hope and pray that her parents would realize that she needs some space from them, and let them feel what such life showbiz has taken from her..

I'm wondering really what her sisterss' sides. They should have somehow help sarahG escape from the "rules" their parents have given her. While watch SGL, how I wish, sarahG could take some time on her own. Sana talaga may kumausap sa mga parents niya to lay low naman sila with SG, she needs love not only from family but from someone else's.

haaay, as SG fan, I am really saddened and affected. I love her and want her to be happy with her own "freedom". And sana some one from her friends will give her courage to seek that freedom she deserves. I'm really wanting na talaga to tweet Ms. Megastar, now is the time for her to meddle (I believe so, she's a mother as well).

sarsingkit

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #4 on: July 30, 2012, 03:14:40 pm »
im not a fan pero i feel sad for Sarah. bibihira na ang guy na manliligaw ng 6 months no. yung mommy mismo at walang tiwala sa pagpapalaki nya kay Sarah. so sad. napakaswerte nga nila with Sarah dahil kahit sya ang breadwinner sa family eh never nya pina-feel nya sa parents nya yun. respected parin nya yung parents nya.

sofiameredith

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #5 on: July 30, 2012, 03:25:25 pm »
patapak....... mommyDivine di ka dapat sa showbiz........... ikaw ang ikakasira ni Sarah!

swiTsuplada

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #6 on: July 30, 2012, 03:39:37 pm »
Gusto pa nila matapos daw si SG sa studies... so pag tinapos niya pa 'yun sabay ng showbiz commitments niya, malamang 45 years old na siya pwede mag-bf.

icegayle

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #7 on: July 30, 2012, 03:44:39 pm »
Kahit naman sino ang kumausap kay Divine kung hindi naman lalaban si Sara ( for her freedom) eh wala din mangyayari. Kay mommy at mommy pa rin sya kakampi. Si Sara mismo ang dapat manindigan at magdesisyon para sa sarili nya at hindi ibang tao.

germaine

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #8 on: July 30, 2012, 03:45:45 pm »
as much as i pity sarah, naiinis ako sa kanya kasi parang willing victim naman sya.

For the parents, kung gusto nilang makatapos yung bata, bakit kaya di muna nila patigilin at yung mga iba nilang anak na pa-Paris Paris ang bumuhay sa kanila.

abby_08

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #9 on: July 30, 2012, 04:15:59 pm »
nakaenroll ata si Sarah sa UP Open University :)

sa kaniya lang naman ganyan ata parents niya yung ibang kapatid na babae ok lang na makipagboyfriend


chacha.12

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #10 on: July 30, 2012, 04:18:18 pm »
bet na bet ko tong tweet ni Bianca G last night; somehow patama to eh:

"failed relationships taught me who i am and how strong i am. blessed to have a family who trusted me to learn that on my own."

Nakakadisappoint man, it's all up to Sarah. sana she'll realize na malaki na sya, responsable kung anuman maging choice nya. Minsan kahit ano namang ingat mo or ng family mo sayo madadapa at madadapa ka di ba mga sis? Ganun talaga. What's important is that you have a family who'll support  you no matter what. Reiterate ko lang ha, "support" not "control"  Dalawa lang naman pinaghuhugutan ng regrets natin sa buhay: mga bagay na nagawa mo or HINDI mo nagawa. alam naman na natin kung ano mas masakit dun.

akireyhoj

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #11 on: July 30, 2012, 04:28:02 pm »
i read sa ibang thread yung sis pala nya nag NY muna bago nagpunta sa paris ano yun until now pinapaaral pa nya? tapos may bf daw yun..

brokenphobia

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #12 on: July 30, 2012, 04:56:49 pm »
hirap kay sarrah ayaw ipaglaban yung nararamdaman nya. tapos pag naka-move on na si lalake (ex. rayver) saka sya nagpapasaring sa mga interviews. hirap kasi, hindi naman pwedeng si ge lang lumalaban. tama na ang pagiging mabuting anak masyado, 24 na sya. siguro naman alam na nya yung mga karapatan nya bilang 'tao'.

yaskulet

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #13 on: July 30, 2012, 05:06:00 pm »
She doesn't know what she's missing. Oh well, goodluck to her.

liana

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #14 on: July 30, 2012, 06:48:07 pm »
as much as i pity sarah, naiinis ako sa kanya kasi parang willing victim naman sya.

For the parents, kung gusto nilang makatapos yung bata, bakit kaya di muna nila patigilin at yung mga iba nilang anak na pa-Paris Paris ang bumuhay sa kanila.

I just saw the video and I agree with you sis, Sarah is a willing victim   :(

Actually naiintindihan ko yung mom nya kasi mommy na din ako pero at the end of the day si Sarah parin ang magdedecide...she's of age na and should learn how to stand up on her own. Hindi sa pinagtatanggol ko si Mommy Divine pero it's as if she even wants to explain eh kaya lang si Sarah ang pumigil which means Sarah is the one who made the decision na di sila ni Gerald para sa isat isa.
« Last Edit: July 30, 2012, 07:19:20 pm by liana »

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #15 on: July 30, 2012, 07:08:11 pm »
uber affacted nga talaga ako while watching SG live kagabi...asar talaga parents ni SG parang wala na sa lugar ang ka-over protectivan...

I'm a mom too and If I'm confident enough on how I raise my kid then I won't worry that much since fully equpped sila ng pagpapalaki ko..yes there are alo of factors in the outside world,eh kaya ka nga nandyan to guide them not to kulong them for your personal interests....then parang pinagmamalaki nila na ganito nila pinalaki si SG,sa ibang anak kaya nila ganun din?...

Asar much din kay SG,di man lang naawa kay GA,may nararamdaman na din naman sya sa batang yun..yes,isa ako sa matatawa if one day eh mapunta sa pinapangarap nilang lalaki si SG,sa isang mayamang hehe

pinklilac

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #16 on: July 30, 2012, 07:15:06 pm »
my gosh! 24 na si sarah.kailan nya i enjoy kabataan? baka gusto ng mommy nya na "life begins at 40" ang i apply ni sarah sa buhay nya.
agree ako sa mga sis dito. dapat  siya ang manindigan dahil nasa tamang edad na siya.

janiena

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #17 on: July 30, 2012, 07:24:37 pm »
.. i hope maka move on na si GA.. hindi worth it ipaglaban ang babaeng walang paninindigan..nasa tamang age na sunod-sunuran pa din.. sana magka GF na kagad sya..tingnan lang natin reaction ni SG.. baka kumanta sya ng "nanghihinayang" . .

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #18 on: July 30, 2012, 07:26:33 pm »
PANINIDIGAN--yun yata ang hindi naituro ng mga magulang nya...

SnowBall

  • Guest
Re: Sarah Geronimo Thread 2
« Reply #19 on: July 30, 2012, 07:31:23 pm »
Meron din akong anak na babae, and hindi ko ma gets ang gusto ng nanay ni sarah for her child, sa totoo lang, sa dinami dami ng perang inaakyat ni Sarah sa pamilya nila, hindi pa ba sapat yun, na i let go na ang anak nila, come on, huwag ng maging selfish, i let go mo ang anak mo.

Ang prayer nga ng mother "Lord, I am not asking an insulated world for my children, for by trials, they will become stronger".

Milking cow na milking cow ang tingin ng magulang ni Sarah sa anak nila, nakakasuka.

Hindi sila natatakot na magkamali si Sarah, at her age, eh ano ngayon kung magkamali? More on nakikita ko, natatakot sila kasi baka mawalan sila ng "ginto".

Hay naku.

At Ikaw naman Sarah, gumising ka, tama na ang pagpapa api mo sa mga magulang mo 25 ka na! It's time na ikaw na mag desisyon para sa sarili mo! Hindi kailangan maging perfect ka, hindi kailangan huwag kang magkamali, parte yan ng buhay, parte yan kung paano ka magiging isang self-fulfilled na tao.

Tsk tsk.




 

Latest Stories

Load More Stories
Close