watch now

Author Topic: baby's monthly weight and length  (Read 96491 times)

iristacey

  • Guest
baby's monthly weight and length
« on: July 29, 2012, 02:24:01 pm »
hi sisses, would you share your baby's weight and length from 0-12months? if possible pati gender and if breastfed or formula fed. thanks.

here's mine:
0mo- 3.3kg, 52cm
1mo- 4.2kg, 55cm
2mo- 5.5kg, 57cm
3mo- 5.8kg, 60cm
4mo- 6.3kg, 63cm
5mo- 6.8kg, 67cm

baby boy and breastfed exclusively.

sana you can also share yours. tia. :)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #1 on: July 31, 2012, 02:34:11 am »
birth-3.4kg, 54cm
1m-4.75kg, 56cm
2m-5.8kg, 60cm
3m-6.7kg, 64cm
4m-7.5kg, 65cm
5m-8.05kg, 68cm
6m-8.5kg, 72cm
7m-9.7kg, 76cm
8m-9.6kg, 79cm
9m-10.6kg, 82cm
sabi ng pedia ng baby ko, matangkad daw siyang baby. yung mga nakakakita din napapagkamalan siyang 1 na, nagugulat pag sinabi kong 9 months pa lang. pero hindi siya mataba, mukha siyang siksik.

baby boy pala siya. EBF until 7 months. ngayon Enfapro A+ na milk niya, i stopped breastfeeding na.

reb_woods072683

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #2 on: July 31, 2012, 04:00:38 am »
nakakainggit anak mo sis, ang baby ko mag 2 years old na 10kgs pa rin. Nakakalungkot, hindi ko na alam gagawin ko. :(

LLLA

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #3 on: July 31, 2012, 04:43:17 am »
Here's mine

0- 2.9 kgs - 49 cm
1m - 4.3 kgs - 53 cm
2m - 6.8 kgs - 55 cm
3m - whopping 8.11 kgs - 61 cm

Waaahhh!!! My baby is gaining too much weight! pang 8mos na weight niya sabi ni Pedia...
Hubs and I are tall daw kasi kaya ang laki ng weight gain ng sanggol namen  ;D
« Last Edit: July 31, 2012, 04:47:41 am by LLLA »

LLLA

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #4 on: July 31, 2012, 04:46:08 am »
nakakainggit anak mo sis, ang baby ko mag 2 years old na 10kgs pa rin. Nakakalungkot, hindi ko na alam gagawin ko. :(

sis ganyan din prob ni SIL. mag 2 yo na son niya next week pero 10kgs palang.
He's comparing him to my son who's 3 months pero 8kgs na   :-\
Are you giving him Vitamins? May mga bata kasing di talaga tabain pero helathy naman....

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #5 on: July 31, 2012, 08:55:30 am »
nakakainggit anak mo sis, ang baby ko mag 2 years old na 10kgs pa rin. Nakakalungkot, hindi ko na alam gagawin ko. :(

naku yung parents ko nga napapayatan pa sa baby ko eh. kasi hinahanap nila yung gatla gatla sa arms and legs na meron yung ibang babies. eh never nagkaron ng ganon baby ko, so feeling nila payat.hehe
hindi ba underweight na yun sis kung 10kg tapos mag2 na siya?

iristacey

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #6 on: July 31, 2012, 09:19:09 am »
^ang tangkad din naman kasi ng baby mo sis kaya siguro walang gatla. hindi lang mass kundi pati bones nila mabigat. nakakatuwa naman. :)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #7 on: July 31, 2012, 02:44:07 pm »
^oo nga sis eh, mana sa mga lolo niya. [textspeak!] father in law ko kasi 6 footer tapos yung papa ko naman 5'10".
kaso sayang mga damit ang bilis mapaglakihan, puro bitin na yung pantalon. saka yung paa, ang laki. d na sya kasya sa mga shoes na soft sole.  :(

iristacey

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #8 on: July 31, 2012, 04:47:20 pm »
^okay lang yan sis. at least matangkad si baby. pwedeng maging future basketball player. :D si baby ko naman di man malaki, okay na din kasi medyo mahaba din. pero wish ko pa din na maging mas mabigat hehe. para kasing super active niya lately, gusto ko sana mas madami siyang madede kaso parang mas gusto niya maglaro sa araw tapos bumabawi na lang ng pagnurse sa gabi.

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #9 on: July 31, 2012, 05:39:14 pm »
^diba sis 5 months pa lang baby mo? kumakain na ba ng solids?

iristacey

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #10 on: July 31, 2012, 08:42:43 pm »
^yup sis, pero panay yung paglalaro. parang bata na talaga tapos parang di naghahanap ng milk lalo kapag nasa office ako. hindi pa kame nagsosolids eh, gusto ko kasi 6months pa. konting tiis pa si baby. pero ready na yung magiging food nya. :)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #11 on: July 31, 2012, 08:49:57 pm »
yung baby ko din 6th month nya nung nagstart siya kumain kaya biglang bigat siya nun eh. basta ang ipakain mo sis mga fresh veggies, wag sana yung cerelac or minsan mo lang siya pakainin nun para sigurado bibigat din si baby mo  :)

reb_woods072683

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #12 on: July 31, 2012, 11:17:17 pm »
sis ganyan din prob ni SIL. mag 2 yo na son niya next week pero 10kgs palang.
He's comparing him to my son who's 3 months pero 8kgs na   :-\
Are you giving him Vitamins? May mga bata kasing di talaga tabain pero helathy naman....

oo sis, Clusivol ang vitamins niya ngayon. Baka nga hindi tabain pero parang napansin nila humahaba daw ang baby ko.

naku yung parents ko nga napapayatan pa sa baby ko eh. kasi hinahanap nila yung gatla gatla sa arms and legs na meron yung ibang babies. eh never nagkaron ng ganon baby ko, so feeling nila payat.hehe
hindi ba underweight na yun sis kung 10kg tapos mag2 na siya?

pagcheck ko sa chart, pasok pa naman siya sa normal (base sa pagkakaintindi ko sa growth chart ah) pero pagtungtong ng 2.1 yrs old, mag underweight na siya. Naiistress ako pag nagpapa check up kame tapos hindi nababago yung weight nya. Malakas naman mag milk. Tapos nakain naman ng solids kahit paano, picky eater nga lang.

iristacey

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #13 on: August 01, 2012, 09:51:10 am »
yung baby ko din 6th month nya nung nagstart siya kumain kaya biglang bigat siya nun eh. basta ang ipakain mo sis mga fresh veggies, wag sana yung cerelac or minsan mo lang siya pakainin nun para sigurado bibigat din si baby mo  :)
oo sis, yan talaga plan ko kasi ayoko talaga magcerelac and gusto ko na ako mismo magprepare ng food niya and magpuree :) nagpagiling na din kasi kame ng brown rice para yun naman ang pinakalugaw niya. ayoko din ng cerelac kasi i've read somewhere na better na yung real food ipastart kay baby para hindi maging picky eater paglaki.

sis reb_woods072683, have you tried changing baby's vitamins? baka lang may mas hiyang sa kanya. yung pamangkin ko dati, was on clusivol pero hindi naman tumaba, but when switched to appebon, mas okay na yung appetite niya and mas bumigat. hindi parin tumaba pero at least mas mabigat siya.

iluvmysoldier

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #14 on: August 01, 2012, 10:30:11 am »
sis reb_woods072683 ano sabi ng pedia ng baby mo? basta sabihin ng pedia mo na ok eh di walang problema. hindi naman kasi lahat ng baby eh tabain diba. baka yun lang talaga body structure niya, pero healthy naman?

aling vitamins ba ang nakakataba? kasi ang vits ng baby ko ceelin, polyviflor at ferlin lang eh. parang walang nakakataba dun. although di naman niya kelangan talaga magpataba kasi magana naman siyang kumain talaga

reb_woods072683

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #15 on: August 02, 2012, 03:04:28 am »
kakapalit lang namin sa clusivol sis. kakaubos palang nung maliit na bote. Hindi naman alarmed yung pedia niya. Sabi lang pakainin ng pakainin. Mabigat naman siya para sa akin ha. Kakabili ko lang kasi ng isang malaking clusivol, pag wala pa rin effect, itry ko nga yang appebon na yan. Sabi din kasi ng pedia niya, hindi agad agad ang weight gain ng baby at matagal tagal daw talaga makikita ang result ng vitamins.

celica

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #16 on: August 04, 2012, 06:15:12 pm »
at birth, 3kg.
after 2 weeks, 3.4kg.
now that he's 1 month old, he's 4.4kg.  :)

mommy_pink

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #17 on: August 06, 2012, 03:10:59 pm »
kakapalit lang namin sa clusivol sis. kakaubos palang nung maliit na bote. Hindi naman alarmed yung pedia niya. Sabi lang pakainin ng pakainin. Mabigat naman siya para sa akin ha. Kakabili ko lang kasi ng isang malaking clusivol, pag wala pa rin effect, itry ko nga yang appebon na yan. Sabi din kasi ng pedia niya, hindi agad agad ang weight gain ng baby at matagal tagal daw talaga makikita ang result ng vitamins.

hi sis, my daughter is 1.8 yrold now, she's 12.2 kg and 92.5 cm.... she's taking clusivol (lusog gana) too, ok naman, sana mahiyangan din ng baby mo, may time lang talaga na... tamad kumain lalo na nahihilig sa laro, saka mas mabagal na talaga yung pag bigat nila compare nun mga maliliit pa sila...tyagaan kami kasi hindi basta basta din kumakain baby ko...lalo na pag tinamad...minsan 1 hour na di pa nakakaubos ng food...madalas pa..iniipon nya sa bibig yung pagkain tas saka nya iluluwa...ang ginagawa ko sa kanya pag ayaw nya ng food or ulam ng breakfast.. or konti or halos wala shang kinain, naglalaga ako ng carrot or kalabasa or patatas..para  may laman chan nya...kasi pag sha sinusunod ko..naku..maglalaro lang yun....may time naman na ok sha kumain magana..

nakaka 4 bottles of milk pa din sha sa 1 araw na tag 9oz. minsan kulang ng konte, minsan sumosobra dun...dati milk ang problem ko sa kanya..tamad mag dede..now solid food naman..pero so far..ok na ok yung bigat at tangkad nya..

last month imbis na madagdagan timbang nya...nabawasan ng .3 ...buti naman now nadagdagan sha .7 

__x_X_x__

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #18 on: August 24, 2012, 09:48:21 am »
NB-3.7kg-- 50cm
1month- 5kg--56cm
1 month & 1 week-6kg

hindi ko pa alam kung gaano sya kahaba na ngayon kasi hindi pa kami nakakabalik sa pedia nya..
hindi ko naman alam kung paano sya sukatin.. haha! timbangan lang meron dito sa bahay  :)



__x_X_x__

  • Guest
Re: baby's monthly weight and length
« Reply #19 on: August 24, 2012, 09:51:34 am »
Here's mine

0- 2.9 kgs - 49 cm
1m - 4.3 kgs - 53 cm
2m - 6.8 kgs - 55 cm
3m - whopping 8.11 kgs - 61 cm

Waaahhh!!! My baby is gaining too much weight! pang 8mos na weight niya sabi ni Pedia...
Hubs and I are tall daw kasi kaya ang laki ng weight gain ng sanggol namen  ;D

Grabe naman ang bigat ng baby mo sis.. nagvvitamins ba sya? yung baby ko kasi hindi niresetahan ng pedia nya ng vitamins kasi pure BF naman daw sya.. gusto ko nga sana i-vitamins kaya lang G6PD deficient kasi sya kaya hindi ko alam ibibigay ko.. hahah!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close