watch now

Author Topic: Widget City Hub  (Read 9193 times)

stormy

  • Guest
Widget City Hub
« on: July 25, 2012, 12:20:03 pm »
Last november nagkaroon ng groupon sa beeconomic ng blackberry playbook. Bumili ako ng isang 16GB na unit after ko basahin yun guideline.

Decemeber ang delivery nung unit na ok lang kasi may ipad 1 at 2 naman kami, gusto ko lang masubukan ang playbook dahil mas maliit naisip ko mas ok dalhin magaan lang sa bag.

Bihira magamit yun playbook kasi hassle pala na wifi lang hindi naman ako mahilig magpunta sa mga wifi hot spots na lugar kaya ipad1 na lang gamit ko.

Nun 1st week of april ayaw na mag-on nun playbook. Binasa ko ulit ang coupon ko at sabi dun may store warranty c/o nun partner merchant ng beeconomic na WIDGET CITY HUB.

Dinala yung unit sa lugar nila sa pedro gil. Kasama ang box, charger etc. Nag-issue sila ng maliit na slip na nakalagay ano ang serial # nun playbook.

After ilang weeks kahit anong tanong e d pa alam ano problema kesyo ganito ganyan, walang tiyak na sagot. Hanggang bigla sumagot sa akin na baterya raw ang problema. 800 pesos raw ang gastos tapos tinanong kung i-go na raw ba.

E dahil palpak sila magsasagot siniguro ko muna kung yun nga ang sira. Sure daw sabi nun katext ko na ayaw magbigay ng name. Tapos sabi nya "maam inyo itong may screen protector d ba?"

Susmio yun lang palatandaan nila? Ganun ang pag-track/monitor nila sa units for repair??

Sabi ko "oo at may box yan kasama at charger, yan ba yun?"

Sumagot oo raw, i-go na raw ba ang pagrepair.

E hindi ako mapakali so kinuha ko kopya ko ng serial # at tinext ko.

After a while sumagot na hindi daw pala yun ang playbook ko. Lumusot pa na kesyo 3 playbooks daw kasi ang nandun.

So wala na naman ano. Ilang weeks na naman ako inignore kasi every friday lang naman ako magtext, considerate naman ako kahit makulit. Binibigyan ko sila na 1 week para sumagot.

Nung wala ng maisagot sa akin, sabi e d daw nya trabaho yun  nun tao na sumasagot sa # na tinitext ko 09054000733.

Nung umabot na ng 2 months nagalit na ako, kasi d ko iniexpect na alamin lang ano ang sira e aabot ng ganun katagal.

Dun na nagsimula ignore-in text messages ko. Dati e after ilang kulit e naaawa pa at sumasagot. This time wala ng sagot2x. Minsan nagkapuso siguro nagbigay ng bagong # yun raw ang tanungin ko 09175423438.

Isa pa rin walang kwenta. D rin sumasagot.

Sumagot sa akin after ilang weeks na pag-ignore ang sabi "motherboard ang sira d ba nasabi sa inyo?"

Kapal ng mukha lang.

Tapos sasabihin wala magawa kasi d available ang motherboard. So naghintay ako ng 3 months sa wala. Sabi na lang nun sunday na ipull out ko na (ngayon) lang.

Kanina ni d hinarap yun pinapunta ko na sya rin nagdala ng playbook nun apr24.

Unit lang ang binalik.

Ang box, charger atbp wala. Kesyo protocol raw nila na pag for repair hindi iaccept ang box. So ano yun? Bakit inaccept nun tao tapos ngayon idedeny nila na tinanggap kesyo d raw nila pag iinteresan.

Ang yabang pa ng kausap ko. Ako raw ang d nakakaintindi may protocol raw sila.

Talaga protocol? Alam kaya nila definition ng protocol? Sa ganito may protocol sila pero sa warranty, sa paghandle ng updates at customer service wala silang protocol na sinusunod?

Pati pagsabi ano sira d muna icheck ang serial # bago ako singilin para palitan ang baterya, yan ang sinasabi nyang widget city na protocol?

Alam ko marami sa atin naloloko pero hinahayaan na lang natin kasi masakit lang sa dibdib, lalo na ako na may heart failure na condition.

Babala na lang mga sis, wag kayo padala sa eklat ng online store na ito. Ang tagal ko ng bumibili ng gadgets sa online stores pero itong isang ito hanggang sa pagbebenta lang magaling.
Nakakaloko na pag defective ang item na binenta.

« Last Edit: July 25, 2012, 12:31:34 pm by stormy »

pinkpotato

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #1 on: July 25, 2012, 03:37:53 pm »
na stress ako. promise.

kung ako iiyak na lang ako. :(

ano pwedeng gawin sa ganitong klaseng mga tao at kompanya?

evilwoman

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #2 on: July 25, 2012, 04:24:32 pm »
^ isumbong sa DTI sana pero sa experience ko sa pagrereklamo sa mga ganyang ahensya wala naman mangyayari komo nobody lang ako.

naisip ko pwede siguro ipabaranggay yang mga yan. defective na nga ang tindang produkto e nagawa pang magnakaw.

stormy

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #3 on: July 25, 2012, 04:40:52 pm »
^^may paglalagyan rin mga ganyang klaseng kompanya sis. Hindi naman basta basta papalagpasin yang ginawa nila.

^wala naman ngipin ang batas natin sis. Nagkakangipin lang pag mga malalaking tao ang nababangga.

Mga kakapalan ng mukha na alibis nyang widget city hub:

1. Hindi raw nila trabaho yun (so kanino akin?)

2. Out daw sya (fri ito) so pagka-monday daw iprioritize nya. 2 weeks nakalipas wala ni ha ni ho


3. Bago lang raw nya hawak yung mga sa for repair kaya baka daw nagka backlog nagkaproblema raw sila. Pero kanina todo sabi na may protocol sila na sure sya na wala at d inaccept ang box, charger, manual etc kapag for repair. Akala ko ba bago ka sa area na yan kaya wala kang alam na 3 months na yang playbook sa widget city.

Mas matagal pa nag-natengga sa kanila yun playbook kaysa sa nagamit e.

Kaya pala nun marso may sinungitan sa FB kasi may nagpa-follow up re: playbook kasi siguro iniignore rin. Ka-as if sa facebook account nila, akala mo sinong mga customer-oriented na tao. Sa benta siguro, oo. Pag tapos na ang benta wala na.

Eto pa, tinanong pa if thru voucher ko binili. Sabi ko oo, at if it matters.

Ano yun? Lemon ang binigay nila sa mga bumili thru groupon? Hindi raw. Para raw matrack nila. Ano raw? Wala naman silang aksyon so anong ita-track nila?

« Last Edit: July 25, 2012, 05:05:50 pm by stormy »

Marshmallow

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #4 on: August 08, 2012, 02:39:11 am »
Rar! Nakakabwiset! Siguro kung ako yan sumabog na ako >:-(

agape

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #5 on: November 23, 2012, 12:47:08 am »
Sometimes, I feel/think that electronics sold through online deals sell defective items, probably on purpose.

evilwoman

  • Guest
Re: Widget City Hub
« Reply #6 on: November 23, 2012, 08:51:46 am »
^ pwede tapos pag obvious na defective ang mali nila, store credit lang ang iooffer. as if naman gugustuhin pang umulit ng bili sa kanila.  ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close