Sisters, napansin ko lang yung mga minention nyo na weakness ng mga asawa and bf, or live in partners, halos pare pareho. Na-notice ko din yan sa fiance ko, pero mapagmahal at maalaga naman talaga sya, no contest, pero yung mga by the book romantic gestures, bihira talaga yan, haha in fact tayo lang ata babae halos nakakaalam ng mga yan, or ibang lalake na napapaligiran ng babae kaya aware sila or masyado nanunuod ng telenovela and chix flicks.
Sa start talaga iba sila pag ligawan parts, as time goes by kampante na, napansin ko yan sa lahat ng relationships ko, baligtad usually patter, sa start tayo iwiwin nila by their grand gestures tayo naman pakipot, habang tumatagal tayo na fa fall deeply in love, effort ispice up relasyon sila naman chillax na, hehe.
I guess, konting tampo, usap, emote, maayos pa yan. Di naman talaga forever eh sweet kayo, at in love darating sa point na companionship and love na talaga, sa tagal ba naman. So voice out nalang natin. Tuloy lang sa effort, pag napagod tayo, try natin itigil Im sure mapapansin nila yun.
Minsan paandaran natin ng MIA, tapos mag spa or salon time tayo, magpa miss kumbaga. Wag agad susuko. Lahat ng tao meron at merong flaws, ok nako sa boring marriage kesa sa bugbugin ako or babaero.