watch now

Author Topic: Trying to Conceive 6  (Read 101128 times)

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #420 on: July 26, 2012, 09:26:50 am »
christinep_111187: dami ko talaga natutunan dito sa thread na to, buti nalang andyan kayo sis! try ko din kaya milk nalang muna huhu  :( sana kayanin ko rin..anmum ba sis maganda? sabi kase nung isang sis natin here eh maganda daw yun di ba? 



bloodymaria: you can never tell sis, malay mo basta doble ingat ka na, kase di mo pa naman alam di ba? buti na yung sigurado  ;)

Madelskie

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #421 on: July 26, 2012, 09:38:16 am »
Good morning mga sis!

Sis dhadha18, wala akong EWCM nung fertile days ko pero nagconceive ako. Meron yun sa loob hindi lang daw lumalabas, pero importante pag release ni hubby present yun sa cervix natin kasi protection yun ng mga spermies. Yung watery discharge, fertile din yun. Most fertile ka pag may EWCM :) May tapon pa rin naman talaga sis. Yung semen yung tumatapon, humihiwalay na kasi yung spermies once nagrelease si hubby. Pero pag significant na yung dami, may possibility talaga na hindi sila naka-swim. Hope it helps sis :)

christinep_111187

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #422 on: July 26, 2012, 09:43:04 am »
mllapina - ako din naman sis! madami natutunan dito. plan ko nga mag milk sis eh para diet na din sa gabi. OO nga noh? buti pinaalala mo sis! makabili nga ng anmum mamaya :) nabasa ko nga dito sis, maganda daw yun :)

Madelskie- hi sis! thanks sa pag bisita. ang dami ko natutunan sayo :) TY :D Enjoy your pregnancy! Godbless ;)

Seig_abi

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #423 on: July 26, 2012, 10:05:39 am »
Ako din daming natutunan mga sissies!
Binigyan ako ng OB ko ng OVAMit. Anybody who has taken OVAMIT before? 

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #424 on: July 26, 2012, 10:32:30 am »
Madelskie: thanks sis sa pagbisita mo sa thread kahit na preggy ka na, dami namin natutunan sayo. sis sa 2WW mo ba anong early symtomps ang nararamdaman mo na, i mean yung medyo iba sa ordinary PMS signs. kasi ako before sabi elevated BBT daw from ovulation till na mag peperiod ka na, means pregnant ka na daw..pero wala din naman. then na experience mo din ba yung Implantation bleeding? lahat ba kelangan meron nun para malaman na may implantation na nangyari sayo? last fertile ko wala naman ako nakita CM na mala egg white, watery discharges lang..same lang ba yun sis? nice to know na you're really willing to listen and help those TTC here  :D thanks


christinep_111187: oo nga sis, kaso di naman ako umiinom ng milk, pwede kaya yung ibang flavor ng anmum? para makadiet narin ano? hehe  :)


Seig_abi: hello sis, me before..i took ovamit for 5days din yata..parang 2 years ago na sis kase nagbago na ako ng OB eh..then nag clomid din ako after..but both failed..malay mo maging successful sayo  :)

msharapova11

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #425 on: July 26, 2012, 10:49:43 am »
goodmorning ttc sisses.

im on cd39 now no AF still.napuyat ako dahil nangangasim sikmura ko around 3am.i was almost sure this could be it kaya i was asking hubby uf we can buy PT sa mercury. e he has early meeting. i think i will just have to wait again tomorrow morning to test. or maybe later.mataas padin ba hcg level kahit lunchtime?baka kasi masayang lang if maling method then i have to repeat again just to be sure namamahalan pa mandin ako sa medic.hehe

sana maka bfp n tayo lahat at ng mapromote na tayo sa ibang thread.hehe


super_inLove

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #426 on: July 26, 2012, 10:54:03 am »
Pa-join mga sis! ;) I've been a lurker of this thread for a while na din.

I just got married April last year and our plan ni hubby is baby asap. Irregular ang mens ko pero hindi ko expect na matatagalan/mahihirapan pala ko magbuntis. Nitong January nagdecide na ko magpawork up. Kaya lang hanggang ngayon wala pa din at hindi pa rin regular ang mens ko. :( Naka 4 cycle na ko ng ovamit at duphaston but sad to say laging BFN, hindi nagrespond body ko sa ovamit. Kaya last month pinastop muna ako ng ob ko sa meds except folic acid (folart). After namin magpunta sa ob ko nun sobrang depress ako, hindi ko maiwasan na hindi mainggit sa mga kasabayan kong magpapacheck-up na buntis. Naisip ko nun, sana ako din mapreggy na. Gustong gusto na talaga namin magkababy. Palagi akong naiiyak sa tuwing matutulog na kami ni hubby pero syempre hindi ko pinapahalata. Nalulungkot din ako pagtinatanong ako ng lola ni DH kung meron na daw ba pag sinasagot ko ng wala pa kung ano-ano na sasabihin.  >:( Kaya minsan ayoko munang umuwi sa province nila. Gusto ko umuwi dun pag may baby na kami. Hay, sana maintindihan ng ibang tao kung ano nararamdaman nating mga TTC couples.

Good thing I found this thread, pag nadedepress ako nagbabasa nalang ako ng stories nyo. Feeling ko nakahanap ako ng karamay. :) Anyway, gusto ko ng magpalit ng ob si Dra. Go-Julio. Mukhang madami dito sa GT sa kanya nagpapawork-up. Sana sa Saturday makavisit na ko sa kanya.

Sis dhee-dhee taga Tayuman ka pala, dito rin kami ngayon sa Tayuman nakatira ng hubby ko. Baka magkapit-bahay pa tayo hehe..




May God bless all of us with the babies that our hearts desire.  ;)

bloodymaria

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #427 on: July 26, 2012, 11:40:20 am »
@ sis Dhee-Dhee & sis mllapina

ahahaha! umaasa talaga ako. feeling ko ngaun na parang BFP ako or may AF, ewan. nalilito ako. kakastart pa din kasi ng workup namin. 

@ sis super_inLove

Welcome, sis!

@ sis msharapova11

sana BFP na nga yan sis. buy na din ako PT maya. sana hindi madami tao dun sa mercury drug kasi nag iinasim ako dun kahapon sa dami ng tao.

@ sis Madelskie

kumusta sis? parang naging excited na din ako sa baby mo.  :)


babyhoney

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #428 on: July 26, 2012, 11:55:26 am »
hi mga sis..sori di muna ko backread medyo masama pakiramdam ko at nahihilo ngayon, baka dahil sa injury ko,

update ko lang kayo cd20 ako now..may mild cramping na lang at may parang lotion discharge when i woke up this morning...super super sore boobs na ko ngayon plus bloated na...yun pa lang naman parang gusto ko ng magpt mamaya, papabili ako kay hubby paguwi niya...feeling ko kasi ito na yun! first time kasing labas ang mga pms symptoms ko as early as cd15, usually kasi mga cd30+ ako kapag nakakafeel ng pms symptoms or more...feeling ko kasi i ovulated early...keeping my hopes up kasi ang lakas ng feeling ko, sana wag ako madisappoint...

babyhoney

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #429 on: July 26, 2012, 12:18:50 pm »
^ thanks sis sana nga... pero pwede na ba magtest as early as cd20 i dont know kung ilang dpo bga lang :(

wannabepreggy

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #430 on: July 26, 2012, 12:26:58 pm »
hi sisses!

bad news, AF arrived last night at CD28  :-X. super aga nga eh, so far ito earliest cycle ko as far as i can remember..di ko inexpect, kala ko mga sunday or next week pa. same talaga symptoms ng PMS at preggy. ang konswelo ko na lang is di na ko mag aantay at mag expect ng bfp, saka di na sumasakit ulo ko tapos slight menstrual cramps lang ako ngayon saka super light pa ng period ko. para ngang di na lalakas. pag tinopak ako, mag tetest din ako, malay kung implantation bleeding ito (hahaha, umaasa pa din pala, that's the spirit)

well, time to backread again. sana me bfp na sa inyo. congrats  ;)

ivy u.

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #431 on: July 26, 2012, 12:32:03 pm »
hi sis Dhee-Dhee, thank you..
 grabe sumakit na mata ko kakabasa..at least may natutunan ako sa mga sis dito.. :)


cagegurl

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #432 on: July 26, 2012, 12:41:48 pm »
welcome dito sa ttc thread sa mga bago. di na ako makapag backread. hehe

christinep_111187, magkano pala kay dr tan sis?

Seig_abi, ako sis nagtake ako ng ovamit last year pero di ako nagoovulate. inabot na ako ng 3x a day. baka naman ok sayo. goodluck!

msharapova11, sana yan na nga yan sis. balitaan mo kami. :)

super_inLove, hi sis! welcome sa thread. wag mo nalang pansinin yung sinasabi nila. ngitian mo nalang. hehe


bloodymaria and babyhoney, goodluck sa inyo. :)

wannabepreggy, next cycle ulit sis. wag mawalan ng pagasa.

ivy u., ako din sis dami natutunan dito. di man ako sumasagot minsan nagbabasa parin naman ako ng mga usapan nyo. hehe

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #433 on: July 26, 2012, 12:50:59 pm »
Dhee-Dhee: its nice knowing na may hubby tayo na understanding and maalaga diba? sana nga maging worth it ang pag aalaga nila saten at mabigyan na natin sila ng beautiful gift... :)


bloodymaria: sis di naman masama umasa no? basta samahan lang ntn ng prayers at magiging succesful yan.


babyhoney: wow sis!!  :) go na yan!! gudlak! let us know ha update mo kami  :) ilang DPO ka na ba sis? alam ko para mas tama ang result e wait mo daw yung next na period mo, then count ka 5days pa, pag wala ka parin, then PT ka na.pero sa nabasa ko sa isang website, after implantation, pede na daw magPT (am not sure)


wannabepreggy ok lang yan sis! may next cycle pa naman..but try mo parin PT, wala naman masama  ;)






marsh_candy

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #434 on: July 26, 2012, 12:55:37 pm »
wannabepreggy, sis.. ka-cycle pa naman kita.. CD29 ako today. Ok lang sis, madami pang cycles.

ivy u, welcome sa thread sis.. yep, madami ka matutunan dito at yung friendship na nabuo din dito..

bloodymaria and babyhoney, goodluck din sa inyo sis!

msharapova11, i'll pray for you sis, sana bfp na, balitaan mo kami ha.

Dhee-Dhee, magkasing lapit lang tayo sis, CD29 ako.. ganyan din symptoms ko.. eh monthly lagi namang ganyan hehe.. sana nga bfp na tayo.

babyhoney, always tc sis. Sana tuloy-tuloy na sa bfp yan.

super_inLove, sis nagpa-FM ka din ba? makikita naman kung nagre-respond yung ovamit mo dun. Tuloy pa rin sis, laging may pag-asa.. basta sabayan lang ng prayers.

CD29 nako.. in 2-4 days time, due na ni af. I am hoping for this cycle dahil sa clomid, sana as in sana talaga. Symptoms, yun pa rin, sobrang init ng pakiramdam ko, mga kamay ko, parang ang bigat ng balakang ko, di ko alam kung sa init ng pakiramdam, pero andun pa rin yung pinaka-AF symptom na parang magkakadysmenorrhea ako (1st day).. hayy.. sana sana!

ivy u.

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #435 on: July 26, 2012, 12:56:21 pm »
^hi sis! oo, dami talaga matututunan dito.. kaya lalo akong naaadik sa GT. :D

 ;D

@cagegurl, ahayyy..goodluck sa ating lahat...

ivy u.

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #436 on: July 26, 2012, 01:01:36 pm »
wannabepreggy, sis.. ka-cycle pa naman kita.. CD29 ako today. Ok lang sis, madami pang cycles.

ivy u, welcome sa thread sis.. yep, madami ka matutunan dito at yung friendship na nabuo din dito..

bloodymaria and babyhoney, goodluck din sa inyo sis!

msharapova11, i'll pray for you sis, sana bfp na, balitaan mo kami ha.

Dhee-Dhee, magkasing lapit lang tayo sis, CD29 ako.. ganyan din symptoms ko.. eh monthly lagi namang ganyan hehe.. sana nga bfp na tayo.

babyhoney, always tc sis. Sana tuloy-tuloy na sa bfp yan.

super_inLove, sis nagpa-FM ka din ba? makikita naman kung nagre-respond yung ovamit mo dun. Tuloy pa rin sis, laging may pag-asa.. basta sabayan lang ng prayers.

CD29 nako.. in 2-4 days time, due na ni af. I am hoping for this cycle dahil sa clomid, sana as in sana talaga. Symptoms, yun pa rin, sobrang init ng pakiramdam ko, mga kamay ko, parang ang bigat ng balakang ko, di ko alam kung sa init ng pakiramdam, pero andun pa rin yung pinaka-AF symptom na parang magkakadysmenorrhea ako (1st day).. hayy.. sana sana!

thanks sis! at least may nagpapalakas na ng loob ko pag halos umiiyak nako sa lungkot pag nandyan ma si MP.

eugenetsucayan

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #437 on: July 26, 2012, 01:25:08 pm »
Hi mga sis! Update lang.. CD22 today. There's mild cramps and skin breakouts. Sana implantation cramps na nga tong nararamdaman ko.. 1 more week before due si AF. Sana hindi na magpakita. Di na ko masyado nageexpect. Ayoko na rin maniwala sa mga possible symptoms na nararamdaman ko.. pag di na lang talaga nagpakita si AF, don na lang ako maniniwala. hehe.. nakakapraning kasi katawan natin eh.. para bang nakakaloko na..hahaha.. pero nagiingat din ako. Wala naman kasi imposible eh, anytime pwede dumating si baby.

@ivy u -- sis, ok lang masad, we know how you feel. Isipin mo na lang di ka nagiisa, and isipin mo na lang darating din si baby. Hinahanda lang tayo ni God. :)

Goodluck satin lahat mga sis! kapit kamay tayong pumila kay God :)


ivy u.

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #438 on: July 26, 2012, 01:35:17 pm »
sis eugenetsucayan,
         oo nga po, salamat. :)
     nakakatuwa nga kasi ibang sisses natin very positive talaga..kaya masaya ko may thread na ganito..

bukas start na BD namin up to july 31, sana mabuo na..


thank you lord!

Madelskie

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #439 on: July 26, 2012, 01:43:14 pm »
Sis christinep_111187, salamat sis! Tiyaga lang and soon makaka-BFP na din kayo :)

Sis mllapina, wala akong implantation bleeding sis, cramps meron. Nasa work pa ko non, never ko yun naramdaman pag magkakaperiod ako, and a week before ko nalaman na preggy ako, umihi ako then pag-wipe ko merong brownish discharge pero wala naman sa underwear ko. For the symptoms sis, mahirap talaga cyang i-distinguish versus PMS. Halos parehong-pareho lang ng nararamdaman ko when AF is coming. Na-notice ko lang, 3 days before ako nagpositive sa PT, nakakatulog ako sa sasakyan papuntang work, to think ng 15-20 minutes lang kayo, power nap ito. As in antok na antok ako. Usually din nagccrave ako for sweets and chips, pero that time ayoko. Pero yung lower back pain and cramps, sore boobs, headache, discharges present yun lahat, pareho pag PMS. Sa CM naman sis, kapag may watery discharge ka, considered fertile ka na non. 1 week before expected ovulation nagka-ewcm ako, pero during ovulation, watery discharges na lang :) So it's possible pa rin to get preggy without the ewcm :)

Sis bloodymaria, thanks sis, I'm doing fine. Going 8 weeks na ko, baby is very fine. Actually tuwang tuwa si OB kasi ahead kami ng ilang days sa supposed to be size nya. We also saw na baby's heartbeat. Halos maiyak ako nung makita ko, it's really amazing how a little creature is growing inside your tummy. :)

Hold on sisses. Stay healthy, always be positive, deadma na lang sa mga mapanlait, may GT na handang magcomfort sa inyo, and most of all, loads of prayers. God listens :)

Baby dust! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close